Share

Chapter 3

Author: Moon
last update publish date: 2026-04-15 05:26:14

Pagdating ni Michael sa labas ng gate ay halos mapatigil siya sa nakita.

Naglalagablab ang apoy sa harap ng mansion. Nasusunog ang mga kahon na kanina lamang ay puno ng mamahaling damit, alahas, at mga larawan. Umaakyat ang makapal na usok sa himpapawid habang patuloy na nilalamon ng apoy ang lahat.

Nakita niya ang larawan nilang mag-asawa na unti-unting natutunaw sa init.

Ang wedding photo.

Ang picture kung saan nakangiti silang dalawa, puno ng pangako at pagmamahal.

Ngayon, nagiging abo na lamang iyon.

“Sir, papatayin po ba natin ang apoy?” nag-aalalang tanong ng isa sa mga katulong.

Hindi agad nakasagot si Michael. Para siyang natulala habang nakatingin sa nagliliyab na apoy. Hindi niya maintindihan kung bakit may kakaibang kurot sa dibdib niya.

Galit ba iyon? O pagsisisi?

Maya-maya ay sumunod sa kanya ang mga magulang niya, pati ang magulang ni Samantha. Lumabas din si Sabrina, hawak pa rin ang kamay ni Sophie.

Napasinghap si Mrs. Reyes nang makita ang apoy. “Oh my God… those are expensive things!”

Ngunit hindi iyon ang iniisip ni Michael. Napansin niya ang isang bagay na nasusunog sa gitna ng apoy. Isang maliit na photo album. Album ng anak nila. Bigla siyang nakaramdam ng kakaibang kaba.

“Stop the fire,” utos niya sa mahinang boses.

Agad namang kumilos ang mga katulong, kumuha ng tubig at fire extinguisher upang patayin ang apoy. Ngunit huli na. Halos abo na ang karamihan sa mga gamit. Tumahimik ang lahat habang pinagmamasdan ang natitirang usok. Para bang may isang yugto ng buhay na tuluyang natapos.

—----------

Samantala, sa loob ng taxi.

Tahimik na nakaupo si Samantha sa likod, nakatingin lamang sa bintana. Unti-unting lumalayo ang mansion. Ang bahay na minsan niyang tinawag na tahanan. Ang lugar kung saan niya ibinigay ang lahat ng pagmamahal, oras, at sarili. Ngunit wala siyang natanggap pabalik, kundi ang pasakit at pagtataksil ng mga taong minahal niy. Hindi niya napigilang mapapikit at sa sandaling iyon, bumuhos ang mga luha sa kanyang pisngi.

Tahimik.

Walang hikbi.

Walang sigaw.

Parang ubos na ang lahat ng emosyon niya.

“Ma’am, saan po tayo pupunta?” maingat na tanong ng taxi driver.

Sandaling natahimik si Samantha. Hindi niya alam.

Wala na siyang bahay. Wala na siyang pamilya. Wala na siyang matatakbuhan. Napahawak siya sa dibdib nang maramdaman ang pamilyar na kirot.

Mahina.

Ngunit matalim.

Huminga siya nang malalim at pilit na pinakalma ang sarili.

“Sa pinakamalapit na hotel,” mahina niyang sagot. Hangga’t hindi pa natatapos ang divorce kailangan niya munang manatili. Plano niyang magpakalayo manirahan sa isa ng probinsya. Gusto niya ng payapa at tahimik na lugar.

“Opo, ma’am.”

Muling bumalik ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Sa labas ng bintana, patuloy ang paggalaw ng lungsod mga ilaw, mga tao, mga sasakyan.

Habang ang buhay niya ay tila huminto.

—------

Sa loob naman ng mansion, nakatayo pa rin si Michael sa harap ng gate.

Nakatingin sa mga abo ng sunog na gamit. Tahimik lamang siya habang nakatingin sa isang bagay ang wedding photo nila.

Hindi niya inaasahan na gagawin iyon ni Samantha. Na susunugin nito ang lahat. Na iiwan nito ang lahat kahit ang sarili niyang anak. Ang akala niya ay hindi papayag ang asawa sa divorce. Hindi niya inasahan na papayag ito at pati custody kay Sophie ay isinuko nito.

Hindi niya maiwasang makaramdam ng inis at galit kay Samanth. Dahil ang bilis siya nitong sukuan.

‘Babalik ka rin.’ Mahina niyang sambit sa kanyang isipan.

Biglang may naramdaman siyang maliit na kamay na humawak sa kanya.

Napalingon siya.

Si Sophie.

“Daddy…” mahina nitong tawag.

“Ano iyon, baby?” sagot niya.

Nag-alangan ang bata bago nagsalita. “Babalik pa ba si Mommy?”

Napahinto si Michael.Hindi niya agad nasagot ang tanong. Sa unang pagkakataon, nakaramdam siya ng kakaibang takot. Takot na baka hindi na bumalik si Samantha at sa sandaling iyon, parang may kung anong bumigat sa dibdib niya.

—--------

Samantala, sa loob ng taxi, napatingin si Samantha sa salamin. Namumugto ang mata, maputla ang mukha at bakas ang matinding pagod. Unti-unti niyang ipinikit ang mga mata at sa gitna ng katahimikan, gumawa siya ng isang pangako sa sarili.

—-----------------

Pagpasok ni Samantha sa loob ng hotel room, agad niyang isinara ang pinto.

Binati siya ng katahimikan. Walang sigaw. Walang paninisi. Walang taong magtatanong kung okay lang ba siya.

Napangiti naman siya ng mapait ng maalalang wala naman pa lang pakialam sa kanya ang mga taong ‘yun.

Unti-unti siyang naglakad papunta sa kama at doon naupo. Mahigpit niyang hinawakan ang maleta, ang nag-iisang bagay na natira sa kanya.

At sa sandaling iyon, tuluyan na siyang napaiyak.

Tahimik at tanging luha lamang ang tuloy-tuloy na bumabagsak sa pisngi niya.

Naalala niya ang lahat ang pagtataksil ng asawa, ang pagtataboy sa kanya palabas ng bahay, at ang mismong anak niya na tinawag na “Mommy” ang kapatid niya.

Napapikit siya.

Masakit.

Napakasakit.

Ngunit sa gitna ng sakit, may unti-unting nabubuo sa loob niya.

Hindi galit.

Hindi paghihiganti.

Kundi isang desisyon. Dahan-dahan niyang pinunasan ang luha niya.

Huminga siya nang malalim.

At sa unang pagkakataon mula nang mangyari ang lahat, naging malinaw ang isip niya.

“Enough…” mahina niyang bulong sa sarili.

Hindi na siya babalik. Hinding hindi siya magmamakaawa at hindi na maghahabol pa. Kung ayaw sa kanya ng asawa at anak ay siya mismo ang lalayo.

—----

Kinabukasan.

Maagang nagising si Samantha. Hindi na siya umiyak. Hindi na rin siya nagdalawang-isip.

Tahimik siyang nag-ayos ng sarili simple ngunit maayos ang suot, tuwid ang likod, at malamig ang ekspresyon.

Parang ibang tao. Parang mas matapang. Paglabas niya ng hotel, agad siyang sumakay ng taxi.

“Sa law firm po,” direkta niyang sabi sa driver.

“Opo, ma’am.”

Habang tumatakbo ang sasakyan, nakatingin lamang siya sa labas ng bintana.

Wala nang luha. Wala nang pag-aalinlangan. Tanging determinasyon na lang ang natitira.

—------

Pagdating sa law office, agad siyang sinalubong ng secretary.

“Good morning, ma’am. May appointment po ba kayo?”

Tumango si Samantha. “Yes. I need to file for divorce.”

Sandaling natigilan ang secretary sa diretsahang sagot niya.

“Please have a seat, ma’am. I’ll call Attorney Cruz.”

Ilang minuto lang ang lumipas ay lumabas ang abogado.

“Mrs. Reyes,” bati nito.

“Please come in.”

Pumasok siya sa loob ng opisina at umupo sa harap ng mesa. Diretso ang tingin niya. Hindi na nanginginig. Hindi nag-aalinlangan.

“What can I do for you?” tanong ng abogado.

Huminga nang malalim si Samantha bago nagsalita.

“I want to finalize my divorce.”

Napakunot ang noo ng abogado. “As soon as possible.”

Tumango ito. “We can process it, but it may take time—”

Hindi siya nagpatuloy. Bigla siyang nagsalita.

“I don’t care how much it costs.”

Tahimik ang opisina. Nakatitig lamang ang abogado sa kanya.

“I’m willing to pay any amount,” dagdag niya. May pera siya sarili niyang savings.

“Just make sure it ends immediately. If it’s possible I want it today.”

Malinaw.

Matigas.

Walang emosyon.

Para bang tinatapos na lamang niya ang isang kontrata.

“Are you certain about this?” tanong ng abogado.

Hindi siya nag-isip. “Yes.”

Sandaling natahimik ang abogado bago tumango.

“Then we will prepare the papers today.”

Huminga nang malalim si Samantha.

Pakiramdam niya ay may mabigat na bagay na unti-unting nabawasan sa dibdib niya.

Hindi pa siya malaya.

Ngunit papunta na siya roon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Ceo's Dying Bride   Chapter 7

    Chapter 7“Marry me.” Naibuga ko naman ang iniinom kung kape dahil sa sinabi niya. Ilang beses din akong napakurap at baka hindi nagkamali lang ako ng narinig. “Ano ‘yun?” Paninigurado ko. Baka kasi mali lang talaga narinig ko. “Marry me.” This time, may diin na niyang sinabi. Tinignan ko naman ang mukha niya sinisigurado ko lang kung nagbibiro ba siya. Pero, seryoso ang mukha niya. “Nababaliw ka na ba?” “I'm not crazy.” “So,” tinaasan ko siya ng kilay, “pinagtitripan mo lang ako?” dagdag ko.“I’m not.” Maiksi nitong sagot. “Bakit?” Nakakunot noo kung tanong. Hindi ko kasi maisip kung ano dahilan ng biglaan niyang pagpropose. Tsaka, kakadivorce ko pa lang. Hindi ko pa nga na-eenjoy ang pagiging malaya. Tapos aayain na naman ako ng kasal. “Huh? Ano?” Di ko narinig ang simabi niya dahil parang bulong o baka bulong talaga.“I said, I need a wife. A contract wife.” “Bakit ako? Marami namang iba diyan?” Sa dami ng babae sa mundo akonpa talaga inaya niya. “Matagal na kitang kilala

  • The Ceo's Dying Bride   Chapter 6

    Chapter 6: Marry me “Sebastian…?” Halos pabulong ang tanong ni Samantha. Hindi siya makapaniwala na makikita niyang muli si Sebastian. Ilang taon na rin kasi ng huli niya itong makita. Matangkad at maayos ang postura. Nakasuot ng mamahaling suit at dala ang presensyang hindi mo pwedeng balewalain. Si Sebastian Villanueva isa sa pinaka-maimpluwensyang CEO sa bansa. Ngunit sa kabila ng lahat, para sa kanya ay isa lamang itong taong mula sa nakaraan. Isang taong minsang naging tahimik na tagamasid sa buhay niya. “May I sit?” kalmado nitong tanong. Napakurap si Samantha, saka bahagyang tumango. Napakunot naman ang noo niya habang tintignan ito. Para bang multo na bigla na lamang nagparamdam. “Of course.” Dahan-dahang umupo si Sebastian sa tapat niya. Sandaling natahimik ang dalawa. Tanging tunog ng kutsara na tumatama sa tasa at mahihinang usapan ng ibang customers ang maririnig sa paligid. Nagkatinginan sila. Matagal. Parang sinusukat ang isa’t isa. Napansin ni Sebastian

  • The Ceo's Dying Bride   Chapter 5

    Sa loob ng pinakamataas na palapag ng Villanueva Holdings, tahimik ngunit mabigat ang atmosphere. Malawak ang opisina. Floor-to-ceiling glass windows ang nakapalibot, tanaw ang buong city skyline. Modern ang disenyo itim, abo, at kahoy ang dominanteng kulay. Sa gitna ng silid ay isang malaking mahogany desk, at sa likod nito ay nakaupo ang isang lalaking kilala sa mundo ng negosyo bilang malamig, matalino, at walang kinatatakutan.Si Sebastian Villanueva.Nakasuot siya ng dark gray suit, malinis ang ayos ng buhok, at seryoso ang ekspresyon habang nakatingin sa tablet na hawak niya. Ngunit kahit mukhang kalmado, ang isip niya ay abala.Abala sa isang tao. Isang babaeng matagal na niyang minahal. Biglang may kumatok sa pintuan.Tok. Tok.“Come in,” malamig niyang sabi.Dahan-dahang bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang secretary—si Ms. Lara, isang professional na babae na sanay sa istriktong standards ng boss niya.“Sir, the report you requested is ready,” mahinahon nitong sabi.Hin

  • The Ceo's Dying Bride   Chapter 4

    Ilang oras ang lumipas. Nakahanda na ang divorce papers. Tahimik na pinirmahan ni Samantha ang bawat pahina. Walang pag-aalinlangan. Walang luha. Walang panghihinayang.Sa bawat pirma, parang unti-unti niyang pinapatay ang nakaraan.Hanggang sa huling pahina. Sandali siyang tumigil. Hindi dahil sa pagdududa. Kundi dahil sa realization.Ito na ang kalayaan na hinihintay ko. Ito na ang katapusan ng kasal niya. Huminga siya nang malalim.At saka lumagda.Pagkatapos niyang pirmahan ang mga dokomento ay may ngiti sa labi niya. Ngiti na para bang nakatikim ng kapayapaan. Umalis saglit ang abogado at pagbalik nito ay may ngiti na ito sa labi. “Happy Independence day, Maam!” Napangiti naman si Samantha dahil doon. “Pwede bang pakideliver na lang sa bahay ni Michael.” Tumango naman ito bilang pagsang ayon. Pagkatapos niyang sabihin iyon, tumango ang abogado bilang pagsang-ayon.“Noted, Ma’am. Ipapadeliver namin agad sa residence ni Mr. Michael.”“Thank you,” mahinang sagot ni Samantha.Tuma

  • The Ceo's Dying Bride   Chapter 3

    Pagdating ni Michael sa labas ng gate ay halos mapatigil siya sa nakita.Naglalagablab ang apoy sa harap ng mansion. Nasusunog ang mga kahon na kanina lamang ay puno ng mamahaling damit, alahas, at mga larawan. Umaakyat ang makapal na usok sa himpapawid habang patuloy na nilalamon ng apoy ang lahat.Nakita niya ang larawan nilang mag-asawa na unti-unting natutunaw sa init.Ang wedding photo.Ang picture kung saan nakangiti silang dalawa, puno ng pangako at pagmamahal.Ngayon, nagiging abo na lamang iyon.“Sir, papatayin po ba natin ang apoy?” nag-aalalang tanong ng isa sa mga katulong.Hindi agad nakasagot si Michael. Para siyang natulala habang nakatingin sa nagliliyab na apoy. Hindi niya maintindihan kung bakit may kakaibang kurot sa dibdib niya.Galit ba iyon? O pagsisisi?Maya-maya ay sumunod sa kanya ang mga magulang niya, pati ang magulang ni Samantha. Lumabas din si Sabrina, hawak pa rin ang kamay ni Sophie.Napasinghap si Mrs. Reyes nang makita ang apoy. “Oh my God… those are

  • The Ceo's Dying Bride   Chapter 2

    Hindi sumagot si Sabrina. Sa halip, tumingin lamang ito kay Michael at hinawakan ang kamay nito at hinayaan naman iyon ng lalaki. Nilapitan niya ang kapatid at malakas na sinampal. “Why did you do that?” Naramdaman ni Samantha ang mahinang pagtulak sa kanya. Nakita na lang niya si Sophie na tumakbo palapit sa kapatid niya. “Sophie baby come here.” Pagtawag niya sa anak.“No. I hate you, mommy! I wish Tita Sabrina was my mommy and not you.” Sa sandaling iyon, tuluyan nang nabasag ang puso ni Samantha.Hindi na siya makapagsalita.Hindi na siya makagalaw.Pakiramdam niya isa siyang estranghera sa sarili niyang bahay. Kahit sarili niyang anak ay ayaw sa kanya mas gusto pa nito na ibang tao ang maging nanay niya. Sa gabing iyon, hindi lamang niya nahuli ang asawa at kapatid niya.Sa gabing iyon nawala ang pamilya niya.—------------------Kinabukasan. Hindi nakatulog si Samantha, umiyak siya buong magdamag. Nasa sala sila ngayon kasama ang magulang niya at magulang ni Michael. Seryos

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status