Share

Chapter Nine

"April, April, kamusta ka? Ano ang nangyari sa iyo?" Agad na tanong ni Lucy kay April nang lumapit siya sa kung saan ito nakahiga. Napansin niya ang agad na pagsara ng nurse ng kurtina para sa privacy nila ng kaibigan niya.

"Naabutan kong nahimatay ka, dinala ka ni Sir Santiago dito," aniya pa.

"Relax. Okay ako. Salamat sa pag-alala mo."

"Ano ba kasi nangyari sa iyo? Nagpapagutom ka ba? May sakit ka ba?" sunod-sunod nyang tanong dito nang walang makuhang sagot sa kaibigan nang pumasok siya sa silid nito.

Ngumiti sa kaniya si April.

"Buntis ako, Lucy.." Pagkabigla ang unang naramdaman ni Lucy sa bungad sa kaniya ni April, hindi niya man lang naisip ang bagay na iyon. Kilala nya ang kaibigan, alam niya naman na may nobyo ito pero ang hindi niya napaghandaan ang sinabi nito sa kaniyang buntis ito.

Hindi mawari ni Lucy, kung maganda ba o masama ang balitang iyon; kilala niya si April, mataas ang pangarap nito katulad niya; ang kagustuhan nitong makatulong sa pamilya ang siyang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status