Share

Chapter 3: A Broken Red String

"GUSTO kita, Autumn…"

Natigilan si Autumn sa ginagawa niyang pagpunas ng mesa at kaagad na nilingon ang binatang si Kristopher. Nangungusap ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. Maingay ang paligid dahil huling gabi iyon ng school fair nila, subalit tila tumigil ang lahat para sa kanilang dalawa.

Mabuti na nga lang at sila na lang dalawa ang naiwan doon para mag-ayos ng kanilang pop-up snack bar. Ang iba kasi nilang kaklase ay nauna na sa center park para sa fireworks display, bilang hudyat ng pagtatapos ng kanilang taunang event na iyon.

"Don't joke around, Tupe. Hindi nakakatu—"

"Bakit ba sa tuwing pipiliin kong magseryoso, iniisip mong nagbibiro ako?" Hindi na ito nakapagpigil pa at kaagad na siyang nilapitan. Maingat nitong inabot ang isa niyang kamay habang nakatitig pa rin sa kaniyang mga mata. "Alam kong hindi ka pa handang makipagrelasyon. Pero hindi ko na kasi alam ang gagawin ko kapag hindi ko pa sinabi sa 'yo ang nararamdaman ko."

Nagsimula na siyang makaramdam ng kakaibang kiliti sa kaniyang tiyan. Kahit ilang beses man niyang itanggi sa sarili, alam niyang may kakaibang atraksyon din siyang nararamdaman para sa binata. Sadyang hindi lang niya nais pagtuunan ng pansin iyon, lalo pa't may mga bagay siyang dapat isaalang-alang.

Minabuti niyang bawiin ang kamay mula kay Kristopher at saka ito tinalikuran. Mariin siyang napapikit dahil hindi niya inasahan ang biglaang pagtatapat nito. Ito na nga ba ang ikinatatakot niyang mangyari nang oras na hinayaan niyang makapasok ito sa tahimik niyang mundo.

"Autumn—"

"This is why I told you to stay away from me!" Nangngangalit na ang kaniyang sistema nang muli niyang hinarap ang binata. "Hindi mo alam kung ano'ng klaseng mundo ang pinapasok mo, Tupe. You only know the surface of my life, so what makes you think that liking me will bring you happiness?"

Nakita niya ang pagkabigla sa mukha nito ngunit mabilis din iyong napalitan ng determinasyon. Isang bagay na lubos niyang ikinagulat dahil hindi iyon ang reaksyon na inaasahan niya mula rito. She had rejected a lot of potential suitors before and she's ready to do it again, even if he's a dear friend of hers.

"Hindi ko alam!" matigas nitong sagot sa kaniya. "Oo, marami namang iba riyan. Pero kailangan ko ba ng matibay na rason para masabi kong kahit nasa tabi mo lang ako'y masaya na 'ko?"

She wanted to burst into tears right now but she held it in. Matagal na niyang inensayo ang sarili para sa mga ganitong sitwasyon kaya hindi siya dapat magpatalo sa kaniyang emosyon. She promised herself to never let anyone ruin the walls she had built a long time ago. And she can't let her emotions devour that compact.

"Noong una, kuntento na akong manatili sa tabi mo bilang isang kaibigan. Pero, Autumn kahit ilang beses kong pigilan ang sarili ko, alam kong mas lalo lang akong mahihirapa—"

"Then you should've kept it to yourself! Ni hindi ko nga alam kung ano ba ang lintik na pagmamahal na 'yan kaya please lang, don't make this complicated."

Hinubad na niya ang suot na apron at saka iyon padabog na ibinato sa ibabaw ng mesa. Tinalikuran na niya si Kristopher at akmang aalis na roon kung hindi siya niyakap nito mula sa kaniyang likuran.

"Tupe, let go!" Pilit siyang nagpumiglas ngunit mas lalo lamang humigpit ang yakap nito sa kaniya. "Let go of me or—"

"—sandali lang," pagputol nito sa sinasabi niya. "Hindi ko alam kung ano'ng pumipigil sa 'yo na buksan ang puso mo. Pero maghihintay ako, Autumn. Kahit gaano katagal, basta hihintayin kita."

Naramdaman na niya ang unti-unting pagluwag ng yakap nito sa kaniya. Nang mangyari iyo'y dahan-dahan niyang hinarap ito at pinagkatitigan sa mga mata. She even reached out for his face and gently caressed it.

"Don't do this, Tupe." Hindi na niya napigilan pa ang sarili na lumuha dahil sa unti-unting pagbigat ng kaniyang dibdib. "Huwag mong ikulong ang sarili mo sa 'kin. Hurting someone is the least thing I want…"

Nanlaki ang mga mata niya nang bigla na lamang siyang siniil ng halik ni Kristopher. She should be pushing him away for invading her private space. But for some reason, she finds herself closing her eyes and responding to his kisses.

"Maghihintay ako hanggang sa maging handa ka," masuyo nitong sabi sa kaniya nang kapwa na sila bumitaw sa kanilang mga halik.

"T-Tupe…"

Pagkuwa'y binunot nito mula sa bulsa ang isang kwintas na may bilog na pendant. Isinuot nito iyon sa kaniya at mula roo'y nakita niyang nakaukit ang kaniyang pangalan. Hindi niya iyon ibig sanang tanggapin subalit wala na siyang nagawa.

"Magkita tayo sa puno ng mangga na nasa likod ng university bukas. May gusto akong ipakita sa 'yo."

Iyon ang kasunduan nila na hindi kailanman natupad. Dahil matapos ang araw na iyo'y bigla na lang siyang naglaho sa buhay ni Kristopher.

"AUTUMN, are you okay?" Ang marahang pagtapik sa kaniya ni Elliot ang siyang gumising sa lumilipad niyang ulirat.

Huli na'ng mapagtanto niyang kanina pa pala nakatuon ang atensyon ng lahat sa kaniya. Dahil sa hindi inaasahang pagdating nina Aurora, kaya't nabago ang puwesto ng kanilang mga upuan. Kung kanina'y sa harapan pa niya nakaupo si Elliot, ngayo'y nasa tabi na niya ito at nasa kaniyang harapan naman ngayon si Tupe. Hindi na nga niya halos nasundan ang naging pag-uusap ng lahat dahil sa alaalang matagal na niyang pilit kinakalimutan.

"If you're not feeling well, hija… then maybe Elliot can take you home—"

"—I'm fine, Mrs. Carson. I can still manage."

Akmang kukunin niya dapat ang baso ng tubig na nasa kaniyang harapan, subalit nabigla siya nang sabay pa sina Elliot at Kristopher na nag-abot niyon sa kaniya. Sa huli ay kapwa binitawan ng dalawa ang baso at siya na mismo ang kumuha niyon.

"My Autumn, will it be better to call me mom starting now? You need to get used to it—"

Bahagya siyang nasamid sa ginagawang pag-inom dahil sa tinuran ng matandang Carson. Para bang sa ginawa nito'y hayagan na nitong ipinaalam kina Aurora ang impiyernong buhay na papasukin niya. Mariin niya tuloy nakagat ang pang-ibabang labi niya dahil doon.

"You have something here," ani Elliot na ang tinutukoy ay ang gilid ng labi niya. Ngunit bago pa man niya mapunansan ang parteng sinasabi nito'y mabilis na iyong pinunasan ng binata. "There! What will you do without me, sweetheart?"

"Oportunista ang demonyo," bulong niya sa sarili.

"What's that?"

"N-nothing!" She smiled sweetly at him while at the back of her head, she's now throwing punches on his face.

The idea of getting too close with Elliot gives her the creeps,  yet right now she has no other choice but to suck it in. Hangga't maaari kasi ay iniiwasan niyang mapatingin sa direksyon ni Tupe. Hindi dahil naiilang siya sa presensya nito, kundi dahil mas lalo lamang umiigting ang inis niya sa kapatid na si Aurora. Pati na rin sa mapanuring tingin na ipinupukol ng amang si Benedict.

Alam niyang nananahimik lamang ito subalit palihim itong nagmamasid sa bawat kilos niya. He's well aware of her past connection with Kristopher and now that the man she once loved is now married to his favorite child, Aurora, will only bring her no good.

"You look good together," mahinhing komento ni Aurora na siyang nagpaangat ng tingin niya rito. Nakita niya kung paano nito binalingan ng tingin si Kristopher at saka hinawakan ang kamay nito. "Am I right, honey?"

Kapwa sila napatingin sa isa't isa ni Kristopher bago nito binawi ang sariling kamay kay Aurora, at saka tipid na tumango. Ang tensyon na namumuo sa pagitan nila'y naputol nang malakas na palakpak ang isinalubong ni Mrs. Carson. 

"Cheers to our growing family!" Tumayo ito mula sa kinauupuan at saka itinaas ang babasaging kopita.

Sabay-sabay nilang itinaas ang kani-kanilang baso at saka iyon pinagtama-tama sa isa't isa. Muling napuno ng samu't saring usapin ang kanilang hapag subalit mas pinili na lamang niyang manahimik. Bagama't ramdam niya ang mabibigat na tingin sa kaniya ni Kristopher ay minabuti na lamang niyang sumimsim ng wine.

"Well, the real reason that I have invited Aurora tonight is because I am formally appointing her as one of the major shareholders of the Davis Group of Compani—"

"What?!" Pabalikwas siyang napatayo na siyang naging dahilan ng tuluyang pagtumba ng kaniyang upuan. "You're meaning to say that your illegitimate child will hold a position in my mom's company? This is ridiculous!"

"Autumn, sit down and don't make a scene—"

"No! I will not allow this nonsense. Mamamatay muna ako bago makatapak sa kompanya ni mommy ang bastardang babae na 'yan!"

Hindi na hinayaan pa ni Autumn na makapagsalita ang sino man sa kanila. Marahas niyang sinipa palayo ang natumba niyang upuan at dire-diretsong umalis doon. Subalit hindi pa man siya nakalalayo'y tila may kung ano'ng mabigat na bagay ang unti-unting dumadagan sa kaniyang dibdib.

Sa isang iglap, tila ang pilat ng kahapon na matagal na niyang ikinukubli ay muling sumariwa. Nagsimulang mangatal ang bawat kalamnan sa kaniyang katawan, at nang masilayan niya ang isang maliit na vase sa 'di kalayuan ay kaagad niya itong nilapitan.

Walang pagdadalawang-isip niya iyong binasag at saka kumuha ng maliit na piraso niyon. Tumingin-tingin muna siya sa paligid bago dahan-dahang itinaas ang laylayan ng suot niyang bestida. Pagkuwa'y madiin niyang hiniwa ang maliit na parte ng kaniyang hita hanggang sa tuluyang magdugo iyon. Mariin siyang napapikit habang dinadama ang nanunuot na sakit sa kaniyang pisikal na katawan. At sa paglipas ng panaho'y nakasanayan na niyang gawin iyon sa sarili upang patigilin ang hindi maipaliwanag na kirot sa kaniyang kaibuturan.

"Autumn…"

Kaagad siyang napadilat nang marinig ang malalim na tinig na iyon. At mula sa harapan niya'y diretsong nakatingin si Kristopher, ang mga mata nito'y puno ng pagkagulat at pagsusumamo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status