Share

Chapter 2: The Uninvited Guests

"CONFIRMED! Businessman nga ang daddy mo."

Pinandilatan ng tingin ni Autumn ang kaibigan na si Shantal dahil sa patutsada nito. Kasalukuyan silang nasa loob ng kaniyang opisina; siya'y abala sa mga trabahong kailangan niyang tapusin habang ito'y prente lamang na nakaupo sa pulang leather sofa na naroon.

"I'm not in the mood, Shan. Hindi pa ako moved on sa financial report na natuklasan ko kanina—"

"Isa pa 'yan! Gaano katagal na bang sinusuportahan ng daddy mo ang business ng kapatid—I mean, ni Aurora?"

Tuluyan nang nawala sa kaniyang konsentrasyon si Autumn. Marahan niyang ibinaba ang gamit na fountain pen sa kaniyang mesa at saka sumandal sa inuupuang swivel chair. She's aware that forging financial documents is a piece of cake for her father. Especially when no one dares to question how he runs the whole company. But does that mean the whole board of directors were on his side as well? 

"Oh, natahimik ka riyan? You find it suspicious too, right?" Umiling-iling siya sa naging tanong muli ni Shantal.

"I won't call it suspicious when he's capable of doing those things." Tumayo siya at tinungo ang malaking bintana niyang gawa sa salamin. Over-looking iyon sa buong siyudad kaya naman kahit papaano'y nagagawa pa rin niyang kumalma.

"Then, what's bothering you? Is it your engagement with Elliot Carson?"

"Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit instead na bigyan niya ng posisyon si Aurora rito sa kompanya, bakit mas pinilit niyang mag-settle na lang ito sa maliit na negosyo?"

Hindi rin kaagad nakasagot si Shantal sa naging espekulasyon niya. Noon lang din niya napagtanto na hindi nga pala aware ang kaibigan sa katotohanang isiniwalat sa kaniya ng ama, isang taon na ang nakalilipas. Well, pinili niyang ilihim iyon kay Shantal hindi dahil wala siyang tiwala rito, kundi dahil nais niyang pangalagaan ang imahe ng kaniyang namayapang ina na si Victoria.

Napayakap siya sa sarili habang pilit na iniisip ang mga posibilidad na dahilan. Totoong siya ang pangalawa sa may pinakamalaking shares sa kompanya, at kahit nasa kaniya nang pangalan ang personal shares din ng ina'y hindi pa rin iyon sapat. Kailangan niyang makumbinsi ang board upang mailipat na rin ang naiwang shares ng kaniyang namayapang kapatid na si Theodore. Pero paano niya gagawin iyon kung bawat kilos niya'y tahimik na nakamasid ang amang si Benedict?

"Autie, you're speculating something. Aren't you?" ani Shantal na siyang pumutol sa lumalalim na niyang iniisip.

Nilingon niya ito at saka binigyan ng tipid na ngiti. If she's going to solve something this complex, she needs to play the game her father has set. And maybe, she can use that engagement to her advantage.

"A speculation is nothing unless I find proof, Shantal. But don't worry, Autumn Davis never loses."

KINAGABIHAN. Tahimik at diretsong nakatitig si Autumn sa pagkain na nasa kaniyang harapan. She barely had touched her food and even the thought of eating it makes her nauseous. Mariin siyang napapikit dahil doon.

"I'm sure the media would be surprised with this announcement," natutuwang komento ni Benedict kina Elliot. "Who would have thought that our families would be united as one strong conglomerate!"

"If you may, Tito Benedict. I prefer us to be a family rather than a conglomerate," suhestiyon ni Elliot na siyang nagpaangat ng tingin niya rito. Diretso itong nakatingin sa kaniya kaya naman yumuko na lang siya upang makaiwas.

"Oh please, hijo! You can call me dad starting today. Kailangan ay masanay ka na dahil hindi matatapos ang taon na ito'y magiging lehitimong anak na kita."

Apat lamang silang naroon subalit napuno ng tawanan ang buong private room ng Thai restaurant, kung saan sila kasalukuyang naghahapunan. Tanging siya nga lang yata ang hindi nasisiyahan sa mga nangyayari. 

Matapos ng balitang ibinato sa kaniya ng amang si Benedict ay tila daig pa niya ang tinorture. Mas lalo lamang tuloy umigting ang pagkamuhi niya rito dahil sa hindi makataong pakitungo nito sa kaniya. Tingin ba nito'y isa siyang bagay na maaaring isubasta, kapalit ng malaking halaga?

"Autumn, hija. Are you okay? I noticed that you haven't eaten anything yet."

Awtomatikong napaangat ang tingin niya sa babaeng nasa tabi ni Elliot. Si Mrs. Elizabeth Carson — ang ina ng binata at ang may-ari ng Mystique Scent & Empire. Nakasuot ito ng puting bestida na tinernohan ng iilang alahas. Balita niya'y nasa singkwenta na ang edad nito ngunit hindi maitatanggi ang dayuhang wangis nito. From the way she dresses and speaks, screams sophistication.

Mapupungay ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya, isang bagay na nakakuha ng atensyon nina Elliot at ng ama niyang si Benedict. Kapwa natigilan ang dalawang lalaki sa kanilang usapan at sabay na napatingin sa kaniya.

Tipid siyang ngumiti rito. "Thank you for your concern but I'm not really hungry. In fact, medyo masama rin po ang pakiramdam ko. So if you don't mind, can I go first?"

Akma na siyang tatayo mula sa kaniyang kinauupuan nang maramdaman niya ang marahas na paghiklat ni Benedict sa kaniyang kamay. Bahagyang kumunot ang kaniyang noo lalo nang pasimple siyang binigyan nito ng matalim na tingin.

"I'm very sorry for my daughter's rude behavior."

Gusto niyang matawa sa galing ng kaniyang ama na magpanggap. Kung sa harap niya'y masahol pa ito sa demonyo, nakamamanghang pagmasdan na sa harap ng iba'y daig pa nito ang isang santo. Sa huli ay wala siyang nagawa lalo nang maramdaman niya ang mas lalong paghigpit ng hawak nito sa kamay niya. Muli siyang naupo na animo'y iyon na lamang na ang magagawa niya.

"Oh, it's nothing! I won't mind if Autumn's not feeling well. It's understandable," kalmadong saad ni Mrs. Carson. "After all, I don't want my future daughter-in-law to feel uncomfortable with us. Right, hijo?"

"Uh… of course, má! And don't worry, Tito Ben—I mean, dad. I'll take good care of Autumn."

Bahagya siyang napapikit nang marinig niya ang malakas na pagtawa ng kaniyang ama. Sa mga oras na iyo'y literal na niyang nararamdaman ang pagbaligtad ng kaniyang sikmura. Dulot ba iyon ng matinding pagkasuya sa dalawang mukha na ipinapakita nito o sadyang marami nang rebelasyon para sa araw na iyon? Hindi niya rin alam.

"Well, actually… I have another announcement to make."

Sabay-sabay silang napatingin kay Benedict dahil sa tinuran nito. At hindi niya alam kung bakit bigla na lang siya nakaramdam ng kakaiba sa tono ng pananalita nito. He sounded excited and she didn't like it. She figured that he's planning to do no good again.

"Oh my, Benedict. Another surprise, huh?" natatawang sambit ni Mrs. Carson at saka ito marahang sumimsim mula sa wine nito. "Well, let's hear it then!"

"Good evening po…"

"My future balae, I would like to introduce my other daughter, Aurora Williams."

Mula sa mesa'y awtomatikong umangat ang tingin niya sa may entrada ng silid na iyon. At halos tumigil ang pag-ikot ng mundo niya nang masilayan ang lalaking kasama ni Aurora… si Tupe.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status