The Chairwoman's Lover [Filipino]

The Chairwoman's Lover [Filipino]

last updateปรับปรุงล่าสุด : 2022-09-03
โดย:  MhissMaChy23ยังไม่จบ
ภาษา: Filipino
goodnovel16goodnovel
คะแนนไม่เพียงพอ
4บท
1.2Kviews
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด

แชร์:  

รายงาน
ภาพรวม
แค็ตตาล็อก
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป

คำโปรย

Being the only heiress of the Philippines' largest group of companies, living in luxury is indeed a privilege for Autumn Davis. She may be raised to be resilient but behind her cold personality lies a heart of a woman, yearning for true love. At the night of an intimate family dinner to formally announce her engagement with the country's sought after bachelor, Elliot Carson, the wall she had built to protect her image crumbled to ground when she found out that the only man, Kristopher Ferrer, whom she have ever loved is now her half-sister’s most-prized possession. Aurora Williams on other hand believes that she's nothing but a fruit of an affair by her late mom, Selene and Autumn's father, Benedict. Although life has been tough on her, she still managed to create a name in the shoe industry with the help of her father. In a society where wealth matters more than true love… half sisters, Autumn and Aurora will go neck and neck to get the throne and be crowned as the lone victor. Four lives intertwined by a cruel fate. Will another lie be able to conceal the scar of their pasts?

ดูเพิ่มเติม

บทที่ 1

Chapter 1: Blood, Sweat and Tears

"MISS Davis, hindi po talaga kayo p'wedeng pu—"

Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Autumn sa mga personal bodyguards ng kaniyang ama na si Benedict. Iyon ay dahil sa mariin na pagharang ng mga ito sa kaniya para makapasok sa opisina ng ama.

"You'll let me in or I'll make a scene here?" May halong pagbabanta na ang kaniyang tono ngunit tila hindi man lang natinag ang mga lalaki. Isang bagay na mas lalong nagpaigting ng kaniyang inis.

"Pasensya na po ma'am. Mahigpit na bilin ni Mr. Davis na—"

"Let her through," ani isang malalim na boses hindi kalayuan. Sabay-sabay silang napalingon sa direksyon nito at mula roo'y tumambad sa kanila si Elliot. Nakapamulsa ito habang naglalakad papalapit sa kanila.

Parang mga asong sumunod ang mga bodyguards na animo'y mas takot pa ang mga ito sa binata kaysa sa kaniya — siya na anak mismo ng kanilang amo. Mas dumoble ang pagkulo ng kaniyang dugo nang bahagyang yumuko ang mga ito kay Elliot.

"I have an appointment with Mr. Davis today," muli nitong turan. "Can you leave us for a while?"

Sabay-sabay munang napatingin ang mga lalaki sa isa't isa na para bang ipinahihiwatig na wala nang magagawa ang mga ito. Nakita niyang sumenyas ang pinaka-head ng mga ito bago sila tuluyang iniwan doon.

"Once I'm the CEO of this company, the first thing I'm going to do is to fire all of those dogs!"

"Whoa there, sweetheart. Aren't you being a bit harsh on them?" natatawang komento sa kaniya ni Elliot.

She rolled her eyes in annoyance. Kung may isang bagay man ang lubos niyang ikinaiinis, iyon ay tumanggap ng tulong sa iba. Lalo na sa isang Elliot Carson — ang nag-iisang anak ng mga Carson na kilala pagdating sa larangan ng abogasya, pati na rin sa negosyo. Ang totoo'y isa ang mga ito sa karibal nila sa merkado, subalit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napag-alaman niyang palihim na nakikipagkita ang ama niya sa mga ito.

For whatever reason it may be, she has no idea. Although one thing's certain — something is definitely off.

"What on earth are you even doing here?" kunot-noo niyang tanong dito. Nagawa pa nga niyang ipag-krus ang kaniyang dalawang kamay habang marahang pumapadyak-padyak ang isang paa sa marmol na sahig.

Bahagya itong natawa sa kaniya. "Wow. Wala man lang thank you? That stings." Nagawa pa nitong hawakan ang sariling dibdib na animo'y totoong nagdamdam sa malamig niyang pakitungo rito.

"Oh please, Elliot. For someone who's labeled busy? You sure got nothing but time, huh." Hindi na niya ito pinansin pa. Ang sakyan ang mga biro nito'y pag-aaksaya lamang ng lakas at panahon para sa kaniya.

"Well, yes. I am busy…"

"Then mind your own thing and get out of my sight!" She was about to open the doors to her father's office when he grabbed her by the hand which took her off-guard.

"...but for you, I can always make time." Sumilad ang pilyong ngiti sa katamtamang kapal na labi nito habang siya'y nakakunot lamang ang noo.

Hindi siya kaagad nakasagot. If only she could punch him in the face or hit him down there, she wouldn't hesitate. Ang kaso'y nasa harapan sila ng mismong opisina ng kaniyang ama at natitiyak niyang hindi nito magugustuhan ang binabalak niyang gawin.

"Oh, what's wrong? Were you too stunned by my words?" dagdag pa nito, hindi pa rin nawawala ang masilad na ngiti.

He's smitten to her — that's what she's been thinking about. Hindi naman kasi siya manhid para hindi mapansin iyon. Kung paano siya tingnan nito at pakitunguan nito, walang duda na malaki ang pagkagusto ng binata sa kaniya. But she doesn't have time to flirt back nor pay attention to him.

Ilang sandali rin ang tumagal bago niya napagdesiyunang sakyan na lamang ang kapilyuhan nito. Ang sabi nga nila, if you can't beat them, join them. Isa pa'y may mas importante siyang pakay sa kaniyang ama at si Elliot ang malaking sagabal para roon.

She flashed her sweetest smile and leaned towards him, closing a few inch gap between them. She gently pulled his necktie which made him blink two times. "You like me, don't you?"

Nasilayan niya kung paano napalunok ang binata sa sarili nitong laway. Gustuhin man niyang matawa sa epic na reaksyon nito'y hindi iyon ang ibig niyang pagtuunan ng pansin.

"Well, I'm sorry to burst your bubble but I don't do the relationship thing. So if I were you, I'd get lost." Marahas niyang binitawan ang pagkakahawak niya sa kurbata ng binata at bahagya pa niya itong itinulak. "Leave, Elliot. I have more important things to discuss with my father."

Hindi na niya hinintay pang magsalita ang binata. Kaagad na niyang binuksan ang pinto na siyang magdadala sa kaniya sa ama. At mula sa may bukana pa lamang ay tanaw na niyang abala ito sa kausap sa cellphone. Ni hindi nga nito napansin ang presensya niya kaya naman dire-diretso na siyang naglakad upang ipaalam iyon.

"I have an important meeting tonight so…" Hindi na naituloy ni Benedict ang sasabihin nito nang padabog niyang inilapag ang isang folder sa harapan nito. Bahagyang kumunot ang noo nito ngunit hindi iyon naging dahilan para itigil ang pakikipagusap.

"Care to explain that financial report?" aniya na may halong pagbabanta sa kaniyang tono.

Ilang sandali pa sila mariin na magkatitigan ng kaniyang ama bago nito muling itinuon ang atensyon sa kausap. "Ah, yes! I'm still listening. Please tell Mr. Francisco that I'll meet him on Friday to further discuss our agreement. Thank you!"

Pabagsak na ibinaba ni Benedict ang telepono nito bago siya tinapunan ng matalim na tingin. Kung noong bata pa siguro siya'y marahil nanginginig na siya sa takot tuwing tititigan siya nang ganito ng kaniyang ama, subalit iba na ngayon. After everything that happened, she would never batter an eye for him again. Over her own dead body.

"Wala ka talagang modo kahit kailan!" galit na palatak nito sa kaniya at saka binalingan ng tingin ang folder na inilapag niya. "You dare to interrupt me with this nonsense?"

"Why don't you open it and see for yourself. Whether it's pure nonsense or not."

She tilted her head on her side to tease her own father. Isang bagay na lubos nitong ikinaiinis ay ang mga hamon na tingin nito'y walang kabuluhan. Subalit nasisiguro niyang mag-iiba ang ihip ng hangin, oras na mabasa iyon ng ama. Mabilis iyong binuklat ni Benedict at kitang-kita niya mismo kung paano napalitan ng gulat ang reaksyon nito.

"Do you still think it's nonsense, dad?" There's a hint of sarcasm in Autumn's tone as she directed her cold gaze at him.

Gusto niyang magpakawala ng masasakit na salita pero kung anong bagay ang pilit na pumipigil sa kaniya. Tila ba sa isang iglap, ang sugat na kaytagal na niyang ginagamot ay muli na namang nagbukas. How can her own father do this to her? Oh, right. His infidelity would explain what she just found out.

"I was ready to turn a blind eye by giving you the benefit of the doubt." Bakas ang panginginig sa tono niya habang tila naputulan ng dila ang kaniyang ama. "Pero hindi ko mapalalagpas na palihim mong winawaldas ang perang galing sa pinaghirapan ni mommy. Especially when you're spending it on your illegitimate child!"

"So… what are you going to do then?"

Bahagya siyang nakaramdam ng panlalamig sa kaniyang sikmura nang masilayan ang pagbabago sa reaksyon ni Benedict. Kung kanina'y balisa pa ito at tila kinakabahan, ngayon nama'y napalitan ng madilim na ekspresyon ang mukha nito. And she can't help but to despise him more. Is he even her real father?

"As long as I'm the CEO of this company, the money it earns is basically mine. So I can practically spend it however I wa—"

"Well, news flash for you, Mr. Davis! You won't be able to indulge yourself in the long run for as long as I live." Tinalikuran na niya ang ama at akmang aalis na kung hindi lang siya awtomatikong natigilan sa ginawang paghalakhak nito. Muli ay nilingon niya ito habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi at pawang kakakuyom ang dalawa niyang kamay.

"You sure are feisty like your mom, Victoria." Marahan itong tumayo mula sa kinauupuang swivel chair at saka siya nilapitan para bigyan ng tapik sa braso. "But let me remind you that as long as you haven't convinced the board of directors yet. Whether you're worthy of this position or not, your plan to take over this company is still in jeopardy."

Mas lalo lamang umigting ang pangangatal ng kaniyang katawan dahil sa huling mga salita ng kaniyang ama. The nerve of him to even mention the sacred name of her late mom? The look on his eyes didn't even resemble any remorse. For a moment, she couldn't believe how cunning her father was.

"Also, I hope you haven't forgotten what happened a year ago?" His whisper sent shivers down her spine as she recalled what she found out a year ago. "So if I were you, just be an obedient girl to your father and I might consider handling you this position. After all, you are my sole heiress as of the moment right?"

Sa mga oras na iyo'y gusto na niyang maiyak sa labis na galit. Ngunit kung may isang bagay man ang natutunan niya sa paglipas ng panahon, iyo'y huwag magpakita ng anumang emosyon sa harap ng kalaban — kahit pa sa harap ng isang kadugo. Matalim niyang pinagmasdan ang pagbalik ng kaniyang ama sa mesa nito. Muli nitong kinuha ang personal na telepono at saka nag-dial doon.

"Oh, I almost forgot. Be ready for tonight. We have an intimate meeting with the Carsons regarding your engagement with their son, Elliot."

แสดง
บทถัดไป
ดาวน์โหลด

บทล่าสุด

บทอื่นๆ

ถึงผู้อ่าน

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

ความคิดเห็น

ไม่มีความคิดเห็น
4
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status