/ Fantasy / The Chosen Wife / CHAPTER SEVEN: Ang Mga Kabataang Werewolves

공유

CHAPTER SEVEN: Ang Mga Kabataang Werewolves

last update 게시일: 2023-02-02 18:26:03

Umuwing sugatan ang pangkat ni Siviro nang magbalik sila sa Edoma Forest. Balak lamang sana nilang takutin ang mga mamamayan sa Truth Kingdom nang makaingkwentro nila ang isang Mortana na kasing lakas nila.

"Lagot na naman tayo nito kay Datu Nebunizar lalong lalo kana Leader Siviro!" namimilipit sa sakit na komento ni Kyle. Siya ang pinakabatang werewolf sa kanilang grupo.

"Kung hindi sana kayo basta-bastang sumugod edi sana hindi kayo ang unang napuruhan!" paninisi naman ng n
이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred Twenty-four: Nakayayamot Na Nakaraan

    Gamit ang batong Crisante ay muli na namang binisita ni Hannah ang Guzen. Isinama niya si Hadassa at ang inang si Linosa.Napagkasunduan nilang alamin kung ano ang kinalaman nina Prinsesa Samerah, Inang Reyna Liana, at Haring Jehu sa panaginip ni Hadassa.Agad silang nagtungo sa palasyo ni Inang Reyna Liana. Ang pagbisita sa inang reyna ang naisip nilang paraan upang makagalaw sa Guzen."Ipagpaumanhin po ninyo, Dukesa Linosa, ngunit kaaalis lamang ng Inang Reyna Liana." Pagbibigay-ulat ng tagapaglingkod na tinawag ng palace guard upang umistima sa kanila.Nakaramdam siya ng panghihinayang dahil sa nasabi ng tagapaglingkod."Ganoon ba?" tanong naman ng mama nila."Opo, Dukesa.""Kung gayon ay babalik na lamang kami sa ibang panahon." Paalam pa ng mama niya.Nagkatinginan na lamang sila ng big sister niya. Tinitimbang nila kung ano ang susunod na gagawin base sa sitwasyon."Sayang naman po ang inyong inilakbay, Dukesa. Ang mahal na inang reyna ay nagtungo lamang po sa palasyo ng Mahal n

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred Twenty-three: Ang Nahiwalay na Kaharian

    Hindi sumama si Hulda sa kaniyang ina at mga kapatid.Nagpaiwan siya sa kanilang fortune teller cabin sapagkat ipinagbilin sa kaniya ng kanilang papa na bantayan iyon.Habang naglilinis sa silid ng kanilang papa ay naririnig niya ang nilalaman ng isipan nito."Ilang Melyntor days na lamang at mararating ko na muli ang Fukused. Napakamasagana ng lupaing iyon. Kapag nakauwi ako ng Melyn ay yayayain ko si Linosa na mamalagi doon ng sandaling panahon." Narinig niyang bulong ng isip ng ama.Napangiti siya at naupo sa higaan ng ama. "Nakatutuwa kung paano alalahanin ni Papa si Mama. Kung naririnig din sana ni Mama ang laman ng isipan ni Papa ay tiyak na mamumula ang magkabila niyang pisngi!" Napapahagikgik niyang saad sa sarili.Kahit matatanda na ang kaniyang mga magulang ay naaaliw pa rin siya kung paano magpahayag ng pag-ibig sa isa't isa ang mga ito. Nakita niya na mapalad ang mga ito sa pagkakaroon ng matibay na relasyon."Hindi ko tiyak kung ipahihintulot ng Lord Father Adonai na mak

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred Twenty-two: Ang Nakaraang Hindi Malilimutan

    Minabuting ihatid sina Hadassa ng kaniyang amang si Nahor sa isang hardin kung saan nila napagkasunduang mamasyal. Ang lugar ay may maraming tanim na Melyn flowers tulad ng Melyn bells at Orin grass.Tahimik sa naturang lugar at maaliwalas."Uuwi kaagad ako matapos ang digmaan sa Fukused," pangako ng papa niya sa kanila habang nakatingin sa mama nila.Niyakap ito ni Linosa. "Mag-iingat ka sa iyong paglalakbay, mahal ko."Gumanti naman ng yakap dito ang papa niya. "Pangako, mag-iingat ako."Nagsilapit silang magkakapatid sa kanilang mga magulang at isa-isang yumakap sa papa nila."Ikaw na ang bahala sa fortune teller cabin at sa mga kapatid mo, Hulda," bilin nito sa eldest sister niya.Tumango naman si Hulda. "Makakaasa ka, Papa."Bumaling naman sa kaniya ang papa niya. "Hadassa, anak ko, huwag mong hahayaang makawala sa paningin mo ang youngest sister mo. Palagi mo siyang paaalalahanang huwag hingian ng malaking halaga ang mga dayuhan."Tumingin muna siya kay Hannah bago bumulong sa a

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred Twenty-one: Panibagong Pangitain

    Kasalukuyang kumakain ang buong mag-anak ni Nahor isang noon-hour sa kanilang fortune teller cabin."Ako ay nalulugod para sa tuluyan mong paggaling," saad ni Nahor habang hinihimay ang pagkain nito. Kausap nito ang asawang si Linosa.Gumanti ng ngiti si Linosa at sumang-ayon, "Alay ko sa inyong lahat ang paggaling ko. Mahabang panahon din akong naging pasanin sa inyong lahat."Inabot ni Nahor ang kamay ng asawa at umiling. "Hindi ka pasanin sa amin ng mga anak natin. Ikaw ang pinakamahalaga sa amin. Masaya kaming inaalagaan ka."Nagkatinginan sina Hulda at Hannah.Napayuko naman si Hadassa at nagsubo ng pagkain. Marahan siyang ngumunguya nang maramdamang sinipa ni Hannah ang kanan niyang paa.Muntikan pa siyang masamid at pasimpleng tinitigan ang bunsong kapatid.Napuna niya ang pagbikas nito na walang lumalabas na tinig. Ngunit nabasa niya ang sinasabi ng bibig nito."Tanungin mo na si Mama tungkol sa panaginip mo," nakakunot ang noong pag-unawa niya sa nais nitong ipahiwatig.Agad

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred-twenty: Ang Kapatid ng Maysakit na Hari

    "Older Brother!" tawag ng sixteen Melyntor years old na si Prinsesa Samerah sa kapatid.Kalalabas lamang niya ng silid at ang mga tagapaglingkod na naman ang una niyang nasilayan."Isang masayang morning hour sa iyo, Prinsesa Samerah! Ang mahal na Prinsipe Jehu ay nasa kaniyang pagsasanay." Magiliw na bungad sa kaniya ni Chai, isa sa pinakabatang tagapaglingkod ng palasyo.Inirapan niya ito. "Paano mo naman nalaman na nasa kaniyang pagsasanay ang aking kapatid? Sinusubaybayan mo ba siya?"Batid niyang namula ang mga pisngi ng tagapaglingkod dahil sa tanong niya.Nataranta ito at nagwika, "Hindi po, Prinsesa Samerah! Nagpunta kasi rito sina Prinsipe Nimrod at Prinsipe Chezedek. Hinanap nila ang inyong kapatid sapagkat sila ay nakatakda raw na magsanay ngayon."Nagsalubong ang kaniyang mga kilay at tinitigan ito mula ulo hanggang paa. Bumuntong-hininga siya bago nag-usisa. "Kanina pa ba sila umalis?""Hindi pa po nagtatagal, Prinsesa."Mang-uusisa pa sana siya nang mapuna ang isa pang

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred-nineteen: Sapilitang Pakikipag-iisang-dibdib

    Kinailangan ni Reyna Milcah na magpunta ng Way Kingdom upang damayan si Inang Reyna Liana. Malubha na ang karamdaman ng anak nito na si Haring Jehu.Mula nang maging reyna siya ay naging adbokasiya na niya ang damayan ang mga kapwa reyna maging mga inang reyna sa ano mang pasanin ng mga ito. Prinsesa pa lamang siya ay natunghayan na niya ang mga paghihirap na kinaharap ng kaniyang ina na si Reyna Qinlan.Tumatak sa kaniyang isipan na kaakibat ng pagiging reyna ang pagiging ina ng buong kaharian. Kailangang manatiling matatag upang tulungan ang hari.Ngunit ang mga reyna at inang reyna ay mga Mortan lamang. Para sa kaniya, ang mga tulad ni Inang Reyna Liana at Reyna Qinlan ay nararapat ding makaranas ng suporta mula sa iba pang reyna at inang reyna."Handa na po ang karwahe ninyo, Reyna Milcah." Pagbibigay-alam ni Lexie.Itinigil ni Reyna Milcah ang pagsusuklay na buhok. Nilingon niya ang first-ranked attendant."Salamat, Lexie. Sabihan mo si Harvan na mauna na sa karwahe. Hinihintay k

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred-nine: Ang Huwad Na Anarah

    Hindi mapakali si Arahab. Siya ay labis na nababahala sapagkat maaaring sa pakikipag-usap ni Reyna Milcah kina Hadassa at Hannah ay mapag-usapan ng mga ito ang tunay na Anarah."Prinsesa Anarah!" narinig niyang tawag sa kaniya ni Lexie nang makasalubong siya nito."Lexie!" nanlalaki ang mga mata ni

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred-eight: Ang Huwad Na Kapatid

    Nang dahil sa mga reklamo laban kay High Priest Peniha ay ipinatawag ito ni Haring Yusef at ng mga hari sa iba't ibang kaharian sa Guzen.Ipinatawag din si Eldest High Priest Ellai at iba pang high priest na pinaghihinalaang gumagawa ng paglabag.Ipinatawag ang mga ito dahil sa pagsumite ni Haring

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred-six: Hindi Malilimutang Kababata

    Labis ang kabog ng dibdib ni Samuel habang humahakbang palabas ng kaniyang silid.Wala siyang maalala na kakilalang Mortana sa Guzen. Hindi niya mahulaan kung sinong Mortana ang sinasabi ni Emmanuel na nais makipagkita sa kaniya.Narating nila ang kinaroroonan ng kaniyang bisita. Hindi siya makapan

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred-five: Ang Bagong Assistant High Priest

    Agad na naglakbay si Deborah kasama si Ram Luiz pabalik ng Edoma Forest. Sinikap nilang makabalik agad sapagkat ayaw nilang mahalata nina Deryk at Benedict ang pagmamanman nila sa mga ito.Pareho silang walang imik ng magiging kabiyak dahil sa nalaman nila. Sapat na ang kanilang mga narinig mula sa

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status