LOGINDalawang taon na ang nakararaan sa Edoma Forest matapos ang pag-iisang-dibdib nina Leandro at Sharina..."Leader! Leader!" tumatakbong sigaw ni Severus nang makapasok sa Wuluf Cave kung saan nakikipag-usap si Ram Luiz sa kapatid na datu.Kumunot ang kaniyang noo at napailing bago harapin ang kagrupo. "Anong balita, Severus?"Napahawak ito sa dibdib dahil sa sobrang pagkahingal. "Si Binibining Deborah ay nagising na."Nagkatinginan muna sila ni Datu Siviro bago niya nilisan ang Wuluf Cave.Lumakad sila papunta sa toldang tinutuluyan ni Deborah upang makita ang kabiyak.Matagal ding nakatulog ito na lubos na ikinabahala ng kanilang werewolf clan at ng Gypto."Adult Ram Luiz," sambit ni Loisa nang makapasok sila ng tolda.Tumango lamang siya kay Loisa at bumaling kay Deborah na nakatalikod sa kaniya."Aking binibini," malakas ang pintig ng puso niyang pagbigkas.Dahan-dahang lumingon sa kaniya ang kabiyak. Napuna niyang naahit na ang mga balahibo nito sa katawan."Magtungo na tayo sa Gyp
"Mama?" pabulong na tawag ni Hannah habang nakasakay sila sa karwaheng sinasakyan ng heneral. "Tama po bang sumama tayo kay Heneral Jesi?"Napangiti ang kaniyang ina. Mahina lamang ang tinig nito habang nagsasalita. "Alam kong hindi pa natin sila lubusang kilala, aking bunso. Marahil ay nangangamba kang may masama silang pakay. Ngunit ang Haring Jehu na mismo ang nag-utos na isama nila tayo papuntang Fukused."Pasimpleng sinipat niya ng tingin ang kinaroroonan ng heneral. Hindi niya mawari kung may masama itong intensyon o mabuti ang kalooban.Muli siyang bumaling sa ina. "Ano ba sa palagay mo, Mama, magkasinggulang ba sila ni Big Sister?"Pasimpleng napangiti ang kaniyang ina at bumulong, "Pakiwari ko ay nakapagdiwang na siya ng kaniyang ikaapatnapung kaarawan.""Tulad ng Eldest Sister?"Napahagikgik ito at tumango.Sinipat naman niya si Hadassa na tahimik na nakaupo sa tabi ng bintana ng karwahe. Naalala niyang hindi man lamang sila nakapagpaalam kay Emmanuel.Matagal na niyang hind
Nang makaalis si Inang Reyna Liana, muling nagtungo sa kaniyang silid si Haring Jehu."Mahal na hari, ipatatawag na ba namin ang inyong lung doctor?" nababahalang tanong ng eunuch.Nakahiga na siya sa higaan at umuubo nang malala.Tumango na lamang siya sapagkat hindi pa niya kayang magsalita nang maayos.Oras na ng pag-inom niya ng gamot kaya bigla na lang siyang umubo nang malala."Mabuti na lamang at nakaalis na ang inang reyna bago ka sinumpong ng iyong karamdaman, mahal na hari." Saad ng eunuch habang pinaiinom siya nito ng gamot.Uminom muna siya ng asul na likido bago bumalik sa pagkakahiga.Unti-unting bumuti ang kaniyang pakiramdam. Natigil ang kaniyang pag-uubo."Kumusta ang iyong paghinga at lalamunan, mahal na hari?" tanong ng eunuch."Bumuti na. Mabilis tumalab ang gamot na ipinainom ninyo sa akin.""Narito na ang manggagamot, mahal na hari!" anunsyo ng isa pang eunuch.Napabuntong-hininga siya nang pumasok ang manggagamot.Nagpakita naman ito ng paggalang sa kaniya bago
"Chai," tawag ni Prinsesa Nayacah sa isang tagapaglingkod."Prinsesa Nayacah, nagugutom ka na ba? Nais mo bang maghanda ako ng makakain mo?"Umiling siya. "Hindi na, Chai. Nais ko lang malaman kung nasaan si Mama.""Si Prinsesa Samerah? Siya ay nasa kaniyang silid, Prinsesa.""Gayon ba? Kung gayon ay pupuntahan ko siya. Hindi pa kami nagkakausap mula nang ako'y magising.""Mabuti pa nga, Prinsesa Nayacah. Bigla na lamang siyang nabalisa nang dahil lamang sa pagbisita ni Dukesa Linosa at ng mga anak nito." "Si Dukesa Linosa? Siya ba iyong dating tagapaglingkod na paborito ng grandmother na inang reyna?" usisa niya."Siya nga, Prinsesa." Nababahalang sagot ng tagapaglingkod."Bakit naman siya nababahala sa pagbisita ng dukesa? May hidwaan ba sila?""Wala namang hidwaan, Prinsesa. Itinuring na rin na parang tunay na anak ng inang reyna si Dukesa Linosa noong tagapaglingkod pa lamang siya. Maging ang Haring Jehu at Duke Jabez ay malapit ang loob sa kaniya."Napabuntong-hininga siya. "M
Habang naghihintay si Hannah kasama ang ina at nakatatandang kapatid sa harap ng palasyo ni Haring Jehu..."Mama," tawag niya sa atensyon ng ina at itinuro ang nagbubukas na tarangkahan ng palasyo.Nagsitinginan sina Linosa at Hadassa sa tarangkahan.Nagsilabasan doon ang mga royal guard at mga palace guard."Bakit nagsilabasan sila? Papalabas na ba ang Inang Reyna Liana?" pagtataka ng mama niya."Ang mahal na Haring Jehu," bulong ng big sister niya sa kanila.Sa paglabas ng hari ay agad namang napansin nito ang kanilang presensya."L-linosa," tila pagtataka ng hari, "ikaw ba ay naparito?"Nagsiyuko silang tatlo sa harapan nito at bumati, "Masayang pagbati sa iyo, Haring Jehu!""Iangat na ninyo ang inyong mga ulo. Isang masayang noon hour sa inyo!""Isang masayang noon hour din sa iyo, mahal na Haring Jehu!" ganting pagbati rito ng mama niya. "Kami ay nagtungo rito upang magbakasaling makita ang Inang Reyna Liana.""Si Mama?" napapaisip na tugon ng hari."Mahal na Hari, ang karwahe ng
Gamit ang batong Crisante ay muli na namang binisita ni Hannah ang Guzen. Isinama niya si Hadassa at ang inang si Linosa.Napagkasunduan nilang alamin kung ano ang kinalaman nina Prinsesa Samerah, Inang Reyna Liana, at Haring Jehu sa panaginip ni Hadassa.Agad silang nagtungo sa palasyo ni Inang Reyna Liana. Ang pagbisita sa inang reyna ang naisip nilang paraan upang makagalaw sa Guzen."Ipagpaumanhin po ninyo, Dukesa Linosa, ngunit kaaalis lamang ng Inang Reyna Liana." Pagbibigay-ulat ng tagapaglingkod na tinawag ng palace guard upang umistima sa kanila.Nakaramdam siya ng panghihinayang dahil sa nasabi ng tagapaglingkod."Ganoon ba?" tanong naman ng mama nila."Opo, Dukesa.""Kung gayon ay babalik na lamang kami sa ibang panahon." Paalam pa ng mama niya.Nagkatinginan na lamang sila ng big sister niya. Tinitimbang nila kung ano ang susunod na gagawin base sa sitwasyon."Sayang naman po ang inyong inilakbay, Dukesa. Ang mahal na inang reyna ay nagtungo lamang po sa palasyo ng Mahal n
Dahil gumaling na si Ram Luiz ay nakapagdesisyon na si Deborah. Magtutungo na siya sa Gypto upang tumulong sa kaniyang witch clan at sorcerer clan."Maraming salamat sa pag-aalaga mo, aking binibini. Ikaw ang dahilan ng mabilis na paggaling ko." Pasasalamat sa kaniya ni Ram Luiz habang inihahatid s
Tulad ng dati ay isa si Hannah sa pinagbilinan ng kaniyang papa na mamili ng mga kakailanganin ng kaniyang pamilya. Si Hadassa ang ipinasama sa kaniya habang si Hulda ang nagbabantay sa kanilang ina.Habang nasa pamilihan ay napapaisip siya kung bakit si Anarah ang nilalang na bumungad sa kaniya na
"Hannah!" pagtawag ni Hulda sa bunsong kapatid. Nakapagluto na siya ng makakain nila kaya hinahanap niya ito."Saan kaya siya ngayon?" tanong niya na iniisip kung saan ito nagpunta.Sinubukan niyang hanapin ito sa silid nito ngunit wala siyang nakita. "Baka nagpapastol pa rin siya hanggang ngayon."
Hindi pa rin napapayag ni Hannah ang big sister niyang si Hadassa na kilalanin kung sino ang nasa pangitain nito. Mas pinaalalahanan pa siya nito na huwag nang gawin ang iminungkahi niya upang mabantayan nila ang inang si Linosa."Tila hindi ko na talaga mapapapayag ang big sister na kilalanin nami







