ログイン"Ikinagagalak ko na muli kang makita, Linosa," magiliw na saad ng inang reyna. "Mabuti na lamang at bumalik ka.""Ikaw talaga ang dahilan kung bakit ako nagpunta rito sa Guzen, Mahal kong Reyna." Magiliw na sambit naman ni Linosa.Bago umuwi sina Linosa ay inimbitahan ito ni Reyna Liana sa palasyo nito. Nais nitong ipagdiwang nila ang tungkol sa pagkatanggal ni Eldest High Priest Ellai at ang pagkakaroon ng hustisya para sa mga Mortana na biktema ng mga high priest.Ginawa iyon ni Inang Reyna Liana sapagkat minamahal nito si Linosa na tila isang anak. Nalugod din ito nang lubos sa muli nilang pagkikita.Habang nag-uusap sina Inang Reyna Liana at Linosa ay pinagmamasdan naman sila ni Hadassa kasama si Emmanuel."Napakasayang pagmasdan ni Ginang Linosa. Sa wakas ay natapos na ang pinagdaraanan niya ngayong natanggal na si Eldest High Priest Ellai sa posisyon nito.""Siya nga, Emmanuel. Ngayon ko lamang nasilayan na ganiyan siya kasaya." Naluluhang sambit ni Hadassa.Napangiti si Emmanue
"Ginang," sambit ni Reyna Milcah, "paano mo ba mapatutunayan ang iyong sinabi? Isa iyang mabigat na paratang.""Mabigat na paratang? Hindi isang paratang ang aking sinabi kundi pagkasira ng aking dangal, Mahal na Reyna." Lumuluhang sagot sa kaniya ni Linosa."Maaari mo bang isiwalat ang lahat ng iyan sa paglilitis sa mga high priest? ""Ngunit, Mama," pigil naman ni Hannah."Wala kang dapat na ipag-alala, anak ko." Saad naman ni Linosa.Agad na iminungkahi ni Reyna Milcah kay Haring Chezedek na payagang magpatotoo si Linosa laban kay Eldest High Priest Ellai sa kalagitnaan ng paglilitis.Pinahintulutan naman ng hari ang kaniyang iminungkahi bagamat nakatutok ang paglilitis sa mga high priest.Maraming miyembro ng elders council ang umalma na pakinggan si Linosa. May mga tutol sapagkat ilang taon na ang nakalilipas mula nang maging usap-usapan ang nangyari rito at high priest pa lamang noon si Eldest High Priest Ellai. Ang ilan naman ay iginigiit na walang katotohanan ang sinabi nito.
Hindi mapakali si Arahab. Siya ay labis na nababahala sapagkat maaaring sa pakikipag-usap ni Reyna Milcah kina Hadassa at Hannah ay mapag-usapan ng mga ito ang tunay na Anarah."Prinsesa Anarah!" narinig niyang tawag sa kaniya ni Lexie nang makasalubong siya nito."Lexie!" nanlalaki ang mga mata niyang singhal. Nagulat siya nang bigla na lamang itong sumulpot sa kaniyang harapan."Kanina ko pa kayo hinahanap ng Mahal na Reyna. Saan ba kayo nagtungo?" "Kami ay nagawi lamang banda roon," turo niya sa direksyong pinag-iwanan niya sa bagong reyna."Nasaan na nga ba si Reyna Milcah? Hindi ba at kayong dalawa lamang ang magkasama?""Natitiyak kong siya ay naroroon pa kasama ang mga Mortanang naghahanap sa Inang Reyna Liana." Sagot niya na nakaturo pa rin sa nasabing direksyon."Maaari mo ba akong samahan, Prinsesa?""Huh!""Kung iyong mamarapatin, Prinsesa.""Ang Mahal na Reyna ang naroon sa bandang iyon!" turo niya na hinanap naman ng first-ranked attendant."Nasaan ba, Prinsesa?" tanong
Nang dahil sa mga reklamo laban kay High Priest Peniha ay ipinatawag ito ni Haring Yusef at ng mga hari sa iba't ibang kaharian sa Guzen.Ipinatawag din si Eldest High Priest Ellai at iba pang high priest na pinaghihinalaang gumagawa ng paglabag.Ipinatawag ang mga ito dahil sa pagsumite ni Haring Chezedek ng reklamo mula sa mga mamamayang nagbibigay ng alay sa mga templo. Napuna kasi ng mga ito na binabawasan na agad ng karamihan sa mga high priest ang laman ng mga alay bago tuluyang matupok ng apoy. Iyon ay kalapastanganan ayon sa kanilang paniniwala.Kasama na rin sa pagsasakdal ang mga ginawang mahal*y na pagtrato ng mga high priest sa mga Mortana na nag-aalay sa templo.Ang lahat ng ito ay mula sa nakalap na impormasyon nina Reyna Milcah at Arahab na idinulog kay Haring Chezedek. Iyon naman ay ipinagbigay alam sa iba pang hari at opisyal. Ang mga hari, reyna, at mga opisyal mula iba't ibang kaharian ng Guzen ay nagkaisang litisin ang mga high priest. Naroroon din ang mga goberna
Agad na nagpunta sina Deborah at Ram Luiz sa Wuluf Cave. Nais nilang ipagbigay-alam sa datu ang kanilang natunghayan tungkol sa pakikipagsabwatan nina Deryk at Benedict kay Victoria."Adult Ram Luiz," tawag ng tagapagbantay sa kaniyang magiging kabiyak. "Pumasok na raw kayo saad ng mahal na Datu."Tumango rito si Ram Luiz. "Salamat!"Bumaling naman ito sa kaniya, "Tayo na, aking binibini."Biglang tila mapalundag ang puso niya nang dahil sa pagtawag nito. Habang tumatagal ay nagkakaroon na ng kahulugan sa kaniya ang pagtawag nito ng "aking binibini.""Su-susunod ako, Ram Luiz." Muntik pang mautal niyang sagot.Pakiramdam niya ay may ibang sensasyon ang dumaloy sa kaniyang mga kalamnan nang dumampi sa kanang braso niya ang isang palad nito. Pinigilan niya ang sarili na huwag ilayo rito ang kanan niyang braso. Napalunok na lamang siya habang humahakbang papasok sa himpilan ng datu."Aking grandfather na Datu!" pagbibigay-galang ni Ram Luiz kay Datu Nebunizar."Saan kayo nanggaling, Ram
Labis ang kabog ng dibdib ni Samuel habang humahakbang palabas ng kaniyang silid.Wala siyang maalala na kakilalang Mortana sa Guzen. Hindi niya mahulaan kung sinong Mortana ang sinasabi ni Emmanuel na nais makipagkita sa kaniya.Narating nila ang kinaroroonan ng kaniyang bisita. Hindi siya makapaniwalang si Hulda at Hannah ang makikita niya."Hulda!" tawag niya sa kababata. "Hannah? Bakit kayo naririto?" baling naman niya sa kaibigan.Mas lumapit pa siya sa mga ito. Kinusot niya ang mga mata upang makasigurong tama ang kaniyang nakikita."Naisip ko lang subukan kong mahahanap ka ng mahiwagang bato, Samuel." Sagot ni Hannah."Mahiwagang bato?" pagtataka niya. "Nahanap ako ng isang mahiwagang bato? Paano naman ako mahahanap sa pamamagitan niyon?"Nagkatitigan sina Hannah at Hulda."Mahirap ipaliwanag ngunit batong Crisante ang tawag ko rito." Pagtukoy ni Hannah sa batong hawak nito."Hindi ko pa naririnig ang tungkol sa batong iyan. Tila isa nga iyang mahiwagang bato." Komento niya."M
Katatapos lamang mag-alay ng Qanna sheep ni Reyna Milcah nang pumasok si Lexie sa silid ng pag-aalay."Mahal na reyna," tawag ni Lexie sa kaniyaNilingon niya ito, "Ano iyon, Lexie?""Si Prinsesa Anarah ay dumating po sa palasyo upang bisitahin ka, mahal na reyna.""Si Arahab!" nakangiti niyang sam
Ibinahagi kay Hadassa ng kaniyang ina na naging eunuch ang kapatid nito sa palasyo ng anak ni Reyna Liana. "Sino po ba ang anak na iyon ni Reyna Liana, Mama?" tanong niya rito."Siya si Prinsipe Jehu ang crown prince. Marahil ay isa na siyang hari ngayon." Pagbabahagi nito."Mama, sa palagay mo po
Sa isang nayon sa dulo ng Way Kingdom ay may isang dalagitang nagngangalang Linosa. Isang Melyntor day ay may nagsumbong sa kaniyang inang si Rodora na nagnakaw siya ng isang mamahaling palamuti dahilan upang ikulong siya nito sa tambakan ng mga lumang kagamitan."Mama, palabasin mo po ako rito. Wa
Nasa kalagitnaan na sina Emmanuel at Samuel sa kanilang paglalakbay. Nakatanaw si Emmanuel sa labas ng bintana na malapit sa kaniya. Siya ay namamangha sa kapaligirang nadaraanan ng kanilang sinasakyan patungong Guzen."Tingnan mo, older brother!" akay niya sa nakatatandang kapatid. "Napakaraming