MasukIlang sandali ring naghintay si Prinsipe Jeto sa palasyo ni Haring Yusef. Mahalaga ang usaping ibabahagi niya sa mga hari kaya minabuti niyang manatili kahit hindi niya tiyak ang panahon ng pagdating nina Haring Yusef."Prinsipe Jeto, ang mahal na Haring Yusef at si Haring Chezedek ay dumating na." Narinig niyang sambit ng eunuch na si Jano.Ibinaba niya ang tasa ng iniinom na asul na likido at tumayo.Hindi nagtagal ay nakita na niya ang dalawang hari. Yumuko siya bilang pagbibigay-pugay. "Pagpalain kayo ni Lord Father Adonai, Haring Yusef at Haring Chezedek!" bati niya."Prinsipe Jeto," tuwang sagot ni Haring Yusef, "ako ay nagagalak na napunta ka rito sa Light Kingdom.""Ikinalulungkot naming malaman na may iniindang karamdaman si Jehu," umiiling na sambit naman ni Haring Chezedek."Ikinalulugod kong kayo ay makita kong muli mga minamahal na kapwa-hari ng aking ama. Ako ay pinapunta niya rito upang ipabatid ang kaniyang simpatya sa nangyari sa ating mga kalahi sa Living Water Kingd
Nalaman ni Reyna Milcah na nagtungo ang kaniyang amang hari sa palasyo ni Haring Yusef kaya siya ay nagpahatid doon upang makita ito. Ang second ranked attendant niyang si Harvan ang tanging isinama niya."Mabuti at naririto ang amang hari sa Light Kingdom, Harvan. Nais ko sanang dalawin sila ni mama sa Truth Kingdom." Tuwang pagbabahagi ni Reyna Milcah nang papasok sila ng palasyo."Siya nga, Reyna Milcah," nakangiting pagsang-ayon naman ni Harvan."Sana lamang ay maabutan pa natin siya." Pagbabakasali niya.Nakabukas na ang tarangkahan ng palasyo at sinalubong sila ng isang eunuch. "Pagbati po, mahal na Reyna Milcah!""Eunuch Jano!" pagtataka niya. "Nakabukas na ang tarangkahan ng palasyo, umalis ba ang mahal na hari?""Oo, mahal na reyna," pagsang-ayon nito. "Sa katunayan ay kaaalis lamang nila ng mahal na Haring Chezedek."Nakaramdam siya ng panghihinayang. "Ganoon pala. Nagpunta kasi kami rito sapagkat nagbabakasakali ako na maaabutan namin ang amang hari.""Ipagpaumanhin po niny
Nabagabag si Datu Nebunizar dahil sa werewolf na napuna ni Deborah na nagmamanman sa Edoma Forest. Inaalala niya na marahil ay marami nang nakalap na impormasyon ang espiya tungkol sa mga miyembro ng kanilang werewolf clan."Armida!" tawag niya sa babaylan nang dumating ito."Ano po iyon, mahal na datu?""May bagong pangitain ka na ba tungkol sa aking apo at sa infected werewolf?""Mahal datu, pigilan man nating mangyari ang mga kapahamakang maaaring sapitin nina Adult Ram Luiz at ni Binibining Deborah ay hindi tayo magtatagumpay.""Kung ganoon pa rin ang iyong nakikita, kailangan ko nang ipaalam sa kanilang dalawa ang totoo."*****"Binibining Deborah," tawag kay Deborah ni Carlos.Napatingin siya rito."Adult Ram Luiz," pagbati pa nito kay Ram Luiz."Ano iyon, Carlos?""Adult, mabuti at naririto pa si Binibining Deborah. Siya at ikaw ay pinatatawag ng mahal na datu."Nagtinginan sila ni Ram Luiz sa isa't isa.Labis ang kaniyang pagtataka sapagkat noon pa man ay hindi siya pinatatawa
Dahil gumaling na si Ram Luiz ay nakapagdesisyon na si Deborah. Magtutungo na siya sa Gypto upang tumulong sa kaniyang witch clan at sorcerer clan."Maraming salamat sa pag-aalaga mo, aking binibini. Ikaw ang dahilan ng mabilis na paggaling ko." Pasasalamat sa kaniya ni Ram Luiz habang inihahatid siya.Nagtinginan naman sina Sharina at Loisa na pinipigilang mapangiti dahil sa sinabi ni Ram Luiz."Walang ano man iyon, Ram Luiz. Sayang naman ang mga natutuhan ko sa paggawa ng healing ointment kung hindi ko magagamit." Nakangiting tugon ni Deborah habang naglalakad."Naging napakasaya ko sa iyong pananatili rito sa Edoma Forest. Nakalulungkot lamang na tayo ay maghihiwalay na."Tila nasamid si Loisa nang marinig ang mga katagang sinabi ni Ram Luiz kay Deborah. Si Sharina naman ay nagpipigil ng tawa. Napupuna ng magkapatid na tila nagpapahiwatig na kay Deborah ng kung ano ang binata."Naging mainit ang pagtanggap niyo sa akin kahit hindi naman ako kabilang sa inyong werewolf clan, Ram Lui
Nakaupo ang datu na si Xandro sa trono nito nang lumapit dito ang isa sa mga Adono ng kanilang werewolf clan."Mahal na datu," bumulong ito sa datu. "Ang espiyang si Wano ay may iuulat sa inyo."Tumango ang datu at nag-utos, "Palapitin siya sa akin."Nang tumayo si Wano sa harapan nito ay ipinag-utos nitong magsialis muna ang mga werewolf na nasa paligid nito.Ang espiyang si Wano ay nakayuko at nakaluhod bilang pagbibigay-galang kay Xandro."Iangat mo ang iyong ulo. Ikaw raw ay may iuulat, tama ba?" tanong nito sa espiya.Sumang-ayon naman ang espiya. "Opo, aming datu. Ako ay nanggaling na ng Edoma Forest. Sa aking pagmamatyag ay nalaman ko na may hindi purong werewolf na naman ang napadpad sa kanila."Habang nakikipag-usap ito sa espiya ay parating naman ang kapatid nitong si Victoria.Tahimik lamang si Victoria habang humakbang at inoobserbahan ang kanilang pag-uusap."Naririto na naman ang espiya ni Xandro. Ano na naman bang iuulat nito?" pagtatanong niya sa sarili."Isa na naman
Labis na nababahala si Datu Nebunizar sa pangitaing ibinahagi ng babaylan patungkol kina Ram Luiz at Deborah.Dahil hindi pa lubos na maunawaan ni Armida ang naging pangitain nito, wala pa siyang desisyon kung pakikiusapan niya si Deborah na manatili sa Edoma Forest o hindi.Malaking tulong si Deborah sa kanilang werewolf clan ngunit nangangamba siya na kapag nalapit ang loob dito ni Ram Luiz ay maaaring matupad ang pangitain ni Armida na parehong mamamat*y ang dalawa.Upang maliwanagan ang kaniyang kaisipan ay muli niyang ipinatawag ang babaylan."Tawagin ninyo si Armida ngayon din!"*****Si Anarah naman ay mag-isang naglalakad sa kalagitnaan ng madilim na daan. Isa ito sa parte ng Gypto na mapanganib para sa mga witch na tulad niya ngunit pinili niyang magdaan sa naturang lugar upang mapag-isa.Napapaisip siya kung paanong tuluyan nang mapatigil ang vampire clan nina Edwardo at Belinda sa pagsalakay sa kanilang bansa."Kung naririto lang sana si eldest sister ay maaring nagtagumpay







