Masuk
YUHEI'S POV:
Hindi ko alam kung anong klaseng langit ang meron sa ibabaw ng chandelier. Pero kung meron man, sigurado akong hindi ako kabilang doon. Dahil sa gabing ‘yon, binebenta ang buhay ko sa presyong hindi ko kailanman pinili. Tahimik ang buong hall. Masyadong tahimik para sa isang lugar na puno ng mga taong may galit sa mundo. Ang sahig ay marmol, malamig sa talampakan. Ang ilaw ay ginto, masyadong maliwanag para sa isang gabi na puno ng kasalanan. At ako? Nakatayo sa gitna ng lahat, suot ang puting bestidang hindi naman talaga para sa kasal—kundi para sa bentahan. “Yuhei,” mahinang tawag ni Mama, nanginginig ang boses. Hindi siya makatingin sa akin ng diretso. Nakayuko lang siya, parang siya ang inaakusahan ng buong mundo. Alam ko na ang mangyayari bago pa man ako pumasok sa silid na ‘to. Alam ko na rin na wala na akong laban. Ang tanong na lang ay kung gaano kasakit ang kapalit. Sa harap namin ay ang mahabang mesa na parang sa mga pelikulang mayamang-mayaman ang bida. Sa dulo nito, nakaupo ang lalaking hindi ko kailangang tingnan nang matagal para malaman na siya ang dahilan kung bakit naglaho ang lahat ng hangin sa paligid. Si Elijah Blackwood. Isang pangalan lang, pero sapat para pagdudahan mo ang sarili mong paghinga. Malamig ang mata niya. Hindi basta malamig—kabangis ng yelong walang pakialam kung may mamatay sa harapan niya. Nakaayos ang itim niyang suit, perpekto ang bawat tiklop. Para siyang hari sa isang kahariang gawa sa dugo at salapi. At ako ang alay. “Miss Lin,” saad ng lalaking may hawak ng kontrata. “Handa ka na bang pumirma?” Hindi ako sumagot agad. Pinisil ko ang laylayan ng damit ko. Nanginginig ang mga kamay ko kahit pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Hindi ako handa. Pero wala naman talagang handa sa ganitong klase ng kapalaran. Lumapit si Mama sa akin. “Anak… pasensya na,” bulong niya. Isang basag na paghingang hindi na mabubuo pa. Gusto kong sumigaw. Gusto kong tumakbo. Gusto kong sabihin na mali ‘to, na hindi ako gamit na pwedeng ipasa-pasa. Pero sa likod ng bawat sigaw ko, may kapalit na sigaw ng ospital—ang sigaw ng kapatid kong unti-unting nilalamon ng sakit. At sa bawat hakbang paatras na gusto kong gawin, may katotohanang mas mabigat: wala kaming pambayad. Wala kaming choice. Lumapit ako sa mesa. Ramdam ko ang mga matang nakatitig sa akin—mga matang hindi ako tinitingnan bilang tao kundi bilang ari-arian. Kinuha ko ang bolpen. Isang pirma. Isang guhit ng tinta. Isang buhay na tuluyang nagpalit ng pangalan. Sa sandaling bumaba ang bolpen sa papel, alam kong tapos na ang dati kong ako. Tahimik ang paligid matapos akong pumirma. Walang palakpakan. Walang pagbati. Parang lahat ay sanay na sa ganitong uri ng transaksyon. Tumayo si Elijah. Ang bawat hakbang niya papalapit sa akin ay parang martilyong humahampas sa dibdib ko. Nang huminto siya sa harapan ko, napilitan akong tumingala. Unang beses kaming nagkatinginan nang diretso. At doon ko nalaman kung gaano kahirap huminga kapag ang isang tao ay tinitingnan ka na parang ikaw ay pagmamay-ari na niya. “Simula ngayon,” malamig niyang sabi, boses na walang kahit anong emosyon, “Ikaw ay akin.” Parang hindi ako tao. Parang gamit. Parang pag-aari na pwedeng itago, gamitin, at wasakin kung kailan niya gugustuhin. Nilunok ko ang takot sa lalamunan ko. “O-opo,” mahina kong sagot. Isang kilay lang ang bahagya niyang itinaas. “Tandaan mo,” dagdag niya, “Hindi ka na pwedeng umatras.” At sa puntong iyon, alam kong hindi lang ang katawan ko ang nabili niya. Pati ang kalayaan ko. Sa loob ng kotse, tahimik ang paligid. Nakaupo ako sa tabi niya, nanginginig ang mga kamay ko sa ibabaw ng tuhod ko. Ang bintana ay itim. Hindi ko makita kung nasaan kami. Ang tanging malinaw ay ang presensyang katabi ko—mabigat, malamig, at nakakatakot. Hindi siya nagsalita. Hindi rin ako. Para kaming dalawang estrangherong pinagtagpo ng negosyo, hindi ng kapalaran. “Bakit ako?” hindi ko napigilang itanong, basag ang boses. Saglit siyang tumingin sa akin. Isang tingin na sapat para mabasag ang loob ko. “Dahil may halaga ka.” “Halaga?” parang sinaksak ang dibdib ko sa salitang ‘yon. “Tao po ako.” “Sa mundo ko,” mariin niyang sagot, “lahat ay may presyo.” Tumahimik na lang ako. Dahil sa mga oras na ‘yon, unti-unti kong nauunawaan na pumasok ako sa isang mundong hindi para sa mga tulad ko. Pagdating namin sa mansyon, halos manghina ako sa laki nito. Para itong palasyo na nakatayo sa gitna ng kadiliman. Walang kahit anong init ang bumabalot sa lugar. Ginto sa labas, pero yelo sa loob. Dinala ako ng mga kasambahay sa isang silid na mas malaki pa sa buong bahay namin noon. Sa gitna nito ay isang kama na parang hindi para sa pahinga—kundi para sa pagsasadula ng kapangyarihan. “Magpahinga ka,” malamig na utos ni Elijah. “May mga susunod ka pang dapat gawin bilang asawa ko.” Asawa. Isang salitang hindi ko kailanman inasam sa ganitong paraan. Pagkaalis niya, napahawak ako sa dibdib ko. Parang may mabigat na batong ipinatong sa puso ko. Hindi ako umiiyak. Hindi dahil matapang ako. Kundi dahil pagod na pagod na akong umiyak. Sa kabilang dulo ng mansyon, si Elijah ay nakatayo sa harap ng mga salamin, malamig ang tingin sa sarili niyang repleksyon. “Tapos na ang unang hakbang,” bulong niya sa sarili. “Yuhei… hindi mo pa alam kung bakit ka talaga nandito.” Sa likod ng mga pader ng mansyon na ‘yon, hindi lang isang babae ang ikinulong. Isang lihim. Isang paghihiganti. Isang laro ng kapalaran na nakahanda nang pumutok. At sa gitna ng lahat—ako. Ang babaeng binili ng isang halimaw. At ang halimaw na unti-unting sisirain ako… o ililigtas niya sa sarili kong kadiliman.Yuhei’s POVMay klase ng dilim na hindi basta kawalan ng ilaw.Ito ‘yong dilim na may amoy.May tunog.May alaala.Nang magising ako, una kong naramdaman ang lamig ng bakal sa pulso ko. Hindi masikip, pero sapat para ipaalala sa’kin na hindi ako malaya.Huminga ako nang malalim.Isa.Dalawa.Tatlo.Huwag mag-panic.Ang kisame sa taas ko ay puti—masyadong malinis para sa isang lugar na ginawa para ikulong ang tao. May ilaw na hindi masyadong maliwanag, hindi rin madilim. Sakto lang para hindi ka makatulog nang maayos.Classic.Psychological.“Gising ka na pala.”Boses.Hindi ko kailangang tumingin para malaman kung sino.“Renxiao,” sabi ko, paos pero diretso.Tumawa siya—mahina, parang natutuwa.“Mas gusto ko ‘pag tinatawag mo akong ganyan,” sagot niya. “Parang tayo lang ang may alam ng pangalan ko.”Sa wakas, lumapit siya sa
Yuhei’s POVMay mga bagay na hindi nahuhugasan ng tubig.Kahit ilang beses mo pang kuskusin ang kamay mo, kahit masugatan na ang balat mo—may bakas na nananatili.Dugo.Hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang tunog ng putok.Hindi ko maalala ang mukha niya nang malinaw, pero alam kong bumagsak siya dahil sa’kin.“Self-defense,” sabi nila.Pero kahit anong tawag mo, pareho pa rin ang ending.May taong hindi na humihinga.At ako ang dahilan.Elijah’s POVHindi ako natulog.Hindi dahil sa giyera.Kundi dahil kay Yuhei.Nakatulog siya bandang madaling-araw, pero nanginginig ang katawan niya kahit mahimbing na ang mata.Trauma.Alam ko ‘yon.At kasalanan ko.Kung hindi ko siya isinama, kung hindi ko siya binigyan ng baril—Pero wala nang “kung.”Ang meron na lang ay kung paano ko siya poprotektahan
Yuhei’s POVMay mga lugar na akala mo ligtas.Hanggang isang araw, gigising ka na lang na wala na pala.Safehouse ang tawag ni Elijah sa lugar na ‘to—isang lumang bahay sa gilid ng bundok, napapalibutan ng puno, tahimik, halos parang abandoned.Pero habang nakaupo ako sa sahig, hawak ang sugat sa braso ko, isang bagay ang malinaw sa isip ko:Wala nang safe.Hindi na ‘to tungkol sa pagtakbo.Hindi na rin tungkol sa pagtatago.May humahabol sa’min—at kahit saan kami pumunta, susunod at susunod sila.“Elijah,” tawag ko habang binabalot niya ulit ang benda. “Hanggang kailan?”Hindi siya sumagot agad.Hindi dahil wala siyang sagot.Kundi dahil ayaw niyang sabihin ang totoo.Elijah’s POVHanggang matapos ko ‘to.Hanggang wala nang humihinga sa mga taong gustong manakit sa kanya.Pero hindi ko pwedeng sabihin ‘yon.“Kailangan nat
Yuhei’s POVHindi ako nakatulog.Hindi dahil sa ingay ng alon sa labas ng hotel, kundi dahil sa presensya niya sa loob ng kwarto—kahit hindi kami magkatabi.May distansya pa rin.Isang kama ang pagitan namin.Isang digmaan ang nasa gitna.Naririnig ko ang paghinga niya. Mabagal. Kontrolado. Parang laging handa.“Hindi ka ba talaga matutulog?” tanong ko sa dilim.Tumigil ang paghinga niya sandali.“Hindi hangga’t hindi ako sigurado na safe ka,” sagot ni Elijah.Napangiti ako nang bahagya.Hindi sweet.Hindi romantic.Pero totoo.Elijah’s POVHindi ako nagbiro.Hindi ako makatulog kapag alam kong may mga aninong gumagalaw sa paligid niya.Renxiao doesn’t threaten twice.He strikes once—hard.At ngayong alam niyang magkasama kami—Mas lalo siyang magiging marahas.“Yuhei,” sabi ko, mababa a
Yuhei’s POVTahimik ang bayan ng Batangas—ngunit para sa akin, hindi na ito katahimikan.May pakiramdam akong may paparating. Hindi takot lang… mas mabigat, parang ulan na bago pa man dumating ay dama mo na sa balat.Naglakad ako pauwi mula sa bookstore. Ang gabi ay malamig, may amoy ng dagat at pinagmumultuhan ng alaala ng mansyon.Tumigil ako sa gilid ng kalsada. Tiningnan ko ang paligid. Wala. Wala nang tao. Wala nang sasakyan.Pero may naramdaman akong presensya—isang tunog ng yabag sa dilim.Tumayo ako nang tuwid. Hawak ang bag sa harap ko. “Sino ka?” bulong ko.Walang sagot.Tumalikod ako, tatakbo palabas sa liwanag ng poste, pero isang kamay ang humarang.Mabilis. Malakas. At sa sandaling iyon, nakita ko ang mukha niya.Renxiao.Zhou Renxiao’s POVNakita ko siya—nag-iisa. Walang gu
Yuhei’s POVMay mga laban na hindi sinisigawan.Walang baril. Walang dugo. Walang sigawan sa gitna ng ulan.Pero mas masakit.Mas nakakapagod.Mas matagal gumaling.Ito ang klase ng digmaan na araw-araw mong kinakaharap mag-isa—kahit napapalibutan ka ng tao.Tatlong linggo na mula nang umalis ako sa mundo ni Elijah.At sa tatlong linggong ‘yon, mas marami akong natutunan tungkol sa sarili ko kaysa sa buong panahong kasama ko siya.Hindi dahil masama siya.Kundi dahil masyado kaming nasanay sa ideya ng “kami” na nakalimutan ko kung sino ako kapag wala siya.Yuhei’s POVLumipat ako sa Batangas.Hindi beach. Hindi resort.Isang tahimik na bayan na parang nakalimutan ng oras.May maliit na inuupahang bahay—lumang kahoy, may bitak ang bintana, at laging may amoy ng dagat kahit hindi ko naman nakikita ang dagat.Perfect.Di







