Share

The Cold Hearted Gangsters
The Cold Hearted Gangsters
Author: Bambiewp

Prologo

Mula sa himbing ng pagtulog ni Alyana nang maalimpungatan siya sa kalagitnaan ng gabi. Bumungad sa dalawang mata niya ang madilim na paligid ngunit kumikinang na kalangitan ngayon sa kanyang kuwarto.

Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi dahil sa mga nakikita ngayon sa sariling silid. Pinagmasdan niya ang mga magaganda at wari'y totoo na mga bituin, ulap, mga planeta, asteroid at iba pa, mula sa kisame. Maging ang kanyang malambot na hinihigaan ay may disenyong katulad sa kisame. Ang lahat ng ito ay kumikislap na parang makatotohanan.

Tila nakaramdam siya ng saya na animo'y nasa outer space siya at palutang-lutang na parang astraunaut. Napahagikgik naman siya sa imahinasyon na kanyang naiisip.

Nawala lamang ang pagmumuni niya nang makarinig siya nang sigawan mula sa katabing kuwarto. Sa sigawan pa lamang na 'yon ay nakasisigurong mga nagtatalunan. Hindi na sana papansinin ng dalaga ang naririnig na pagtatalo at ipagpatuloy ang nalingat na tulog nang mapagtanto niyang katabing silid niya ay pagmamay-ari ng kanyang magulang.

"Mommy... Daddy" bulong niya. Dali-dali naman siyang lumabas sa kanyang kuwarto patungo sa kabilang silid.

Nakarinig naman siya nang nabasag mula doon. Nagkaroon siya ng kaba sa dibdib. Iniisip niya naman na baka nagkakasakitan na ang mga ito ng pisikal at hindi niya ito makakaya.

Nasa tapat na siya ng pintuan upang katukin ang kuwarto pero napansin niyang bukas pa iyon. Nakaawang kasi ng kaonti ang espasyo ng pinto. Nakikita niya na ang dalawang tao na mahalaga sa kanya. Ang magulang niya na sina Jerome Demitri at Reya Demitri.

Napakunot ng noo ang dalaga nang masilip ang nakaawang na pinto. Nakita ang Mommy niya na umiiyak habang nakapulupot ang dalawang makinis at maputi

nitong kamay sa beywang ng kanyang Daddy. Pilit naman tinatanggal ng lalaki ang yakap nito mula sa asawa.

Gusto na sana niyang umeksena para matigil na ang teleserye o drama-rama mula sa isip niya. Gustuhin man niyang pigilan ang pagtatalunan ng dalawa ngunit tila hindi kumikilos ang dalawang paa niya. May bumabagabag sa isip niya pero hindi niya maproseso kung ano ba iyon.

Natanong na lamang niya sa isip.

Bakit sila nag-aaway?, Bakit todo drama si Mommy? Bakit pakipot si Daddy?

Gusto niyang humagikgik sa mga naiisip ang kaso ay baka marinig siya. Napahinto ang dalaga sa pagmumuni nang may mapagtanto ito dahil kapag may talunan ang mga ito ay nagbabati agad. At ang Daddy niya, ang unang naglalambing. Pero iba ngayon, sa sitwasyon na kanyang nasasaksihan ay napakalaking dagok sa isipan niya. Napagdesisyunan na ni Alyana na pumasok para magbati na ang dalawa. Nabigla pa siya nang tinulak ng Daddy niya ang Mommy niya dahilan para masalampak ito sa sahig. Nahinto ang pagtuloy niya sa kuwarto para awatin ang dalawang nagbabangayan na mag-asawa nang magsalita ang Daddy niya. Mula sa pagsigaw ng Daddy niya, natuklasan niya ang isang sikreto.

Tila nanlambot naman ang tuhod niya dahilan para mawalan siya ng balanse sa pagkatayo kaya napahawak siya sa dingding sa pagitan ng pinto. Kumawala din ang namumuong luha niya sa kanyang mata at pilit tinitigil ang pag-agos ng mga iyon.

Hindi... sana panaginip lang ito na sabi niya sa isip at sinampal niya ang sarili. Ngunit nasaktan lamang siya, ibig sabihin, hindi siya nanaginip.

"Hindi natin siya anak... wala akong anak!"  mga salitang binitawan ng Daddy Jerome na nagpapaulit-ulit sa kaniyang isipan. 

Aalis na sana si Alyana nang magsalita ulit ang Daddy niya.

"Seventeen years, Reya! Naglolokohan pala tayo?! Hanggang kailan mo ako—Siya, lolokohin?! Pa-patay na ang to-totoong a-anak natin?! Ta-tapos itong pinalaki natin? HINDI NATIN ANAK?! Ano? Kung pa-patay na ang anak ko-ko... PATAYIN KO NA LANG DIN ‘YAN—” hindi na pinatapos ng dalaga ang karugtong na sasabihin pa ng kanyang Daddy— Daddy nga ba?

 Napatakbo siya nang mabilis palabas ng bahay. Medyo nabigla pa ang dalaga dahil bakit nakabukas ang gate nila kaya siya malayang nakaalis nang walang bantay. Kahit na may pagtataka, isinantabi na lamang niya muna ito at nagpatuloy. Hindi niya na pinansin ang kadiliman sa kanyang paligid dahil ang mas nananaig ngayon sa kanya ay kalungkutan.

Napayakap siya sa kanyang sarili dahil sa lamig ng hangin na bumabalot sa kanya. Ang tanging suot lang niya kasi ay simpleng pantulog lang na ang disenyo ay Barbie. Napahagulgol na naman siya dahil sa nararamdaman niyang sakit tungkol sa pagkatao niya. Hindi na alam ni Alyana ang gagawin niya at kung saan siya papatungo. Basta pinagpatuloy na lamang niya ang paglalakad kahit sa kabila ay natatakot na talaga siya sa dilim. Inaliw na lamang niya ang sarili niya sa pagkanta at kinalma ang panginginig.

D-d-d-d-dora

D-d-d-d-dora

D-d-d-d-dora

D-d-d-d-dora

Dora, Dora, Dora the explorer

Hey! Hey!

Swiper no swiping

"Tama!"

'Yieeee o'nga noh? Hahanapin ko na lang ang totoong parents ko hihihi' sabi nito sa isip niya. At tila nagkaroon na naman siya ng kompiyansa sa sarili at napangiti sa naisip

Sa kabilang banda nalungkot na naman ang dalaga. Aminado itong masakit sa parte niya ang mga narinig at hindi niya ito makakaya. Baka mapatay siya ng Daddy Jerome niya... ang kinilala niyang Daddy, napangiti siya nang mapait nang mapatingin sa kalangitan. Ang Daddy Jerome niya kasi ang gumawa ng disenyo sa kanyang silid. Napaluha na naman siya.

Pagod naang dalaga sa paglalakad at iniinda na din niya ang antok. Pero wala siyang mapupuntahan

Sa loob ng seventeen years hindi niya alam kung bakit hindi siya pinapalabas ng kaniyang kinalakihang magulang. Ni hindi rin siya marunong makipag socialize sa kapwa niya. Mas nangingibabaw sa dalaga ang isip batang pag-iisip at ignorante sa mga bagay-bagay. Homeschooled lang din kasi ang dalaga at ang bahay-aral niya ay hindi naman ganoon kataas katulad nang sa iba kapag sinasabi na homeschooled. Ang klase ng mga tinuturo kay Alyana ay mga basic lamang na mga nalalaman ng mga bata edad 8 years old pababa. Ang mga tumatayong guro nito ay mga nasa loob lamang din ng bahay nila, mga katulong at hardinero.  Huminto siya sa paglalakad at sumandal sa pader na malapit sa kanya. Gusto niya magpahinga kahit saglit pagkatapos ay mag-aaladora na naman siya. 

Iidlip na sana siya pero—

"Ugh!"

"P*ta! Tanggapin mo 'to!"

"Fvck you, assholes!"

"Wala pala kayo, eh!"

"Go to hell, bastards!"

"Pucha, Mukha ko!"

Napatayo siya ng tuwid sa narinig niyang sigawan. Nagmasid siya sa paligid kung ano iyong mga naririnig niya. Hanggang sa napalingon siya sa likod niya na kinasasandalan na pader. May maliit na eskinita kasi roon na tila isang tao lamang ang makakapasok sa sobrang sikip. Buti na lang, payat siya.

Nag-aalinlangan man na tumuloy pero kusang naglakad ang paa niya na tumungo roon. At halos lumuwa ang dalawa niyang mata at laglag panga sa nakikita niya. Mga nagsasagupaan na kalalakihan at may mga dalang armas para ipanglaban sa mga katunggali nito. Tila aliw na aliw naman siya sa nakikita dahil ito ang unang beses niya na lumabas ng bahay at makakita ng ganoong senaryong. Kaya—

"GO MGA KUYA! FIGHT! FIGHT! FIGHT! WOOOOOH!

" sigaw niya na parang bata at aliw na aliw sa panunuod. 

Nagmistulang slow motion naman na napatigil ang mga kalalakihan sa pambubugbog sa kanya-kaniyang kalaban. Sila ay napatingin sa boses na nangibabaw mula sa dalagang bagong laya sa kulungan.

Nakaramdam naman ng takot si Alyana sa tingin na ipinukol sa kanya ng mga lalaki. Buti na lang malakas siya makiramdam kahit medyo kinulang lamang siya sa utak. At heto nga, paano ba naman, ang sasama ng tingin sa kanya ng mga ito. Samantalang chini-cheer naman niya with matching palakpak pa at talon. Pero dahil kulang nga ang utak niya,makulit pa, bibo na parang bata, at isip bata din, naglakas loob siya na tatakbo... SANA

"Where do you think you're going, Miss?" nanlamig ang dalaga sa narinig mula sa lalaking papalapit sa kanya na may dalang baril. Naiintindihan naman niya ang sinabi sa kanya ng lalaki kahit English ang winika nito. Tinuruan kasi siya ng Mommy niya ng mga salitang ganito kahit konti.

Nauubos na ang laway ni Alyana sa ilang beses niyang paglunok dahil sa takot. Kinakabahan siya. Natatakot na baka barilin siya ng lalaking 'yon. Dahil ba naistorbo niya ang mga ito?

Tuluyan nang nakalapit ang lalaki kay Alyana. Nalula naman siya dahil sa tangkad nito na hanggang dibdib lamang siya. Sobrang bilis na nang tibok ng puso niya at hindi niya na kontralado ang paghinga sa kaba. Pero, pilit pa din niyang ngumiti at nagsalita.

"Ka-kapag pa-patay na a-ako huhuhu de-design ng ka-kabaong ko Ba-Barb-bie a-ah... pi-pink—Wika niya atsaka namatay— este nawalan lang ng malay.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Shoto Todoroki
ooooohhhh bagong babasahin~~
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status