TWO WEEKS LATER..After ng hinatid niya ko ginawa ko ang lahat para iwasan si Ace.. Pero, kahit anong iwas ko hindin nangyayari lalo na't kaibigan niya ang boss ko. Haixt! Katulad ngayon may events sa Forrester Hotel, pero nag change plan kaya sa isang resort na lang gaganapin ang pag proposed ni Sir Stevenson kay Miss Andrea, sana all na lang ako talaga ako. Ako kaya kailan??? Habang nag hihintay kaming lahat na magising si Princess Andrea ay este ma'am Andrea, nag re-ready na ang mga staff ng resort para mamayang gabi at si ma'am Andrea naman kasalukuyang tulog, dahil pinatulog ng kunwaring nagpa kidnapped sa'kaniya. Nakakakilig nga e' sana may isang tao rin magparamdam sa'kin ng ganiyan. 'Yung para kang prinsesa. Parang si sleeping beauty na matagal na nakatulog at ginising ng halik ng kaniyang prinsipe. At dahil nga doon, hindi ko naiwasang ngumuso at gayon na lang ang gulat ko ng may biglang humalik sa'kin..Napa dilat ako ng wala sa oras at kitang kita ko si Ace na nasa harapa
One Week Later..After the proposal ng boss ko sa fiance' niya na ngayon na si Miss Andrea, hindi ko na rin nakita man lang si Ace. Hindi ko alam bakit pakiramdam ko parang may malaking bahagi ng buhay ko ang nawala na hindi ko maintindihan. God knows na wala akong feelings sa'kaniya pero, bakit noong nawala siya na-miss ko ang presensya niya. Ginugol ko ang bawat araw ko sa pagta trabaho, kung minsan inaaya ako ni Zach para lumabas. Nang minsan nasa office ako ng boss ko bigla na lang nag ring ang cellphone nito. Pasimple kung sinilip kung sino ang natawag. Napangiti ako ng makita ko ang pangalan ni Ace. Gustuhin ko man na sagutin ang tawag niya bigla akong nahiya lalo na't dumating na ang boss ko at kinuha ang cellphone niya."Yes! Mara, may kailangan ka ba?" tanong ng boss ko."W-Wala naman po sir, may tumawag lang po kasi. Sige po sir mauuna na po ako."Tumalikod na ako at naglakad pabalik ng desk ko. Ilang minuto akong nag sulat ***Barcelona Spain time 1:57 a.m"Hey! Bro, wha
Lumipas ang Isang buwan. Wala la rin akong balita kay Ace. Hindi talaga sigurong mahalaga ako para sa'kaniya. At habang tumatagal na hindi ko nakikita si Ace, mas lalo akong nalulungkot at nang hihinayang. Paano kung mag asawa na sila noong babaeng 'yon. Paano na ako?? Haixt!"Ayan kasi nasa huli talaga ang pagsisisi lagi." hiyaw ng traydor kung isip.Ginugol ko na lang ang mga bawat araw ko sa pag aasikaso sa trabaho at sa mga plano namin ni Zach para makuha na ang mga kapatid ko kay Mamu at magkakasama na rin kami.At ngayon nga ang araw na pinaka hihintay ko. Zach call me about the operation."Hi! Mara, are you ready? Nasakote na ang dumukot sa mga kapatid mo at may ilang na ligtas na mga bata. Hindi lang matukoy kung kasama ba ang mga kapatid mo." "Oo ready na ako, Zach. Sana ligtas ang mga kapatid ko." "Magkita na lang tayo sa headquarters ha. Hihintayin kita Mara." "Sige."Wala na sa linya su Zach, ngunit hindi mawala wala ang kabang nadarama ko ng mga oras na 'yon. Sana Lord
KINABUKASAN.. Maaga akong umalis ng bahay at tulog pa rin si Monica, hindi ako makapaniwalang kasama ko na nga siya. Nag-iwan lang ako sticky notes at dinikit ko na sa refrigerator. Pag dating ko sa company diretso ako sa desk ko at himalang wala pa ang boss ko. Inayos ko lang ang mga ilang gamit ko at ang resignation letter ko. Mahihirapan kasi ako sa kalagayan ko kakahiya naman kung palagi na lang akong a-absent kapag masama ang pakiramdam ko. Ginugol ko muna ang nalalabing oras ko sa pag aayos at pag transfer ng mga gagawin ng bagong secretary nito. Nag inat-inat ako ng ulo ng maramdaman ko 'yong pananakit ng batok ko.Ilang minuto lang rin naman narinig ko ang glass door hudyat na dumating na ang boss ko. "Mara," naulinigan ko ang boses nito na tinatawag ako. Kaagad naman akong tumalima at naglakad patungo roon. Kumatok ako ng tatlong beses, bago ko narinig ang sagot nito; "Please, come in." Pumasok na ako sa loob at naupo."S-Sir, bakit po?" "Okay lang ba if you brewed my c
Matapos naming makapag check-up. Natutuwa ako sa nalaman ko na healthy ang ongoing baby ko. "Mara, kanina ka pa tahimik r'yan. May problema ka ba?""W-Wala naman Ace, naisip ko lang kung gaano kabait ang boss ko.""Si Mr. Forrester?" "Oo, kahapon kasi nagpaalam na sana akong magre-resign sa company, kaso pinigilan niya ako.""Huh?! Bakit mo naman ginawa 'yon. Hindi naman siguro sagabal kung magta trabaho ka pa rin sa company. Ayon lang extra careful ang bilin ni Doc. Pero, tama naman ang boss mo. Pwede ka naman mag stop mag work.""Paano ang gastusin naming magkapatid kaunti lang rin naman ang naiipon ko.""Ako ng bahala roon." "Hindi na Zach, nakakahiya na marami ka ng naitulong sa'kin. Tama na 'yon." ani ko. Totoo naman na nahihiya ako kay Zach. Lalo na't wala naman akong balak na sagutin siya. Lintik kasing puso ko napaka hirap turuan. Sakabila nang pagkawalay ni Ace sa'kin, parati pa rin siyang laman ng isip ko. Alam ko naman na hindi dapat. Pero, anong gagawin ko kung palagi n
BARCELONA SPAINKanina pa ako walang imik sa board meeting. Puro tango lang ako kanina. Kaya heto inaasar na naman ako ni Anderson. "Sir. Ace, mukhang wala sa board meeting ang isip mo kanina. Ano babae ba?""Huh?! What are you talking about, Anderson? May iniisip lang ako pero hindi babae." pagsisinungaling ko at sana nga lang hindi niya nahahalata."Okay!" Nauna akong naglakad palabas ng company. Gusto kong umuwi ng bahay para makapag relax. Mabilis akong sumakay sa sasakyan at wala pang isang oras nandito na ako. I need some cold water para naman mahimasmasan ako. Tinapat ko ang palad ko sa tinted mirror glass door at nag simula na itong magsara. Ibinaba ko lang ang attaché case na dala ko kung saan naroon ang ilang documents. Alam ko naman na malayo at lumilipad ang isip ko kanina. Hindi ko nga yata naintindihan ang mga sinabi nila at na present.Kanina pa rin ako parang ewan na pinapagalitan ang sarili ko. Hinubad ko na ang coat na suot ko, maging ang ilang bagay na suot ko k
THREE MONTHS LATERAkalain mo 'yon going 7 Months na ang tummy ko at two Months na lang lalabas na ang baby ko. Hindi na rin ako aasa na babalik pa ang Daddy ng anak ko. Nandyan naman si Monica at Zach para alalayan ako. Sa pag lipas ng panahon unti unti kung natutunang bigyan ng chance sa puso ko si Zach, pero hindi pa din naman naaalis sa puso ko si Ace. Siya pa rin talaga, kahit wala na akong balita pa. Maaga pa lang sinundo na ako ni Zach para ihatid sa pagpasok. Ayoko nga sana kaso mapilit ito kaya hinayaan ko na lang rin siya. "Good Morning, Mara." "Good Morning too, Zach. Ang aga mo yata, may lakad ka ba?" curios na tanong ko. "Ah! Wala naman, gusto lang kitang ihatid sa work mo.""Huh?! Ano, hwag na baka maabala ka pa at isa pa out of your way ang office ko. Mag taxi na lang ako, kaya ko pa naman." "Hindi. Nandito na rin naman ako kaya ako na mag hatid sa'yo." ani niya sabay tayo at lapit sa'kin. Hinawakan niya ang kanang kamay ko at dinala sa pisngi nito habang pinapa pu
Pala isipan pa rin sa'kin kung sino ang tumawag. Mag da-dalawang bwan na rin ang lumipas. Malapit lapit ko ng masilayan ang anak ko. Ngayon nga ay prenatal check-up ko at sasamahan ako ni Monica, dahil wala siyang pasok ngayong araw ng Sabado. Excited na nga siya na makita ang gender ng pamangkin niya na biglang laki. Maraming nagsasabi na kambal ang anak ko, pero iba ang pakiramdam ko hindil lang ito kambal sa likot nito parang tatlo ang nasa loob ng tummy ko.Habang naka upo ako sa sala at hini hintay si Monica. Bigla na lang nag ring ang cellphone ko at nang sasagutin ko sana ito ay biglang nawala. Pag check ko ng call registered isa itong roaming number, pero sino naman ang tatawag sa'kin thru overseas call. Baka nang pa-prank lang. Mabuti pa nga i-silent ko muna ang cellphone ko. While at Barcelona Spain. Kababa lang ng cellphone ni Ace. Tinatawagan niya si Mara, dahil kahit pitong bwan na ang nakakalipas si Mara pa rin talaga. Kahit anong supil niya sa sarili at puso si Mara pa