Share

7- Shotgun Wedding

“Pangalawa, mag-enjoy muna kayong dalawa, ha. Saka na ang baby. Marami pa naman kayo’ng time para gumawa nu’n,” dagdag pa ni Tatay na biglang natawa ako.

“Oh, narinig mo ‘yun, ha. Ikaw, yaya ka nang yaya, eh,” sambit sa akin ni Neil na may pang-aasar.

Aba, at ako ang pinagsabihan? Batukan ko kaya ‘to?

“Anong ako? Tumigil ka nga,” replied ko na may inis kaya siniko ko siya sa tagiliran.

Loko-loko ‘to. Anong ako? Inosente kaya ako. Wala nga ako alam sa mga bagay na ‘yun.

“Anak, alam ko’ng gwapo ang mapapangasawa mo pero dahan-dahan lang, ha. ‘Wag muna. Siguro after two years of marriage pwede niyo na i-try, magpakasarap muna kayong dalawa na kayo lang bago kayo mag-baby kasi mahirap kapag nagka-baby kayo kaagad. Mawawalan na kayo nang time para sa isa’t-isa. Gusto mo ba ‘yun?” paalala sa akin ulit ni Tatay gawa nang narinig niya si Neil.

“‘Tay naman,” nahihiyang sambit ko at nagtago na naman ako sa likod ni Neil dahil pinagkakaisahan ako
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status