Share

Chapter 6

POV: Dahlia

Muli silang nagkita ni Harvy sa ospital. Medyo malakas na si Lolo A. Nakikipagbiruan na ito sa kanila. Nakakatawa na ito na tulad nung dati.

"Oh, kailan ba ang kasal" tanong nito habang pinapakain ito ng kanyang anak na si John.

"Mag uusap pa kami ni Dahlia lolo, pero as soon as posible sana, makapagpakasal na kami." Sagot ni Harvy.

"Mabuti naman kung ganon na magkakasundo na kayong dalawa, mahirap yung ikakasal kayo pero kayo ay magkagalit." Natatawa si Lolo A "yung venue ng reception, doon sa isa nating hotel, anong palagay nyo?"

"Sige po lolo kung saan kayo mas convenient" sagot niya. "Ano pong gusto nyong kulay ng motif?"

"Naku, nakakahiya namang ako ang pipili ng kulay eh kayo naman ang ikakasal." Sagot nito

"Gusto ko po sana Gold and black" sagot niya "maganda po kasi ang contrast nilang dalawa."

"Gusto ko rin yan hija" patango tango ang lolo ni Harvy.

"Sino ang gusto nyo lolo na maging ninong at ninang namin?" Tanong ni Harvy.

"Kilala niyo na naman ang lahat ng pwedeng kunin" sagot ni Lolo A.

"Pwede po ba lolo na mag usap kami ni Dahlia over dinner?"

"Mas okay yun, para walang gugulo sa mga kagustuhan nyo. Saka nyo na lang sabihin sa amin kung ano ang kabuuan ng plano para pag may gusto kaming isuggest masasabi namin sa inyo."

"Anak, kami na ng mama mo ang bahala sa mga flowers, kahit anong klase pang kasal yan may makocontact kami." Sabi ni John.

"Thanks dad" sagot ni Harvy "Dahlia, tara na. May pagdadalhan ako sayong lugar na hindi mo pa nararating."

"Uuna na po muna kami" paalam niya sa mga naroroon.

"Kami na ang bahalang magsabi sa tatay mo na may pinuntahan kayo" kumaway pa si tita Alma.

Habang naglalakad sa pasilyo, tinanong niya ito kung saan sila pupunta.

"Wala. Gusto ko lang makawala muna sa paningin nila." sagot nito.

"Nagsinungaling ka?" napatigil siya sa paglalakad "paano mo nagagawa ang mga bagay na yan!? ang tindi mo rin talaga."

"Wag ka ngang maingay, baka may makarinig sayo dito."

"Babalik na ko dun," tatalikod na siya ng pigilan nito.

"Please, unawain mo naman sana ako. Alam mo namang may naghihintay na babae sakin, hindi ko nga alam kung paano ko sasabihin sa kanya na ikakasal na ko eh. Ikaw, wala kang pinoproblema dahil wala kang masasagasaan, paano naman ako?"

Tumingin siya dito. Kitang kita niya sa mga mata ni Harvy ang lungkot na nararamdaman. Siya, bilang may lihim na pagtatangi sa lalaki, ay nasasaktan ng sobra. Subalit alam niya, sa pagmamahal, pantay naman ang lahat ng tao.

"Anong gusto mong gawin ko?" maya maya pa ay tanong niya.

Parang nabuhayan ng loob ang lalaki, saka nakangiting hinila siya palabas ng ospital.

"May alam na akong pagdadalhan sayo" sabi nito.

"Saan?"

"Basta.., sakay na" aya sa kanya ni Harvy. "may alam na akong lugar na mapupuntahan natin."

"Baka kung saan mo ako dadalhin ha?"

"Ikaw pa lang ang dadalhin ko dun, kahit sina lolo, hindi alam na may ganun akong property."

"So, property mo ang pupuntahan natin?"

"Hmmmm, oo siguradong matutuwa ka." pinaandar na ng lalaki ang sasakyan.

Mula sa mausok na lungsod, unti unting nag iiba ang binabaybay nilang daan. Parang nagiging liblib at nawala na ang sementadong daan. Malapit lang ito, ngunit dahil hindi siya galang tao, hindi niya ito alam.

Isang oras lng silang nagpaikot ikot, narating nila ang isang farm.

"Kanino to,sayo?" tanong niyang uginagala ang mata sa paligid.

"Yap.. kakabili ko lang nito six months ago, may mga nabago na ako dito. Ireregalo ko sana to kay Aud... i mean sa mapapangasawa ko. Since ikaw yun, ito ang ireregalo ko sayo, inadvance ko na. Makikita mo rin naman ito eh. Halika dun" itinuro nito ang tree house.

Inalalayan siyang umakyat ng lalaki. Tree house talaga ito, may mini ref na nakakabit sa solar panel. May isang kama na pandalawagan, may bintana at bubong. Literal na bahay sa puno.

"Ang ganda.. paano mo naisip ito?" tanong niya habang iniinspect ang paligid ng kubo.

"May kubo na talaga dito, ipinaayos ko lang. Saka hindi nga lang pwedeng magluto dito at minsan ay dumuduyan ang mga sanga, baka magkasunog pa. May banyo din dito, pero iihi ka lang, kapag number 2, sa baba na lang."

"Bakit mo ireregalo ito sakin?"

"Naipangako ko na kasing ireregalo ko ito sa magiging asawa ko "

"Baka bawiin mo to sakin after three years?"

"Hindi no. Ilalagay ko na agad ito sa pangalan mo, bago pa tayo ikasal, para pag naghiwalay tayo, himdi na ito conjugal."

Nasaktan siya sa sinabi nito. 'so hihiwalayan pala talaga ako ng lalaking ito'

"Ano ano ang nakatanim doon?" pag iiba niya ng usapan.

"Mga gulay yung naroon, tapos palayan naman dun sa kabila. May mga tao na dito na nagpapanatili ng kaayusan ng lugar. Kaya kapag sayo na to, pwede kang mag isip ng paraan para pagkakitaan ito."

"Ha? hindi ako marunong magpatakbo ng farm. Takot nga ako sa mga kalabaw at baka, baka habulin ako at suwagin."

Natawa naman si Harvy sa tinuran niya.

"Mapag aaralan mo naman yan."

"Ano yung hilera ng puno na yun?"

"Cacao yun saka kape."

"Wow.. hindi pa ako nagkikita ng puno ng kape."

"Gusto mo, tingnan natin?"

"Okay lang ba?"

"Okay lang, sayo naman ito eh."

Bumaba silang dalawa at naglakad sa mga pagitan ng kape at cacao.

"Wow, ganito pala yun..."

"Ah, eh... may sasabihin ako."

"Ano yun?" hindi niya ito tinitingnan.

"Pwede ko bang.. pwede ko bang kausapin si Audrey?"

Napatayo siya ng diretso at napatingin dito.

"Bakit?"

"Alam ko ang nasa kontrata. Na bawal muna akong makipag usap sa kanya, pero nakakahiya naman na basta ko nalang siya iiwanan ng hindi ako nakakapagpaalam ng maayos. Napaka ungentle man ko naman. Lalong hindi natin siya pwedeng imbitahin sa kasal natin. Bibigyan ko lang siya ng assurance na babalikan ko siya after three years.."

Ito na nga ang sinasabi niya. Ang ganitong ugali na pagbabait baitan ay may hihilinging kapalit. Hindi niya mawari ang nararamdaman niya. Basta ang alam niya lang, parang nautakan na naman siya ng lalaki. Napatingin siya dito. Blanko ang ekspresyon niya.

Napansin niya ang pagpapanic sa mukha ni Harvy...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status