Magkakaroon ng pagawaan ng baril sa San Luis at nakipagkasundo ang mayor doon. Ini-offer nito ang lugar sa kaniya para gawing hide-out ng mga ilegal nilang transaksyon. Ang kapalit ay tutulongan niya ito sa paparating na eleksyon. Ganid sa kapangyarihan ang mayor kaya ginagawa ang lahat upang hindi makababa sa pwesto.
Bumyahe sila ng ilang oras tungo sa San Luis. Dumaan sila sa sentro ng bayan. Nagkalat ang mga taong abala sa pamimili at ganoon din ang mga nagbebenta ng street foods. Pinagmasdan ni Treous ang kaganapan sa labas ng mamahaling sasakyan. At may nakita siyang babae na may hawak na bata sa kabilang braso habang hirap na bitbit din sa kabila ang malaking supot ng mga pinamili nito.Kung maaga sana siyang nakabuo ng bata sa mga baby maker niya ay baka ganoon na rin kalaki ngayon ang kaniyang anak. Kung kailan kailangan na kailangan niya ang bagay na iyon ay saka naman pinagkait sa kaniya.Humarap ang babae sa gawi niya at tila may pamilyar na sceneryo siyang naalala noong makita niya ang mukha ng babae. Nagkita na sila nito noon. Ito ang babaeng kasama ni Manong Karding. Ang matandang matagal nang naninilbihan sa kanilang pamilya. Nakita niya ito sa labas ng gate dati. Pero ano naman kung naalala niya ngayon ang babae? Wala siyang pakialam dito. Napatingin siya ulit sa batang karga-karga nito. Hindi niya alam kung bakit pero tila may kakaiba siyang pakiramdam nang titigan ang batang iyon.At biglang bumaling sa gawi niya ang bata habang abala ang ina sa pagpili ng bigas na bibilhin.Saglit niyang ibinaba ang bintana ng sasakyan. Ngayo'y mas malinaw niyang nakikita ang itsura ng bata. Tila nahihipnotismo siya at hindi niya maalis ang paningin sa batang iyon. At kalaunan ay ngumiti ang batang lalaki habang hindi pa rin siya nilulubayan ng tingin. Hindi niya maintindihan kung bakit parang kakaiba ang dating ng ngiti noong bata na iyon sa kaniya.“Boss, nakapagtanong na ako sa lukasyon ni Mayor. Pwede na tayong magpatuloy ngayon,”imporma ng tauhan niya.Natauhan siya nang magsalita ang tauhan niyang hindi niya namalayang nakapasok na pala sa sasakyan. Hindi na siya kumibo at isinara na ang bintana ng sasakyan......Napangiti si Salome nang makitang nakasunod ang mata ng anak niya sa itim na kotse na iyon. Namamangha siguro ito dahil minsan lang itong makakita ng ganoong sasakyan sa kanilang probinsya. Isang taon na ang lumipas matapos siyang manganak. Ipinagpasalamat niyang malusog niyang sinilang si Daniel. Lumaking hindi masiyadong sakitin ang kaniyang anak. Nahirapan siya noong una pero kalaunan ay nasanay na rin siyang tinataguyod ng mag-isa ang kaniyang anak.“Ibibili ka ni Mama ng ganoon kapag naging good boy ka,”aniya sabay turo sa papalayong kotse.Ilang saglit ay napansin niyang nakatingin na ang bata sa isa pang bata na kumakain ng ice cream. Ngali-ngali na dumukot siya ng barya sa bulsa mabuti na lamang at may limang piso pa siya doon. Nabilhan niya ng ice cream ang anak niya.Tahimik lang ang anak niya. Ngumingiti ito pero madalas sa kaniya lang. Tahimik ito sa ibang tao at hindi ito masiyadong nakikipaghalubilo sa iba. Siguro dahil nasanay ang bata na siya lang ang parati nitong kasama at isa pa ay nasa bundok ang kanilang bahay. Miminsan lang ito nakakakita ng maraming tao.Ang trabaho niya kasi ay sa bukid. Nagtatanim siya ng mga gulay upang ipagbili sa palengke na binibili niya naman ng mga pangangailangan nila. Dati na siyang nagtatrabaho lang sa bukid pero noong lumuwas sa syudad ang kaniyang kapatid ay naisipan niya rin na pumasok ng trabaho sa isang karenderya upang mas malaki ang maiipon niya. At mabuti na lamang na nakapag-ipon siya dahil ngayo'y nagagamit niya iyon sa kaniyang anak.Dahil sa anak niyang si Daniel ay nagkaroon siya ng pag-asa sa buhay sa kabila ng mapait na naranasan sa nakaraan. Hindi niya pinagsisihan ang mga nangyari sa kaniya dahil kung hindi dumating si Treous sa buhay niya ay wala siyang Daniel ngayon.“Hoy, Salome!” Tinawag siya ng tsismosang tindera sa lugar nila. Bago sila tutungo sa looban ay dadaan sila sa tindahan ng tsismosang si Bebang.Ibinaba niya saglit ang mga bitbit nang mapansin na lumapit si Manang Bebang. Hindi ito nakuntento na tawagin lang siya sa malayo. Mukhang may tsismis na naman ito kaya siya tinawag. Mabuti na lang at hindi siya kasing daldal ni Manang Bebang at baka matagal niya nang ibinunyag ang mga panlalait nito sa mga nakilala nito.“Alam mo ba? May bagong ini-offer na opportunity si Mayor ngayon,”pauna nito. Sabi na nga ba at may chika na naman ito. “May kilalang mayaman si Mayor na naghahanap ng mga pwedeng maging waitress sa hotel noong mayaman niyang kakilala. Naalala ko ikaw, kasi may anak ka at walang ama ang anak mo.”Nagpasaring pa ng salita si Bebang tungkol sa anak niya.“Alam mo? Kamukha noong mayamang yun ang anak mo. Di kaya siya ang ama ng anak mo tapos ayaw mo lang magsalita?”Kumunot ang noo niya nang balingan si Bebang. Minsan talaga ay hindi niya gusto ang mga lumalabas sa bibig nito. Kung sinu-sino na naman ang pinagdududahan nitong ama ni Daniel. Porke't walang ama ang anak niya ay gagawa ito ng istorya?“Baka mayaman talaga ang ama ni Daniel. Ayaw mo lang sabihin kasi baka manghingi kami ng paambon. Alam mo na.” Tapos humagikhik pa ito.“Hindi mayaman ang ama ni Daniel. Mahirap lang din siya katulad na'tin,”pagsisinungaling niya pero may duda pa rin sa mga mata ng tsismosang si Bebang.“E ano pangalan nong lalaki?”usisa pa nito.Umiwas siya ng tingin at pinulot ang mga pinamili.“Alis na kami, Manang Bebang.” Pormal siyang ngumiti at tumalikod. Gusto niya lang talagang iwasan ang intregerang si Bebang. Walang ibang nagawa si Bebang kundi ang bumalik sa kinauupuan kanina at magpaypay ng sarili.Aaminin niyang kinabahan siya sa sinabi ni Bebang. Paano kung si Treous nga iyon at talaga namukhaan nga ni Bebang ang lalaki? Sa batang edad ni Daniel ay hindi niya maipagkakailang kapansin-pansin na magkamukha nga sila ni Treous. Kahit kaunti ay walang nakuha ang bata sa kaniya kung ang itsura ang pag-uusapan. Ngunit ipinagdasal niyang sana kahit sa ugali man lamang ay magkapareho sila ng kaniyang anak.Naalala niya ang sinabing hotel. Naghahanap daw ng waitress ang hotel ng mayamang tao na iyon. Interesado siya kaya lang ay hindi niya pwedeng iwan ang bukirin lalo pa at hindi pa siya nakapagpaalam sa may-ari na aalis siya at iiwan niya na ang pagtatanim sa lupa nito.“Siguro malaki ang pasahod doon,”nasabi niya sa sarili.Nakikita niyang hindi sapat ang kita niya sa bukid upang tustusan ang mga kailangan ng kaniyang anak. Madalas napagkakaitan niya pa ito sa mga pagkaing gusto nito lalo na kapag kapus na kapos sila. Pero ipinangako niyang balang-araw susugal siya para doon.Natanaw niya ang hacienda ng mayor. Madadaanan iyon bago nila marating ang lupa na pinagtatrabahuan niya. Napahinto siya nang makitang lumabas sa malaking gate ang sasakyang pamilyar sa kaniya. Iyon ang kotseng nakita nila sa bayan. Dadaan ang kotse na iyon sa kanilang harapan.Bigla itong itinuro ni Daniel kaya tumigil sila. Mukhang gustong-gusto talaga ito ng kaniyang anak kaya't hinayaan niyang ma-enjoy nito ang panonood sa kotse na ngayo'y papalapit sa kinaroroonan nila.Hinintay nila hanggang sa dumaan ang sasakyang iyon sa harapan nila. Ngunit nakabukas ang bintana ng kotse sa likuran at ganoon na lang ang pagkagulat niya nang mamukhaan ang taong nakaupo sa likuran.“T-Treous?”Hindi agad nakakilos sa kinatatayuan niya si Salome. Tila nag-ugat ang mga paa niya. Kahit gusto niya mang utosan ang sariling kumilos ay hindi naman siya sinusunod ng kaniyang katawan. Nakaawang ang bibig niya habang sinusundan ng tingin ang lalaking nasa likuran ng kotse. Lumingon ito sa gawi nila at nagtama ang mga mata nila ng lalaking iyon. Ang ama ni Daniel. Nakita sila ng ama ni Daniel! Sigaw ng kaniyang isipan. At abut-abot ang kaba sa kaniyang dibdib nang mamalayang huminto ang sasakyan. Para siyang binuhusan ng isang balde ng yelo dahil sa nakita. Nakilala ba siya nito? Namukhaan ba ng lalaki ang kaniyang anak? Kukunin ba nito si Daniel sa kaniya? Kung anu-anong tanong ang agad bumuhos sa utak niya. Sa pangalawang beses ay nagtagumpay siyang kumilos at lumayo sa sasakyan ngunit isang boses ang nagpatigil sa kaniya.“Miss!”Tagaktak ang pawis niya at para siyang sumalang sa marathon dahil sa bilis ng pagkabog ng kaniyang dibdib. “Sa inyo na itong chocolate,”ani driver. Ito
“Kain ka pa,”aniya sa anak habang sinusubuan ng tinapay. Mabuti na lang at sakto para sa paupahang bahay ang bitbit niyang pera.“Kapatid mo?”aning babae na may bitbit na eco bag. Mukhang naghihintay ng masasakyan. Umiling siya sa babae. Mga bandang alas 10 na sila nakarating sa syudad. Kaya ngayo'y pinapa-snack niya na muna ang bata.“Anak ko po.”Medyo nagulat pa ang babae sa sinabi niya.“Akala ko kapatid mo. Mukhang ang bata mo pa para magkaanak.”Ngumiti siya. “23 na po ako.”Tumango-tango ang babae. Pinahid niya gamit ng panyo ang bibig ng anak. Napangiti siya nang mapansin na naaaliw ang anak niya sa panonood sa mga sasakyang dumadaan.“Itong address na ito ang ibigay mo sa taxi. Mag-taxi kayo, ha. Kahit mahal pa iyan ang importante ay matunton niyo agad ang location ng agency at makahanap agad ng mauupahang bahay,”ani Angie sa kaniya. May binigay itong papel.Kahapon ay nakipagkita agad siya kay Angie. Sabi ni Angie ay may kaibigan din itong nagkapagtrabaho sa hotel sa syudad.
Natapos na ni Salome ang apat na silid. Sa isang palapag ay dalawa lang ang room girl na naka-assign. Sila ni Evangeline ang magkasama sa fifth floor. At nasa fifth floor din ang stock room na madalas tambayan nilang mga staff kapag tapos na sila sa paglilinis. “Hoy, Salome!” Tinawag siya ni Roda. Matangkad at malaking babae si Roda. Hanggang leeg lang ni Roda si Salome. Siya kasi ang maliit sa kanilang lahat. “Oh, bakit?” “I-pull out mo iyong room six.” Kinakalikot pa ni Roda ang kuko. Iyong room six ay sa palapag iyon ni Roda. Kapag nandiyan siya ay nang-uutos itong si Roda sa kaniya.“Ha? Ah, e, may lilinisan pa ako dito sa palapag namin Roda, e. Mamaya na lang siguro?” Nagkamot siya ng ulo. Paano niya ba kasi pagsasabayin iyong paglilinis sa dalawang silid?“Kailangan ngayon na. Ano ba? Gagamitin na ngayon iyon!”bulyaw ni Roda.Muntik na siyang mapatalon sa gulat. Bigla-bigla na lang kasing naninigaw itong si Roda. Bakit ba ayaw siyang intindihin ng babaeng ito? “Aba! Ang ka
Mapapagalitan ba siya? O baka mapatalsik pa? Sinisikap niyang huwag ma-late at sobrang aga niyang mag-in araw-araw. Dahil natakot siyang baka matanggal siya. Tapos iyong tungkol lang pala sa elevator ang magpapahamak sa kaniya. Tama nga si Evangeline. Ang tanga-tanga niya nga talaga.Dapat sumunod na lang siya sa mga utos ng kaibigan. Sana nakinig na lang siya. Di bale nang mahuli siya. Napapailing si Vange sa tuwing nagkakasulubong sila. Problemadong mukha ang nakapaskil parati sa kaniya habang nagtatrabaho. Sana man lang umabot siya ng kinsenas para may makuha naman siya kahit kaunti sa pinagsikapan niya. Para may magamit pa siyang pera kapag nag-apply siya sa iba.“Patay kang bata ka. May kasalanan ka pala!” Humalakhak si Roda nang magkita sila.Sobrang tuwa pa ni Roda sa nabalitaan tungkol sa nangyari kahapon. Ito malamang ang unang bubunghalit ng tawa kapag napatalsik na siya mamaya. Panay na lang siya lingon sa gawi ng manager nila tuwing bababa siya para ihatid ang laundry sa
“Hoy! Ayos ka lang?” Siniko siya ni Evangeline. Medyo nagulat siya dahil sa lalim ng iniisip.“Oo, Vange.” Sabay tango. Namamalikmata lang siguro siya. Imposibleng hanggang dito sa hotel na pinagtatrabahuan niya ay makakasunod pa si Treous dito. Pero baka guest din dito sa hotel!Mas lalo tuloy siyang kinabahan. Baka biglang magkita ulit sila ng lalaking 'yon. Hindi niya naman pinaalam dito ang tungkol sa anak nila. Pero dahil guilty siya kaya ganito na lang siya mag-react ngayon.Atsaka, may pakialam ba si Treous sa bata? Hindi niya alam. Mayaman si Treous pero wala siyang balak na lapitan ito para hingan ng sustento. Kaya niya namang buhayin ang anak niya. At sa uri ng buhay na mayroon ito, hinding-hindi niya hahayaan ang anak niyang makalapit sa mga ganitong uri ng tao. Gaya ng ama ng anak niya. Mabubuhay ang anak niya sa paraan na gusto niya kahit wala itong kilalaning ama.Natigilan siya nang makita ang pulang dugo sa bedsheet ng silid na nililinisan niya. Agad na bumuhos ang
Hindi siya nakatulog kagabi. Hindi siya pinatulog ng nangyari kagabi. Hindi niya inasahan na ganoon kalaki ang makakapa niya. Napasapo siya sa mukha dahil sa mga pumapasok na naman sa isipan niya. “Huwag mo nang isipin 'yon. Dyusko! Kalimutan mo na iyon, Salome.” Mahina niyang kinakausap ang sarili na parang nahihibang. Umaga mga bandang alas 8 papunta silang kusina para sa break nila. Dumaan muna sila sa bulletin board na nakadistino sa mismong locker ng mga staff. “Night shift na tayo sa susunod na buwan. Nilipat na tayo. Magbabago na raw ang rotation simula ngayon. Isang buwan tayong day shift at isang buwan na rin sa night shift. Nagrereklamo na siguro ang night shift,”ani Evangeline habang abala sa pagtingin tingin sa listahan ng bagong schedule sa taon na iyon.Hindi niya na masiyadong nasundan ang mga pinagsasabi ni Evangeline. Abala ang utak niya sa pagkumbinsi sa sarili na kalimutan na ang malaking ahas na nakapa niya kagabi. “Kaya pala masakit,”aniyang wala sa sarili. Naa
Kung abala sila noong nakaraang buwan ay mas abala ngayon. Binawasan na rin pati ang room girl para ilagay sa baba. Naging waitress ang iba sa kanila. Ang naiwan ay sampu na lang. Nagkahiwalay pa sila ni Evangeline dahil in-assign ang kaibigan sa six floor. Bukas pa magiging effective ang shifting nila dahil sa event ngayon. Mahaba-haba ang pahinga niya mamayang gabi at bukas dahil mga bandang 7 p.m. na ang in nila no'n.Isang matangkad at puno ng tattoo na lalaki ang nakasalubong niya sa hallway ng fifth floor. May kasamang matatangkad at sexy na babae. Akbay-akbay ng lalaki ang dalawang babae nito. “Good Morning Sir, Ma'am,”bati niya. Hindi siya pinansin ng tatlo at tuloy-tuloy lang ang lakad hanggang sa malampasan siya. Protocol ng hotel ang greetings sa mga guest kahit pa i-dedma ka ng mga ito. Hindi naman kasi required na pansinin siya. Ang importante ay hindi siya nagkulang. Nagkalat ang stock room dahil sa pagiging busy ng lahat. Maging siya ay halos hindi na makapag-ayos n
Prenteng naka-upo si Treous kaharap ang mafia mula sa Belgium na si Ardon Alarcon. Katulad niya ay isa ring halimaw ang isang ito. Ang kaibahan lang nila ay hindi siya obsessed sa mga inosenteng babae. That Salome girl. Halatang hindi pa masiyadong mulat sa mundo. At malakas ang pang-amoy ng demonyong ito sa mga katulad ni Salome.“You really have to kill your slut just to get her, huh?” Natatawa siyang napapailing. Ang modelong nilason ni Ardon ay naisugod na sa hospital.Kaya lang ay dead on arrival ang babae. Nakakabaliw isipin na kayang pumatay ni Alarcon para lang matangay si Salome. He even blackmail the girl para matakot at maisakay nito sa sa private plane.Kumawala ang mala demonyo nitong tawa. Natuto na rin si Alarcon sa salitang tagalog dahil sa pabalik-balik nito dito sa Pinas. And yes, this devil was his dear friend. Lahat ng kampon ni satanas ay kaibigan niya. Walang ibang magkakaintindihan kundi sila-sila lang din. “Ang galing mo pa rin talaga hanggang ngayon, Treous.”