登入Hindi makapaniwala si Diana. After all the misery she had endured, she still ended up sharing a bed with her enemy. Pagkakataon nga naman. Hindi niya alam kung pinaglaruan nga ba siya ng tadhana o pinaglalaruan na siya ni Scott.Mabigat ang loob ni Diana habang nakahiga sa kama. Nakatagilid siya at nakaharap sa kaliwa. Sa gitna nila ay may nakaharang na dalawang unan. Tig iisa sila ng kumot. Ewan niya sa abnuy kumapal talaga ang mukha at nakuha pang kunin ang dalawang unan sa suite nito.Pareho silang tahimik habang nakahiga sa kama. Si Diana ay mas lalong hindi makatulog dahil kay Scott. Inis na inis siya. Mamaya kapag nakatulog na ito at tinupak pa siya. Talagang tatadyakan niya ito para mahulog ito sa sahig.Napapikit ng mariin si Diana. Napabuntonghininga siya. Goodness! She missed their son terribly, yet here she was, stuck beside this idiot who seemed more interested in messing with her than letting her have a moment of peace. Hindi niya alam kung kailan ito mananawa sa kakahabo
"Enough. I'm sleeping here tonight, and I won't let you talk to your suitor. You should behave, sweetie.”Umigting ang panga ni Diana. Nangangalaiti na tinitigan niya si Scott at dahil sa inis, ubod lakas niya'ng hinila ang kanyang kamay para makawala. Tinulak niya ito at umalis sa harap nito.Paano niya kakausapin ang kanyang mommy? Ibig sabihin mapupurnada na naman ang plano niya. Miss pa naman niya si Demi. Gusto niya ito makausap. Hindi siya nakapag-video call kahapon dahil kay Scott. Ngayon naman ay mauudlot din.Marahas na hinilot ni Diana ang kanyang noo. Binalingan niya si Scott. Tinapunan niya ito ng nakakamatay na tingin.“Ang kapal talaga ng mukha mo,” nanggigil na sabi ni Diana. “Kung umasta ka parang may importansiya ka pa sa buhay ko.”“Thanks,” Scott replied. He didn't even seem to bothered by the insult Diana threw at him. “Now, where were we?”Naglakad si Scott papunta sa mismong gitna ng suite. Inilibot niya ang paningin sa loob ng kwarto.“I’ll sleep on the couch,”
S-scott,” ani ni Diana na napalunok pa.Nagkarambola sa pagtibok ang puso ni Diana. Titig na titig siya kay Scott. Kitang-kita niya sa ekspresyon ng mukha nito na ang pagka-inis nito. Salubong na ang kilay nito at napatiimbagang. Nahahakala pa niya ang paggalaw ng panga nito.Scott narrowed his eyes at her. “Why did you slam the door in my face?”“H-huh?” nauutaal na wika ni Diana. Napalunok ulit siya. “N-natural, p-ppatulog na ako. A-alangan naman—”“Stop lying.” He hissed. “Narinig ko kanina ang pag-ring ng phone mo. Nagmamadali ka pa."Natigalgal si Diana. Naikuyom niya ang kanyang kamay habang nakipagsukatan ng tingin kay Scott.“Sino ba ang kausap mo at bakit ayaw mo na may makarinig na ibang tao?” Hindi mapigilang tanong ni Scott. Nakagat ni Diana ang ilalim ng kanyang labi. Itinaas niya ang kanyang noo at pilit na nilabanan ang mapanuring tingin ni Scott.“A-ano naman sa'yo?” Pagsupla pa ni Diana dahilan upang mas lalong maningkit ang mata ni Scott. “H-hindi naman porket n-nil
Gabi na pero hindi pa rin makuha ni Diana ang matulog. Pagod na ang katawan niya subalit ang kanyang utak ay ayaw pang mamahinga. Ang daming tumatakbo sa kanyang isip.Nakadungaw siya sa terrace ng kanyang suite. Habang hinihintay ang sarili na mapagod, tinanaw niya ang mga bituin na kumukuti-kutitap sa langit.Hindi sila umuwi ni Scott. Gaya ng sinabi nito, ito na ang sumagot sa suite niya. Pati ang dinner niya kanina ay ito rin ang umorder. Wala siyang choice kung hindi tanggapin iyon. Kahit ano'ng iwas niya, hindi naman siya makakauwi. Kung sasakay naman siya ng grab o taxi, susunod at susunod lang ito sa kanya. Biglang tumunog ang kanyang cellphone. Napalingon siya sa loob ng kwarto. Pumasok siya at dinampot ito na nakalapag sa kanyang higaan.Napangiti si Diana nang makita ang pangalan at numero ng mommy niya sa screen. Sinagot niya ang tawag.“Hey, mom,” mahinang wika ni Diana habang nakikinig sa kanyang mommy.“Iana,” sambit ni Devara. “I'm sorry, ngayon ko lang nabasa ang cha
Habang tahimik na kumakain si Diana nang seafood boil ay walang ibang choice si Scott kung hindi hayaan lamang ito. Ang pag -uusap nila kanina sa bangka ay hindi na nasundan pa. Gusto ng kutusan ni Scott ang sarili dahil pakiramdam niya ay bumalik sa pagiging aloof sa kanya si Diana. Bagaman hindi siya nito iniiwasan, subalit hindi ito kumikibo. Nasa harap nga siya nito pero kung tratuhin siya nito ay parang lang siya'ng hangin. Patuloy lang ito sa pagkain na para bang hindi siya nito kasama.Napabuntonghininga si Scott. Dinampot niya ang baso na may laman coconut lime cooler. Dahan-dahan niya iyon ininom habang pinagmamasdan si Diana.Habang tumatagal ay hindi na nakatiis si Scott. Tumikhim siya at nilapag ang baso sa mesa.“I can see you like the food,” Scott said casually, hoping that Diana would answered him so they can have a conversation. Natigilan si Diana. Sumulyap siya kay Scott at malamig na tinitigan nito. Pagkatapos ay parang wala lang na inaatupag niya ulit ang pagkain.
“Ano ba!” Sigaw ni Diana nang gulatin siya ni Scott sa harap niya. Tinampal niya ang braso nito. “You're not funny!”Ngumisi ng nakakaloko si Scott. “Scared?”Naningkit ang mata ni Diana. “Tinatanong mo pa talaga?” inis na wika niya. Tinampal niya ulit ang braso ni Scott ngunit sa pagkakataong iyon ay mas malakas na. “Diyan ka na nga!” ani niya at lumangoy pabalik sa bangka.“Hey!” pagtutol ni Scott. Kumunot ang kanyang noo. Itinaas niya ang kanyang kamay at ibinagsak sa dagat dahilan upang magtalsikan ang mga tubig. “Come back here!”Hindi sumagot si Diana. Sa halip ay mabilis siya'ng lumangoy pabalik sa bangka. Hindi na rin siya lumingon pa kay Scott. Bahala na ito kung lalamunin man ito ng dagat. Pagkarating ni Diana sa gilid ng bangka ay kaagad siyang tinulungan ng mga staff. Tahimik siya'ng sumampa ng bangka. May inabot na towel ang isang male staff kaya agad niya iyon tinanggap. Itinapis niya iyon sa kanyang katawan at dahan-dahan na naglakad pabalik sa inupuan niya kanina.Dum
Nasa backyard ang pamilyang Potterton. Maganda ang araw kaya naisip nila na mag-picnic sa likod. Habang nakaupo sa nilatag na picnic blanket ang mag-lola— nakalublob naman si Diana sa pool nila para magpalamig. Si Arthur ay namamahinga sa ilalim ng parasol. Umahon si Diana sa pool. Tumambad ang ab
“Ate! Bakit ngayon ka lang pumasok? Hinahanap ka ni Ma'am Zaragoza uy. Galit na galit,” sabi ni Hailey, ang kasama niya sa Public Relation Department.Kumunot ang noo ni Diana. Kakapasok niya pa lang sa opisina at iyon na ang bumungad sa kanya. Medyo masakit pa ang ulo niya kaya wala siya sa mood.
Titig na titig si Diana sa medical results na kanyang hinahawakan. Binuklat niya papuntang likod ang papel. Bumungad sa kanya ang litrato ng kuha ng ultrasound.Kanina pa siya tapos magpakonsulta pero hindi pa niya magawang umalis ng ospital. Nangangatog pa rin ang tuhod niya at malakas pa rin sa p
“Iana!” sigaw ni Raine nang mabilis itong tumakbo papuntang banyo.Umagang-umaga pero panay na ang duwal ni Diana sa inidoro. Kung hindi lang nakakadiri na ipasok ang kanyang ulo roon ay kanina pa niya iyon ginawa. Sa sobrang sama ng kanyang sikmura ay pinagpawisan na siya. Ilang segundo pa lang si







