LOGIN“Ate! Bakit ngayon ka lang pumasok? Hinahanap ka ni Ma'am Zaragoza uy. Galit na galit,” sabi ni Hailey, ang kasama niya sa Public Relation Department.
Kumunot ang noo ni Diana. Kakapasok niya pa lang sa opisina at iyon na ang bumungad sa kanya. Medyo masakit pa ang ulo niya kaya wala siya sa mood. Nilapag niya sa mesa ang bag. Pabagsak siya'ng umupo at pinaikot iyon. “May bago ba? Parati naman galit iyang Head natin. Kahit na maayos itong Department natin, maghahanap ng butas para lang guluhin tayo,” pangatuwiran ni Diana. “Luh! Iba ngayon uy. Ikaw talaga ang pinupuntirya niya,” giit ni Hailey. “Saan ka ba nagsusuot? Bakit ngayon ka lang pumasok?” “It's none of your business.” Dinampot ni Diana ang isa sa mga files na nakatambak sa mesa niya. “Ay! Sungit.” Sumimangot si Hailey. Inayos niya ang dalang files. “Ingat ka na lang. Dinig ko si Ma'am Raine tinalakan din ng Head nila. Nag-under time na naman daw kasi.” Bumuntonghininga si Diana. “Thanks for giving me a heads up.” Pinagulong niya papuntang mesa ang upuan. “Sabihin mo kung may ipapagawa ka sa akin. Sagot ko na lunch mo.” “Wow! Thank you, Ate Diana.” Ngumiti ng pagkalaki-laki si Hailey. “Nakalibre na naman ako.” “Tch! Basta libre talaga eh no?” pang-aasar ni Diana. Humagikhik si Hailey. “Siyempre, para makatipid at siyempre dahil sagot mo lunch ko— may pangbayad na ako ng parcel ko.” Napailing si Diana. “Ano'ng pagtitipid doon, Hailey. Gastador siguro, pwede pa.” “Ate naman eh,” maktol na wika ni Hailey. “Magtrabaho ka na,” pagtataboy ni Diana sabay bukas ng computer. Nakasimangot na bumalik sa cubicle si Hailey. Tahimik itong umupo at nagsimulang magtrabaho. Kaka-ilaw pa lang ng computer ni Diana nang binulabog siya ni Hailey. “Ate, may ibibigay pala ako sa'yo,” ani ni Hailey. Tumayo si Hailey at lumapit sa cubicle ni Diana. Nilapag niya sa mesa nito ang dalawang regalo. “Para sa'yo raw. Hindi ko alam kung kanino galing pero rito kasi naka-address. Tinago ko na lang para sa'yo,” paliwanag ni Hailey. Kumunot ang noo ni Diana. “Sa akin?” tanong noya sabay turo sa sarili. “Oo,” sabi ni Hailey. “Sige, balik na ako,” ani niya sabay balik sa kanyang pwesto. Takang tinitigan ni Diana ang dalawang regalo. Walang nakalagay na card at lalong wala rin nakalagay na pangalan. Puro puti pa ang nakabalot kaya mas lalo siyang nagdududa. Binuksan ni Diana ang regalo. Tumambad sa kanya ang isang mamahaling chocolate. Sinunod niya ang isa. Isang branded na perfume ang laman niyon na papalo sa one hundred thousand ang isang bote. Pagkuha niya sa kahon ang perfume para sana amuyin ay may nahulog na maliit na card. Binasa niya kung ano ang nakasulat. [Sorry… from: Scott] Naningkit ang mata ni Diandra. Padabog niyang binalik sa kahon ang perfume. Ginugutay niya ang pinagbalot sa regalo. Pati ang box of chocolate, niyupi niya at pinagsusuntok. Napatayo si Hailey. Hangos na lumapit siya kay Diana. “Ate, bakit?” Napatiimbagang si Diana. Kumuha siya ng plastic sa drawer at galit na ipinasok doon ang mga regalo. Nilabas niya ang basurahan at padabog na pinuwesto ito sa gilid ng cubicle. Napaawang ang labi ni Hailey. “Hala, ate! Bakit mo sinira? Itatapon mo?” gulat na tanong ni Hailey habang pinagmasdan ang ginagawa ni Diana. Hindi kaagad sumagot si Diana. Sa halip ay galit niyang pinasak sa trash can ang mga regalo. Tinapakan niya pa iyon para lang tuluyan ito'ng mabaun sa basurahan. “Kailan ka pa nakarinig ng basura na hindi tinatapon?” matabang na wika ni Diana. “Huh?” gulat na usal ni Hailey. Tinuro niya ang regalo. “Pero, ate. Sayang, d-di di ba, perfume iyon?” “Ano naman?” pabalang na tanong ni Diana. “Parang hindi ko naman kayang bumili. Kahit umorder ako ng isang kahon ngayon, kayang-kaya ko. Ililigo ko pa kung gusto mo.” Namilog ang mata ni Hailey. Tinutop niya ang kanyang bibig. “Ate?” Hindi makapaniwalang usal niya. Naningkit ang mata ni Diana. “Sige na, balik ka na roon,” ani niya sabay harap sa computer. Napakamot sa ulo si Hailey. Tahimik siya'ng bumalik sa pwesto niya. Sinubukan ni Diana na mag-focus na lang sa trabaho. Kaso parati ng bumabagabag sa isip niya ang mga regalo. Kahit na pilit siya'ng tumipa sa keyboard, ang mukha ni Scott ang kanyang naalala. Kung paano ito ngumiti. Kung paano ito lumakad. Pati ang stubbles nito ay parang sirang plaka na pabalik-balik sa isip niya. Lumingon siya sa basurahan. Nang maalala niya ang binigay nito na regalo. Napapikit siya ng mariin. Inis niyang kiniskis ang kanyang noo. Tinulak niya ang keyboard at sumandal sa upuan. Habang pinipikit ni Diana ang kanyang mata ay biglang nag-ingay ang cellphone niya. Pikit-matang sinagot niya ang tawag. “Hello,” sagot ni Diana habang hinihilot ang kanyang sentido. “Diandra…” Napamulat ng mata si Diana. Inilayo niya ang cellphone. Gulat na binasa niya kung sino ang caller pero unregistered number ang nakatatak sa screen. Ganoonpaman, kilala na niya kung sino ang tumawag. Paano niya malilimutan ang malalim nito na boses? Binalik ni Diana sa tainga ang cellphone. “Scott?” Gulat na sagot niya. “Hmmm.” “Tsk!” Pinatay ni Diana ang tawag. Binato niya sa mesa ang cellphone at tinakpan ang kanyang mukha. Nag-ring ulit ang kanyang cellphone. Dinampot niya ito at pinatay ang tawag. She turned the silent mode. Saka niya ito binato ulit sa mesa. “Miss Montereal…” Napamulat ng mata si Diana nang marinig ang boses ni Ma'am Zaragoza. Napangiwi siya. Inayos niya ang kanyang buhok, pati ang kanyang damit. “Yes, Ma'am,” Diana replied. Ma'am Zaragoza grimaced. “In my office, now," she said. Saka tumalikod at umalis ng nakahalukipkip. Bumuga ng marahas na hangin si Diana. Napatingala siya at muling pumikit. Ilang segundo ang dumaan ay sumunod si Diana sa head nila. Pinuntahan niya ito sa office nito. Pagpasok niya ay kakaupo pa lang nito sa swivel chair. “So, care to tell me. Bakit hindi ka pumasok kahapon?” diretsahang tanong ni Ma'am Zaragoza. “Hindi ka ba natatakot na matanggal sa trabaho?” Umangat ang gilid ng labi ni Diana at sabay iwas ng tingin. “Mas gugustuhin ko pa na matanggal ano,” bulong niya. “What did you say?” Humarap si Diana sa head nila. Ngumiti siya ng matamis. “I'm sorry, Ma'am. Talagang hindi na po kaya ng katawan ko na pumasok sa trabaho noong nakaraang araw. Sumakit po iyong ulo ko.” Naningkit ang mata ni Ma'am Zaragoza. “Luma na iyang palusot mo.” “Nasa inyo na kung maniniwala ba kayo o hindi, Ma'am,” malamig na sagot ni Diana pero pinanatili niya pa rin ang pagrespeto. “Tch!” Tumayo si Ma'am Zaragoza. Naglakad siya at inikutan niya si Diana nang nakahalukipkip. “O baka naman sinadya mo talaga na umabsent dahil hindi kita pinayagan na mag-leave?” Kamuntik ng umikot ang mata ni Diana. “Pasensiya na po pero bumigay na po talaga ang katawan ko, Ma'am." Naglapat ng mariin ang labi ni Ma'am Zaragoza. “Next time na aabsent ka pa, suspend ka na.” “Thank you, Ma'am for considering,” labas sa ilong na sabi ni Diana. “You may go.” Diana bowed her head. Saka siya tahimik na lumabas ng opisina nito. Nang marating na niya ang hallway ay saka pa niya inilabas ang kanyang pagkairita.“Ate! Bakit ngayon ka lang pumasok? Hinahanap ka ni Ma'am Zaragoza uy. Galit na galit,” sabi ni Hailey, ang kasama niya sa Public Relation Department.Kumunot ang noo ni Diana. Kakapasok niya pa lang sa opisina at iyon na ang bumungad sa kanya. Medyo masakit pa ang ulo niya kaya wala siya sa mood. Nilapag niya sa mesa ang bag. Pabagsak siya'ng umupo at pinaikot iyon.“May bago ba? Parati naman galit iyang Head natin. Kahit na maayos itong Department natin, maghahanap ng butas para lang guluhin tayo,” pangatuwiran ni Diana.“Luh! Iba ngayon uy. Ikaw talaga ang pinupuntirya niya,” giit ni Hailey. “Saan ka ba nagsusuot? Bakit ngayon ka lang pumasok?”“It's none of your business.” Dinampot ni Diana ang isa sa mga files na nakatambak sa mesa niya.“Ay! Sungit.” Sumimangot si Hailey. Inayos niya ang dalang files. “Ingat ka na lang. Dinig ko si Ma'am Raine tinalakan din ng Head nila. Nag-under time na naman daw kasi.”Bumuntonghininga si Diana. “Thanks for giving me a heads up.” Pinagulong
Nasa backyard ang pamilyang Potterton. Maganda ang araw kaya naisip nila na mag-picnic sa likod. Habang nakaupo sa nilatag na picnic blanket ang mag-lola— nakalublob naman si Diana sa pool nila para magpalamig. Si Arthur ay namamahinga sa ilalim ng parasol. Umahon si Diana sa pool. Tumambad ang abs niya dahil sa suot na black bikini. Mas lalong bumakat ang kanyang suot dahil sa basa siya. Tumalamsik ang mga tubig sa pool at sa sahig dahilan upang maglikha ito ng ingay.Lumapit kay Diana ang Yaya ni Demitrius. Inabutan siya nito ng puting tuwalya. “Thanks, Yaya Lusita,” sabi ni Diana habang naka-ngiting pinahiran ang kanyang dibdib. “You've been working hard lately. You can take the day off today. Kami na muna ang magbabantay kay Demi. I'll call you if we need your help.”“Talaga? Nagliwanag ang mukha ni Yaya Lusita. “Okay lang po ba?”Diandra nodded her head. “Of course. I'll send money to your account later. Pamper yourself. Kami na ang bahala kay Demi.”“Nako! Thank you po, Ma'am,
“Crassus…”Kumunot ang noo ni Crassus nang makita ang hindi maipinta'ng mukha ni Scott. Pabagsak ito’ng umupo sa harap niya nang nakatiimbagang. “You have a lot of explaining to do,” Scott said coldly, trying hard to keep composure because his patience is wearing thin. “Why didn’t you tell me she's working here, huh?”“She?” Crassus asked in confusion. “Who?”“Stop pretending,” Scott said sharply. “I saw Diandra at the lobby and don’t you dare lie to me—I saw her company ID. She works here.”“Can we talk about my business proposal first? Tinawagan kita dahil lang doon,” pag-iiba ni Crassus sa usapan.“Answer me, Crassus,” Scott hissed. Hinilot niya ang kayang sentido. “Now tell me.”Natahimik si Crassus. Inayos niya ang mga papeles at sinalansan ito ng maayos. “So what if she works here?”Natigilan si Scott. Padarag na nilapag ni Crassus ang papeles. Pinagilid niya iyon bago niya tinitigan si Scott.“She doesn't owe you anything, right?” Crassus asked. “What? Scott shook his head.
Lukot ang mukha ni Scott habang tinatahak ang hallway ng kompanya'ng pagmamay-ari ng parents niya. Hirap na hirap makisabay sa kanya si Gilbert— ang bago niyang lalaki na secretary.Umaatake na naman ang arthritis ng Daddy niya kaya siya ang nakatukang mamahala sa kompanya nila sa loob ng ilang araw. Dalangin niya ay sana matapos na sa loob ng madaling panahon ang pag-mamanage niya sa kompanya nito. May sarili rin siyang kompanya na kailangan asikasuhin.“Sir, Mr. Alveron informed us that you need to check the factory after your meeting with Mr. Chan. We also have a scheduled meeting with Mr. Torrefranca this afternoon. Should I confirm both appointments?” Gilbert asked as he walked, chasing after his boss.Naningkit ang mata ni Scott. Mas lalong lumamig ang itsura niya dahilan upang magsigiliran ang mga empleyado'ng kanyang nadadaanan. “Yes, and tell Dad that the factory visit in now scheduled,” Scott replied.“How about the meeting with Mr. Almonte?” Gilbert asked.Napahinto si Sco
“I want to keep the baby. Gusto ko po'ng itago sa kanya na buntis ako.”Nagkatinginan ang mag-asawa. Pareho sila'ng nagulat sa desisyon ni Diana. Akala nila ay gagamitin ni Diana ang bata’ng dinadala nito para manghabol. Pareho nila alam kung gaano nito kamahal si Scott, pero bakit gusto nito itago ang pagbubuntis?“Diana?” Arthur asked in disbelief. “Why? Are you sure about this?”Tumango si Diana. Napatitig siya sa kanyang tiyan. “I’m sorry, Dad,” she whispered, lowering her head in shame. “I was blinded by love. Ngayon ko lang naisip na mas importante kayo kompara sa kanya. Nagpadalos-dalos ako. I lead our family into this mess. I shouldn't done that. If I can turn back time, I'm willing to change my fate, but…”Diana smiled sadly. “Having this baby is one of the best things that ever happened to my life. This baby carries a part of me… and a part of him that I want to cherish. Kahit na hindi niya ako mahal. Kahit na hindi ako importante sa paningin niya. I will not use my baby jus
Titig na titig si Diana sa medical results na kanyang hinahawakan. Binuklat niya papuntang likod ang papel. Bumungad sa kanya ang litrato ng kuha ng ultrasound.Kanina pa siya tapos magpakonsulta pero hindi pa niya magawang umalis ng ospital. Nangangatog pa rin ang tuhod niya at malakas pa rin sa pagtambol ang kanyang puso. Pakiramdam niya ay parang ang layo ng kanyang nilalakbay gayong naka-upo lang siya.Hindi siya makapaniwala. Magkahalong saya at takot ang kanyang nararamdaman. Sa loob ng ilang araw na pagtatalo ng kanyang utak, positive na talaga na buntis siya.Huminga ng malalim si Diana. Ngumiti siya at tumingala. Sumandal siya sa malamig na dingding.Mahina siyang tumawa. “Magiging mommy na ako,” usal niya at tumango-tango. Hinaplos niya ang kanyang tiyan. “I'm going to be a mom,” she said, still in disbelief.Muli siyang tumawa. May nahagip siya na bench chair. Dahan-dahan siyang umupo roon. Nahulog siya sa malalim na pag-iisip.“Hindi,” usal ni Diana. “Kailangan ko siya'ng







