Share

The Day I Left the Coldhearted Billionaire
The Day I Left the Coldhearted Billionaire
Author: Aceisargus

Chapter 01 - The heart beat

Author: Aceisargus
last update publish date: 2026-06-01 12:45:39

“Iana!” sigaw ni Raine nang mabilis itong tumakbo papuntang banyo.

Umagang-umaga pero panay na ang duwal ni Diana sa inidoro. Kung hindi lang nakakadiri na ipasok ang kanyang ulo roon ay kanina pa niya iyon ginawa. Sa sobrang sama ng kanyang sikmura ay pinagpawisan na siya. Ilang segundo pa lang siya panay suka pero pakiramdam niya ay halos maubos na ang kanyang lakas.

Habang nagluluto si Raine ng agahan ay takam na takam pa siya nang masinghot ang amoy ng sibuyas. Nang maamoy na niya ang karne'ng isinalang ay biglang bumaliktad ang kanyang sikmura. Tumakbo siya papunta banyo habang sapo ang kanyang bibig sa takot na baka magkalat siya sa kusina.

Ilang araw na niya ito'ng iniinda. Habang tumatagal ay mas lalong lumalala ang kanyang nararanasan kaya hindi na mapakali si Diana. Hindi siya tanga para hindi mahulaan kung ano ang nangyayari sa kanya. Inaantay niya ang kanyang buwanan dalaw pero hindi pa siya dinadatnan.

Marahan na hinaplos ni Raine ang kanyang likod. Muli siya'ng sumuka nang maamoy niya'ng kumapit sa damit ang amoy ng niluluto nito. Napahawak siya ng mariin sa takip ng inodoro.

“Iana! Okay ka lang?” nag-alalang tanong ni Raine.

Umiling-iling si Diana. Dumuwal ulit siya pero walang lumalabas. Habol niya ang kanyang hininga habang pumipikit.

Nang maramdaman ni Diana na kumakalma ang kanyang tiyan ay dahan-dahan siya'ng tumayo. Kaagad siyang inalalayan ni Raine. Nagtungo siya sa sink at nagmugmog.

Lumapit si Raine na may dalang puting tuwalya.

“Ano ba'ng nangyari sa'yo? May kinain ka ba na masama kagabi kaya bumaliktad iyang sikmura mo?” muling tanong ni Raine habang nakatitig sa kanya.

Umiling ulit si Diana. Dinampot niya ang toothbrush at saka nagsepilyo.

Bumuntonghininga si Raine. Humalukipkip ito at sumandal sa pader na may katabing salamin. Humarap ito sa kanya.

“Baka ulcer mo na naman ‘yan. Kakakape mo yan eh,” sermon ni Raine nang may malamig na mga mata. “Ano? Okay ka na?”

Tumango si Diana. Tahimik niya'ng tinapos ang pagsesepilyo.

“Kung kailan final exam na natin, saka ka pa nagkasakit,” muling sermon ni Raine.

Pinahiran ni Diana ang kanyang bibig gamit ang tuwalya. Pagkatapos ay ngumiti siya.

“Huwag kang mag-alala. Kaya ko pa naman,” sabi ni Diana. “Ikakain ko lang ‘to.”

“Sigurado ka?” tanong ni Raine. “Kung pumunta na lang kaya tayo ng ospital mamaya pagkatapos ng exam natin sa school? Libre ako mamaya. Kailangan ka matignan. Baka lumala na iyang ulcer mo.”

Namutla si Diana. Mabilis siya'ng lumabas ng banyo habang hawak ang tuwalya.

“H-hindi…Ano ka ba.. Okay lang ako,” pangungumbinsi ni Diana. Umupo siya sa sofa. “Promise, okay lang ako.”

Kunot-noong sumunod si Raine. “Sigurado ka?”

Tumango si Diana. “Oo.”

Naningkit ang mata ni Raine. “Eh kung sa clinic ng school?”

“H-huwag na.” Lumunok si Diana at tumayo. “A-ano.. ako na lang pupunta ng hospital mamaya. Magpapasama na lang ako kay mommy.”

“Sige,” sagot ni Raine. “Tatapusin ko lang iyong niluluto ko. May gusto ka bang inumin?”

Humarap si Diana kay Raine. “May nagtitinda na kaya ng buko juice ngayon?”

“Buko juice?” takang tanong ni Raine. “Iana, ang aga-aga pa. Buko juice talaga ang iinumin mo?” Hindi makapaniwalang wika niya.

Hilaw na ngumiti si Diana. “Ah eh.. Bakit ba? Gusto ko lang maiba.”

Lumapit siya kay Raine at tinulak ito papuntang kusina. “Sige na, magluto ka na ng almusal. Para makaalis na tayo pagkatapos.”

“Teka lang sandali,” protesta ni Raine habang tinutulak.

“Sige na…” Tumawa si Diana. “Sa kwarto muna ako. Mag-rereview muna ako saglit,” ani niya.

Bumuntonghininga si Raine. “Oh siya.” Muli niya'ng tinitigan sa huling pagkakataon si Diana. Dinuro niya ito. “Iyong sabi mo ah?”

“Oo, pupunta talaga ako,” saad ni Diana. “Tatawagan ko si mommy.”

“Tch!” Pumasok si Raine sa kusina. “Apple? Gusto mo?” sigaw niya nang makarating sa kusina.

“Yes, please.” Napangiti si Diana. “Thank you, Adih,” usal niya sabay talikod.

Nawala ng parang bola ang ngiti ni Diana. Napatitig siya sa kanyang tiyan. Muli siya'ng lumunok at mabilis na pumasok sa kanyang kwarto.

Pagkasarado ni Diana sa pinto ay napasandal siya roon. Napahawak siya sa kanyang tiyan at sinapo iyon.

“No,no,no..” usal ni Diana nang maanalisa ang lahat. Muli niya tinitigan ang kanyang tiyan. “Oh no… This can't be.”

Hindi siya pwedeng magkamali. Nangyari na ang kinatatakutan niya. Paano na lang ‘to? Nasa third year pa lang siya. Isang taon na lang at matatapos na siya sa kursong Business Accountancy.

Tinakpan ni Diana ang kanyang mukha. Pumikit siya at huminga ng malalim. Nahulog siya sa malalim na pag-iisip.

Hindi niya alam kung paano ito sasabihin sa kanyang magulang. Kinakabahan siya na natatakot. Mataas ang expectations nito sa kanya dahil siya lang ang unica hija. Tapos ngayon, dahil lang sa kapabayaan at pagiging mapusok niya— nahaharap na siya sa ganitong problema. Ang bata pa niya.

“Hindi..” Umiling si Diana. Tumayo siya at muling umiling. “Hindi, kailangan ko ng pumunta ng hospital.”

Oo, tama. iyon ang dapat gawin. Kailangan niya'ng magpatingin sa doktor. Hindi pwedeng manghuhula na lang siya. Dalawang linggo pa lang siya'ng delayed sa kanyang buwanang dalaw. Baka natagalan lang siya dahil sa stress niya noong nakaraan.

Hectic lately ang schedule niya. Maliban sa defense— kailangan niya rin pumunta sa kompanya kanyang Daddy para tumulong. May mga ibang projects at exam pa na kailangan pag-aralan. May mga organization pa siyang sinasalihan. Kaya minsan kahit tanghali ay pagod na ang katawang lupa niya.

Hindi pa siya natatapos sa pag-aaral pero hinahasa na ng kanyang Daddy ang utak niya sa mundo ng pagnenegosyo. Kaya hindi pwede ang iniisip niya, dahil talagang masisira ang pinaghirapan nila.

Mabilis na lumapit si Diana sa cabinet. Nagbihis siya. Pagkatapos ay hangos siyang lumabas ng kwarto.

“Adih! Alis na ako!” Sigaw ni Diana habang sinusukbit ang dalang bag.

“Huh?” Lumabas mula sa kusina si Raine. “Iyong pagkain? At saka, akala ko ba sabay na tayo?

“Hindi na.” Mabilis siya'ng lumapit sa shoe rack at nagsuot ng sneakers. “Kailangan ko ng umalis.”

“Pero—”

Binuksan ni Diana ang pinto. “Bye!” paalam niya sabat sara ng pinto.

*****

“You're six weeks pregnant, Ms. Montereal,” imporma ni Dra. Javier— ang doctor na tumitingin kay Diana.

Namilog ang mata ni Diana. Kahit alam na niya ang posibilidad, hindi niya pa rin maiwasang magulat. Natutop niya ang kanyang bibig habang pinuproseso ang lahat.

“What?” Diana whispered, staring blankly at the table. “P-pregnant…? I’m pregnant?”

Tumango si Dra. Javier. Muli niyang binasa ang medical results ni Diana. “Base sa mga sinasabi mo na symptoms, I can now confirm that you’re pregnant. Two weeks ka ng delayed. Nagduduwal ka na rin, madalas ka ng nahihilo, at may cravings ka na. Positive rin ang results ng PT mo. Your white blood cells is slightly elevated at lumalagpas na ng kaunti sa normal bracket.”

Natigalgal si Diana. Napatingin siya sa kanyang tiyan.

“B-buntis…” bulong ni Diana habang hinahaplos ang kanyang tiyan. Napakurap siya at napasinghap.

Dra. Javier nodded. “Come with me. Let’s do your ultrasound.”

Natahimik si Diana. Inalalayan siya ng assistant ng OB at pinahiga sa strecher.

“See, that's your child,” nakangiting sabi ni Dra, Javier habang hawak ang ultrasound probe na nakatapat sa tiyan ni Diana. “And that's the heartbeat.”

Napakurap si Diana. Parang may humaplos sa kanyang puso nang marinig ang malakas na pagtibok nito. Sa tanang buhay niya, iyon na ata ang pinakamaganda ritmo na kanyang naririnig.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Day I Left the Coldhearted Billionaire    Chapter 71

    Nang marinig ni Diana ang sinabi ni Scott ay nagliwanag ang kanyang mukha. Biglang tumaas ang kanyang adrenaline. Napatingin siya sa dagat.Ang tagal na niya'ng hindi nakapag-snorkelling. Lalo na ang scuba diving. Sabik na tuloy siya lumangoy pero nang naalala niya na kasama pala si Scott, umurong ang kasiyahan na niya. Uuwi na rin sila mamaya kaya mas lalong natabunan ang saya niya.Nawala ang ngiti sa labi ni Diana. Iniwas niya ang kanyang mata sa dagat at nagpasyang magkalikot na lang sa cellphone.“Hindi na. Gusto ko ng umuwi. May kailangan pa akong asikasuhin pagka-uwi ko,” pagtanggi ni Diana habang nakatitig ng malamig sa cellphone. “Are you sure?” Scott asked, hoping to change her mind. “Pwede naman na bukas na tayo umuwi. Nasa harap mo na ang dagat, tatanggi ka pa? Walang dagat sa Ero Vierde.”“Sa susunod na lang siguro,” sagot ni Diana. Sing kunot na ng kidlat ang kanyang kilay. “Tch!” Napailing si Scott. “Ayaw mo ba dahil ako ang kasama mo?”Natigilan si Diana. Napalingon

  • The Day I Left the Coldhearted Billionaire    Chapter 70

    Kamuntik ng lumuwa ang mata ni Diana nang makita ang beach restaurant na kanilang pinuntahan ni Scott. Nasa front door pa lang sila pero natatanaw na nila ang magandang tanawin. Napaawang ang kanyang labi habang titig na titig sa maputing buhangin at asul na karagatan.Hindi niya inaasahan na isang Beach Front Restaurant pala ang pupuntahan nila. They stepped onto the open-air terrace overlooking the sea. Napakapresko ng ambiance ng restaurant dahil open air ang mismong desinyo ng kainan. Ang malalaking poste na yari sa malaking kahoy na pininturahan ng puti ay mas lalong nakadagdag sa magandang atmosphere ng restaurant. Napakaliwanag pa ng paligid. Dinig na dinig nila ang paghampas ng alon sa dalampasigan. Lumapit sa kanila ang male receptionist. May name plate ito sa kanang dibdib. Isang blue na bohemian shirt ang suot nito na tinernuman ng beige shorts.Bahagyang yumuko ang male host kina Diana at Scott. “Sir, Ma’am. Good morning, How can I help you?”Ngumiti si Scott. “Good morni

  • The Day I Left the Coldhearted Billionaire    Chapter 69

    Mabilis na tinakpan ni Diana ang kanyang dibdib. Tinablan siya ng hiya. Sing pula na ng kamatis ang kanyang mukha.Sa tanang buhay niya, ngayon pa siya nainis sa morning arousal. Kaya pala umiwas si Scott. Kaya pala gusto nito na magbihis siya. Iyon pala ay napansin nito ang dibdib niya.“Y-you,” ani ni Diana na nauutal. Scott furrowed his brows. “I’ll wait here,” he said, deliberately keeping his gaze away from her, as though giving her the privacy she needed.“Huwag na,” inis na wika ni Diana. Mabilis niyang iniwas ang kanyang mata. Nakagat niya ang kanyang labi. Dala ng hiya, hinawakan niya ang pinto at malakas na sinarado. Lumagabog ang pînto sa sobrang lakas ng pagkakasara ni Diana.Biglang nag-jello ang tuhod ni Diana. Napasandal siya sa likod ng pînto at napapikit. Yumuko siya. Tinakpan niya ang kanyang mukha at doon ay impit na sumigaw.“Argh!” sigaw ni Diana. Tinanggal niya ang kanyang kamay sa mukha. Isinandal niya ang kanyang ulo sa pinto. Saka siya napatingin sa kanyang

  • The Day I Left the Coldhearted Billionaire    Chapter 68

    Nagsalubong ang kilay ni Diana sa narinig. "What?" bulalas niya dahil sa gulat. Napatingin siya sa serving cart. Mas lalong lumapad ang ngiti ng waitress. “Would you accept it, Ma'am?” Hindi kaagad nakasagot si Diana. Napatitig siya sa waitress at pagkatapos ay muling napalingon sa serving cart. “Uh…” nag-alalangan na wika ni Diana. Nakatingin sa kanya ang dalawang staff. Ngumiwi si Diana. Tumagilid siya at nilakihan sa pagbukas ang p***o. “Pakipasok na lang, salamat.” “Okay, Ma'am,” ani ng waitress. Pumasok ang kasama nito habang may tulak na cart. Dumiretso ito sa mesa. Nilapag nito ang tray na may takip pa kasama ang mug at tea pot. Hindi lang iyon, sinalinan pa siya ng lalaki ng tsaa sa tea mug. Na-curious tuloy si Diana. Titig na titig siya sa tray. Iniisip niya kung ano ang nasa loob niyon. “Is there anything else you’d like, ma’am?” the male server asked. Diana politely shook her head. “None.” Ngumiti ang male server. "Okay, Ma'am." “Enjoy, Ms. Montereal. Good evenin

  • The Day I Left the Coldhearted Billionaire    Chapter 67

    Habang tinatahak nina Diana at Scott ang hallway ng hotel ay pareho sila'ng tahimik. Pareho silang hindi nag-iimikan. Na para bang pinakiramdaman nila ang isa't-isa.Sabay pa silang pumasok ng elevator. Si Scott na ang nagpindot ng floor. Magsasalita na sana si Diana para sabihin kung saang floor siya nang biglang pinindot ni Scott ang number five.Natigilan si Diana. Binalingan niya si Scott.“Paanong alam mo na…” Pinukol niya ng nagtatakang tingin si Scott. Hindi sumagot si Scott. Sa halip ay namulsa lang ito at tahimik na inaantay na sumara ang elevator. Naningkit ang mata ni Diana. Sa kanyang inis ay nakabunsangot siyang humalukipkip at tumayo sa gilid. Dumistansiya siya kay Scott. “Tch!” Pinaikot ni Diana ang kanyang mata. Saka niya itinuon ang atensiyon sa pinto ng elevator.Silang dalawa lang ang nasa loob ng elevator, at dahil walang ibang tao. Mas lalong nakakabingi ang katahimikan. Panaka-naka ay napapatingin si Diana kay Scott. Gamit ang gilid ng mga mata niya, pasimple

  • The Day I Left the Coldhearted Billionaire    Chapter 66- Handkerchief

    Pagkatapos ng mahabang paglitanya ni Scott ay natameme si Diana. Maang na tinitigan niya ito. Hinalukay niya ito ng tingin. Baka bigla itong tatawa o ngingisi, pero hindi. Seryosong-seryoso pa rin ito. Nakakatunaw ang tingin nito, na para bang nilulusaw siya nito sa paraan ng pagtitig.Sa takot na baka madala siya sa pagtitig ni Scott ay iniwas na lang niya ang kanyang paningin. Hindi na siya kumibo, at hindi na rin siya gumalaw.“Why are you so silent?” Scott asked, studying her unreadable expression. “Ayaw mo ba’ng maniwala?”Bumuntonghininga si Diana. “Just let me sit at the front seat, Scott. You're drunk. Walang patutunguhan ang usapan ito,” pagmamatigas niya.Natahimik si Scott. Hindi makapaniwalang tinitigan niya si Diana. After all the conversation, she just dropped the topic just like a spoon?Naglapat ng mariin ang labi ni Scott. Sa sobrang diin niyon ay malapit na niya itong makagat.Napatingin siya sa labas ng bintana. Seeing Diana's reaction, his body turned into marshmal

  • The Day I Left the Coldhearted Billionaire    Chapter 05- Will never allow him to get close to her son

    “Crassus…”Kumunot ang noo ni Crassus nang makita ang hindi maipinta'ng mukha ni Scott. Pabagsak ito’ng umupo sa harap niya nang nakatiimbagang. “You have a lot of explaining to do,” Scott said coldly, trying hard to keep composure because his patience is wearing thin. “Why didn’t you tell me she'

  • The Day I Left the Coldhearted Billionaire    Chapter 04- Shocking Encounter after Three Years

    Lukot ang mukha ni Scott habang tinatahak ang hallway ng kompanya'ng pagmamay-ari ng parents niya. Hirap na hirap makisabay sa kanya si Gilbert— ang bago niyang lalaki na secretary.Umaatake na naman ang arthritis ng Daddy niya kaya siya ang nakatukang mamahala sa kompanya nila sa loob ng ilang ara

  • The Day I Left the Coldhearted Billionaire    Chapter 03- Keeping secret to her Best friend

    “I want to keep the baby. Gusto ko po'ng itago sa kanya na buntis ako.”Nagkatinginan ang mag-asawa. Pareho sila'ng nagulat sa desisyon ni Diana. Akala nila ay gagamitin ni Diana ang bata’ng dinadala nito para manghabol. Pareho nila alam kung gaano nito kamahal si Scott, pero bakit gusto nito itago

  • The Day I Left the Coldhearted Billionaire    Chapter 02- Disappointed

    Titig na titig si Diana sa medical results na kanyang hinahawakan. Binuklat niya papuntang likod ang papel. Bumungad sa kanya ang litrato ng kuha ng ultrasound.Kanina pa siya tapos magpakonsulta pero hindi pa niya magawang umalis ng ospital. Nangangatog pa rin ang tuhod niya at malakas pa rin sa p

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status