Share

Chapter 2

Author: cereusxyz
last update Last Updated: 2025-10-27 11:33:49

Hindi ako dumiretso ng uwi pagkatapos ng deal namin ni Callisto.

Like, seriously. Sino bang matino ang uuwi agad pagkatapos mag-propose ng fake marriage sa sariling barkada?

Yung mga building, may ilaw pa rin kahit disoras na.

Mga kotseng nagra-racing pa rin sa EDSA as if may finish line.

Ako? Nagda-drive lang nang walang direksyon. Kasi kung may direksyon man, baka bumalik ako sa condo at sabihing, “Wait lang, joke lang ‘yung kasal!”

Pero heto, bago ko pa ma-overthink ‘yung kalokohan na to, napunta na ako sa bahay ni Lola.

Automatic ‘yon, every time I screw up, dito ako napapadpad. Parang built-in GPS ng konsensya ko.

Pagpasok ko sa gate, narinig ko agad ‘yung pamilyar na krrk, yung tunog ng gate na ilang taon ko nang sinasabing ipapaayos pero never ko namang ginawa.

Pagpasok ko sa loob, same smell, lavender at lumang libro.

Yung amoy ni Lola na parang sinasabing “ayosin mo sarili mo, apo.”

Tinanggal ko heels ko sa may pinto at naglakad papunta sa study niya.

Tahimik. Malamig. At oo, parang nanliliit ako habang papalapit.

Walang nagbago.

Yung mesa niya, puno pa rin ng folders at sulat kamay niyang sobrang linis, parang signature pa lang, may intimidation na.

Andun pa rin ‘yung fountain pen niya, pati ‘yung framed photo niya noong bata pa siya.

Lakas maka-CEO vibes kahit noong 1980s pa ‘yung shot.

Sabi nila kamukha ko raw siya. Dati, hindi ko makita. Pero ngayon? Parang nga oo.

Kasi pareho kaming matigas ang ulo.

“Softness makes you foolish,” lagi niyang sinasabi noon. Na parang batas.

At ako naman, parang laging hinahamon ‘yung batas na ‘yon.

Ngayon, habang nakaupo ako sa upuan niya, hawak ‘yung fountain pen, napaisip ako.

Baka hindi niya naman gustong maging matigas ako, baka gusto lang niyang matutunan kong tumayo mag-isa.

Huminga ako nang malalim.

If she were here, malamang tataas lang ‘yung kilay niya at sasabihin:

“So, nagpapakasal ka na pala for business, Reign. Very on brand.”

Napailing ako, natawa. “You’d love this drama, Lola.”

Binuksan ko ‘yung drawer ng desk niya. Kagaya ng dati, sumasabit.

“Of course,” sabi ko, sabay hatak ulit.

At doon ko nakita ‘yung sobre na may pangalan ko.

“Reign,

If you’re reading this, it means I’m gone and you’re still pretending you don’t need anyone. Love isn’t weakness. It’s the test of it. You’ll want to run. Don’t. Remember: softness is a choice, not a flaw.

— Lola E.”

Napangiti ako. Typical na Lola, nag-iiwan ng life advice na may halong guilt trip.

“Still bossing me around, huh?” mahina kong sabi.

Medyo nanginginig pa ‘yung kamay ko habang ibinabalik ko ‘yung letter.

Inayos ko rin ‘yung picture frame niya.

Nakangiti siya, parang sinasabing, “Ano nanaman tong pinasok mo?”

“I’ll protect what you built,” bulong ko.

Hindi ‘to pangako, this is my mission.

Habang iniisip ko ‘yung sinabi ko, bigla kong naisip si Callisto.

Siguro by now, nagdi-draft na ‘yun ng kontrata. May kausap na lawyer.

May PowerPoint presentation pa kung paano magiging efficient ang fake marriage namin.

Ako naman?

Nandito, nag-i-emote sa lumang bahay habang nagtataka kung saan ako dadamputin ng katinuan ko.

Natawa ako mag-isa. Ang lungkot, pero nakakatawa.

Sino ba namang hindi tatawa sa sarili kapag napagtantong papakasal na siya sa lalaking hindi pa nga niya alam kung marunong bang kumain ng isaw?

Humilig ako sa upuan ni Lola, pinikit ang mata ko.

Na-imagine ko siya, yung tingin niyang parang may laser, nakataas ‘yung kilay habang sinasabi,

“Anak ka nga talaga ng nanay mo.”

Maybe this wasn’t about love. Maybe it was about duty. Pero bakit ganito kabigat sa dibdib?

Like I willingly picked up something I knew would crush me but I refused to drop it.

Pumikit ako. In my mind, I could almost feel her hands guiding mine.

Steady. That’s what I needed to be.

Kahit anong bagyo pa ‘to, I had to look unshaken.

May narinig akong kaluskos sa hallway.

Kinabahan ako saglit. Tapos natawa.

Kaya kong sabayan si Callisto Maxim sa business talk pero natatakot ako sa lumang sahig? Priorities, girl.

Binuksan ko pa ‘yung isa pang kahon ni Lola, yung luma niyang keepsake box.

May mga lumang litrato, ticket, at isang tuyong bulaklak.

Sa ilalim, may isa pang note.

“Control what you can. Let the rest teach you. Love, life and family. They can be messy. And that’s okay.

— Lola E.”

Messy. Ugh. I hated that word.

Pero siguro nga tama siya. Maybe if I wanted to survive this plan, kailangan kong tanggapin ‘yung gulo. I need to learn how to dance with it.

Napahilot ako sa sentido, replaying everything that happened earlier.

Callisto’s voice, his ridiculous composure, the way he made chaos sound like logic.

At ‘yung planong kasal na parang business deal lang.

Natawa ako ulit.

“Diyos ko, Alex. You’re insane.”

Tumingin ako sa bintana.

Yung city lights kumikislap pa rin, Manila never sleeps.

Somewhere out there, malamang gising pa si Callisto, nagta-type ng formal email.

Subject: Marriage Contract Draft – For Your Review.

Dalawang taong parehong desperado sa solusyon. At parehong doomed, probably.

“I’ll do it,” mahina kong sabi.

“Para kay Lola. Para sa lahat ng binuo niya.”

Tumingin ako sa repleksyon ko sa salamin.

I wasn’t doing this for love, or greed. I was doing it for legacy. Her legacy.

And maybe a bit of my pride, too.

May umalingawngaw na tunog sa bahay, like it disagreed.

But I took that as permission.

Pinatay ko ang ilaw, hinayaan kong ilaw ng siyudad ang tumama sa loob ng kwarto.

Tomorrow would bring the reality. The emails, contracts, signatures, and that annoyingly calm man who somehow made ‘deal’ sound like a dare.

Ngayon, hihinga muna.

Baka bukas, wala na akong time para doon.

Maybe this was the smartest move of my life. Or maybe… ito na ‘yung disaster na sinasabi ni Lola.

Either way, game na ‘ko.

--

Kinabukasan, gising na ang buong siyudad bago pa ako makapag-kape.

Tumunog ang phone ko.

One message lang.

Callisto Maxim: 9 AM. Café Verona. Bring your ID.

Of course, walang good morning. Walang emoji. Walang context.

Just pure business.

Napailing ako, napatawa.

“So he’s really doing it,” sabi ko sa sarili ko.

Kinuha ko ‘yung coat at susi ko.

“Fine,” bulong ko habang papalabas ng bahay.

“Let’s see how practical you really are, Mr. Maxim.”

And just like that, I walked out of my grandmother’s house, straight into whatever this new version of my life was going to.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Deal We Called Marriage   Chapter 19

    Buong umaga, paulit-ulit lang sa utak ko yung sinabi ni Tessa.“Meet new people. You’re not married for real, right?”Tama.Pero habang binibigkas ko ‘yun sa isip ko, parang unti-unti siyang nagiging kasinungalingan.Nasa harap ako ng salamin, sinusuklay ang buhok kong kulot sa dulo. Yung mga hibla, parang may sariling isip—hinahaplos ang balat ko, parang pinapaalala yung gabing ayokong maalala.Yung halik.Yung init.Yung tibok ng puso ko na parang tumatakbo sa marathon na hindi ko alam kung gusto kong matapos.Dapat wala ‘yun.Dapat parte lang ng usapan.Pero hindi na siya mukhang kasunduan.Parang totoo na.Huminga ako nang malalim, pilit nilulunok yung memorya. Brunch lang naman ‘to. Walang special. Casual jeans, soft blouse, light makeup—normal girl, normal day. Safe.Pero kahit ready na ako, nakatayo pa rin ako sa tabi ng pinto, parang may hinihintay.O baka may gustong pigilan.Tahimik ang penthouse.Si Callisto, nandun sa counter, sleeves rolled, may hawak na tablet na sumisin

  • The Deal We Called Marriage   Chapter 18

    Amoy ng kape ‘yung unang bumungad sa’kin pagkagising.‘Yung sumunod, ‘yung mahina pero malinaw na tunog ng mga galaw sa kusina.At para akong nasampal ng maalala ko ‘yung mga nangyari kagabi. Yung dinner, ‘yung whiskey, at ‘yung halik na hanggang ngayon, ayaw pa ring umalis sa isip ko.That stupid, unexpected, perfect kiss.Napahinga ako nang malalim, sinubsob pa ang sarili sa unan. “Get it together, Alex,” bulong ko sa sarili ko.Pagharap ko sa salamin, halos mapangiwi ako. Magulo ‘yung buhok, medyo namumula pa ‘yung labi, at ‘yung mata ko parang may tinatagong kwento. Para akong taong may kasalanan, sobrang guilty ng itsura ko.Binasa ko nang paulit-ulit ‘yung mukha ko sa tubig, hoping mabura ‘yung traces ng gabi."Ako si Alexandra Reign Sy. Lawyer. Rational. Calm.Hindi ‘yung babae na nakipaghalikan sa fake husband niya dahil lang sa whiskey at isang gabing sobrang tahimik." sabi ko sa sarili ko.Pero kahit anong pilit kong kalimutan yun, ‘yung amoy ng kape galing kusina… parang na

  • The Deal We Called Marriage   Chapter 17

    Ang tahimik ng biyahe pauwi.Walang tugtog, walang salita. Tanging ilaw lang ng headlights na humahati sa dilim, at ‘yung tunog ng gulong na parang mahinang bulong sa kalsada. Walang nang nagsalita sa amin ni Callisto mula nang umalis kami sa bahay ng mga magulang niya. Mabigat pa rin ‘yung hangin, puno ng mga bagay na hindi nasabi.Pagdating namin sa penthouse, pagbukas pa lang ng elevator, dumiretso na siya sa bar. Tinanggal niya ‘yung tie nya, niluwagan ang kwelyo ng polo, at kinuha ang bote ng whiskey. "I need a drink.” eto ang unang beses na nagsalita siya simula kanina.Nilapag ko ang clutch sa counter. “Understandable.”Lumingon siya, may konting ngiti sa mata. “You joining me or going to bed, love?”Ayan na naman.Hindi dapat ako kinikilig, pero may kung anong humaplos sa dibdib ko.Nagdalawang-isip ako saglit bago ako lumapit. “Pour me one.”Hindi siya ngumiti nang buo, pero may bahagyang kurba sa labi niya habang nagbubuhos ng alak sa dalawang baso.Umupo ako sa stool, siy

  • The Deal We Called Marriage   Chapter 16

    Kung titingnan mo si Callisto ngayon, parang wala lang sa kanya yung mga nangyari. As if the storm hadn’t happened. As if ‘yung mga pulgada ng tension between us were just… static. Walang meaning. Parang hindi kami muntik na… ‘Okay, stop. Hindi ko iisipin ‘yon.’ Maybe it didn’t mean anything to him. Maybe ako lang ‘tong nagre-replay sa utak ko kung gaano kainit ng yakap niya. Pero dahil nagmamagaling ako ngayon. Sasabayan ko sya. Acting normal and pretending to be calm. Ignoring the way my heart skips whenever he walks too close. And the fact na every time he says love, tumitigil yung utak ko sa pag function. “Another storm today,” bulong ko, habang sinusubukang kalmahin ‘yung sarili ko. “Hm?” tanong niya, hindi man lang lumilingon. “Dinner with your parents,” sagot ko. “That’s the storm.” Ngumiti lang siya nang konti, nakakainis kasi ang gwapo pero nakakagalit parin. “Just follow my lead, love. You’ll be fine.” Huminga ako nang malalim. “Right. Fine.”

  • The Deal We Called Marriage   Chapter 15

    Umaga na. Mapusyaw ‘yung liwanag, parang nagdadalawang-isip kung sisikat ba talaga o mananatiling kulay-abo. Tahimik, wala akong ibang naririnig maliban sa ambon at mahinang ugong ng mga sasakyan sa labas.Saglit akong nagising nang hindi sigurado kung nasaan ako. Hanggang sa maramdaman kong may kamay na nakayakap sakin.Hindi ‘yung tipong casual lang o aksidenteng napadikit. Buong yakap.‘Yung braso ni Callisto, mahigpit na nakapulupot sa bewang ko at yung dibdib niya, nakasandal sa likod ko, mainit kahit malamig pa ‘yung hangin sa loob ng condo.At sa pagitan ng mga segundo, maririnig mo ‘yung hinga niya. Mabagal, malalim at masyadong… intentional.Natigilan ako. Kasi sure ako, gising ‘to.Walang tulog na ganito kaingat huminga.Walang tulog na ganito kabagal humaplos.Kasi ‘yung mga daliri niya at hinahaplos nang marahan sa tagiliran ko, ‘yung klase ng dampi na halos hindi mo maramdaman. Maingat ang paraan ng paghaplos nya, hindi siya nagmamadali.Parang may gusto lang siyang p

  • The Deal We Called Marriage   Chapter 14

    Bigla na lang bumuhos ang ulan. Walang warning, walang paalala — parang may sariling trip ‘yung langit. Ang lakas ng kulog, tapos ‘yung hangin, parang galit na galit. Umaalog ‘yung bintana ng condo namin na parang gusto na ring sumuko. Nasa couch ako noon, kunwari nagbabasa pero to be honest, kalahati ng utak ko nasa ulan, kalahati nasa sarili kong overthinking. Tahimik lang sana, hanggang sa BANG! — biglang bumukas ‘yung bintana sa kwarto ko, nasira yun. Basang-basa agad ‘yung sahig, pati ‘yung carpet. “Perfect,” bulong ko, tinapon ‘yung libro sa gilid. “Sobrang perfect.” Tumakbo ako, kumuha ng tuwalya, at sinubukang pigilan ‘yung mini swimming pool sa sahig. Lumapat ‘yung tuhod ko sa malamig na tiles, ‘yung buhok kong nakatali kanina ngayon nakadikit na sa mukha ko. Para akong contestant sa “PBB: Typhoon Edition.” Habang si Callisto. Nakatayo lang sa may pinto, tuyo, maayos, at nakakainis pa rin ang pagiging composed niya. “You need help?” tanong niya, ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status