LOGINKung sasabihin mo sa’kin last week na ikakasal ako ng 10 AM, on a random Wednesday, naka-off-white na dress na in-order ko lang online… tatawanan lang talaga kita.
As in, ‘yung tawang may halong, “Girl, okay ka lang?” Pero heto ako ngayon, nakatayo sa harap ng malabong salamin sa city hall restroom, sinisilip kung pantay ba ‘yung lipstick ko at kung may natira pa bang dignidad sa bangs kong ayaw makisama. Yung ilaw sa taas, ‘yung fluorescent na parang pagod na sa buhay, kumikindat-kindat. Parang sinasabi, “Good luck, girl.” Huminga ako nang malalim. Kaya mo ‘to, Alex. Tumunog bigla ang phone ko. Message from Mr. Efficiency himself. Callisto: Parking. Be there in two. Wala parin hello, walang good morning, walang emoji. Tinitigan ko muna ‘yung screen sandali, gusto kong matawa na parang gusto ko na ring umatras. He actually meant it. This is happening. In two minutes. Sinuksok ko ang phone sa bag ko at tiningnan ulit ang sarili sa salamin. “Okay,” sabi ko sa repleksyon ko. “Let’s ruin our life with style.” Bumukas ang pinto, at sumilip ‘yung staff ng city hall. “Ms. Sy? The ceremony will start soon.” Tumango ako. “Sige, coming.” Naglakad ako sa hallway, at pinakiramdaman ko ang sarili ko. Hindi ako kinakabahan. Hindi rin excited. Parang may kabog lang sa dibdib na hindi ko malagyan ng label, maybe gutom lang, o kulang sa kape. Or maybe existential dread disguised as hunger. Pagpasok ko sa maliit na courtroom, nakita ko na nga siya. Si Callisto Maxim. As usual, naka-dark suit. Walang tie. Parang allergic sya sa formality, at ‘yung presensiya niyang may parang sariling gravity. He looked up the moment I entered, his eyes scanning me from head to toe. “You’re on time,” sabi niya. “Try not to sound too surprised,” sagot ko habang nakataas ang isang kilay. Bahagyang kumislot ‘yung labi niya. “You look… appropriate.” “Appropriate?” inulit ko, sabay tawa. “Wow. Such romance. Na-touch talaga ako, grabe.” “It’s a compliment,” seryoso pa rin niyang sagot. “Sure,” sabi ko, sabay irap nang palihim. Sa tabi niya, nando’n si Daniel, ‘yung assistant niya na parang laging handang mag-type at mag-notes kahit walang meeting. He held a clipboard like he was about to launch a board meeting, not to witness a marriage. Tapos ‘yung staff, mukhang pinipigilan matawa. Ang officiant naman, matanda na, mabait ang mukha. Tipong sanay na sa mga weird na ikinakasal. “Mr. Maxim, Ms. Sy,” sabi niya. “Are you both ready?” “As I’ll ever be,” sagot ko. “Yes,” sagot ni Callisto without effort, walang emosyon. Na parang ang sinasabi nya lang ay ‘Let’s start the meeting.’ “All right,” sabi ng officiant, nakangiti. “Let’s begin.” At doon na nagsimula ‘yung pinaka-weird na kasal sa kasaysayan ng mundo. Names, signatures, legal phrases na parang pang-Excel formula at palitan ng singsing. “Do you, Alexandra Reign Sy, take Callisto Maxim—” “Yes.” Hindi pa nga tapos si manong officiant, siningitan ko na. “—to have and to hold—” “Yes ulit.” Napailing siya. “Miss, hayaan niyo po munang matapos—” “Yes,” ulit ko pa rin, sabay ngiti. Tumikhim si Callisto, halatang pinipigilang matawa. At nang siya naman ang tinanong, ang bilis din ng sagot. “Yes.” Si Daniel at ‘yung staff nagkatinginan. Yung tingin na parang nagtatanong sa isa’t isa, “Nababaliw na ba silang dalawa?” Nang hawak ko na ‘yung pen, sandali akong tumigil bago pumirma. ‘Alexandra Reign Sy-Maxim.’ Napatitig ako sa nakasulat sa papel. Nakakapanibago, parang napakabigat na responsibilidad to nung nakita ko nang nakakabit ang apelyido nya sa pangalan ko. “Congratulations,” sabi ng officiant. “You’re now legally married.” Nagpalakpak si Daniel, isang beses lang at awkward pa. Habang yung staff naman, ngiting-ngiti, parang kinikilig pa. Nagulat ako ng magsalita ulit yung officiang ng line na hindi ko in-expect na magiging awkward in real life. “You may now kiss the bride.” Katahimikan, parehas kami na hindi ito inaasahan. Literal na narinig ko ‘yung pintig ng fluorescent light. Tumingin ako kay Callisto. “Do we have to?” mahina kong tanong. “It’ll look strange if we don’t,” mahina niyang sagot, halos bulong. At bago pa ako makapag-react, lumapit siya. Yung tipo ng lakad na may sariling background music kahit wala naman talaga. Naamoy ko agad ang kanyang cologne paglapit niya. And then he suddenly reached for my hand, and for a second, nakalimutan kong huminga. Hinawakan nya ako sa may panga at tumingin sya sa mga mata ko. Maya maya pa ay unti unti nang lumapit sa akin ang kanyang mukha hanggang sa magdikit ang mga labi namin. Hindi malalim at hindi rin matagal. Just a quiet, steady kiss na parang checkmark lang sa kontrata. When he pulled back, blangko nanaman ang kanyang expression, hindi ko mabasa kung anong nasa isip nya. “Congratulations, Mr. and Mrs. Maxim,” sabi ng officiant. Huminga ako nang malalim, nagkunwaring chill kahit obvious na hindi. “Thanks. Do we, uh, get a receipt for this or…?” Daniel almost choked suppressing his laughter. Si Callisto naman, napatingin sa kanya na parang sinasabing, ‘Laugh and I deduct your salary.’ The officiant just smiled. “You’ll get your certificate in a few minutes.” Habang tinatapos nila ‘yung papeles, umupo ako sa gilid, pinagmamasdan siya. “How does it feel to be married?” tanong ko. He checked his watch. “Good.” “That’s your answer?” “This was never about feelings, Alexandra. You knew that.” “Yeah,” sabi ko. “Trying to lighten the mood lang naman.” “It doesn’t need lightening. It needs structure.” I laughed. “Wow. Marriage with spreadsheets. Revolutionary.” He ignored me, signing the rest of the forms with his neat CEO handwriting. Grabe, pati pirma niya parang may disiplina. Ako naman, halos mabura na ‘yung lipstick ko kakahinga ng malalim. After a few minutes, the clerk approached me. “Here’s your copy, Mrs. Maxim.” Nung narinig ko ‘yun, at bigla akong napatigil. ‘Mrs. Maxim.’ What a weird thing to hear out loud. “Uh, thanks,” sabi ko, pilit na ngiti. Callisto offered his arm, formal na formal. “Shall we?” “You’re really taking this seriously,” I said, hooking my arm around his. “I take everything seriously. It’s the only way things work.” “Good to know,” I muttered. “Can’t wait for the quarterly marriage report.” Paglabas namin ng building, tinamaan agad kami ng sikat ng araw. Perfect lighting for emotional confusion. May ilang tao pang tumingin sa’min, siguro akala nila minimalist couple kami na nagpakasal nang walang venue at budget. Kung alam lang nila, hindi lang budget ang wala, pati commitment borrowed lang. “Congratulations again, sir,” sabi ni Daniel, trying not to grin. “Thank you,” sagot ni Callisto, monotone pa rin. Then his phone buzzed. “Board meeting in an hour,” sabi niya. “Of course,” sagot ko. “Wouldn’t want to miss the honeymoon we’re not having.” Daniel coughed, halatang pinipigilang matawa. Pagdating namin sa sasakyan, binuksan niya ‘yung pinto para sa’kin. Black car, spotless interior. Very him. He looked at me. “We’ll handle the move-in schedule later this week. Daniel will coordinate.” “Right.” Umupo ako, tinatago ‘yung kaba sa likod ng sarcasm. Sumakay siya, tahimik lang kami. Engine on, emotions off. And as the city blurred past the window, na-realize ko na totoo na ‘to. Wala nang bawian. We actually did it nang mas mabilis pa sa pag-decide ko kung anong flavor ng o-orderin ko na milk tea. “You did what you had to,” sabi niya habang nagmamaneho. “Yeah,” sagot ko, tinanaw ‘yung skyline. “Just business.” “Exactly.” The way he said it. Mahinahon, pero final, parang may invisible period sa dulo. And that was fine. That’s all I needed it to be.Buong umaga, paulit-ulit lang sa utak ko yung sinabi ni Tessa.“Meet new people. You’re not married for real, right?”Tama.Pero habang binibigkas ko ‘yun sa isip ko, parang unti-unti siyang nagiging kasinungalingan.Nasa harap ako ng salamin, sinusuklay ang buhok kong kulot sa dulo. Yung mga hibla, parang may sariling isip—hinahaplos ang balat ko, parang pinapaalala yung gabing ayokong maalala.Yung halik.Yung init.Yung tibok ng puso ko na parang tumatakbo sa marathon na hindi ko alam kung gusto kong matapos.Dapat wala ‘yun.Dapat parte lang ng usapan.Pero hindi na siya mukhang kasunduan.Parang totoo na.Huminga ako nang malalim, pilit nilulunok yung memorya. Brunch lang naman ‘to. Walang special. Casual jeans, soft blouse, light makeup—normal girl, normal day. Safe.Pero kahit ready na ako, nakatayo pa rin ako sa tabi ng pinto, parang may hinihintay.O baka may gustong pigilan.Tahimik ang penthouse.Si Callisto, nandun sa counter, sleeves rolled, may hawak na tablet na sumisin
Amoy ng kape ‘yung unang bumungad sa’kin pagkagising.‘Yung sumunod, ‘yung mahina pero malinaw na tunog ng mga galaw sa kusina.At para akong nasampal ng maalala ko ‘yung mga nangyari kagabi. Yung dinner, ‘yung whiskey, at ‘yung halik na hanggang ngayon, ayaw pa ring umalis sa isip ko.That stupid, unexpected, perfect kiss.Napahinga ako nang malalim, sinubsob pa ang sarili sa unan. “Get it together, Alex,” bulong ko sa sarili ko.Pagharap ko sa salamin, halos mapangiwi ako. Magulo ‘yung buhok, medyo namumula pa ‘yung labi, at ‘yung mata ko parang may tinatagong kwento. Para akong taong may kasalanan, sobrang guilty ng itsura ko.Binasa ko nang paulit-ulit ‘yung mukha ko sa tubig, hoping mabura ‘yung traces ng gabi."Ako si Alexandra Reign Sy. Lawyer. Rational. Calm.Hindi ‘yung babae na nakipaghalikan sa fake husband niya dahil lang sa whiskey at isang gabing sobrang tahimik." sabi ko sa sarili ko.Pero kahit anong pilit kong kalimutan yun, ‘yung amoy ng kape galing kusina… parang na
Ang tahimik ng biyahe pauwi.Walang tugtog, walang salita. Tanging ilaw lang ng headlights na humahati sa dilim, at ‘yung tunog ng gulong na parang mahinang bulong sa kalsada. Walang nang nagsalita sa amin ni Callisto mula nang umalis kami sa bahay ng mga magulang niya. Mabigat pa rin ‘yung hangin, puno ng mga bagay na hindi nasabi.Pagdating namin sa penthouse, pagbukas pa lang ng elevator, dumiretso na siya sa bar. Tinanggal niya ‘yung tie nya, niluwagan ang kwelyo ng polo, at kinuha ang bote ng whiskey. "I need a drink.” eto ang unang beses na nagsalita siya simula kanina.Nilapag ko ang clutch sa counter. “Understandable.”Lumingon siya, may konting ngiti sa mata. “You joining me or going to bed, love?”Ayan na naman.Hindi dapat ako kinikilig, pero may kung anong humaplos sa dibdib ko.Nagdalawang-isip ako saglit bago ako lumapit. “Pour me one.”Hindi siya ngumiti nang buo, pero may bahagyang kurba sa labi niya habang nagbubuhos ng alak sa dalawang baso.Umupo ako sa stool, siy
Kung titingnan mo si Callisto ngayon, parang wala lang sa kanya yung mga nangyari. As if the storm hadn’t happened. As if ‘yung mga pulgada ng tension between us were just… static. Walang meaning. Parang hindi kami muntik na… ‘Okay, stop. Hindi ko iisipin ‘yon.’ Maybe it didn’t mean anything to him. Maybe ako lang ‘tong nagre-replay sa utak ko kung gaano kainit ng yakap niya. Pero dahil nagmamagaling ako ngayon. Sasabayan ko sya. Acting normal and pretending to be calm. Ignoring the way my heart skips whenever he walks too close. And the fact na every time he says love, tumitigil yung utak ko sa pag function. “Another storm today,” bulong ko, habang sinusubukang kalmahin ‘yung sarili ko. “Hm?” tanong niya, hindi man lang lumilingon. “Dinner with your parents,” sagot ko. “That’s the storm.” Ngumiti lang siya nang konti, nakakainis kasi ang gwapo pero nakakagalit parin. “Just follow my lead, love. You’ll be fine.” Huminga ako nang malalim. “Right. Fine.”
Umaga na. Mapusyaw ‘yung liwanag, parang nagdadalawang-isip kung sisikat ba talaga o mananatiling kulay-abo. Tahimik, wala akong ibang naririnig maliban sa ambon at mahinang ugong ng mga sasakyan sa labas.Saglit akong nagising nang hindi sigurado kung nasaan ako. Hanggang sa maramdaman kong may kamay na nakayakap sakin.Hindi ‘yung tipong casual lang o aksidenteng napadikit. Buong yakap.‘Yung braso ni Callisto, mahigpit na nakapulupot sa bewang ko at yung dibdib niya, nakasandal sa likod ko, mainit kahit malamig pa ‘yung hangin sa loob ng condo.At sa pagitan ng mga segundo, maririnig mo ‘yung hinga niya. Mabagal, malalim at masyadong… intentional.Natigilan ako. Kasi sure ako, gising ‘to.Walang tulog na ganito kaingat huminga.Walang tulog na ganito kabagal humaplos.Kasi ‘yung mga daliri niya at hinahaplos nang marahan sa tagiliran ko, ‘yung klase ng dampi na halos hindi mo maramdaman. Maingat ang paraan ng paghaplos nya, hindi siya nagmamadali.Parang may gusto lang siyang p
Bigla na lang bumuhos ang ulan. Walang warning, walang paalala — parang may sariling trip ‘yung langit. Ang lakas ng kulog, tapos ‘yung hangin, parang galit na galit. Umaalog ‘yung bintana ng condo namin na parang gusto na ring sumuko. Nasa couch ako noon, kunwari nagbabasa pero to be honest, kalahati ng utak ko nasa ulan, kalahati nasa sarili kong overthinking. Tahimik lang sana, hanggang sa BANG! — biglang bumukas ‘yung bintana sa kwarto ko, nasira yun. Basang-basa agad ‘yung sahig, pati ‘yung carpet. “Perfect,” bulong ko, tinapon ‘yung libro sa gilid. “Sobrang perfect.” Tumakbo ako, kumuha ng tuwalya, at sinubukang pigilan ‘yung mini swimming pool sa sahig. Lumapat ‘yung tuhod ko sa malamig na tiles, ‘yung buhok kong nakatali kanina ngayon nakadikit na sa mukha ko. Para akong contestant sa “PBB: Typhoon Edition.” Habang si Callisto. Nakatayo lang sa may pinto, tuyo, maayos, at nakakainis pa rin ang pagiging composed niya. “You need help?” tanong niya, ka







