Share

Chapter Eight

Angelica

Sandali kong pinagmasdan si Mikael na nakatayo sa gitna ng garden at basang-basa na. Nakatayo lang sya roon at nakayuko.

“Oh, nakabalik ka na agad? Bakit nagpaulan ka?” tanong ko sa kaniya.

“Ah, nalimutan ko kasi payong ko.” sagot nya at pumasok na.

“Ito basahan. Baka magkalat ka pa ng basa rito sa loob." sabi ko bago sya lampasan at itinapat ang basahan sa harapan nya.

“Thanks” tipid niyang sabi pero nakayuko pa rin sya.

“By the way, I think you really should think twice before doing something. I'm not an idiot.” sabi ko at nagpalabas ng maliit na punyal sa kamay ko. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya kaya naman umaatras na siya at malapit nang makalabas ng bahay.

“Wait, what do you mean?”

“Don't give that shit. I know that you are a demon.”

Mabilis akong sumugod sa kaniya kaya naman ganun din kabilis ang pagtalon niya papunta sa labas. Nakatayo na agad siya sa dulo ng garden habang ako naman ay nasa gitna.

“Well, it turns out that you’re not an ordinary person.” sabi ng lalaki bago mabalot ng itim na usok. Nang humupa na ang itim na usok ay lumabas na ang totoo niyang pagkatao, or should I say pagkademonyo?

Mayroon siyang magandang pangangatawan at pati na rin itsura. A typical figure for an incubus. Sa kaliwang kamay niya ay hawak niya ang isang pulang whip na napupuno ng tinik.

“Should I be flattered?”

Muli akong sumugod sa kaniya at gayun din ang ginawa niya. Nasalag niya ang kamao ko ngunit hindi niya nasalag ang sinunod kong pag sipa sa tagiliran niya. Tumalisik siya sa di kalayuan ngunit hindi ko naiwasan ang paghampas ng whip niya kaya naman nasugatan ang braso ko.

“Not bad. Kung titignan ay mahina ka lang. But I guess I'll enjoy having a little fight with you.” sabi niya nang makatayo na.

“Well, same here,” sabi ko bago sumugod muli. Sa oras na ito ay nagawa kong masaksak sa dibdib niya ang dagger na hawak ko. “but I think it’s easy for me to defeat a demon like you.”

Hindi siya sumagod sa halip ay binigyan ako ng isang ngisi. Sa isang iglap lang ay biglang may lumabas na mga human familiar at witches sa paligid. Lahat sila ay bumubuo ng isang dark pentagram upang subukan na i-trap ako.

“Akala mo ba ganun lang ako kadali matalo?” Hinugot niya ang nakatarak na dagger sa dibdib niya at itinapon iyon sa isang tabi. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at hinawakan ang pisngi ko. “You look pretty enough to be my woman. Why don't you just give up and be at my side?”

“You're disgusting.” sabi ko bago pilipitin ang kamay niya at walang pag aalinlangan na binabibag siya sa lupa.

Nagpalabas ako muli ng weapon at sa oras na ito ay bow and arrow ang nilabas ko.

“Mga duwag kayo. Ganyan na ba katakot ang mga taga-impyerno at napakarami niyo kung sumugod?” sabi ko bago magpakawala ng palaso at sakto naman na tumama iyon sa dark pentagram na ginagawa nila. “pati pentagram niyo ay napaka-hina. Wala man lang thrill.”

Tumalsik ako bigla dingding at may naramdaman akong hapdi sa kaliwang braso ko. Pagdilat ko ay nakita kong nababalot ang braso ko ng mga tinik galing sa whip ng kalaban kong incubus.

“Well, I think ikaw ang mahina. Look at you, you look so pathetic. Well, angels do look pathetic.”

Hinawakan ko ang whip niya gamit ang kanan kong kamay at sa isang iglap lang ay nabalot na ng holy symbols ang whip kaya naman mabili itong naging abo.

“Why don't you fight me with your full potential?” sabi ko bago muling sumugod. Nagpakawala ako ng limang palaso at naiwasan niya ang lahat ng iyon. Ngunit, hindi niya naiwasan ang sunod kong tira at nasugatan ang pisngi niya. Umagos ang dugo mula roon at sumilay na naman sa pisngi niya ang isang ngisi.

“What are you stupid witches waiting for? Seize her!” gigil niyang utos kaya naman sabay-sabay sumugod sa akin ang mga witches gayun din ang human familiars nila.

Sunod-sunod ang ginawa kong pag-iwas hanggang sa napilitan ako na magpalit ng weapon. Sa oras na ito, isang crystal sword ang ginamit ko. May naka-ukit na sa mismong blade nito kaya naman ang anumang bagay na may impurity ang matamaan nito ay paniguradong may maiiwan na damage.

I swing my sword and just like what I’ve expected, naging abo agad ang ilang human familiar na natamaan ko. Mabilis akong tumalon sa ere para muling sumugod sa mga natitirang witch. Ngunit sa di inaasahan, ay isang bala ng baril ang muntik nang tumama sa akin mabuti na lang at nasalag ko ito agad.

“Demons. Lagi talaga hindi patas kung lumaban. Napaghahalataan na takot matalo eh.” Asar na sambit ko bago mapakawala ng ball of light papunta sa direksyon ng incubus na siyang may hawak ng baril.

That should hold him for a while. That ball of light should at least cause some damage in his body.

Mabilis akong sumugod sa witches at hindi na nila naiwasan ang tira ko. Lahat sila ay naging abo na natngay ng hangin dahil na rin sa patuloy na pagbuhos ng malamig na ulan.

Nakita ko ang muling pagbangon ng incubus kaya naman humarap ako sa direksyon niya.

“Sumuko ka na. Wala ka nang kasama, mag-isa ka na lang.” sabi ko at itinapat sa direksyon niya ang hawak kong crystal sword.

“Ha, sa tingin mo ba ay kailangan ko sila para manalo? They are just stupid witches, well, stupid and weak.” Dahan-dahan siyang tumayo at ako naman ay hinigpitan ang hawak sa weapon ko.

He’s serious this time and I can feel it. Nag-iba nag aura niya at naramdaman ko ang pagtaas nito, indikasyon lamang na ipinapakita na niya ang totoong pagka-demonyo niya.

Lumabas ang dalawang mahabang sungay sa ulo niya at naging doble ang laki ng katawan niya. Nawala na rin ang lahat ng sugat niya sa katawan at ngayon ay kulay itim na ang hawak niyang whip. Nadagdanan na rin ang bilang ng mga tinik nito.

Nauna siyang sumugod at hinampas niya ang whip niya. Mabilis ang kilos na ginawa ko at sinalag ko ang whip na patungo sa direksyon ko ngunit sa isang iglap ay tumama ito sa tagiliran ko. Bumagsak ako sa lupa dahil sa impact na dulot nito at napahawak sa tagiliran ko. Naramdaman ko ang pag-agos ng dugo mula sa sugat ko gayun din ang hapdi na dulot nito.

Shit I almost forgot, I’m still in my human form. Limitado lang ang kaya kong gawain sa form na ito and it really sucks. I can’t even make my wound heal faster. Ni hindi pa nga ganun kagaling ang nakuha kong sugat sa kaliwang kamay ko kanina ay panibagong sugat na naman ako na iniinda.

Akmang tatayo ang nang isang hampas na naman ng whip ang natanggap ko sa kanang braso ko. Muli itong nag-iwan ng sugat at halos mapamura ako dahil sa sakit na dulot nito.

“Now, what? Why don’t you stand up and fight?” sabi ng kalaban ko.

“There’s no need for you to tell me that.”

Mabilis akong tumayo at sumugod sa kaniya. Nagawa kong maputol ang kanang kamay niya na may hawak ng whip ngunit mabilis din niyang napagaling ito.

“You really think na masasaktan ako sa ginawa mo?” nang-aasar niyang sabi.

“No. But this one will.” sabi ko bago muling sumugod sa kaniya at binigyan siya ng malakas na sipa sa mukha at sinundan ko iyon ng pagtuhod sa sikmura niya. Bahagya siyang napayuko dahil doon kaya sinamantala ko ang pagkakataon na iyon para malakas na ibaon ang ulo niya sa lupa.

Nahawakan naman niya ang kamay ko kaya naibalibag niya ako sa lupa. Mabilis siyang nakabangon at magpapatama sana ng suntok pero mabilis kong nasaksak sa dibdib niya ang crystal sword ko. Ginamit ko ang natitirang lakas ko para maitulak siya at sa isang iglap ay nakadikit na ang likod niya sa dingding ng bakuran nila Monica. Nakasaksak pa rin sa dibdib niya ang crystal sword at hindi na siya nakilos pa.

“Ha, sa tingin mo sa simpleng ganito lang ay mapapatay mo ako?”

“You know what? Puro ka daldal at panlalait samantalang hindi ka naman ganun kalakas. Despite in being in your full demon form ay nagawa pa rin kitang ma-trap. And now, dadaldal ka pa rin? Are you really that stupid?”

“Funny thing. This pesky little sword of yours can’t kill me.” Sabi niya at hinawakan ang blade nito upang tangkain na alisin ito.

“Sorry to say, little demon, this is a crystal sword which is blessed and awarded by the seven archangels. It has holy symbols and clears impurity. It can even kill a dominion, let alone a lowly incubus like you.” Sabi ko bago idiin lalo ang blade ng weapon ko sa kanya. Gaya ng inaasahan ko ay sumuka na siya ng dugo.

“Tch, I’ll get back at you.” Iyon ang huli niyang sinabi bago siya maging abo.

“I’ll gladly wait for that day. That is, if you will be back.”

Tuluyan nang nawala ang kalaban ko kaya naman nang hihina akong napaluhod sa lupa. Nang binitiwna ko ang weapon ko ay kusa na itong nawala.

Napahinga ako nang malalim at napatingala sa madilim na langit. Patuloy pa rin ang malakas na pag-ulan at paghampas ng malamig na hangin. Hawak hawak ang braso ko ay dahan-dahan na akong pumasok muli sa bahay nila Monica. Gamit ang kaunting lakas ay bumubo na ako ng protection barrier para kahit papaano ay maalerto ako kung may susunod pang kalaban.

Sinubukan kong isindi ang ilaw upang malaman kung may kuryente na ba at salamat naman dahil mayroon na. Umakyat na ako sa kwarto ni Monica. Nakita ko na mahimbing pa rin ang tulog niya kaya naman nakahinga ako nang maluwag.

Pumasok ako sa banyo bago tumapat sa shower. Napa-upo ako bathtub at hinayaan lang na umagos ang mainit na tubig. Naramdaman ko ang hapdi sa sugat ko at gayun na rin ang pagod. Ipinikit ko ang mga mata ko at gamit ang natitirang kong lakas ay unti-unti kong pinagaling ang mga sugat na natamo ko.

Matapos maligo at makapagbihis ay humiga na ako sa tabi ni Monica. Marahil dala na rin ng malamig na panahon at pagod ay mabilis na akong nakatulog habang yakap-yakap si Monica.

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status