CHAPTER EIGHTEEN
"I-ikaw na ang magbukas, Inday," utos niya sa kausap.
Kahit na sabihin niyang imposibleng masundan siya ni Ruel dito, hindi niya magawang iwaksi ang takot.
Si Auntie Mina ang dumating.
Agad siyang yumapos sa matandang dalaga.
"Oh, Auntie!" Hindi na niya napigil ang mapaiyak habang nakayupyop siya sa dibdib ng butihing babae.
"Tahan na, iha," pang-aalo nito.
"Salamat at dumating po kayo!" hikbi niya.
"Huwag ka nang mag-alala, iha," dagdag ni Auntie Mina habang panay-panay ang paghagod sa kanyang ulo at likod. "Nandito na ako. Hindi kita pababayaan."
Unti-unting huminto ang pagluha niya. "Oh, Auntie, hindi ko na po alam ang gagawin ko!"
"Ano ba ang nangyari? Bakit bigla ka na lang umalis sa resthouse?"
CHAPTER NINETEEN "W-WALA siya dito?" bulalas ni Ruel. Umiling si Auntie Mina. Pormal ang tono at ang anyo nito. "Wala dito si Catherine, iho," ulit nito. "Halika. D'on tayo sa library. Naghihintay ang meryenda. Siguradong pagod na pagod ka sa biyahe." "Hindi naman," tugon niya, halos wala sa loob. Magmula sa Yachts' Club sa Manila Bay, ipinasundo siya ng tiyahin kay Mang Ped. Ipinilig niya ang ulo habang sinusundan ang maliit na hugis ng nag-iisang kamag-anak. Hindi niya maintindihan ang mga damdamin na nagsalimbayan sa kalooban nang malamang wala sa mansiyon ang babaeng impostor. "Catherine," sambit niya nang makabawi na naman ng wisyo. "Catherine ba ang pangalan niya?" Sumulyap sa kanya ang tiyahin. Nakangiti nang bahagya ang makipot na bibig. "Catherine Almonte, iho," anito habang tumatango. "M
CHAPTER TWENTY Panay ang yapos ng dalawang bata sa kapatid na panganay na matagal na nawalay sa paningin. Ilang linggo na siyang namamalagi sa condo. Siya ang naghahatid sa mga ito sa eskuwelahan at siya rin ang sumusundo. Kumbaga, bumabawi siya sa matagal na panahong hindi sila nagkikita. "Tutoo, Ate Cat? Talagang hindi ka na aalis nang madalas?" Paulit-ulit nang nagtatanong si John. Ngunit hindi naman nagsasawa si Catherine sa pagtugon. "Oo naman," aniya. Nakangiti nang buong giliw sa dalawang kapatid. "May kaunting ipon na ako. At puwede na tayong magnegosyo nang maliit. Tutulungan n'yo ba ako?" "Aba, oo, ate!" ang maagap na tugon ni Polly. "Tutulong kami ni John sa 'yo. Basta't nandito ka lang palagi sa piling namin!" "Tama 'yan, ate!" dagdag ni John. &n
The Pretending HeartSYNOPSISIsang heredera si Alison na sobra-sobra ang yaman para sa kapakanan niya bilang dalaga. Ang mga lalaki ay naaakit sa kanyang salapi.Hanggang sa magpanggap siyang ordinaryong babae at magkatagpo sila si Armando, isang binatang magsasaka at mahirap lang. Umibig sa kanya nang buong puso. Ipagtapat na kaya ni Alison ang tutoo?* * *The Pretending Heart - Chapter 1MASAYA ang ngiti ni Alison. Magaan ang mga paa niya sa pagpanaog sa hagdanang marmol na mistulang abanikong nakabuka ang hugis.Espesyal ang gabing iyon, kaya naman ang mahaba at tuwid na buhok niya ay nakapusod sa ituktok ng ulo. Bumagay sa suot niyang off-shoulder white evening gown. Ang tanging alahas na isinuot niya ay ang pearl earrings na iniregalo ni Edward nung nagdaang Pasko."Aba, ang ganda-ganda naman ng señorita ko," ang pabirong bati ng mayordoma, at dating yaya ni Alison,
The Pretending Heart - Chapter2 NANATILI kay Alison ang depresyon hanggang sa mga sumunod na araw. Nawalan siya ng ganang kumain. Palaging tahimik at malalim ang iniisip. Hindi makatulog sa gabi. Nag-alala na nang husto si Nana Senyang. "Alison, iha, ano bang nangyayari sa 'yo? Baka magkasakit ka na n'yan?" "E-ewan ko ho ba, Nana. Parang wala na akong ganang mabuhay..." ang matamlay na sambit ng dalaga. "Iha, iha, 'wag kang magsalita ng ganyan." Inalo agad siya ng matandang babae. Niyakap at hinaplus-haplos ng kulubot na kamay ang ulo at likod niya. "Matanda na ako, Nana. Hindi na ako magkakaasawa..." patuloy niya, pa-hikbi. "Oh, ang batang 'to! Am'bata-bata mo pa, iha! Aba'y treinta'y singko ka pa lang, a? Pero wala sa hitsura mo!" pagbubusa nito. "Sino'ng me sabi sa 'yong matanda ka na, ha? Si Edward ba?" Tumango si Alison. Hindi na makapagsalita dahil nagpipigil sa pag
The Pretending Heart - Chapter3 HALOS hindi nanibago si Alison sa mga pagbabagong dumating sa kanyang buhay, nang mga sumunod na araw. Para bang dati na siyang naninirahan sa isang liblib na baryo. Para bang hindi siya isinilang at lumaki sa kabihasnan. Paano'y napakalaking distraksiyon ng napakalakas ng puwersa ng atraksiyon na ipinakikita ni Armando para sa kanya. Mistulang isang higanteng magneto na nagsilbing distraksiyon. Palagi itong nasa paligid niya. Palibhasa, nasa kalapit-bahay lamang nakatira. Halos oras-oras ay lumilitaw ito sa harapan niya. Inaaliw siya. Kinakausap. Tinutunaw ng mga titig nito ang mga nakatagong hinanakit sa kanyang kalooban. Kaya naman kay daling napaghilom ang mga sugat sa kanyang puso. Unti-unting nanumbalik ang kanyang sigla. Pati na ang saya. "Masayang-masaya ako para sa 'yo, iha," wika ni Nana Senyang, isang umagang namimitas sila ng mga gulay na iluluto para
The Pretending Heart - Chapter4NAKAKITA ng tiyempo para makapag-'tanung-tanong' si Armando nang minsang magkasarilinan sila ni Alison. Nagkataong nakipaglibing ang dalawang matandang babae, nang magdala siya ng bagong pitas na mangga para sa dalaga isang tahimik na hapon.Atsaka, may isang buwan na silang magkakilala ng dalaga, kaya hindi na gaanong mahirap magbukas ng mga personal na paksa. Puwera na lang kung talagang umiiwas ang pagtatanungan..."Ilang taon ka na, Alison?" umpisa ni Armando."Er, thirty five."Na-sorpresa siya pero natuwa rin. "Kaunti lang pala ang tanda ko sa 'yo," aniya. "Ang akala ko'y malaki.""Mas madaling tumanda ang babae kaysa sa lalaki, Armando," pakli ni Alison. Tila hindi kumportableng pag-usapan ang edad.Saka lang niya naalala na 'unethical' nga pala ang gayon para sa isang babae. Lalo't lampas na sa kalendaryo. Isang karangalan na siguro niya nung sagu
The Pretending Heart - Chapter 5ISANG umaga, nagising si Alison sa malakas na buhos ng ulan sa bubungan ng bahay. Kaya pala maalinsangan kagabi, may balak magsungit ang panahon kinabukasan.Nakatulugan niyang nakabukas ang bintana kaya may pumapasok na anggi ng ulan sa loob ng kuwarto. Dali-dali siyang bumangon mula sa papag para isara ang dahon na yari sa pawid at kawayan.Ngunit napapatda siya sa tanawing nasulyapan sa labas. Nasa gitna ng palayan si Armando! Umagang-umaga'y nagpapaulan dahil sa pagtatrabaho. Ni walang pandong o balabal man lang bilang proteksiyon.Kumunot ang noo ni Alison. Saglit na nag-alangan kung ano ang dapat gawin. Maya-maya'y maliksi siyang nagbihis. Pinalitan ng blusa at pantalon ang suot na padyamang pantulog.Saka na siya mag-iisip.Sa kabila kasi ng puspusang panliligaw ni Armando nitong mga nakaraang araw at gabi, ang pinag-aaralan niyang kasagutan ay ang pagbigo rito. Kaya ang ipapakita niyang pag-aalala par
The Pretending Heart - Chapter6"MY God!" bulalas ni Armando. Paus na paos ang tinig, sanhi ng pinaghalong pagtitimpi at pagkabigla. "My God, Alison--" ulit nito. Paungol na."D-don't stop, please," pakiusap naman ni Alison. Pagaw na rin ang boses.Nanatili sa mahigpit na pagkayapos ang mga braso at binti ng dalaga sa matipunong katawan ng katalik. Pinipigil siya sa paglayo nang mapaigtad matapos matuklasang birhen pa ang kaniig."Make love to me," anas ni Alison. "Please...""Dammit, you don't have to plead," protesta ni Armando. Hindi maikubli ang paghihirap dahil sa pagkokontrol. "I'm hurting you--""No. Hindi na ako nasasaktan," bawi ni Alison, halos pahikbi na. Para bang nangangambang hindi na matuloy ang pagtatalik. Para bang iyon na lamang ang tsansa nito para makalasap ng ligaya… "Ituloy mo na, Armando. Mahalin mo na ako. Kahit na ngayon lang..."Kahit na mahalumigmig ang