Share

The Substitute Bride - Chapter 9

The Substitute Bride - Chapter 9

Nagsimula ang pagbabago sa kanilang relasyon ni Jamiro, matapos ang pag-uusap na iyon.

Inukilkil siya ng paniniwalang panakip-butas lang siya. Na si Zilla ay mahal pa rin ni Jamiro, kahit na ayaw aminin.

Paano'y naging kapansin-pansin ang pagiging tahimik ng asawa. Maghapon itong nakakulong sa pribadong silid nito.

At bihira na itong sumiping sa kanya sa gabi...

Naging mabagal at kabagut-bagot ang pagdaan ng mga araw. Para siyang nakabitin sa isang limbo. Natatakot sa paglipas ng dalawang linggong taning.

Isang umaga, sinaluhan siya ni Jamiro sa almusal. Imbis na matuwa, nanlumo siya.

Dumating na ang sandaling kinatatakutan niya!

"Magandang umaga, Zoe," bati nito habang hinahagkan ang noo niya. "Magsisimula ka pa lang ba?"

"M-magandang umaga rin, Jamiro." Pinilit niyang maging magaan ang tono. "Er, oo. Uh, pasensiya ka na. Para sa isa lang a

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status