Share

Chapter 1

Sabay na napatingin si Graziana at Ace sa television nang muling ibalita ang pagkamatay ni Laura Miller Hernandez, na asawa ng retired army, na si Astin Kier Hernandez. Namatay si Laura sa mismong helicopter crash, na malapit sa farm ni Thunder. Isa ang mga Hernandez sa pinakamayamang pamilya sa bansa kaya naman balitang-balita ito.

Sa totoo lang, ilang beses ng ibinalita iyon pero nagbibingi-bingihan lang sila ni Ace sa katotohanan. Matindi ang paniniwala nila na ang babaeng tinulungan ni Thunder at si Laura ay iisa. Pero hindi nila masabi iyon kay Thunder dahil unti-unti ng nahuhulog ito. Mahigit dalawang buwan na mula ng magising si Laura at wala nga talaga itong naaalala. Ang masaklap pa, buntis ito at hindi naman nga ang boss ang ama. Pinanindigan talaga ni Thunder na ito nga ang asawa ni Laura, at paniwalang-paniwala naman ang huli. 

Dinig niya ang sunod-sunod na buntong-hininga hininga ng binatang doktor. Tumingin ito sa kan'ya kapagkuwan. Iisa lang ang nasa isip nila ng mga sandaling iyon, si Thunder at ang babaeng inuwi nito sa farm.

"Makakaasa ba ako, Graze?" seryosong tanong ni Ace sa kan'ya. Alam niya ang ibig ipahiwatig nito. "Gusto ko rin siyang makitang masaya kahit na alam kong mali," malungkot na saad ni Ace. "Ngayon ko lang ulit nakitang masaya ang kakambal ko mula ng mamatay si Ira."

"Makaka-asa ka, Sir Ace. Ginagawa ko rin naman ito para sa kapatid mo. Alam ko ding mali, pero wala naman akong magagawa. Nand'yan na 'yan,"

Tumitig sa kan'ya ang binatang doktor. "Mahal mo talaga ang kambal ko, noh?"

Natigilan siya sa tanong nito. Ngumiti siya ng pilit dito kapagkuwan. "Alam mo na ang sagot ko diyan, Sir Ace. Ganoon naman daw talaga kapag mahal mo ang isang tao. Lahat gagawin mo, sumaya lang siya kahit na ang kapalit ay sakit." 

"Hanga na talaga ako sa tiyaga at pagmamahal mo kan'ya. Sana, balang-araw makita ka rin niya, hindi bilang tauhan at kaibigan kung hindi babaeng mamahalin," puno ng pag-asang sabi nito.

"Sana nga, e. Pero mukhang hihintayin ko pa ang pagputi ng uwak, Sir Ace." Parehas na natawa sila ng binatang doktor sa sinabi niya.

Hindi naman niya nabanggit direkta kay Ace na may lihim siyang pagtatangi sa kapatid nito. Sadyang halata lang siguro sa mga kinikilos niya. Hindi rin niya siguro mapigilan minsan ang nararamdaman.

"Sabihin ko kaya sa kambal ko na mahal mo siya?" 

Nanlaki ang mata niya na humarap dito ng maayos. "Subukan mo lang, Sir Ace! Oh my god! Magre-resign talaga ako, oramismo!" pananakot niya dito.

Natawa ito ng malakas sa sinabi niya. "Akala ko ba gusto mong mapansin ka? E 'di sabihin-"

"No! Hayaan mong kusa niyang maramdaman at mapansin ako. Ayoko ng pilit na pagmamahal, Sir Ace. Mas masakit po 'yon," aniya sa malungkot na himig.

Saglit na natigilan ang doktor. 

Bigla rin itong napaisip sa sinabi niya. "Yeah, you're right! Masakit nga," sang-ayon nito kapagkuwan. "I have to go. May schedule ako ng operation after lunch. Tumawag ka na lang sa sekretarya ko kung may problema dito, okay?" Sinipat nito ang relong pambisig saka tumayo. 

"Sige. Bye!"

Iniwan siya nito kapagkuwan sa loob ng opisina ni Thunder. Dito sila nagme-meeting lagi kapag dumadaan ito para makibalita tungkol sa kompanyang iniwan ni Thunder.

Siya na naupo kapagkuwan sa swivel chair ng boss. Ilang taon na niyang inuupuan ito. 

Hindi naman niya hangad ang kompanya, si Thunder ang gusto niya.

Inabala niya ang sarili kapagkuwan sa mga gawain. Minsan nalilito na siya sa dami ng tasks niya. Pero matiyaga naman niyang nire-review ang lahat. 

Mula pa noong siya ang nagma-manage nito, hindi pa siya nakaranas na sermonan ng boss. Subukan lang nito at sisingilin niya ng todo ito sa lahat ng sakripisyo niya. Nagkakamali siya, pero mga minor lang naman. Wala namang perpektong tao.

Mabilis lang na lumipas ang oras. Nababawasan na ang mga incoming task niya. Siyempre, inuuna niya ang mga prayority, lalo na mga pipirmahan ni Thunder.

Napatingin siya sa pintuan nang biglang may kumatok. Sumilip doon ang assistant niya.

"Ma'am, mauna na po ako sa'yo," nakangiting sabi ni Ellen.

Saglit na natigilan siya. Uwian na pala. Ang bilis talaga ng oras.

"Sige, Ellen. Ingat!" aniya.

"Salamat po!" Ngumiti ito bago isinara ang pintuan.

Tumingin siya sa malaking orasan. Alas-sais na pala. Ininat niya ang mga braso pagkuway pinatunog ang mga daliri. 

Niligpit niya ang mga papeles na nakakalat saka inayos ang sarili. 

Mukhang kailangan niyang magpahinga ng maaga. Pagod na pagod siya sa maghapong trabaho. 

Ngumiti siya sa ibang kasamahan ng makasalubong ang mga ito. Galing ang mga ito sa banyo. Nag-aayos na rin ang mga ito para umuwi na.

Kaagad na pindot niya ang pinaka-ibabang floor kung saan naroon ang parking lot. Mahigit dalawang taon na niyang gamit ang sasakyan ito. Bigay ito ng kompanya nila sa kan'ya. Hindi na nakakahiya kapag nakikipag-meet siya sa mga kliyente at investors nila. Hindi na siya haggard dumarating kapag may appointment.

Hindi naman ganoon ka-traffic kaya mabilis na narating niya ang apartment.  

Napangiti siya nang makita ang bintana na may ilaw. Mukhang dumaan na naman ang Mama niya. Paniguradong naghatid na naman ito ng ulam. Alam kasi nito na bihira lang siya nakakapagluto kaya pinagdadala siya nito. Isang barangay lang naman ang pagitan ng apartment niya mula sa bahay nila. 

Bumukod siya simula nang magtrabaho siya sa kompanya ni Thunder.

Lakad-takbo ang ginawa niya paakyat ng apartment. Nakaramdam na siya ng gutom. Sana may dala ang ina niya ng tinapa. Nami-miss na niyang ulamin iyon.

Napangiti siya nang makita ang inang nanunood ng TV. Kaagad na nagmano siya dito. Ngumuya muna ito ng m**i bago hinigit ang isang invitation card sa mesa.

"O, imbitado ka daw." Inabot nito ang hawak-hawak.

Kinuha niya iyon. "Kanino ba- Oh my! Ikakasal na si Liit?" 

"Oo. Ikaw kailan ba? Baka tumandang dalaga ka niyan, Graziana."

"’Ma, 28 pa lang naman ako, a. 'Wag nga po kayong atat. Darating din naman ako d'yan. May hinihintay lang naman ako."

"Sino? Ang boss mo?" Tumawa ito ng mapakla. "Akala mo ba hindi ko nababasa ang diary mo na bata ka? Bilis-bilisan mo at mukhang maunahan ka pa ni Juinor."

"Bakit mo pinakaialaman ang diary ko, 'Ma? Kaya nga diary, e! Kainis naman! Magpapalit na nga ako ng susi dito," inis na sabi niya at pumasok ng silid. 

Hinanap niya ang diary niya at inilipat sa hindi makikita ng ina.

"Subukan mong magpalit at sasabihin ko sa Papa mo. Ewan ko lang kung hindi ka niya pabalikin sa bahay."

Napapikit siya ng marinig ang boses ng ina sa hambaan ng pintuan ng silid niya.

"'Wag na po kasi mangialam ng gamit ko dito,"

"O siya, hindi na mauulit. Basta sunggaban mo agad kapag nag-first-move na ang boss mo."

Napaawang siya ng labi sa sinabi nito.

"Grabe ka, Ma! Ang halay mo din, e."

"Sinasabi ko lang. Para magka-apo na kami sa'yo." Ngumiti ito kapagkuwan.

"Okay. Negative pa, e." Humagikhik siya kapagkuwan. "Soon 'yan, Ma!"

"O, mauna na ako, anak."

"Hatid na po kaya kita," alok niya dito.

"'Wag na. Mukhang pagod ka na. Magpahinga ka na, baka pumangit ka. Imbes na gustuhin ka ng boss mo, hindi na."

Natawa siya sa sinabi nito. Lagi namang ganoon ang ina niya. Gusto nito, lagi siyang maganda sa paningin nito. Puring-puri din siya nito, sa totoo lang. Hindi pa kasama ang pagyayabang nito sa mga kaibigan nito kung gaano siya kaganda. Minsan, siya na nahihiya sa mga pinaggagawa nito. Sabagay, nag-iisang babae lang kasi siya, kaya ganoon ito ka-proud at mamuri. 

Hinatid niya hanggang labasan ang ina. Hindi na ito nagpahatid talaga.

May kanin at ulam na kaya kumain na lang siya pag-alis ng ina. Iba talaga kapag asikasong-asikaso ka ng ina.

Napasarap na naman ang kain niya kaya mabilis na ginupo siya ng antok. Binilisan niya ang paglinis sa katawan at nahiga na. 

Dahil sa sobrang pagod, mabilis lang siyang nakatulog.  Napakaaga pa kung tutuusin.

Naalimpungatan siya nang may kumatok sa pintuan niya ng pagkalakas-lakas. Kasabay niyon ang pagtunog ng telepono niya.

Kaagad na sinagot niya nang makita ang pangalan ng caller, ang boss niya.

"H-hello," aniya in bedroom voice.

"F*ck! Maaga kang natulog?" 

"Yes, boss. Pagod ako sa trabaho kaya inagahan ko ng tulog. May masama ba doon?"

Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito sa kabilang linya. "Wala naman. Nasa labas ng apartment mo ang driver ni Kuya. Ihahatid ka niya sa building. Naghihintay ang piloto ko sa'yo doon. 'Wag ka ng magbihis kung anuman ang suot mo. Kailangan kita ngayon din," anito sabay putol nito sa linya.

"Walang hiya. Pinatayan talaga ako." Nilapag niya ang telepono sa higaan. Tumayo siya at hinigit ang mahabang coat saka isinuot.

Isinuksok niya ang telepono at wallet sa coat. Tinanggal niya ang lahat ng nakasaksak saka lumabas. 

Alanganing ngumiti sa kan'ya ang driver ni Ace. Humingi pa ito ng paumanhin sa kan'ya. Marahil, nahiya ito dahil sa pang-iistorbo nito. Wala naman itong kasalanan. Si Thunder Santillan ang may kasalanan dito. Lakas lang talaga mang-istorbo.

Mabilis lang din ang biyahe nila ni Mang Istong. Mabilis na sumakay siya sa elevator papuntang rooftop top kung saan naghihintay sa kan'ya ang piloto ni Thunder.

Hindi niya mapigilang napayakap sa sarili nang salubungin siya ng malamig na hangin sa itaas. Umaandar na ang helicopter at talagang hinihintay siya. 

Alas-diyes ng gabi nang lumapag ang helicopter sa malawak na lawn ng malaking bahay ni Thunder.

Hindi nakatira si Laura sa malaking bahay. Sa pagkakaalam nito, isang simpleng magsasaka lang si Thunder kaya nakatira ang mga ito sa unahang bahagi ng lupain ng boss. Malapit ang bahay ng mga ito sa dagat.

Sa totoo lang, pinangarap niyang tumira din sa gilid ng dagat. Sana, siya na lang ang binahay ng boss. Napailing siya sa isiping iyon.

Hinuli niya ang buhok nang lumakas ang hangin sa paligid. Paalis na kasi ang helicopter. Talagang hinatid lang siya nito. Mukhang bukas pa yata siya susunduin nito.

Lumapit siya sa main door at pumasok na. Hindi naman kasi naka-lock.

Nadatnan niya si Thunder sa mini bar nito. Sumisimsim na naman ng alak. 

Ano na naman kaya ang problema nito?

Humarap ito sa kan'ya habang lumalagok. Tinanggal niya ang coat  sa harap nito at ipinatong sa counter.

Muntik ng maibuga ni Thunder ang alak ng makita ang bakat na dalawang bundok niya. Bumaba ang tingin niya dahil nakatingin pa rin ito sa d****b niya.

"Holy, f*ck, Grazie! Hindi ka man lang nagsuot ng bra?" Iniwas nito ang tingin sa kan'ya.

"Sabi mo kasi boss, 'wag na akong magbihis. Kaya ayan," aniya sabay buka ng dalawang braso. 

"Fine, kasalanan ko na." 

Kumuha ito ng isang baso at nagsalin doon ng alak. Inilapag nito sa counter at tinulak palapit sa gawi niya.

"Samahan mo akong uminom. Gusto ko ng kausap." Hindi ito tumitingin sa gawi niya.

Naupo siya sa high chair at hinigit ang alak. 

Akala pa naman niya kung ano ang urgent nito at pinasundo pa siya. Magkukuwento lang pala tungkol kay Laura. Malamig daw kasi ang pakikitungo ni Laura- este ni Ira. Malamang, hindi naman kasi totoong mag-asawa. Parang nais niyang sabihing ang tanga nito. Pinoproblema din nito ang ipinagbubuntis ni Laura. 

Parang gusto niyang batukan ang boss. Nasasaktan siya sa bawat kuwento nito. 'Yong kagustuhan nitong bumuo ng pamilya ay naroon. Pero masyado ng manhid. Pinagpipilitan nito ang sarili sa babaeng hindi siya mahal.

Parang siya lang din. Pinagpipilitan niya ang sarili dito pero hindi naman siya mahal. 

Natampal niya ang noo kapagkuwan. Ipinilig niya ang ulo nang lumagok siya ng pang-apat na tagay. 

"Sa tingin mo, Grazie. May pag-asa ba akong mahalin ni Ira?" Hindi ang asawa nito ang tinutukoy nito kung hindi ang babaeng may taglay ng mukha ng dati nitong asawa, ang babaeng kinakasama nito ngayon.

"S-sa totoo lang boss, hindi ko alam ang sagot," aniya sa malungkot na himig. "Pero sana nga tugunin niya para sumaya ka naman." 

Ouch! sigaw ng isip niya.

"Sana nga, Grazie. Magkaiba sila ng katangian ni Ira, ng namayapa kong asawa pero hindi siya mahirap mahalin," anito habang nilalaro ang baso na may lamang alak pa.

Pakiramdam ni Grazie may pumana sa d****b niya dahil sa sinabi nito.

May pag-asa din ba sila ng boss? aniya sa loob-loob. Natawa siya ng mapakla kapagkuwan. Alam na niya ang sagot nagtanong  pa siya. 

Napatingin siya sa siko ng boss nang biglang tumama sa braso niya. May kung anong kuryente siyang naramdaman doon. Hindi niya maiwasang titigan ito habang lumalagok ng alak. Napalunok siya nang makita ang pag-alon ng adams apple nito.

"B-banyo lang ako, boss." Umikot siya para makababa sa upuan. Bumaling ito sa kan'ya.

Nawala sa isip niyang mataas ang kinauupuan. Nawalan siya ng balanse, mabuti na lang at mabilis na yumakap ang mga braso ng boss sa beywang niya. Saglit na nagtama ang paningin nila nang bigla siyang napayakap dito para kumuha ng suporta.

Halos isang pulgada lang ang pagitan ng mukha nila kaya amoy na amoy niya ang hininga nitong tumatama sa kan'ya. 

Kita niya ang pagbaba ng tingin nito sa labi niya. Dahan-dahang bumaba ang mukha nito sa kan'ya kapagkuwan, kaya napapikit siya. 

Hindi niya maiwasang mapasinghap nang lumapat na ng tuluyan ang labi nito sa kan'ya.

Comments (20)
goodnovel comment avatar
Dasa Cusipag Geralyn
nice story
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
Dumistansya ka na sa knya Grazie
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
Hay naku Grazie lasing na yta si Thunder ibng Mukha Ang nakikita nya Sayo..akala nya siguro Ikaw si IRA... Lalo ka lang masasaktan kung ipagpipilitan mo Ang sarili mo sa kanya Grazie..thank you Author..
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status