Share

Kabanata 9

Author: Mahal Berries
"Gusto mong bawiin 'yung regalo na ikaw ang nagbigay?" ulit ni Clarissa habang bahagyang napapailing, sabay irap. May halong ngisi sa labi niya, pero hindi iyon saya—kundi pangungutya.

"Seriously, Joaquin? A necklace? A bag? Slippers? At 'yung meal sa Jollibee? Gano’n ka na ba talaga kababa ngayon?" bulong niya sa sarili, halos hindi makapaniwala.

Lumunok siya ng hangin, pilit nilulunok din ang inis at hiya. Dati, akala niya simpleng babaero lang si Joaquin. Oo, mayabang, oo, selfish—pero hindi niya akalaing aabot ito sa puntong ganito ka-petty.

"Ang malas ko talaga sa lalaking ‘yon," aniya sa sarili habang paakyat ng hagdan, "ano bang pumasok sa utak ko at inakala kong siya na 'yung the one?"

Pagkapasok niya sa kwarto, binuksan niya agad ang aparador. Isa-isa niyang hinugot ang mga bagay na galing kay Joaquin: isang lumang pabango, ilang alahas, isang maliit na teddy bear na may faded na kulay, at isang designer bag na matagal na rin niyang hindi nagagamit.

Habang hawak ang mga ito, hindi niya maiwasang mapangiwi. "Ito lang pala 'yung halaga ko sa kanya? Mababa pa sa resibo."

Ngunit bago pa siya tuluyang makapag-empake, bumukas ang pinto. Tahimik pero matatag ang hakbang ng bagong dating.

Nilingon niya ito—si Luis.

Tumigil ito sa may pinto, nakatayo na parang isang hari sa sariling kaharian. Malamig ang titig, walang emosyon sa mukha. Ngunit may bahid ng tensyon sa hangin.

"What are you looking for?" tanong ni Luis, malamig ang boses, ngunit matalim ang mga mata.

Hindi na nagtangka si Clarissa na itago pa ang ginagawa niya. Pinanatili niyang kalmado ang tono ng boses niya habang dahan-dahang bumaling pabalik sa aparador.

"Mga utang ko lang after breakup," sagot niya, matter-of-factly. "I’m just gathering the things my ex gave me. Gusto niyang bawiin lahat ng regalo niya."

Tumaas ang kilay niya. Sa kabila ng galit, halatang nagpipigil siya. "Honestly, I’ve never met a man that greedy in my life. Akala ko matino siya kahit papaano. Turns out, cheap comes in expensive suits too."

Napatingin si Luis sa mga bagay na nagkalat sa sahig—parang hindi siya makapaniwala na may lalaking gano’n ka-liit ang pride. Hindi siya nagsalita, pero mas tumalim ang titig niya.

Bigla, tumunog ang phone ni Clarissa.

May notification.

₱2,000,000 credited to your account.

Note: Voluntary Gift.

Napasinghap siya. Nanlaki ang mata, hindi agad makapaniwala sa nakita.

"Luis…" bulong niya, pero agad naputol ang sasabihin.

Tumitig muli si Luis sa mga murang gamit sa sahig. Parang isang businessman na tumitingin sa walang kwentang stock.

"Throw away all that garbage," malamig pero matatag na sabi niya.

Napapitlag si Clarissa. Hindi dahil sa tono, kundi sa mismong laman ng sinabi. Natigilan siya sa gitna ng pag-iimpake.

"Luis—"

Ngunit pinutol siya ng lalaki.

"Clarissa," madiin ang boses, "I’m not used to my wife keeping things from other men."

Para siyang sinampal ng katotohanan. Uminit ang pisngi niya. Hindi niya alam kung dahil ba sa inis, hiya, o kaba. Pero hindi siya papayag na siya’y mapahiya.

"Don’t worry," mataray niyang tugon habang iniitsa sa basurahan ang stuffed toy. "Trash should go where it belongs—the trash can."

Tumayo siya, diretso ang likod, taas-noo. Tumingin siya kay Luis, sabay taas ng kaliwang kamay.

Sa liwanag ng lampshade, kumislap ang malaking diamond ring sa daliri niya. Ang singsing na ibinigay sa kanya ni Luis—malaki, kumikinang, at walang duda—hindi basta-basta.

Ngumiti siya. Isang mapanghamong ngiti.

"Besides," bulong niya, "I already have my favorite one."

Saglit na natahimik si Luis. Ang matalim nitong titig ay unti-unting lumambot. Hindi siya ngumiti ng buo, pero may bahid ng something sa sulok ng labi niya—isang banayad, halos imperceptible na ngiti. Isang senyas ng pagkilala.

Tumingin si Clarissa sa phone. Bumalik ang expression niya sa pagiging seryoso.

"Luis…" dahan-dahan ang tono ng boses niya. "I’ll return the money to you."

Ngunit lumapit si Luis. Tumigil ito sa tapat niya. Hindi niya alam kung bakit, pero parang lumiliit ang mundo sa presensiya ng lalaking ito.

"No need." Mahina pero malinaw ang sagot ng lalaki.

"That wasn’t payment," dagdag niya. "It’s reassurance. So you’ll never feel small again… especially not because of men like him."

Hindi agad nakasagot si Clarissa. Nanatili siyang nakatitig sa lalaki, at sa kauna-unahang pagkakataon… naramdaman niya ang isang bagay na matagal na niyang hindi naramdaman.

Pagkalinga.

Hindi dahil kailangan siya. Hindi dahil may gusto sa kanya.

Kundi dahil may taong handang tumayo sa likod niya, kahit hindi siya perpekto.

"Thank you," bulong niya. Taos sa puso.

"Just don’t keep garbage in this house again," sagot ni Luis, pabulong, pero may bahid ng biro.

Ngumiti si Clarissa. Hindi niya napigilan.

Umangat ang kilay ni Luis. Mabagal at kalmado ang boses niya, pero may bahid ng pag-aalalang hindi niya direktang ipinapakita. "Don’t worry. I don’t take back anything I’ve given… even after a breakup. Just think of it as pocket money for my wife."

Tumaas ang kilay ni Clarissa, napangiti siya nang bahagya pero ramdam niya ang init na gumapang sa kanyang pisngi. Para siyang biglang na-flashback sa kabataan nila.

Naalala niya ang mga panahong kasama niya si Michelle—pareho silang bata pa noon, mapapel, at laging nakabuntot sa mga mas matatanda. Isa si Luis sa mga madalas nilang lokohin, tawagin ng "Kuya" habang nagpapacute, umaasang may premyo sa huli.

At oo nga, madalas nga silang makakuha ng red envelope galing dito—lalo na kapag Pasko, New Year, o birthday nila.

Pero ngayon... ibang-iba na ang ibig sabihin ng "red envelope."

She wasn’t a child anymore. She was his wife now. At ang perang iyon ay hindi na galing sa kuya nila—galing ito sa lalaking tinanggap niya sa altar.

"Well… thank you, Luis," sabi niya sa wakas, hindi na nagtangkang tanggihan pa. "Baka sakaling makatulong din sa pagbayad ng therapy ko dahil sa ex kong sinungaling at kuripot."

Napatingin si Luis sa kanya, bahagyang natawa, pero hindi rin nagbitiw ng sagot. Tumalikod na siya para umalis, ngunit bago pa makalabas ng tuluyan ng kwarto, narinig niya ang huli pang hirit ni Clarissa.

"And by the way, your 'pocket money' is ten times more thoughtful than everything he’s ever given me combined."

Ngumiti si Luis, at hindi man siya sumagot, saglit siyang napatigil sa may pinto—parang may gustong sabihin, pero piniling huwag na lang. Umalis siya nang tahimik.

Matapos ayusin ang mga lumang gamit, nagdesisyon si Clarissa na maligo. Pero habang isa-isa niyang pinagbubukod ang mga gamit, napatigil siya sa isang gold necklace na bigay ni Joaquin. Sa unang tingin ay maayos ito, pero nang mapansin niyang parang may bahaging kumupas, lalo siyang natahimik.

Hinawakan niya ang pendant. Pinagmasdan ang chain. At napakunot ang noo nang makita ang parteng naging maputla—parang kinakalawang.

Napangisi siya—ng mapait.

"Fake," mahina niyang sabi sa sarili. "Seriously?"

Akala pa naman niya, kahit papano, may halaga ang necklace na ito. Akala niya, kahit pa walang emosyon si Joaquin, at least may taste man lang. Pero hindi pala.

"Ang nag-iisang mukhang mahal sa lahat ng binigay niya, peke pa." Napa-iling siya. "What a joke."

***

Kinagabihan, nakahiga na siya sa kama, nakabalot sa kumot, at naka-video call kay Michelle. Hawak niya ang kwintas at pinapakita ito sa screen.

"PEKE?!" Halos mapatili si Michelle. "Is the Mendoza family that broke na kailangan pa nilang magregalo ng imitation?! I swear to God, I’m going to start a GoFundMe for that guy."

Clarissa chuckled bitterly. "Honestly, I wouldn't be surprised. Probably isa sa mga kaibigan niya ang pumili ng gifts. Alam mo naman 'yun—he never really cared."

“Wait, so you’re telling me he just handed over a box of trash tapos feeling pa niya may utang ka sa kaniya?” Michelle scoffed, tumagilid at kinuha ang tubig sa tabi ng kama. “What a disgrace. Trash. Literal trash. At kung tutuusin, insulto sa'yo ‘yan. Sa hitsura ng kwintas na 'yan, parang binili lang sa bangketa sa tabi ng MRT."

Napangiwi si Clarissa habang nakatingin pa rin sa kwintas. “Now that I think about it... wala pala siyang naibigay na totoo. Not even himself.”

“Damn. That’s deep, sis,” sagot ni Michelle. “You’re sounding like Taylor Swift post-breakup, pero mas classy.”

Napangiti si Clarissa.

Napatigil si Clarissa. Saglit siyang napatingin sa gawi ng pinto.

Nasa may doorframe si Luis, naka-light gray na pajama, ang buhok ay bahagyang magulo—tila bagong hilamos o bagong ligo, pero relaxed na ang anyo. Ang mga mata nito ay madilim at pagod, pero kalmado. Nakahilig siya sa gilid ng pintuan, hawak ang baso ng tubig.

At nang makita ito ni Michelle sa screen ng video call, halos mabulunan ito sa tubig.

"PUTA—wait, wait, WAIT. Bakit nandiyan ang pinsan ko sa kwarto mo?! Why is my cousin in your room?! Are you two… sharing a bed now?!"

Hindi agad nakasagot si Clarissa. Napangiti siya nang pilya, pero kinagat ang labi para hindi matawa.

Luis, on the other hand, narinig ang tanong at bahagyang napalingon. Tumikhim lang siya, saka naglakad papasok sa loob.

“Tell my cousin to lower her voice,” aniya habang dumaan sa likuran ni Clarissa at huminto sa tabi ng kama. “People are trying to sleep.”

“Oh my God!” sigaw ni Michelle. “CLARISSA!”

Clarissa turned the camera away kay Luis habang tumatawa.

“Oh my god. I need holy water.”

Si Luis, narinig iyon at napangiti ng bahagya. “Tell her to sleep early. And maybe stay off TikTok. Too much imagination.”

Clarissa couldn’t stop giggling.

“Michelle, goodnight,” sabi niya habang pinipindot ang end call button.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Disguised Heiress: Dumped by Her Ex, Married to a Secret Billionaire   Kabanata 100

    Mabilis ang lakad ni Luis palabas ng gusali. Halos hindi na siya makahinga sa tindi ng kaba sa dibdib. Hawak niya ang cellphone, nanginginig ang dulo ng mga daliri—hindi sa lamig kundi sa takot at galit na pilit niyang kinakain.Hindi puwedeng ganito lang. Hindi siya puwedeng mawala.Tumigil siya saglit sa may gilid ng curb, sabay dial ng number."Will," agad niyang sabi, bahagyang hinihingal. "I need you to check all surveillance footage sa basement parking lot ng Montefalco building. Lahat—corner to corner. Focus on the garage. Hanapin mo si Clarissa—hanapin mo agad kung saan siya dinala!"May bahid ng gulat ang boses ni Will sa kabilang linya. "Sir? Si Miss Clarissa? Anong nang—""JUST DO IT!" bulyaw ni Luis, halos mapunit ang lalamunan sa sigaw. "Now. Don’t waste a single damn second."Agad natahimik si Will, at sa halip na magtanong pa, narinig na lang niya ang sagot: "Yes, Sir. On it."Click.Pagkababa ng tawag, mabilis na binuksan ni Luis ang pinto ng sasakyan. Hinugot n

  • The Disguised Heiress: Dumped by Her Ex, Married to a Secret Billionaire   Kabanata 99

    Dahan-dahang tumingin sa paligid si Clarissa, sinusuri ang bawat sulok ng madilim at amoy-kalawang na warehouse.Walang bintana. Isang ilaw lang ang nakaalalay sa kisame, mahina, nanginginig ang liwanag. Ang malamig na simoy ng hangin ay tila may dalang balak. At sa isang iglap lang, malinaw na sa kanya ang sitwasyon—kinidnap siya.Napasinghap siya, pero agad ding kinontrol ang sarili. “Kalma, Clarissa. Analyze. Think. Sino sa mga nakalaban mo ang desperado at baliw na kaya kang gawin ito?”Hindi niya kailangang maglista. Isa lang ang halatang may motibo, at hindi siya nagkamali.Bumukas ang matigas na pintuan. May tunog ng yabag, mabagal pero buo ang kumpiyansa.Pumasok si Lyle—naka-cap, naka-leather jacket, at may suot na manipis na ngiti sa labi, pero mabigat ang bawat hakbang. Parang hindi siya pumasok para makipag-usap, kundi para magparusa.Ngunit sa halip na manlumo, tumigas ang ekspresyon ni Clarissa. Nanindig ang balahibo sa katawan niya kahit nakagapos. Napatitig siya k

  • The Disguised Heiress: Dumped by Her Ex, Married to a Secret Billionaire   Kabanata 98

    Nagkataon talaga na matagal nang pinapahanap ni Joaquin Mendoza ng butas si Lyle para durugin si Clarissa. Ilang linggo na siyang tahimik na nagmamatyag, nangangapa ng kahit anong kahinaan para atakehin ito. Pero ngayon? Para bang itinakda ng pagkakataon—ibinigay sa kaniya ang perpektong sandali.Habang si Leah ay patuloy na umiiyak, kunwari ay sugatang damdamin ang bumalot sa kanya, marahang lumapit si Lyle at pinunasan ang luha nito gamit ang hinlalaki niya."Shhh… okay na, Leah. Ako ang bahala sa iyo. Hindi ka nag-iisa," mahinang bulong ni Lyle sa tainga ng babae, puno ng lambing—pero peke. Walang init at walang puso.Pilit ang pagkukunwari. Ang totoo, wala siyang pake. Hindi ito tungkol kay Leah. Hindi rin ito tungkol sa pag-ibig. Ang totoo: ito ay laban ng pride. Laban ng ego. At si Clarissa ang hadlang sa daan niya.Matapos ang ilang minutong drama, nang humupa na ang paghikbi ni Leah, agad umatras si Lyle palayo. Naglakad siya sa dulo ng hallway, kung saan walang tao. Mabili

  • The Disguised Heiress: Dumped by Her Ex, Married to a Secret Billionaire   Kabanata 97

    Right at the front lobby, si Leah ay literal na ibinagsak palabas ng kompanya.Walang pasabi. Binuksan ng guard ang glass door at parang basura siyang itinulak sa labas.“Agh!” Napasigaw siya sa gulat, napaluhod sa malamig na tiles. Masakit ang tuhod, mas masakit ang pride.Sunod-sunod na lumipad palabas ang mga gamit niya—isang kahon na puno ng personal belongings: mga folder, make-up pouch, sirang ID lanyard, at ang mug niyang may nakasulat pang “Boss Babe”—ngayon ay basag na sa isang sulok.“You can go now,” malamig at walang emosyon ang boses ng senior guard. “At huwag na huwag kang lalapit dito uli kung wala kang matinong dahilan. Manager’s orders.”Pagtalikod nila, nagpagpag pa ng kamay ang guard na para bang nadumihan lang.Tahimik muna ang paligid… hanggang may mga bulungan at huni ng notification tones sa loob ng glass lobby. Receptionists. Admin staff. Iba pang empleyado na may hawak-hawak nang cellphone—nagbibidyu, nagtsi-check ng group chats, nag-aabang ng chismis.“

  • The Disguised Heiress: Dumped by Her Ex, Married to a Secret Billionaire   Kabanata 96

    “Please, forgive me, Miss Clarissa… I was really wrong… I won’t do it again next time, I swear…” Hikbi ni Leah habang nakaluhod sa malamig na sahig ng conference room.Ang kanyang palad ay nakadikit sa tuhod ni Clarissa, at ang luha’t sipon niya ay parang ulan sa tag-ulan—walang patid, walang hiya, puro desperasyon.Bahagyang umirap si Clarissa, saka marahang tumikhim.Lumuhod siya bahagya, sapat para mapantayan ang antas ng pagkakaupo ni Leah, at dahan-dahang nagsalita:“There will be a next time?” Ang boses ni Clarissa ay hindi sigaw—pero mas nakakabingi sa katahimikan. “So you're already imagining the next time you'll do this? You're not sorry. You're just scared you got caught.”Nakatitig siya kay Leah, pero hindi galit ang nasa mukha niya—kundi pagkamuhi at pagkadismaya.Clarissa is not perfect. But she is fair.At higit sa lahat, hindi siya tanga.Kung hindi siya nag-ingat… kung hindi niya trinabaho ang sarili niyang proposal hanggang madaling araw—wala siyang laban. Maaar

  • The Disguised Heiress: Dumped by Her Ex, Married to a Secret Billionaire   Kabanata 95

    “She’s just bluffing.” Umiling si Leah, sabay kindat pa sa katabi. “Sige nga, Clarissa. Pakita mo kung ano’ng meron ka. Let’s see if you can really back up your drama.”Pero hindi siya pinansin ni Clarissa.Hindi siya tinapunan kahit ng isang tingin.Tahimik lang siyang naglakad patungo sa projector. Walang pag-aalinlangan at takot. Parang queen na alam niyang mananalo na siya bago pa magsimula ang laro.Binuksan niya ang bag, marahang kinuha ang USB drive, kinabit, at nag-double click sa file.Nagbago ang atmosphere ng buong conference room.Isang brand new plan ang bumungad sa malaking screen. Mas kumpleto, mas visual, mas matatag. May actual layout ng resort site, budget timeline, CSR strategies, at—pinakanakakagulat—confirmed names of celebrity endorsers with attached endorsement contracts and brand mock-ups.May mga logo ng international brands. May mga screenshot ng email threads. May initial media schedules.Tumahimik ang lahat.Ang mata ng bawat isa? Nakatutok lang sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status