Share

CHAPTER 2 - Disputes

Author: M.E Rodavlas
last update Last Updated: 2023-08-19 10:43:33

"Maylene!" Paglapit ay agad hinatak ni Agnes ang braso ni Maylene patayo.

"Bitiwan mo nga ako, ano ba'ng problema mo?" Binawi ni Maylene ang kanyang braso. Hindi ito makikitaan ng guilt o takot sa ginawa nito kay Agnes.

"Ang sama mo! Bakit mo ginawa sa 'kin 'yun? Magmamagandang-loob ka kunyari para i-celebrate ang pagtatapos ko, 'yun pala..."

Ngumisi si Maylene. "Ha? Anong sinasabi mo diyan? High ka ba?...."

"Maylene!" Sa mga oras na iyon ay parang gusto nang dambungin ni agnes ang babae, ngunit natigilan siya sa sumunod na sinabi nito

"By the way. Tamang-tama ang balik mo, hinihintay ka na ni mommy. Naka-handa't naka-impake na rin ang mga gamit mo." Naka-ngisi't naka-cross arms na wika nito.

Biglang nagkaroon ng pagtataka si Agnes. "A-ano? Bakit n-naka impake na ang mga gamit ko? A-anong ibig mong sabihin?"

Tumawa si Maylene. "Huwag kang mag-aalala, malalaman mo rin naman."

"Ano 'yan? Ang aga-aga, maingay na." Wika ng isang may-edad na babae habang naka silip ito mula sa itaas ng second floor. Naka-suot ito ng nightdress na napapatungan ng chiffon cover-up. Pinagmasdan ni Agnes ang mala-reyna nitong pagbaba sa may kalakihan'g hagdan.

Ito si Marina, ang kanyang madrasta at ina ni Maylene. Hindi ito maganda kaya ilang plastic surgery na rin ang ipinagawa nito sa kanyang mukha, nguni't sa kasamaang-palad, ay hindi gumagana at umuubra sa pagmu-mukha nito ang plastic surgery sa hindi malaman'g kadahilanan. Kaya pasimple ito'ng tinatawag ni Agnes na– 'Isinumpa'

Noon, ang orihinal at hilatsa ng mukha nito ay mukhang bulldog, ngunit dahil ilang beses na ring nagpa-plastic surgery, ay nagbago naman ang mukha nito kahit paano.

Hindi malaman ni Agnes kung bakit ito pinakasalan ng daddy niya at kung ano ang nakita nito kay Marina, pakiramdam tuloy niya ay nagayuma ang ama. Kung may maganda lang sana itong pag-uugali't katangian, at mabuting pagkatao ay mauunawan niya, ngunit.....

"Mommy!" Masaya at maarteng bati ni Maylene habang sinasalubong ang ina."

"My beautiful daughter~ Good morning!" At nagbeso ang dalawa.

Umikot na lang ang mga mata ni Agnes sa mag-ina. Ganito lagi ang asta ng mga ito na animo'y miyembro ang mga ito ng isang sosyal at mataas na mayamang pamilya, gayo'ng wala naman sa listahan ng mga considered na wealthy and elite family ang Pamilya Dela Fuentes na may net worth lang na 1.5 miliion pesos kada taon.

Pag-baling ni Marina kay Agnes ay lumamig na ang mga mata nito. "Mabuti naman at nandito ka na. Akala ko hindi ka na uuwi e." Nag-cross arms ito. "At saan'g lupalop ka naman naroon kagabi? Ka-babae mong tao pero para kang walang bait sa sarili mo? Wala dito ang ama mo, at sa 'kin ka niya ibinilin. Kaya ano na lang ang sasabihin niya? baka sabihin n'yang pinababayaan kita."

"Gusto niyo bang malaman kung bakit hindi ako naka-uwi kagabi?" Bumaling si Agnes kay Maylene at bahagyang nginisian ito.

Bahagyang nataranta si Maylene at kaagad inagaw ang atensyon ng ina. "Um, mommy... mommy... n-nagugutom na kasi ako e, puwede na ba tayong mag-breakfast.... please~" lambing niya.

"Yeah, right.... pasensya na my dear daughter." Ani marina habang napapahawak pa sa kanyang ulo. "Hayy.... ang aga-aga kong STRESS sa mga taong hindi naman nakakatulong at walang pakinabang! Hayyy.... ano ba 'yan." Parinig nito habang patungo sa kusina kasama si Maylene.

"Tsk..." Nalalaman ni Agnes na siya na naman ang pinatutungkulan nito. Dahil nag-aaral pa kung kaya't hindi pa siya makatulong at makapagtrabaho. Ang ikinaiinis niya, bakit tila siya lang 'ata ang kailangang tumulong? Bakit tila hindi nito ino-obliga si Maylene na may 3 taon ang tanda sa kan'ya?

Pinanlamigan muna ng tingin ni Agnes ang mag-ina bago sumunod sa mga ito. Bagaman alam niyang hindi siya gaganahang kumain na kasabay ang mga ito, ngunit gutom na gutom na talaga siya.

Habang kumakain ay panay ang kuwentuhan ng mag-ina tungkol sa ilang celebrities na kasama sa isang Rampahan ng isang sikat na brand ng underwear.

"Hayy.... ang gaganda nila no? at ang gaganda pa ng mga katawan nila!"

"Oo nga mommy e, kung may ganu'n lang akong kagandang katawan at mukha, ay naku, mag-go-gora na talaga ako!"

Nang mabanggit iyon ni Maylene ay napatingin si marina kay Agnes na noo'y subsob at tahimik lang na kumakain, tila wala itong naririnig. Kumitid ang mga mata ni marina.

Mula sa mukha, sa katawan, hanggang paa, ay masasabing walang itatapon kay Agnes, dahil talagang napaka-ganda nito.

Minsan lang itong sumali sa mga pa-contest, at ang isa sa mga nasalihan nito ay ang isang costume beauty contest sa school nito nu'ng Highschool. Nanalo si Agnes at mula noon ay binansagan na itong 'Aphrodite' na siya ring naging karakter nito.

Matapos ang patimpalak ay sumikat nang husto si Agnes at halos maging instant celebrity. May mga nag-aabot pa ng calling Card at nagpapakilalang mga talent scout.

Proud na proud si Eduardo nu'ng mga panahong 'yon, at para sa kanya ay para na ring nabuhay ang dating asawa habang ang mag-ina naman ay na-itsapuwera lang sa isang tabi.

Sinasabing namana raw ni Agnes ang gandang taglay nito sa ina nitong si Almira. Si Almira ay isang modelo, sikat ito at nagmo modelo din sa iba't-ibang bansa noon.

Ito ang inspirasyon ni marina sa pagpaparetoke kahit namumuhi siya dito. Magpasa-hanggang ngayon kasi ay naka-display at naka-kalat pa rin ang mga larawan ni Almira sa Villa. Minsan ay nakikita rin niya kung paano titigan at haplos-haplusin ni Eduardo ang larawan ng yumaong dating asawa.

Walang magawa si Marina kung hindi ang mag-ngit-ngit na lang sa selos. 'Bakit kasi hindi ako nabiyayaan din ng gano'ng kagandang mukha?'

Kaya ngayon, kapag nakikita niya si Agnes ay bumabalik ang lahat ng insecurities at selos n'ya kay Almira.

"Agnes..."

Napa-angat ng ulo mula sa pagkakasubsob sa pag-kain ang dalaga at napatingin sa madrasta.

Sumimangot si Marina. "Ano ba 'yang ayos mo, parang hindi ka namin pinapakain, a!"

Ibinaba ni Agnes ang cutlery at uminom ng juice, pagkatapos: "Tita, may sasabihin ka?"

"Gusto ko lang sabihin sa 'yo na naka-handa na ang mga gamit mo. Ipina-impake ko na kila Marta't Noimie."

Itutuloy na sana ni Agnes ang pag-kain nang marinig ang sinabi ni Marina. Gulat itong napatingin sa madrasta. "T-tita... anong sinasabi mo? Bakit naka-impake ang mga gamit ko?...." Tumingin si Agnes kay Maylene na naka-ngisi sa kan'ya. "Pareho kayo ng sinasabi ni Maylene, ano bang nangyayari?"

Inis na inilapag ni Marina ang kutsara't tinidor sa kanyang plato. "Aba Agnes, ilang taon ka pa lang, ulyanin ka na? Nalimutan mo na ba ang naging usapan natin?"

Saka naalala ni Agnes ang naging usapan nila ng madrasta:

Halos kalahating taon na ang nakalilipas nang unti-unting malugi ang negosyo ni Eduardo, ang ama ni Agnes. Kaya naman magmula noon ay halos hindi na ito pumipirmi sa Villa sa pag-gawa ng paraan.

May sinasamahan itong kapwa maliliit na mga negosyante sa mga event sa pagbabaka sakaling makakuha sila ng investor doon na Willing mag-invest sa kanila. Sa kasamaang palad ay wala pa ito'ng nakukuha hanggang ngayon.

Bigla na lang nilapitan ni Marina si Agnes at sinabing may magagawa ito para matulungan ang kanyang ama. Agad naging interesado si Agnes sa kagustuhan na ring makatulong, kaya isinalaysay sa kanya ng madrasta kung paano.

Kailangang makapasok ni Agnes sa isang mayaman at Elite na pamilya para kunin ang naipangako kay Marina noong nagta-trabaho pa ito sa mansiyon na 'yon.

Noong kabataan ni Marina ay naging katulong ito sa pamilyang iyon–ang Pamilya Villacorte.

Sinabi ni marina na pinangakuan s'ya ng 100 milyon ng matandang Villacorte, ang Don at Senior ng pamilyang iyon, hindi na lang niya sinabi kung bakit s'ya pinangakuan ng ganun kalaki ng matanda dahil kahihiyan iyon ni Marina.

"Ano? Naalala mo na?"

"Um." Napayuko si Agnes.

Ang totoo ay gusto na n'yang umatras noon pa sa naging usapan nila ng madrasta dahil kailan lang ay may naririnig s'ya sa mga kaeskuwela n'ya tungkol sa isang lalaking Villacorte.

Ang Villacorte'ng ito ay dating naging estudyante ng school ni Agnes. Dahil Villacorte, marami ang nakaa-alam na isa itong miyembro ng isa sa mga nakata-taas sa society.

Sinasabing babaero raw ito at kung sino raw ang matipuhan nito ay tiyak na mahuhulog sa mga kamay nito. Wala raw babae ang puwedeng tumanggi dito. Nalalaman ni Agnes ang kagandahang kanyang tinataglay kaya hindi n'ya mapigilang mag-alala para sa sarili.

Isa pa. iisa lang naman ang pamilya Villacorte sa kanila, kaya nakatitiyak siyang doon sa mansion na iyon ito nakatira.

"T-tita.... a-ayoko na. Hindi na 'ko tutuloy."

BAG!

Ibinagsak ni Marina ang hawak na baso sa mesa at masamang tiningnan si Agnes. "Anong sabi mo? Ulitin mo nga?"

"Hindi na 'ko tutuloy, tita..."

Nag-gagalaiting pinanlisikan nang tingin ni Marina si Agnes. "Hindi puwede! Paano ang mga plano ko?!"

Napapamaang si Agnes. "P-plano? Anong plano tita?"

Natigilan si Marina at saka na-realize na nadulas ang dila n'ya. "I... I mean..." Muli niyang pinanlisikan nang tingin si Agnes. "Hindi ka ba naawa sa daddy mo? Hayun, hindi magkanda-ugaga para maka-kalap ng pondo para sa negosyo niyang nalulugi na. Para kanino? Hindi ba para naman sa 'yo? Tapos ayaw mo siyang tulungan? Alalahanin mong ikaw ang anak niya kaya sana lang ay tumulong ka at huwag kang maging pabigat!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 120 – The End

    Lumabas si Ivan at nagalinga-linga sa paligid ng entrance ng hotel, napakamot ito ng ulo. 'Akala ko ba ay may mga babaeng naka-abang dito sa labas na gustong makapuslit sa bachelor's party niya Aeros, ba't wala naman?' muli siyang naghanap at naglakad-lakad, hanggang sa makita n'ya ang isang kahina-hinalang babae. 'Ayun!' agad niya itong nilapitan.Tila nabulabog ang babae kung kaya't bigla itong lumayo. "Teka miss, sandali!" Pinigilan ito ni Ivan bago pa ito makatakbo . "Huwag kang matakot sa kin, hindi ako masamang tao...." Inilabas n'ya ang kanyang doctor's ID at ipinakita iyon. "Isa akong doktor kaya nakakasiguro kang matino akong tao."Napamaang ang "babae" nang masilayan si Ivan, ngunit tila hindi s'ya nakilala nito. Palihim siyang napa-palatak. 'Matino? May matino ba na bigla na lang lalapit sa hindi n'ya kilala at pipigilan pa itong umalis?'Tinakpan ng "babae" ang kalahati ng kanyang mukha gamit ang kanyang mahabang buhok, at gamit ang pinaliit at pinalambot na boses ay sum

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 119 – Bachelor's Party And Bridal Shower

    Nang ginanap ang bachelor's party ay ilan sa mga babaeng nakakakilala kay aeros sa kanilang social circle ang nagtangkang pumuslit kung saan ito dinadaos, sa pagbabakasakaling maangkin nila ito sa huling pagkakataon. Pagkatapos kasi ng bachelor's party ay ikakasal na si Aeros kaya ito na lamang ang kanilang pagkakataon. Ngunit dahil sa higpit ng seguridad ay walang kahit na sino ang nagtagumpay na makapasok.Inginuso ng ivan kay vince ang isang matangkad na lalaking nakatayo na naka shades sa isang tabi. "Ano yan? Bakit may ganyan?""A, yan ba? Ano pa ba? edi proteksyon." Nagkaroon ng malaking pagtataka si Ivan. "P-proteksyon?! Tama ba ako ng dinig?" Kinalikot pa nito ang kanyang tenga na wari'y nililinis n'ya iyon.Tila nandiri si Vince, bahagya itong ngumiwi at lumayo nang kaunti sa kaibigan doktor. "Doktor ka diba? Siguro ay dapat mo na'ng check-up-in iyang tenga mo, mukhang mahina na ang pandinig mo e, o kaya baka marami ka na'ng tutuli."Lumapit si Ivan at niyakap ang kaibigan,

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 118 – Wedding Plan

    Magmula nang hindi na nakakapunta sa kumpanya si Agnes ay dinadalhan na ito ng trabaho ni Gerald, lalo na kapag naiipon na iyon sa opisina nito, at iyon ang dahilan ng pagparoon nito. Naisip ni Gerald ang kanyang inasta'ng bigla na lamang pagsingit sa pag-uusap ng iba. "Um.... P-pasensya na."Pumalatak si Aeros ngunit ngumisi ito. "Ayos lang. Alam mo, tamang-tama ang dating mo. Tinatanong mo kung sino ang ikakasal, diba?" Hinawakan n'ya ang kamay ni Agnes. "Kami ni Agnes ang ikakasal, pumunta ka ha."Kitang-kita ni Gerald ang asta'ng may panunuya ni Aeros sa kanya, naiinis man ay hindi naman n'ya magawang tingnan ito nang masama. Nalalaman din niyang talunan na s'ya nito kaya maaaring totoo ang sinasabi nito. Bumaling siya kay Agnes. "Totoo ba yun Agnes, magpapakasal ka na?"Sumagot si Agnes. "Oo Gerald. Magpapakasal na kami ni Aeros."Hindi nakapagsalita si Gerald ngunit halos malukot na n'ya nang hindi sinasadya ang hawak na document envelope."Bakit nga pala pumunta ka nang gani

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 117 – The Wedding

    "Grandma!" Tawag ng nagmamadaling si Aeros. Nang papunta si Esmeralda kila Agnes ay kasunod ito sa pag-aalala na baka mag take advantage ito kay Agnes at sabihin ang hinanaing nito tungkol kay Aaron. Gustung-gusto na kasi nitong makasama ang bata. Lumapit s'ya at binulungan ito. "What are you doing?""Aeros, anong ginagawa mo dito, hindi ka ba pupunta sa kumpanya ngayon?" Tanong ni Esmeralda, tila hindi nito inintindi ang tanong ng apo. "Mabuti na rin na nandito ka, nang sa ganun ay mapag-usapan na natin ang magiging kasal niyong dalawa ni Agnes.""G-grandma?" Napasulyap si Aeros kay Agnes sa pag-aalalang baka nabigla ito.Hindi alam ni Agnes ang magiging reaksiyon, tama nga ang kanyang iniisip, ngunit hindi pa siya makakasagot sa ngayon dahil meron pa siyang dapat ikonsidera."Ano sa tingin mo iha, puwede ka ba ngayon para makapag meeting na tayo ng tungkol sa pag-iisang dibdib n'yo ni Aeros?" Nakangiting tanong ni Esmeralda.Napakamot ng ulo si Agnes "Um.... Ano po kasi e..."Nang

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 116 – Reconcilation (2)

    Biglang tumayo si Aeros sa kanyang kinauupuan at nagpaalam sa kanyang lola. "Grandma, pupunta na lang uli kami ni Agnes sa ibang araw. Huwag na po kayong sumama sa kanya pagbalik, promise, sa susunod ay dadalhin na namin dito sa Aaron." At hinila na nito patayo ang nagtatakang si Agnes."Ha? Aalis na agad kayo? Kay bilis naman! Dito na lang kayo mananghalian." Ani Esmeralda, sinunggaban nito ang kamay ni Agnes at tumingin dito nang may halong pakikiusap.Bumaling si Agnes kay Aeros. "Oo nga naman Aeros, dito na lang tayo mananghalian para magkasama pa kayo ni don- ni lola Esmie." Aniya nang hindi nauunawaan ang sitwasyon ng pagkakaganito ni Aeros."Um...." Hindi alam ni aeros kung papayag ba sa gusto ng dalawa o hindi, para kasing sinisilihan ang tumbong nito at tila hindi makatagal nang nandoon si Easton.Nahalata ni Easton ang nakaiilang na sitwasyon kaya nagkusa na ito. "Ehem..... Grandma, ang mabuti pa ay babalik na lang ako sa ibang araw. Maiwan ko na muna kayo." Aalis na sana it

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 115 – Reconciliation

    Nang maibigay na ni Gerald ang mga dokumento kay Agnes ay umalis na rin ito. Dahil sa nangyari ay wala siyang balak pang magtagal doon lalo na nang sitahin siya ni Agnes tungkol sa lihim na kumpetisyon na isinagawa nila ni aeros. Alam niyang maaari nga itong magalit sa kanya ngunit hindi niya inaasahan na kagagalitan siya nito nang naroroon si Aeros, nagkaroon tuloy ito ng pagkakataon para tuyain siya, kaya agad na rin siyang nagpaalam.Matapos makapag usap at matapos maging malinaw ang lahat ay doon na nananghalian si Aeros, matapos kumain ay nagtungo naman sila ni agnes sa mansyon ng mga Villacorte."O bakit?" Tanong ni Aeros nang biglang bitiwan ni Agnes ang kanyang kamay, nasa pintuan na sila ngayon. "Nag-aalala ka ba? ako na ang nagsasabi, tanggap ka na ng lola ko kaya wala nang magiging problema.""P-pero...."Hinawakan ni Aeros nang mahigpit ang kamay ni Agnes. "Nandito ako kaya huwag kang mag-alala. Kung sakali mang umatras si grandma sa sinabi niya, sa pagkakataong ito ay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status