Share

The Disguised Maid In The Wolf's Den
The Disguised Maid In The Wolf's Den
Author: M.E Rodavlas

CHAPTER 1 - Drugged

Author: M.E Rodavlas
last update Huling Na-update: 2023-08-19 10:42:40

Sa isang silid ng isang mumurahing hotel, naalimpungatan si Agnes nang maramdaman ang pagdapo ng isang mainit-init at makalyong palad sa kanyang binti, paakyat sa kanyang hita.

Kahit hilo at hindi kumportable sa kanyang nararamdaman ay pilit pa rin niyang iminulat ang kanyang mga mata at pilit inaninag ang humahaplos nang masagwa sa kanya.

Gayon na lang ang gulat niya nang pagmulat ay tumambad sa kanya ang baku-baku at pangit na mukha ng isang matandang lalaki.

"Ahhh!!!"

Kasabay ng kanyang pagsigaw ay ang pagbalikwas nang bangon ng dalaga. Umurong siya nang husto sa pinaka-dulo ng kama.

"Shhh..... Relax ka lang iha. Kahit may-edad na 'ko, patutunayan ko sa 'yong kaya ko pa ring magpaligaya ng mas bata sa 'kin, he he he he." Malisyosong wika ng matanda na nagsisimula nang gumapang papalapit kay Agnes.

Siya si Agnes Zara Dela Fuentes, 22 years old. Hindi siya mahilig mag-party na pagkatapos ay magigising na lang sa hindi n'ya kama, kaya ngayon ay nagtataka siya kung bakit nagising s'ya sa hindi pamilyar na silid na ito.

Suyang-suya at diring-diri si Agnes sa mahalay na intensyon ng matanda sa kanya. Nagpalinga-linga siya sa paligid hanggang sa dumako ang paningin niya sa nightstand.

"Sandali lang!" Nang kalahating metro na lang ang layo ng matanda ay pinigilan ito ng dalaga sa pamamagitan ng pagharang niya ng kanyang paa sa mukha nito.

Hindi naman nagalit ang matanda, bagkus ay tila na-excite pa ito. "Ito ba ang gusto mo, hmm? Gusto mo bang paa mo muna ang unahin ko? Walang problema!" At sinimulan nang halik-halikan ng matanda ang talampakan ni Agnes.

Napa-ngiwi sa pandidiri ang dalaga, ngunit kailangan muna niya itong tiisin.

"S-sandali.... Bago tayo magsimula, sabihin mo muna sa 'kin kung paano ako napunta sa kuwartong 'to, anong ginawa n'yo sa 'kin? bakit ako nahihilo, may pinainom ba kayo sa 'kin?"

"Hmm?.... no~ hindi kami, kundi ang mabait mong kapatid..." Wika ng matanda habang ikinikiskis sa magaspang at tila makalyo n'yang mukha ang maputing talampakan ng dalaga. Sa gaspang ng mukha nito, pakiramdam ni Agnes ay masusugatan pa ang talampakan n'ya.

"K-kapatid? Pe-pero, wala naman akong kap–" natigilan ang dalaga nang biglang maisip kung sino ang posibleng tinutukoy ng matanda na siya ring nagdala sa kanya sa lugar na iyon.

Inaya si Agnes nito para i-selebra ang pagtatapos niya ng dalawang taong kurso niya. Nagtataka pa nga siya kung bakit biglang itong bumait sa kanya gayong hindi naman sila magkasundo. Sinagot pa nito ang gastos sa kanilang celebration sa isang club, iyon naman pala....

'Maylene' Nag-ngalit ang mga ngipin ni Agnes habang ibinubulalas ang pangalan ng gumawa nito sa kanya.

Si Maylene ay anak ng madrasta ni Agnes at sa kanilang villa rin nakatira, kaya sa paningin ng mga tao ay parang kapatid na rin n'ya ito.

Hindi maganda ang pag-uugali ni maylene, at kahit na ito ang dapat na nakikisama kay Agnes ay feeling may-ari pa ito ng Villa, at ginagawa ang kung ano ang maibigan niya. Hinahayaan lang ito ng ama ni Agnes dahil hindi na rin daw iba ito at parang anak na rin daw n'ya si maylene.

Ngunit hindi akalain ni Agnes na bagaman hindi sila magkasundo ay gagawan s'ya ng ganito kasama ni Maylene. Hindi n'ya naisip na pagpa-planuhan siya nito nang ganito.

"Sige ituloy mo na..."

Sa kanyang pahintulot ay sinimulan muli ng matanda ang paghalik-halik sa kanyang talampakan at paa habang dahan-dahan namang inaabot ni Agnes ang lampshade sa nightstand.

Nang makuha na ang lampshade ay dahan-dahan itong iniangat ni Agnes, ngunit nang ipinalo na n'ya ito sa ulo ng matandang lalaki ay nagulat siya nang masalo iyon ng matanda.

"He he he he.... akala mo, ha. Isa rin ba ito sa gusto mo? Gusto mo ba ay 'yung may sakitan muna? Sige ba! Pero pagtapos mo.... ako naman, ha?"

"Hindi! Ang gusto ko, ako lang!" Pagkasabi niyon ay sinipa ito ni Agnes sa mukha. Nabitiwan ng matandang lalaki ang lampshade na sinamantala naman ng dalaga.

Dalawang beses pinalo ni Agnes sa ulo ang matandang lalaki bago ito mawalan ng malay.

Pagtayo ni Agnes sa kama ay bigla siyang naliyo kaya kumapit at gumabay s'ya sa dingding. Hinanap n'ya ang kanyang bag, nang makita iyon ay tinawagan n'ya ang driver nila sa Villa para magpasundo. Dali-daling umalis si Agnes sa silid na iyon.

Naghintay na lamang ang dalaga sa isang convenience store ng susundo sa kanya.

Nakatalungko ito sa isang sulok na puwesto. Dahil sa hilo ay nakasubsob ang kanyang ulo sa mesa.

Sa di-kalayuan ay may lalaking Kanina pa pala nagmamatyag kay Agnes. Napansin ng lalaki na tila madali-dali itong targetin dahil mukhang may dinaramdam ito, bagay na magandang samantalahin.

Nang makitang hindi na gumagalaw si Agnes, at tila nakatulog na ito ay dahan-dahan nang lumapit ang lalaki.

Tumingin-tingin muna siya sa paligid. Nang makitang nasa may bungad ang iilan lang na customer ng convenience store ay umaksyon na ito.

Sinubukan niyang damputin nang pasimple ang shoulderbag ni Agnes na nakapatong lang sa mesa. Natuwa ang lalaki nang makuha niya iyon nang walang hirap nang hindi nakakahalata ang dalaga.

Aalis na sana ito nang magawi ang kan'yang mga mata sa makikinis at mapuputing hita ni Agnes. Naka above the knee na dress ang dalaga kaya pag-upo ay lilihis talaga iyon hanggang sa kanyang hita.

Tila nang-gigil ang lalaki at napapakagat pa ng kanyang labi. Muli siyang lumingon sa paligid. Nang makitang walang nakakapansin sa ginagawa niya ay inabot n'ya ang mga hita ni Agnes.

Ngunit bago pa man sumayad ang mga kamay niya ay may dumakma niyon at sabay pinilipit. Napasigaw sa sakit ang lalaki na nagpagising sa dalaga.

Nang makita ang lalaki ay naalarma si Agnes kaya agad itong tumayo, ngunit agad din siyang napasalampak ng upo nang umikot bigla ang kanyang paningin.

"Ma'm Agnes!"

Nabitiwan ng kararating lang na lalaki ang nagtangka kay Agnes at agad inalalayan ang dalaga.

Sinamantala ito ng lalaki at agad tumakbo, tangay ang bag.

"Buwisit!" Tangka sanang hahabulin ng lalaki ang tumakas na magnanakaw nang pigilan ito ng dalaga.

"Huwag na Ged. Hayaan mo na. Wala naman masyadong laman 'yon, nandito din sa 'kin ang cellphone at wallet ko...... Samahan mo na lang ako sa hospital."

Biglang nag-alala si Ged at matamang tiningnan si Agnes. "B-bakit, anong nangyari sa 'yo? May sakit ka ba?"

"Sa sasakyan ko na lang s-sasabihin."

Habang tumatakbo ang sasakyan ay hirap na ikinuwento ni Agnes ang nangyari sa kanya.

"Ang sama niya! Ire-report ko 'to kay Ser Edward!" Nang-gagalaiti'ng wika ni Ged. Lalo niyang binilisan ang pagmamaneho nang malaman ang kalagayan ng dalaga.

"Ged, huwag na.... Marami nang.... intindihin si daddy, ayoko nang dagdagan pa." Mahinang wika ni Agnes. Nakapikit ito habang nakasandal sa sasakyan, tinitiis ang udyok na sumuka dahil sa discomfort na kanyang nararamdaman.

"Tsk.... Hindi bale, malapít na ang bakasyon ko. Sasabihin ko kay tatay na ako na muna ang maghahatid-sundo sa 'yo, para mabantayan at maprotektahan na rin kita." Biglang may naalala si Ged. "Oo nga pala.... Natapos mo na nga pala ang course mo."

Si Ged ay anak ni Mang Berto, ang family driver ng pamilya ni Agnes. Matagal na sa serbisyo si Mang Berto kaya subok nang mapag-kakatiwalaan ito.

Paaral si Ged ng pamilya Dela Fuentes na hindi naman pinanghihinayangan ng ama ni Agnes na tapunan ng pera, dahil matalino naman ito at isa ring tapat sa kanilang pamilya.

Magkababata si Ged at Agnes, kaya hindi lang ito mag-amo, magkaibigan din ang mga ito. Minsan ay ma'm Agnes ang tawag ni Ged sa dalaga bilang pag-galang na rin dito.

"Anong balak mo kung ayaw mong isumbong si Maylene kay ser Edward? Alam mo, hindi ko pa ganu'n katagal kilala si Maylene, pero may kutob akong uulit pa 'yon." Humigpit ang pagkakahawak ni Ged sa manibela sa yamot.

Pagdating sa hospital ay tila namroblema pa ang doktor na tumingin kay Agnes. Nagtagal bago mabigyan ng nararapat na gamot ang dalaga na ipinagtaka ni Ged.

Nang bumuti-buti na si Agnes ay ipinaliwanag ng doktor kung bakit. "Ang drugs na nainom mo ay wala dito, restricted at ban dito sa Pilipinas. Bumibilib lang ako sa 'yo dahil nakayanan mo ang drugs na iyon. Ang lakas ng fighting spirit mo, iha. Ngayon...... paano at saan ka nakainom nu'n?"

Biglang nag-react si Ged matapos marinig ang sinabi ng doktor. "Ang sama-sama niya! Ire-report ko siya sa mga pulis!" Tumayo ito at tila handa nang puntahan at sugurin si Maylene, ngunit agad napigilan ni Agnes.

"Maghulus-dili ka Ged, hindi natin siya ire-report sa mga pulis.... Hayaan mo 'kong gumanti sa kanya." Lumamig ang mga mata ng dalaga. Tila ngayon pa lang ay nagpaplano na ito kung paano gaganti kay Maylene. "Sa ngayon ay kailangan ko munang umuwi. Hindi ako umuwi kagabi, baka nasa bahay na si daddy."

Pagbalik sa Villa ay hinanap agad ni Agnes si Maylene sa mga katulong. "Si Maylene?" Malamig niyang tanong sa isa na puro kolorete ang mukha.

Bahagyang natakot ang katulong. Hindi sila sanay na makitang magalit ang dalaga. "M-ma'm Agnes, na-nando'n po siya sa lo–" Hindi pa man natatapos ang katulong ay iniwan na ito ni Agnes at nagtuloy na sa loob ng Villa.

Inabutan ni Agnes si Maylene sa malaking sala. Nangingingain ito ng berries habang nagso-social media sa kanyang mamahaling I-phone.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 120 – The End

    Lumabas si Ivan at nagalinga-linga sa paligid ng entrance ng hotel, napakamot ito ng ulo. 'Akala ko ba ay may mga babaeng naka-abang dito sa labas na gustong makapuslit sa bachelor's party niya Aeros, ba't wala naman?' muli siyang naghanap at naglakad-lakad, hanggang sa makita n'ya ang isang kahina-hinalang babae. 'Ayun!' agad niya itong nilapitan.Tila nabulabog ang babae kung kaya't bigla itong lumayo. "Teka miss, sandali!" Pinigilan ito ni Ivan bago pa ito makatakbo . "Huwag kang matakot sa kin, hindi ako masamang tao...." Inilabas n'ya ang kanyang doctor's ID at ipinakita iyon. "Isa akong doktor kaya nakakasiguro kang matino akong tao."Napamaang ang "babae" nang masilayan si Ivan, ngunit tila hindi s'ya nakilala nito. Palihim siyang napa-palatak. 'Matino? May matino ba na bigla na lang lalapit sa hindi n'ya kilala at pipigilan pa itong umalis?'Tinakpan ng "babae" ang kalahati ng kanyang mukha gamit ang kanyang mahabang buhok, at gamit ang pinaliit at pinalambot na boses ay sum

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 119 – Bachelor's Party And Bridal Shower

    Nang ginanap ang bachelor's party ay ilan sa mga babaeng nakakakilala kay aeros sa kanilang social circle ang nagtangkang pumuslit kung saan ito dinadaos, sa pagbabakasakaling maangkin nila ito sa huling pagkakataon. Pagkatapos kasi ng bachelor's party ay ikakasal na si Aeros kaya ito na lamang ang kanilang pagkakataon. Ngunit dahil sa higpit ng seguridad ay walang kahit na sino ang nagtagumpay na makapasok.Inginuso ng ivan kay vince ang isang matangkad na lalaking nakatayo na naka shades sa isang tabi. "Ano yan? Bakit may ganyan?""A, yan ba? Ano pa ba? edi proteksyon." Nagkaroon ng malaking pagtataka si Ivan. "P-proteksyon?! Tama ba ako ng dinig?" Kinalikot pa nito ang kanyang tenga na wari'y nililinis n'ya iyon.Tila nandiri si Vince, bahagya itong ngumiwi at lumayo nang kaunti sa kaibigan doktor. "Doktor ka diba? Siguro ay dapat mo na'ng check-up-in iyang tenga mo, mukhang mahina na ang pandinig mo e, o kaya baka marami ka na'ng tutuli."Lumapit si Ivan at niyakap ang kaibigan,

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 118 – Wedding Plan

    Magmula nang hindi na nakakapunta sa kumpanya si Agnes ay dinadalhan na ito ng trabaho ni Gerald, lalo na kapag naiipon na iyon sa opisina nito, at iyon ang dahilan ng pagparoon nito. Naisip ni Gerald ang kanyang inasta'ng bigla na lamang pagsingit sa pag-uusap ng iba. "Um.... P-pasensya na."Pumalatak si Aeros ngunit ngumisi ito. "Ayos lang. Alam mo, tamang-tama ang dating mo. Tinatanong mo kung sino ang ikakasal, diba?" Hinawakan n'ya ang kamay ni Agnes. "Kami ni Agnes ang ikakasal, pumunta ka ha."Kitang-kita ni Gerald ang asta'ng may panunuya ni Aeros sa kanya, naiinis man ay hindi naman n'ya magawang tingnan ito nang masama. Nalalaman din niyang talunan na s'ya nito kaya maaaring totoo ang sinasabi nito. Bumaling siya kay Agnes. "Totoo ba yun Agnes, magpapakasal ka na?"Sumagot si Agnes. "Oo Gerald. Magpapakasal na kami ni Aeros."Hindi nakapagsalita si Gerald ngunit halos malukot na n'ya nang hindi sinasadya ang hawak na document envelope."Bakit nga pala pumunta ka nang gani

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 117 – The Wedding

    "Grandma!" Tawag ng nagmamadaling si Aeros. Nang papunta si Esmeralda kila Agnes ay kasunod ito sa pag-aalala na baka mag take advantage ito kay Agnes at sabihin ang hinanaing nito tungkol kay Aaron. Gustung-gusto na kasi nitong makasama ang bata. Lumapit s'ya at binulungan ito. "What are you doing?""Aeros, anong ginagawa mo dito, hindi ka ba pupunta sa kumpanya ngayon?" Tanong ni Esmeralda, tila hindi nito inintindi ang tanong ng apo. "Mabuti na rin na nandito ka, nang sa ganun ay mapag-usapan na natin ang magiging kasal niyong dalawa ni Agnes.""G-grandma?" Napasulyap si Aeros kay Agnes sa pag-aalalang baka nabigla ito.Hindi alam ni Agnes ang magiging reaksiyon, tama nga ang kanyang iniisip, ngunit hindi pa siya makakasagot sa ngayon dahil meron pa siyang dapat ikonsidera."Ano sa tingin mo iha, puwede ka ba ngayon para makapag meeting na tayo ng tungkol sa pag-iisang dibdib n'yo ni Aeros?" Nakangiting tanong ni Esmeralda.Napakamot ng ulo si Agnes "Um.... Ano po kasi e..."Nang

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 116 – Reconcilation (2)

    Biglang tumayo si Aeros sa kanyang kinauupuan at nagpaalam sa kanyang lola. "Grandma, pupunta na lang uli kami ni Agnes sa ibang araw. Huwag na po kayong sumama sa kanya pagbalik, promise, sa susunod ay dadalhin na namin dito sa Aaron." At hinila na nito patayo ang nagtatakang si Agnes."Ha? Aalis na agad kayo? Kay bilis naman! Dito na lang kayo mananghalian." Ani Esmeralda, sinunggaban nito ang kamay ni Agnes at tumingin dito nang may halong pakikiusap.Bumaling si Agnes kay Aeros. "Oo nga naman Aeros, dito na lang tayo mananghalian para magkasama pa kayo ni don- ni lola Esmie." Aniya nang hindi nauunawaan ang sitwasyon ng pagkakaganito ni Aeros."Um...." Hindi alam ni aeros kung papayag ba sa gusto ng dalawa o hindi, para kasing sinisilihan ang tumbong nito at tila hindi makatagal nang nandoon si Easton.Nahalata ni Easton ang nakaiilang na sitwasyon kaya nagkusa na ito. "Ehem..... Grandma, ang mabuti pa ay babalik na lang ako sa ibang araw. Maiwan ko na muna kayo." Aalis na sana it

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 115 – Reconciliation

    Nang maibigay na ni Gerald ang mga dokumento kay Agnes ay umalis na rin ito. Dahil sa nangyari ay wala siyang balak pang magtagal doon lalo na nang sitahin siya ni Agnes tungkol sa lihim na kumpetisyon na isinagawa nila ni aeros. Alam niyang maaari nga itong magalit sa kanya ngunit hindi niya inaasahan na kagagalitan siya nito nang naroroon si Aeros, nagkaroon tuloy ito ng pagkakataon para tuyain siya, kaya agad na rin siyang nagpaalam.Matapos makapag usap at matapos maging malinaw ang lahat ay doon na nananghalian si Aeros, matapos kumain ay nagtungo naman sila ni agnes sa mansyon ng mga Villacorte."O bakit?" Tanong ni Aeros nang biglang bitiwan ni Agnes ang kanyang kamay, nasa pintuan na sila ngayon. "Nag-aalala ka ba? ako na ang nagsasabi, tanggap ka na ng lola ko kaya wala nang magiging problema.""P-pero...."Hinawakan ni Aeros nang mahigpit ang kamay ni Agnes. "Nandito ako kaya huwag kang mag-alala. Kung sakali mang umatras si grandma sa sinabi niya, sa pagkakataong ito ay

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status