Bliss Kung si Eba ay itinakda para kay Adan, siguro ay siya naman ang nakatakda para sa'kin. 👨⚕️HIDEO ADONIS Nakakadalawang bote na ako ng beer, samantalang si Dok Rat ay halos maubos na ang isang bote ng whiskey. Kanina ko pa napapansin na tila nawala siya sa mood, hindi katulad kaninang umaga na kita ang mga kita niya at todo asikaso siya sa selebrasyon na ito. Kaya nang magpaalam na si Dok Ivo at Dok Maxwell ay kami na lamang ang naiwan dito sa table. Buod sa tinamaan na ng antok ang dalawang Doktor ay nais na raw nilang magpahinga. Hindi naman ako gaano tinamaan ng alak sapagkat dalawang bote lamang ang ininom ko. Kaya tinitingnan ko lamang ngayon si Dok Rat kung paano niya ubusin ang natitira pang laman ng sa bote ng whiskey. Hinihintay ko siya na magsalita o mag-open up. Nais ko na siya ang unang magbukas ng usapan. Sa totoo lang ay talagang binabawasan ko na talaga ang pag-inom ko ng alak. Isa ito sa naging rason kaya naging high risk ako sa high blood. Kasalanan ko ri
SerenitySiya ang aking bagong kapayapaan. Ang aking pahinga at mahimbing na pagtulog.👨⚕️HIDEO ADONIS"Dok?"Para bang bumalik ako sa wisyo. Napatingin ako kay Marikah na siyang nasa harapan ko ngayon. Naka long sleeves siya, mahabang palda na hanggang sakong niya, at naka sweater jacker siya. Ibang-iba sa nakita ko kanina.Nagha-hallucinate ba ako kanina na naka bimsuit siya sa paningin ko kanina? Dumako ang tingin ko mga sea shells na siyang nasa palad niya. Dahil hindi siya makasuot ng belo ay nanibago ako, ang pagkakulot ng buhok niya ay parang kay Nuestra señora de la Asuncion, deboto kasi non si Dad noong nabubuhay pa siya. Kaya talagang napatitig ako sa kanya. "Madaling araw palang, Marikah bakit ka nandirito?" tanong ko sa kanya. Napakagat labi siya at tumingin sa mga kabibe na nasa palad niya. "Nagising ako, akala ko umaga na. Hindi na ako makatulog muli kaya nagpasya po akong mamulot ng mga kabibe dito sa dalampasigan, Dok. Alam ko kasi kapag low tide ay mas maraming
Joy Ang tunay na saya ay nagmumula sa ating puso. 👨⚕️HIDEO ADONIS Naalimpungatan ako at napasilip sa harapan kung nasaan kami. Nasa mahabang traffic na pala kami ng Bocaue tollgate, wala naman ng bago sa parteng ito ng NLEX kapag dumaraan ako rito. Tumingin naman ako sa wrist watch ko at alas singko na ng hapon. Hindi ko maunawaan kung bakit ganito kabigat ang traffic dito sa NLEX lalo na kapag papasok ng Maynila. After lunch na kami umalis sa resort, mga alas sais na kasi ng umaga kami nakabalik ni Marikah sa cottage rooms namin at tuluyang nakatulog. Tapos ay ginising na lang ako ng kapatid ko dahil naghihintay na raw si Mang Guido. Kaya kahit antok na antok pa ay sumakay na lang ako ng sasakyan, gayon din si Marikah na halatang kulang din sa tulog. Magkatabi kami sa pasenger's seat. Nananatili siyang tulog habang may neck pillow, kinumutan ko rin siya kanina. Paidlip sana ako muli nang mapatingin ako kay Athena na siyang pinanliliitan ako ng mga mata. "May problema ba
Bloom Life is a garden, and every challenge is a season—embrace the rain, soak in the sun, and trust that you will bloom in your time. 👨⚕️HIDEO ADONIS "So, ano nga ang ginawa niyo? Bakit umaga na kayong natulog?" Sabay kaming napatingin ni Marikah sa tanong na iyon ni Athena, talagang hindi niya kami tatantanan sa tanong na iyan, kahit na nasagot ko na kanina ang patungkol d'yan. Nilabas ko ang cellphone ko at pinindot ang litrato ng sunrise na siyang kinuhanan ko. Ipinakita ko ito ay Athena. Medyo namamangha ako sa pagkakuha ko ng litrato na ito dahil hindi ko aklain na marunong pa rin pala akong mag photography na siyang inihinto ko simula ng mawala si Sychelle. This is was just my hobby, pero dahil lagi akong napupuri ni Sychelle na magaganda ang mga kinukuhanan kong subject kaya nag-take ako ng mga workshops and lessons about photography upang may mga side hobbies din ako bukod sa sa pagiging medical practitioner noon. Kita pa rin ang pagdududa sa mukha ni Athena,
Healing Ang paghilom ay hindi nangangahulugang hindi kailanman nagkaroon ng sugat. Ibig sabihin, hindi na ang sakit ang may kontrol sa iyong buhay. 📿 MARIKAH SYCHELLE Kaagad na sumilay ang ngiti sa aking mga labi nang matanaw ko sa Nurse station si Nurse Chrystallene. Mabilis lamang na sumapit ang lunes matapos ng makahulugang selebrasyon ng pagka-promote ni Nurse Cat bilang Headnurse. Hindi ko man siya madalas na makasama sa shift pero kilala siya ng lahat sa pagiging isang mabuti at may dedikasyon na Nurse dito sa HC Medical City. Kaya sa dalawang araw na day-off ko ay tinapos ko ang mga kwintas at bracelet na gawa sa nga kabibe na pinulot namin ni Dok Hideo sa dalampasigan. Ang iba naman ay ginawa kong pandisenyo sa picture frame. Hindi ko tuloy maiwasan na ma-miss ang Baryo, lalo na si Lolo at Lola. Ang mga bagay na ito ay itinuro sa akin ni Lola at Mama noong bata pa ako. Inilalako namin ito sa mga turista ba nagbabakasyon sa resort kung saan malapit ang aming Baryo. Ganit
Sincerity Ang taos-pusong salita ay kayang abutin ang puso ng iba, higit pa sa magagarbong salita na walang laman. 👨⚕️HIDEO ADONIS Nadudurog ang puso ko sa aking nasasaksihan ngayon. Paanong sa isang iglap ay apat na buhay ang kinuha ng isang sinadyang aksidente. Kamuntikan ang aking kapatid na bunso na si Harmony Athena. Natira siya, upang hindi ako tuluyang maging mag-isa sa mundong kinukuha na sa akin ng lahat. Gusto ko man na kwestyunin ang lahat ng nangyayari sa buhay ko. Kulang pa ba? Sino pa? Bakit ganito... Ano ba ang kasalanan ko. Bakit nakaukit sa akin na mawala ang mga taong importante sa buhay ko. Hindi pa nga ako lubusang naghihilom sa pagkamatay ng pinaka mamahal kong babae. Tapos, ito naman ngayon. Ang mga magulang ko naman. Ngunit ang isa sa mga bagay na hindi ko matanggap ay may dalawang buhay na nadamay. Sila ang truck na nakabanggaan ng sasakyan ng mga magulang ko. Nasawi rin ang dalawang mag-asawa na sakay nito. Lubosan ko itong kinalulun
Feelings Ang damdamin ay hindi laging kayang ipaliwanag ng salita, ngunit ito ang nagbibigay kulay at kahulugan sa ating buhay. 👨⚕️HIDEO ADONIS “Bakit ba lapit ng lapit itong si Dok Philip kay Nurse Marikah?” Hindi ko maiwasang mayamot, sapagkat nakita ko na naman si Dok Philip mula sa CCTV na huminto sa Nurse station kung saan naka duty si Nurse Marikah. Kanina ko pa binibilang kung pang-ilang beses na niyang huminto rito. At ilang beses ko na rin itong tanong sa isipan ko. Hindi ba siya nakakaabala kung may ginagawa mang chart checking at rounds ang mga Nurse na naka duty doon? “Tapos mamaya, sasabayan na naman niyan si Nurse Marikah mag-lunch, nanandya ba siya?” Minasahe ko ang kamay ko pagkatapos ay pinalagatok isa-isa ang mga daliri ko. Hindi ko ugali ang manapak, pero mukhang gusto kong subukan ngayon, for experience lang. Pero teka, bakit nga ba umaabot na sa ganitong punto ang iniisip ko? Sa dami ng inaasikaso ko sa mga nagdaang araw ay hindi ko pa nakak
Solitude Sa gitna ng katahimikan, natutuklasan ang tunay na lakas ng loob. Ang pag-iisa ay hindi kahinaan, kundi pagkakataon upang mas makilala ang sarili. 📿MARIKAH SYCHELLE Hindi ko maiwasan makaramdam ng kaba sa aking dibdib dahil sa biglaang pagpapatawag sa akin ni Dok Hideo dito sa Opisina niya. Isa ito sa Opisina niya na ngayon ko lamang napasok, bale may tatlo kasing opisina si Dok Hideo at ito yata ang pinaka malaki sa lahat. Tanging mga Doctors lamang ang pinapahinulutan na pumasok rito para sa kanilang mga meetings and conferences, madalas kasi ay sa labas lamang ang assistant Nurse kapag dumaraan dito ang Assisting Doctors nila, kaya nagulat ako at naguluhan na rin kung bakit ako pinapasok dito. Bukod sa napakalawak ng opisina na ito ay magaan sa mata ang interior design. Puro paintings. Mga magagandang pintang obra na tila nabubuhay sa aking paningin. Sino kaya ang nagpinta ng mga ito? Lalapitan ko ang bawat paintings mamaya upang mas makita ko pa ito ng malapitan. Pa
Permission Ang paghingi ng permiso upang pakasalan ang babaeng mahal mo ay hindi lamang isang tradisyon, kundi isang tanda ng respeto—sa kanya, sa kanyang pamilya, at sa pagmamahal na nais mong ipaglaban habang buhay.👨⚕️ HIDEO CANLIAGN Napatingin ako sa ibaba habang patuloy na lumulutang ang helicopter sa himpapawid. Sa kabila ng kadiliman ng gabi, kumikislap ang napakaraming bituin sa kalangitan, at ang bilog at maliwanag na buwan ay tila ilaw na gumagabay sa mapayapang dagat ng Isla Marikavan.Muling sumagi sa isip ko ang mga kwento ni Marikah at kung paano niya inilarawan ang kagandahan ng kanilang isla. Tunay ngang payapa itong pagmasdan, kahit kakaunti lamang ang mga tahanang nakatayo rito, kabilang ang sa kanila.Napabuntong-hininga ako bago ibinaba ang tingin sa natatanaw kong dalampasigan. Doon ko naisip ipalapag ang helicopter sa hindi kalayuan mula sa isang two-story house na eksaktong tumutugma sa paglalarawan ni Marikah. Kung tama ang aking alaala, iyon ang tahanan ni
Affirmation Ang tunay na pag-ibig ay hindi lang sinasabi, kundi ipinapakita sa bawat araw. Sa kabila ng lahat, ikaw pa rin ang pipiliin at mamahalin ko nang walang pag-aalinlangan.👨⚕️ HIDEO ADONISHawak ko ang papel na matagal nang nakatago sa pahina ng aking lumang Pharmacology book—isang lihim na pilit kong ibinaon sa limot. Habang papalapit ako kay Athena, naramdaman kong muli ang bigat ng mga alaalang bumalot sa akin noon.Itinago ko ito, hindi upang makalimutan, kundi upang hindi matuklasan nina Mom at Dad ang madilim na balak na bumalot sa isip ko noon. Akala ko, iyon lamang ang paraan para matapos ang sakit para tuluyan nang mapawi ang hinagpis na iniwan ni Sychelle. Pinaniwala ko ang sarili kong natanggap ko na ang kanyang pagkawala, ngunit nang bawian ng buhay si Ponce sa selda, parang binuksan muli ang sugat na akala ko’y matagal nang naghilom.Muli, huminto ang mundo ko. Mas lalo akong binalot ng matinding paninisi dahil sa akin, nawala sila. Ako ang dahilan. At sa ba
ValorAng tunay na tapang ng pag-ibig ay hindi nasusukat sa tamis ng matatamis na salita, kundi sa kakayahang manatili at ipaglaban kahit sa gitna ng sakit at pagsubok.📿MARIKAH SYCHELLE Tinapos ko ang pag-ikot ng rosaryo sa aking mga daliri habang tahimik na inuusal ang panghuling dasal sa aking isipan. Nasa loob pa rin ako ng sasakyan ni Dok Ivo, pahatid patungong Marikavan.Dumaan siya sa isang sikretong shortcut, kaya hindi na namin kinailangang makipagsapalaran sa trapiko ng Lipa City. Ngayon, binabagtas na namin ang mahabang daan patungo sa aming bayan.Siya ang unang bumasag ng katahimikan. "Kung hindi ako nagkakamali, isa ka sa mga madre sa Cathedral sa Lipa?""San Sebastian?""Oo.""Tama ka. Doon ako nag-temporary vows."Lumiko siya, papasok na sa aming bayan."Nakikita rin kita sa San Sebastian. Isa ka rin bang sakristan doon?"Namukhaan ko siya. Noong nagkumpil ako, isa siya sa mga sakristan na natatandaan ko."Oo... Pero hindi rin ako nagpatuloy sa seminaryo."Nag-atubil
AgonyHindi lahat ng sakit ay sigaw; minsan, ito ay tahimik na pagluha sa gabi, isang bigat sa dibdib na hindi maipaliwanag, at isang ngiting pilit upang itago ang matinding dalamhati.👨⚕️HIDEO ADONISNapatitig ako sa papel, habang mahigpit pa ring nakahawak sa mga kamay ni Marikah. Ramdam ko ang bahagyang panginginig ng aking mga daliri, pero mas matindi ang bagyong bumabangon sa loob ko.Muli akong tumingin kay Athena, humugot ng malalim na hininga, pilit na pinapakita ang damdaming unti-unting nagbabadyang sumabog. Kailangan kong magpigil."Saan mo ito nakita, Athena?" Tanong ko, mahinahon ngunit may bigat sa bawat salita.Napahigpit din siya ng hawak sa rehas ng hagdanan, waring kinakalma ang sariling galit bago sumagot."Sa dati mong silid." Malamig ang kanyang tinig. "Pinagpaalam ko na kay Kuya Ivo na gamitin iyon pansamantala, mas maluwag kasi para sa mga gamit namin. Natagpuan ko 'yan habang nililinis ang kwarto."Tahimik akong napasinghap."Pwes, magpapaliwanag ako, Athena.
RepentAng pagsisisi ay hindi lamang nasa salita, kundi nasa gawa. Ang puso na nagsisisi ay handang magbago at ituwid ang pagkakamali📿 MARIKAH SYCHELLE Walang kahit na anomang pagsisisi akong nadarama matapos niya akong gawaran ng halik sa aking labi. Nananatili na magkadikit ang aming mga noo habang nakatitig sa isa't-isa. Kay sarap nga naman na magmahal, lalo na kung isang Hideo Canliagn ang magmamahal sa'yo. Ang pagmamahal na ipinadarama niya sa akin ay pawang kapayapaan ng aking puso at kaisipan kahit na hindi alintana sa akin na siya ang aking pinipili. Hindi ako nakalaan sa Panginoon, bagkus ay inilaan siya sa akin. Pinili ko siya ng walang pag-aalinlangan. Ang tanging gagawin ko na lamang ngayon ay magkaroon ng lakas ng loob upang masabi ito kay Lola Perla...Alam ko na labis ko siyang masasaktan sa desisyon ko na ito. Iyon ang kinatatakot ko ngayon. Lalo na at alam ko na may sama pa rin siya ng loob dahil tandang-tanda kung paano niya pinagtabuyan noon si Dok Hideo sa la
WorthHuwag mong sukatin ang halaga mo batay sa opinyon ng iba. Ang tunay mong halaga ay hindi nakasalalay sa paningin nila, kundi sa kung paano mo ipinapakita ang pagmamahal at respeto sa iyong sarili.👨⚕️HIDEO ADONIS Hindi ko naman akalain na sobrang saya ko ay ito ang magiging dahilan ng pagkakahulog namin sa bangka. Mabuti at mabilis kaming nasagip ng mga nandoon at nakiusap ako sa mga tao doon huwag kaming kuhanan o ano pa man. Kahit na nangayari ang hindi inaasahan ay labis pa rin ang saya na aking nadarama. Kaya pag-upo ko sa kanya sa isang bench ay kaagad akong nagtungo sa sasakyan dahil naalala ko na may mga paper bags doon na naglalaman ng mga damit na pinamili ko sa Paris. Bago ako magtungo sa airport pauwi ay dumaan muna ako sa mga Boutique doon upang bilhan siya maging si Athena ng mga designer clothes na alam kong babagay sa kanila. Balak ko sanang ibigay ang para kay Marikah pag-uwi namin sa Maynila. Pero mukhang nakalaan na gamitin namin niya ito ngayon. Kinuha k
MeantAng pag-ibig na itinadhana ay tulad ng dalawang alon sa malawak na dagat—maaring maglayo ng hangin at panahon, ngunit sa huli, sa utos ng tadhana, muling magtatagpo sa dalampasigan ng walang hanggang kapalaran📿 MARIKAH SYCHELLE Hindi nawawala ang ngiti sa aking mga labi mula nang ako'y magising hanggang sa matapos akong magdasal sa umagang ito. Napakasarap ng aking naging tulog dala na rin siguro ng aming mahabang biyahe kahapon papunta rito sa Baguio. Mabuti at may naka-heater ang silid na ito kaya hindi ko gaanong dama ang napakalamig na klima. Nagtungo na ako sa restroom ng silid na ito upang maghanda sapagkat kami'y magmimisa sa Baguio Cathedral. Isa rin sa rason kaya ako nasasabik sapagkat muli ko na naman akong magtutungo sa tahanan ng Panginoon. Marami akong gustong ipagpasalamat sa kanya lalo na at unang misa sa para sa taon na ito ng 2019. Marami rin akong gustong ipagpanalangin, lalo na sa kaligtasan ng aking mga minamahal. Lalo na ng aking Iniirog...Kaya nang m
CureAng tunay na pag-ibig ay hindi lamang nagmamahal—naghihilom din. Sapagkat sa yakap ng minamahal, natutunaw ang sakit, at sa kanyang pagmamahal, gumagaling ang sugatang puso.📿 MARIKAH SYCHELLE Hindi ko pa rin maiwasang isipin ang lalim ng mga pagsubok na pinagdaanan ni Dok Hideo noon. Mawala ang kanyang mapapangasawa, sumunod ay ang Ama ni Arkey, at ang panghuli ay mga magulang niya kung saan nadamay ang mga magulang ko kaya sila nasawa apat na taon na ang nakararaan.At ang lahat ng ito. Nasisiguro niya na kagagawan lamang ng kanilang hinahanap na Mastermind. Sa loob ng walong taon ay hindi siya sumusuko upang makamit ang hustisya na hindi lamang para sa kanya, kundi para na rin sa akin, kasama na si Arkey para sa kanyang Ama, at para sa mga magulang ng namayapang fiancè ni Dok Hideo. Nakakahabag mang isipin sa napaka lalim na paraan. Sinasalo niya ang lahat ng pasakit. Kahit pa na nasasadlak siya sa walang katapusang siklo ng pagdurusa ay hindi nawawala ang busilak niyang k
MightyAng tunay na kadakilaan ay hindi nakikita sa ingay ng tagumpay kundi sa katahimikan ng mga sakripisyong hindi ipinagmamalaki. Ang tunay na makapangyarihan ay hindi yaong may kapangyarihan sa iba, kundi yaong may ganap na kapangyarihan sa kanyang sarili.👨⚕️ HIDEO ADONIS *Present Time* Nananatiling nakatitig sa akin si Marikah at mataman na nakikinig sa aking paglalahad. Narito na kami sa balkonahe. Magkatabi sa nest chair na pagdalawahang tao na pwedeng higaan. Dumating na ang mga imbitadong kaklase ni Arkey kaya nagsasaya sila sa nga oras na ito sa salas. Nagkakantahan man sa videoke ay hindi gaano kalakas dahil mahigpit ang Village na ito sa ingay. Iyong tipong volume lang na pang buong bahay na hindi madirinig ng mga kapitbahay. "Halata naman na naging matagumpay ang unang operasyon ko. I'm so happy that he's grow healthier and now, mag Senior High School na siya." Siniguro ko na magiging maayos ang buhay nila ng Lola Caridad niya dito sa Baguio. "Napaka giliw at mas