AgonyHindi lahat ng sakit ay sigaw; minsan, ito ay tahimik na pagluha sa gabi, isang bigat sa dibdib na hindi maipaliwanag, at isang ngiting pilit upang itago ang matinding dalamhati.👨⚕️HIDEO ADONISNapatitig ako sa papel, habang mahigpit pa ring nakahawak sa mga kamay ni Marikah. Ramdam ko ang bahagyang panginginig ng aking mga daliri, pero mas matindi ang bagyong bumabangon sa loob ko.Muli akong tumingin kay Athena, humugot ng malalim na hininga, pilit na pinapakita ang damdaming unti-unting nagbabadyang sumabog. Kailangan kong magpigil."Saan mo ito nakita, Athena?" Tanong ko, mahinahon ngunit may bigat sa bawat salita.Napahigpit din siya ng hawak sa rehas ng hagdanan, waring kinakalma ang sariling galit bago sumagot."Sa dati mong silid." Malamig ang kanyang tinig. "Pinagpaalam ko na kay Kuya Ivo na gamitin iyon pansamantala, mas maluwag kasi para sa mga gamit namin. Natagpuan ko 'yan habang nililinis ang kwarto."Tahimik akong napasinghap."Pwes, magpapaliwanag ako, Athena.
ValorAng tunay na tapang ng pag-ibig ay hindi nasusukat sa tamis ng matatamis na salita, kundi sa kakayahang manatili at ipaglaban kahit sa gitna ng sakit at pagsubok.📿MARIKAH SYCHELLE Tinapos ko ang pag-ikot ng rosaryo sa aking mga daliri habang tahimik na inuusal ang panghuling dasal sa aking isipan. Nasa loob pa rin ako ng sasakyan ni Dok Ivo, pahatid patungong Marikavan.Dumaan siya sa isang sikretong shortcut, kaya hindi na namin kinailangang makipagsapalaran sa trapiko ng Lipa City. Ngayon, binabagtas na namin ang mahabang daan patungo sa aming bayan.Siya ang unang bumasag ng katahimikan. "Kung hindi ako nagkakamali, isa ka sa mga madre sa Cathedral sa Lipa?""San Sebastian?""Oo.""Tama ka. Doon ako nag-temporary vows."Lumiko siya, papasok na sa aming bayan."Nakikita rin kita sa San Sebastian. Isa ka rin bang sakristan doon?"Namukhaan ko siya. Noong nagkumpil ako, isa siya sa mga sakristan na natatandaan ko."Oo... Pero hindi rin ako nagpatuloy sa seminaryo."Nag-atubil
Affirmation Ang tunay na pag-ibig ay hindi lang sinasabi, kundi ipinapakita sa bawat araw. Sa kabila ng lahat, ikaw pa rin ang pipiliin at mamahalin ko nang walang pag-aalinlangan.👨⚕️ HIDEO ADONISHawak ko ang papel na matagal nang nakatago sa pahina ng aking lumang Pharmacology book—isang lihim na pilit kong ibinaon sa limot. Habang papalapit ako kay Athena, naramdaman kong muli ang bigat ng mga alaalang bumalot sa akin noon.Itinago ko ito, hindi upang makalimutan, kundi upang hindi matuklasan nina Mom at Dad ang madilim na balak na bumalot sa isip ko noon. Akala ko, iyon lamang ang paraan para matapos ang sakit para tuluyan nang mapawi ang hinagpis na iniwan ni Sychelle. Pinaniwala ko ang sarili kong natanggap ko na ang kanyang pagkawala, ngunit nang bawian ng buhay si Ponce sa selda, parang binuksan muli ang sugat na akala ko’y matagal nang naghilom.Muli, huminto ang mundo ko. Mas lalo akong binalot ng matinding paninisi dahil sa akin, nawala sila. Ako ang dahilan. At sa ba
Permission Ang paghingi ng permiso upang pakasalan ang babaeng mahal mo ay hindi lamang isang tradisyon, kundi isang tanda ng respeto—sa kanya, sa kanyang pamilya, at sa pagmamahal na nais mong ipaglaban habang buhay.👨⚕️ HIDEO CANLIAGN Napatingin ako sa ibaba habang patuloy na lumulutang ang helicopter sa himpapawid. Sa kabila ng kadiliman ng gabi, kumikislap ang napakaraming bituin sa kalangitan, at ang bilog at maliwanag na buwan ay tila ilaw na gumagabay sa mapayapang dagat ng Isla Marikavan.Muling sumagi sa isip ko ang mga kwento ni Marikah at kung paano niya inilarawan ang kagandahan ng kanilang isla. Tunay ngang payapa itong pagmasdan, kahit kakaunti lamang ang mga tahanang nakatayo rito, kabilang ang sa kanila.Napabuntong-hininga ako bago ibinaba ang tingin sa natatanaw kong dalampasigan. Doon ko naisip ipalapag ang helicopter sa hindi kalayuan mula sa isang two-story house na eksaktong tumutugma sa paglalarawan ni Marikah. Kung tama ang aking alaala, iyon ang tahanan ni
ChoiceAng tunay na pag-ibig ay hindi lang tungkol sa damdamin, kundi sa pagpili. Pinipili mong mahalin ang isang tao araw-araw, kahit sa gitna ng pagsubok at pagbabago📿 MARIKAH SYCHELLE Habang nananatiling nakaluhod sa harap ng altar, tumingala ako at pumikit, pinakikinggan ang katahimikan na tila yakap ng Maykapal matapos ang isang oras ng mataimtim na pananalangin.Nang dumating ako rito kanina, kasabay namang nagsimula ang misa para sa Paggunita sa Mahal na Poong Nazareno. Hindi ko iyon iniwasan at sa halip, tahimik akong nakiupo at nakinig, hinayaang lamunin ng mga salita ng homily ang bumabagabag sa aking puso.Pagkatapos ng misa, hindi ko na inaksaya ang oras. Kaagad kong hinanap si Mother Superior Glen. Nang magtagpo ang aming mga mata, isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kanyang mukha bago kami mahigpit na nagyakapan. Ilang buwan na rin mula nang huli niya akong makita.Sa yakap na iyon, doon ko na sinabi ang aking pasya—ang hindi na ipagpatuloy ang landas ng pagmamadre.
MARIKAH SYCHELLE Puno pa rin ng kasabikan at di-makapaniwalang saya, nagtungo kami sa isang mataas na gusali. Tahimik naming tinahak ang daan patungo sa elevator, at habang paakyat ito, naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Hideo sa aking kamay na tila pinapaalala niyang hindi na kami magkakahiwalay pa.Nang makarating kami sa pinakahuling palapag, inakyat pa namin ang hagdan patungo sa rooftop. Doon, sa ilalim ng mga bituin, ay nakatambad ang isang helicopter—ang parehong sasakyang ginamit niya upang makarating agad sa Batangas, upang ako’y maabutan.Napangiti ako habang tinatanaw ito. Hindi ko akalaing ang gabing ito ay magiging simula ng isang panibagong kabanata sa aming buhay.Mahigpit kaming magkahawak-kamay habang lumalapit sa helicopter. Nang malapit na kami, marahan akong inalalayan ni Hideo upang sumakay.Habang papasok ako, naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin mula sa taas, ngunit sa kabila noon, ni katiting na kaba ay wala akong nadama. Hindi ako natatakot.D
HIDEO ADONIS Maaga akong nagising upang asikasuhin ang lahat ng kailangang ihanda para sa araw na ito. Biglaan man ang lahat, laking pasasalamat ko na lamang at umayon ang wedding organizer na kinausap ko. Hindi naman naging abala para sa kanila dahil isang intimate wedding lang ito, tanging ilang piling saksi ang naroon. Ibinahagi ko sa kanila ang bawat detalye, pati na rin ang lokasyon ng simbahan—isang lugar na matagal ko nang inihanda. Sa kabutihang palad, natapos ito bago pa ang itinakdang pagbubukas sa susunod na buwan. Ngunit ngayon, mas naging makahulugan ito para sa akin. Sa simbahan na ito ko tutuparin ang pangakong habambuhay—dito ko pakakasalan ang babaeng pinakamamahal ko. Pinili kong ipangalan ito sa isang bagay na malapit sa aking puso: Our Lady of Healing Grace—isang tahanan ng pananampalataya, pag-ibig, at bagong simula. Narinig kong nagising na rin sina Dok Ivo at Harmony. “Ako na ang bahala kay Marikah kapag nagising siya. Tawagan mo na lang ako kapag ayos na a
KindnessAng masayang pag-aasawa ay hindi perpekto, kundi puno ng pang-unawa, respeto, at kabutihang-loob sa isa't isa.📿 MARIKAH SYCHELLE Hindi pa rin ako makapaniwala na ganap na kaming mag-asawa ng aking Irog. Mas lalo pang hindi ko lubos maisip na nagbakasyon lang ako para sa Christmas break, at pagbalik ko sa duty, kasal na ako.Nauunawaan ko naman at ipinaliwanag na rin sa akin ng aking Asawa ang dahilan kung bakit kailangang panatilihing lihim muna ang aming kasal. Sa totoo lang, gusto ko rin ang ideyang ito—hindi lang para sa aking seguridad kundi dahil mas nais ko ang isang pribadong buhay kasama siya.Mabuti na lang at sa Marikavan ginanap ang reception, sa mismong tahanan namin. Hindi na nakasama sina Harmony at Dok Ivo dahil nagkaroon sila ng biglaang duty. Samantala, ang best man ng aking Asawa ay kinailangang umuwi agad dahil hinahanap na raw siya ng kanyang asawa. Kaya’t si Lolo at Lola ang kasama naming bumalik sa Marikavan, habang sina Dominador at Clarina naman ay
LurkingSa likod ng katahimikan, may matang laging nagbabantay, pusong laging nagmamasid, at damdaming matagal nang kinikimkim.👨⚕️ HIDEO ADONISKahit araw ng mga puso ay hindi nagpapahuli ang bawat departamento aa mga dekorasyon nila upang ipadama ang diwa ng araw na ito. Pero mas bida ang Cardiology Department sa mga sandaling ito. My programa sila sa araw na ito na libreng konsulta, at mababang presyo ng ECG at ibang procedure para sa mga may karamdaman sa kanilang puso. Kaninang pagpasok ko dito sa opisina ko ay bumungad sa akin ang mga roses, cards, at chocolates na siyang nasa table ko. Nasanay na lamang ako sapagkat taon-taon naman akong binibigyan ng mga staff at Nurses maging ng ibang mga Doctors ng mga Valentine gifts. Mamaya rin ay ako ang magbibigay sa kanila ng greeting cards kapag bumisita ako sa bawat departments. Pero sa taong ito, walang makakapantay sa iniregalo sa akin ng Diyos, ito ay ang aking asawang si Marikah. Habang umuupo sa swivel chair ko
MarkedMay mga bakas na hindi nakikita ng mata na mga tanda ng sakit, saya, at pagmamahal na iniwan sa puso ng panahon.👰♀️ MARIKAH SYCHELLE Pagmulat ng aking mga mata. Ang sinag ng araw ay banayad na sumisilip mula sa mga kurtina, nagbibigay ng gintong liwanag sa paligid ng kwarto. Ramdam ko ang init ng katawan niya sa tabi ko. Nakayakap pa rin siya sa akin ng mahigpit na para bang kahit sa tulog ay ayaw niya akong pakawalan.Nakangiti akong napapikit muli.Ilang sandali akong nanatili lang sa ganoong posisyon, nakikinig sa mahinang tibok ng puso niya.Dahan-dahan kong hinaplos ang buhok niya. Napakagwapo niya kahit tulog. Ang asawa kong minsan ay nababalot ng lungkot at hinagpis, ngayon ay may kapayapaan na sa kanyang mukha.Nagmulat siya ng mata, bahagyang namungay pa, pero agad akong nginitian."Good morning, mahal..." bulong niya, paos pa ang boses mula sa pagkakatulog. Mas malalim ito kaya tila nagwawala na naman ang sistema kom "Good morning din sa'yo, mahal ko..." sagot ko
ElysianSa kanyang mga mata, natagpuan ko ang isang mundong tahimik, payapa, at wagas, isang paraisong tinatawag ng puso na pagmamahalan.👰♀️ MARIKAH SYCHELLEPakiramdam ko’y kay bilis ng oras, kahit na dito na ako pinag-dinner ni Chrystallene. Sobrang dami naming napagkuwentuhan. Hindi lang tungkol sa personal naming buhay, kundi pati mga karanasang hindi malilimutan tuwing naka-shift kami.Kasalukuyan na naming binabagtas ang pasilyo ng kanilang Cathedral. Tahimik pa rin ang paligid, ngunit nakasindi na ang lahat ng ilaw.“Isuot mo ‘yon ha? Sinasabi ko sa’yo, makakakita ka ng langit sa oras na binuklat ka—”Mahina ko siyang kinurot sa tagiliran.“Ikaw talaga!”Natawa siya at bahagyang niyugyog ako. “Basta! ‘Yung mga tinuro ko—basic lang ‘yon. I-apply mo lang, okay?” Kumindat pa siya.Napangiti na lang ako habang pinagsusundot niya ang tagiliran ko. Hindi tuloy maiwasang makalikha kami ng kaunting ingay.Bigla, may boses na sumita sa amin.“Kaliligalig ninyo! Natutulog na ang Padre
Mga ilang segundo bago ako nakasagot. Ang unang sumagi sa isipan ko ay baka binibiro niya lang ako. Posible ba na dahil mag-isa lamang siya sa napakalaking tahanan na ito kaya kung ano-ano ang lumilikot sa imahinasyon niya. Bawal naman sa propesyon namin ang hindi maayos ang mental state. “Nababasa ko sa iyong mga mata na hindi naniniwala at baka malikot lang imahinasyon ko no?” Napalunok ako, nasabi niya ng sakto ang nasa isipan ko...“Ayos lang, pero kita ko naman na handa kang makinig. Heto na, sisimulan ko na ang napakahabang kwento ng kwento ko, patungkol sa mga anghel.” Huminga siya ng malalim. Nanatili akong nakatitig sa kanya, pinapakita na handa akong makinig ng taimtim.Nagsimula na siyang magkwento. Ang tono ng boses niya ay bumaba, parang bawat salitang binibitawan ay may sinseridad at katotohanan.“Bata pa lang ako, ramdam ko na... pero hindi ko pa maipaliwanag. Nagsimula lang akong maniwala nang mangyari ‘yon noong pitong taong gulang ako.”Nakatitig lang ako sa kanya
LingerMay mga alaala at damdaming kahit matagal nang lumipas, nananatili at dumadampi pa rin sa puso, marahang humihinga sa pagitan ng bawat tibok.👰♀️ MARIKAH SYCHELLE Tahimik lang si Nurse Chrystallene habang nagmamaneho. Taga-Laguna siya kaya nasa SLEX na kami ngayon. Inaasahan na namin ang trapiko—lalo na't bisperas ngayon ng Araw ng mga Puso.Nag-vibrate ang phone ko sa tabi ko, kaya agad ko itong kinuha. Bumungad sa screen ang chat ng asawa ko.Hideo, asawa ni MarikahAking Mahal, miss na kita kaagad.Nasaan na kayo?Oo nga pala, I forgot to say that I put something inside your wallet in case na mag-shopping kayo ni Nurse Chrystallene.Napakunot ako ng noo. May nilagay siya sa wallet ko?Kinuha ko ito mula sa bag ko at binuksan. Sa loob, may isang itim na card na may kasamang maliit na papel kung saan nakasulat ang password.Black card.Napailing ako.Typical Hideo.Kinuha ko ulit ang phone para sumagot.Marikah, asawa ni HideoDi kmi pnta sa mall. 🐄 tlga.Halos kasabay nun
PulseSa bawat tibok ng puso, naroon ang pintig ng buhay. Nagpapaalala na kahit sa kahit anong unos, may dahilan para magpatuloy👰♀️ MARIKAH SYCHELLE Day-off ko ngayon, at on-call duty naman ang asawa ko, kaya parehas kaming nandito sa mansion. Nasa isang silid kami kung saan pinaayos at inilalagay ang mga rebulto mula sa bahay namin sa Marikavan. Ilalagay ang mga ito sa Simbahan na ipinagawa ng asawa ko, at kahit na naibyahe ng maayos, ako muna ang magbebenidiksyon sa kanila. Kabisado ko naman ang dasal.Marahan kong binuksan ang holy water at nagsimulang magwisik sa mga santo at rebulto na narito sa loob ng silid.“Tulad ng sabi ko, si Les ay best friend ni Sychelle, at may karamdaman siya. Nahilo siya kaya napakapit siya sa braso ko habang inaalalayan ko siya patungo sa clinic kung saan siya naka-schedule—”“Upang mag-therapy,” dugtong ko. Napatingin ako sa kanya at hindi ko naiwasang magpatawa. “Pang-ilang beses mo na bang sinabi ‘yan, mahal ko? Kabisado ko na.”“Talaga ba? Mah
Empower Sa bisig ng pag-ibig, ang puso’y tumitibay. Hindi ito tanikala, kundi pakpak na nagpapalipad sa atin tungo sa liwanag ng ating pagkatao👨⚕️ HIDEO ADONIS Parang isang kisap-mata lang ay Pebrero na pala. Ni hindi ko man lang namalayan, kung hindi ko pa napansin ang petsa sa table calendar.Maayos naman ang naging daloy ng araw-araw namin ni Marikah, ang aking asawa. Tahimik. Komportable. Walang nakakaramdam ni katiting na pagbabago sa loob ng ospital. Mukha namang walang nakakahalata na kami’y kasal na.At mas mabuti na rin siguro ang ganito, lalo na ngayong puspusan ang paghahanap ni Dominador. Bumalik siya ng Thailand, may kailangan daw siyang personal na kumpirmahin roon.Sa mansyon naman, palaging wala sina Athena at Dok Ivo. Madalas silang nadedestino sa ibang branch, o kaya nama’y may biglaang tawag mula sa Air Force. Kahit may kaba ako para sa kaligtasan nilang mag-asawa, ipinagkakatiwala ko na lang sila sa Diyos. Naniniwala akong hindi Niya sila pababayaan.Sa totoo
HavenSa gitna ng unos ng aking pagkatao, siya ang kanlungang hindi kayang tibagin ng panahon. Isang dambana ng pag-ibig na sa kanya ko lamang natagpuan👰♀️ MARIKAH SYCHELLE Naglalakad na ako pabalik sa Nurse Station ng Surgery Department matapos ang pag-iikot ko sa mga pasyente. Ramdam ko na ang kirot sa binti at ang unti-unting panghihina ng katawan, lalo na’t may period cramps pa ako. Hay, bakit ko nga ba nakalimutang uminom ng paracetamol bago pumasok kanina?Kaya pagbalik ko talaga, iinom na ako agad. Hindi na yata kakayanin ng katawan ko ang isa pang oras nang walang gamot. Patuloy lang ako sa paglalakad, pinipilit balewalain ang pananakit—hanggang sa paglapit ko sa isang pinto, bigla na lang may humila sa akin papaloob.Muntik na akong mapasigaw sa gulat, pero natigilan ako nang magtama ang mga mata namin. Saglit akong natigilan… at saka ako napabuntong-hininga.Ang aking Irog lang pala.Ang palad niyang mahigpit ang kapit sa aking pulso, ang mga mata niyang tila ba sabik na
AdorationAng pag-ibig ay hindi lamang isang damdamin, kundi isang pangako. Sa kasal, nagsisilbing saksi ang ating mga puso sa isang wagas at walang hangganang pagmamahal, na magkasama nating haharapin ang bawat hamon at pagsubok sa buhay.👨⚕️HIDEO ADONISKasabay ko ulit si Dok Rat. Paglabas namin kanina mula sa opisina, nadaanan ko ang ward kung saan naroon ang isa sa mga pasyente ko. Tatlo silang nasa iisang kuwarto, at halos sabay-sabay ang tuwa nila nang makita ako.Kinamusta ko sila, nagbiro, nakinig sa mga reklamo’t kwento. Medyo natagalan din ako, lalo na’t wala pa ang mga bantay nila. Ayos lang na ganoon talaga kapag gusto mong maramdamang may oras ka para sa kanila.Hindi ko namalayan na lumipas na pala ang halos isang oras. Saka ko lang naalala na may kailangan pa pala akong puntahan. Si Athena, sa kabilang opisina na malapit sa Admin offices.Pagkalabas ko ng ward, saktong nasalubong ko si Dok Rat. Pabalik din siya, at gaya ko, may balak puntahan si Athena.“Parang ang sa