Share

Kabanata 5

Penulis: red_berries
last update Terakhir Diperbarui: 2024-08-24 02:37:09

"Walang magsasabi na normal ang pagsasama kung ang asawa ay may kapansanan, Sandy. Lahat ay magiging kumplekado."

Hindi sumagot si Sandy. Tumayo ito at dahan-dahan na pumunta sa kabila kung nasaan si Dwight. Paghinto ni Sandy sa tabi ni Dwight ay inikot niya ang wheelchair nito para makaharap niya ang katawan ni Dwight.

"Anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong ni Dwight kay Sandy.

"Kung bibigyan mo ako ng pahintulot. Maaari ko bang hawakan ang mga binti mo?"

Bahagyang nagulat si Dwight sa paghingi nito ng pahintulot, pero hindi naman nagtagal ay sumang-ayon siya. Umupo si Sandy sa tabi niya at unti-unting hinawakan ang paa niya hanggang sa maalis iyon sa pagkakatapak sa paanan ng wheelchair. Inalis nito ang tela at tinabi sa gilid. Pinakatitigan ni Dwight ang ginagawa ni Sandy ngayon, dahil unti-unti nitong pinipisil ang hita niya pataas.

"Wala kang nararamdaman?"

Umiling so Dwight, kaya nagpatuloy si Sandy hanggang sa hita nito, pero napahawak na si Dwight sa kamay ni Sandy dahil sa kaba na mas tumaas pa iyon, at isa pa hindi niya masabi kung ano ang naramdaman niya nang bahagyang lumapit ang mukha ni Sandy sa mukha niya.

"Sa tingin ko ay okay na iyon."

Ngumiti naman si Sandy at tumayo. "Gusto mo ba ulit maramdaman ang mga binti mo Dwight?"

Malungkot ang mga matang tumitig si Dwight sa kanyang mga paa. "Walang pag-asa na makaramdam ulit ang mga paa ko. Ilang doctor na ang humawak sa akin ay hindi pa rin magawang makaramdam ng binti ko kahit isang porsiyento."

"Ako, Dwight, kaya kong pagalingin 'yang mga paa mo."

Maliit na napangiti si Dwight, pero ang mata nito ay iba ang sinasabi. Hindi na siya umaasa pa na makalakad siyang muli, kaya ano pang saysay na magpresinta ni Sandy na maging doctor niya para pagalingin ang ilang taon ng patay niyang mga paa.

"Nakapunta ka na ba sa parke ng Tagaytay?"

Umiling si Dwight. "Sa pagkaka-alam ko ay hindi naman ako napupunta pa roon kahit isang beses."

Napatulala si Sandy sa ibang direksyon. Nakalimutan na ni Dwight ang tungkol doon, ibig sabihin malaki ang chance na may nawala sa mga ala-ala nito ngayon, siguro ay dahil sa naging aksidente. Hindi lang paa nito ang naapektuhan, maging ang utak nito ay nagkapinsala rin pala.

"Hindi pa ako sigurado sa sitwasyon mo ngayon, Dwight, pero susubukan kong alamin sa mga records mo simula ng unang araw ng pagkaparalisa mo. Ipagpapatuloy ko ang ginagawa ko kaya sana huwag mo akong pipigilan sa gagawin ko."

Nanatiling nakatingin sa kawalan si Dwight, mukhang nqg-iisip ito ng malalim, pero ilang minuto ang lumipas ay bumuntong-hininga ito at tumingala kay Sandy.

"Kung magagawa mo iyon ay pumapayag ako. Bilang kapalit ay susundin ko ang kasunduan ng pamilya nating dalawa. Ngunit iyon lang ang maaari kong ibigay sayo, dahil..." Hindi na tinuloy pa ni Dwight ang sasabihin.

Bahagyang napakunot naman ang noo ni Sandy. Napatingin siya sa mga binti ni Dwight.

"Kung may naiisip ka pang iba. Huwag mo na lang sabihin dahil ayokong marinig."

Sa mukha ni Dwight ay parang ayaw talagang marinig kung ano ang ibig sabihin ng tingin ni Sandy sa binti niya.

"Wala naman akong ibig iparating sa tingin ko, Dwight. Baka ikaw ang merong ibig ipahiwatig sa kung paano ako tumingin diyan sa hita mo?"

Nakipagtitigan ang dalawa sa isa't isa, pero ang unang bumitaw ay si Dwight habang may munting pawis sa gilid ng mukha niya. Habang nakatingin ito sa kabilang direksyon ay napansin ni Sandy ang pagbabago ng mata nito na naging malungkot.

"May problema ba?" tanong ni Sandy.

Sa isip ni Dwight ay parang kay hirap ibalik ang dating buhay niya kung wala na rin naman ang kanyang ama. Inuusig din siya ng konsensya niya dahil kung magkataon na gumaling siya, hindi rin naman babalik ang kanyang ama sa piling nila.

Napalingon ang dalawa sa pintuan ng sumilip si Dolores.

"Tapos na ba kayong dalawa sa pag-uusap. Gustuhin ko man na magtagal ang pag-uusap niyong dalawa ay kailangan na rin nating umuwi Sandy."

Tuluyang bumukas ang pinto ng malaki nang pumasok naman si Celeste.

"Maganda naman siguro ang napag-usapan niyong dalawa, 'di ba Dwight?"

Mahinang tumango si Dwight. Muling tumingin kay Sandy bago pinalakad ang wheelchair nito palapit kay Celeste.

"Sa susunod ay mas mainam na magtagal ang ating pagsasama. Sa ngayon kasi ay gabi na at kailangan na ring magpahinga ni Dwight. Mas mabuting sa bahay na lang namin kayo pumunta," saad ni Celeste.

"Mabuti pa nga, Celeste. Mag-ingat kayo sa daan pauwi," sambit naman ni Dolores.

Ngumiti si Celeste at tinulak na ng dahan-dahan ang wheelchair ni Dwight. Habang si Sandy ay nakasunod ang ng tingin sa paalis na si Dwight. May huling sulyap pa si Dwight bago tuluyang makalayo sa pinto ng kwarto na iyon.

"Umuwi na rin tayo, Sandy. Kailangan nating mag-usap sa bahay," mabigat at may diin na sambit ni Dolores.

Walang amor na lumakad palabas ng kwarto na iyon si Sandy. Tuloy-tuloy lang siyang maglakad hanggang sa makalabas sa restaurant na iyon. Hindi niya binigyan ang kanyang ina ng panahon para makasabay itong maglakad, dahil sigurado siya na kahit wala pa sila sa bahay ay sesermunan na siya nito agad sa mga pinagsasabi niya kanina sa pamilyang Montemayor. Binuksan niya ang pinto ng kotse, at oo nga pala, kasama nila ang kanyang ama. Hindi lang ito sumama sa loob at nagdesisyon na manatili na lang rito sa loob ng kotse.

Pagpasok ni Dolores sa loob ng kotse ay nakasigaw na naman ito.

"Wala kang respeto sa ina mo, Sandy! Hindi mo man lang ako hinintay para sabay tayong makarating dito at makasakay!"

Diretso naman ang tingin ni Sandy nang sumagot ito sa kanyang ina, "Akala ko ba sa bahay na tayo mag-uusap? Hindi naman kasali roon na hintayin kita habang palabas ng gusali na 'yon." Tumingin siya sa salamin sa harap kung saan nakatingin ang kanyang ama. "Maaari na ho siguro tayong umalis rito, ama. Nagmamadali na rin makauwi ang ina ko, dahil gigil na gigil na siyang sermunan ang panganay niyong anak."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 100

    Inalis ni Sandy ang kumot sa kanyang bewang at umupo habang nakalaylay ang dalawa niyang paa sa gilid ng kama. "Ang l-lakas ng boses mo." "Dahil hindi ka sa akin naging totoo, Sandy." Sumasakit talaga ang ulo ni Sandy, parang maging ang tenga niya. Naging sensitibo sa ingay. Napahinto siya, may aakyat na naman sa sikmura niya palabas. Agad siyang tumayo pero napaluhod na lang sa sahig sa hilo, dahil hindi na siya maka-abot sa banyo, doon na lang niya sinuka ang lahat ng gustong ilabas ng simura niya. "Sandy!" Gulat na tawag ni Dwight. Napangiwi pa ito habang pinanonood si Sandy kung paano lumabas ang pagkain sa bibig nito na naghalo-halo. Hindi nga malabong gutumin ito sa dami pa lang ng nilabas nito sa bibig. "Simula ngayon bawal ka ng uminom ng alak, kahit isang patak pa 'yan!" Inis na saad ni Dwight habang hinawakan ang ilang hibla ng buhok ni Sandy na napupunta na sa mukha nito. Nang matapos ay hapong-hapo na sumandal si Sandy sa gilid ng kama. Habang si Dwight ay humahanap

  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 99

    Mula sa pagkakatitig sa upuan ay lumipat ang tingin ni Sandy sa lalaki sa harap niya, malabo ito at hindi niya mapagtanto kung sino ang nasa harap niya ngayon at tinawag siya sa pangalawa niyang pangalan. "S-Sino ka?" saad niya habang pinipilig ang ulo dahil may pumipintig na doon. Seryoso ang mukha ni Dylan habang nanatiling nakatayo sa harapan ni Sandy. "Sandy?" "Hmmm." Iyon na lamang ang nasagot ni Sandy dahil nawalan na ito ng malay at pabagsak na sa sahig. Mabuti na nga lang at mabilis na nakalapit si Dylan para yakapin ito nang hindi mabagok ang ulo. Hindi malinaw, pero ang sagot ni Rae sa kanya ay totoo. Si Rae at si Sandy ay iisa lang. Dumating si Dwight sa loob ng bar. Ang bumungad sa kanya sa paghahanap niya kay Sandy ay ang kanyang kapatid na hawak si Sandy habang nakapikit ang dalaga. "Dylan," seryosong saad ni Dwight. Lumingon si Dylan. "Kuya. Mabuti at narito ka na, ito ba ang mapapangasawa mo?" "Paano mo siya nakita rito?" "Mahabang kwento, pero kailangan na

  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 98

    "Ako pa talaga ang gagawin mong example sa kalokohan mo!" Malakas na binitawan ni Sandy ang buhok ni Alexis, halos gusto na lang gumulong sa sahig ni Alexis sa sakit ng anit niya sa paghila ng buhok niya ni Sandy. "Ang brutal mo talagang babae ka! Kaya ayokong lumalabas ang side mo na 'yan, masyadong palaban, ibang-iba sa isa mong ugali na hindi makabasag pinggan!" "Dapat ko lang ipakita, dahil na-agrabyado ako at alam mo 'yon Alexis." Bukod kay Lady at Sam, isa rin sa nakaka-alam ng estado ng buhay niya sa kanyang pamilya ay si Alexis. Dinaig pa kasi nito ang babae sa pagkausisa kaya na kwento niya ang buong detalye tungkol sa kanyang pamilya. Mukha naman itong katiwala-tiwala, kaya kahit sa maliit na rason ay na kwento niya kay Alexis. Humarap muli ito sa bote ng mga alak na nasa dalawa na ang walang laman, at hindi simpleng bote lang iyon dahil nasa one liter ang bawat isa kaya lasing ng matuturing si Alexis. "Tsk. Bakit kasi gusto mo pang bumalik sa pamilya mo kung hindi k

  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 97

    "Mamaya na!" Napatingin tuloy ang ibang tao na nasa cafe sa boses ni Sandy na may kalakasan. Pilit na lang siyang ngumiti bago humarap kay Alexis na may nanlilisik na mata. "Oo. Bukas aalis na ako." Napakamot na lang si Sandy sa ulo niya at nilagok ang tirang kape na malamig na sa kanyang tasa. Dinuro niya ang mukha ni Alexis, pero may kalayuan naman sa mukha nito. "Pag ako talaga napahamak sa pag-aaya mo. Irereto talaga kita sa mga babaeng naghanap ng katulad mo. I-la-lock ko kayo sa isang kwarto at hahayaan ko yung babae na gawan ka ng kahalayan para hindi sayang ang lahi mo!!" Buong lakas niyang sabi kay Alexis kahit pa marinig siya ng ibang tao na katabi lang nila ng table. Umismid naman si Alexis at hinigop ang kape sa tasa nito. "Ang hirap mong hingan ng pabor, baka magkatotoo 'yang sinasabi mo sa akin, pero syempre hindi kita aayain kung mapapahamak ka lang. Magsasaya lang tayo doon." Wala ng nagawa si Sandy kung hindi sumagot ng oo, tutal hindi naman na siya nakatira s

  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 96

    Hindi mapuknat ang ngiti ni Dwight kahit nakalabas na sila ng ospital, maging ang driver niya ay nagtataka kung bakit siya nakangiti ng sobra. Lito man ay ginawa na lang ng driver niya ang ginagawa nito sa tuwing isasakay siya sa kotse. "Puwede niyo po ba akong dalhin sa address na 'to?" Pinakita ni Sandy ang address sa driver ni Dwight habang sumasakay ng kotse. "Sige ho." Nang umandar na ang kotse ay saka nagtanong si Dwight, "Anong gagawin mo sa address na pinakita mo sa driver ko?" "May gusto sa aking makipagkita ngayon." Nagsalubong agad ang kilay ni Dwight. "Sino?" "Naging close ko nang mag-stay ako ng ilang araw sa hospital kung saan siya nagtatrabaho." "Babae?" Kunot ang noo ni Sandy na napatitig sa likuran ng upuan ng driver seat. "Bakit mo pa tinatanong kung babae? Paano kung lalaki, sige nga?" Iniwas ni Dwight ang mata niya kay Sandy at nagkunwaring tumitingin sa mga nadadaanan nilang mga kabahayan. "Wala naman akong sinabi. Tinanong ko lang kung babae." "Sa par

  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 95

    Napabuntong-hininga na lamang si Dwight a t lumapit kay Sandy. Kailangan pala niyang dumapa at tumihaya, maging ang mga binti niya ay lalagyan ng mga wire kahit pa hindi ito makadama ng kahit ano. Sinimulan ni Sandy na ilagay ang wire sa binti muna ni Dwight kung saan hindi muna nito mararamdaman ang mga kuryente na dadaloy doon. "Subukan muna natin dito sa binti mo habang inaalis mo ang kaba sa iyong dibdib." Nang inumpisahan ni Sandy na i-on ang makina ay nakatitig siya sa mukha ni Dwight, inuna niya sa binti nito para makasiguro muna na wala pa talaga itong nararamdaman, tama naman siya walang reaksyon si Dwight habang nakatitig ito sa itaas. Hindi man lang din ito napangiwi, tinaas niya sa pinaka-high volume ang kuryente sa binti nito pero wala ring reaksyon si Dwight. Nang okay na ang minuto na nilaan niya para sa binti ni Dwight ay nilipat naman niya ang mga wire sa likod ni Dwight. Tinagilid niya muna ito bago tuluyan na idapa ang katawan ni Dwight sa higaan. "Hingang mal

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status