Tumaas naman ang isang kilay ni Amara. "Hindi mo ba alam na may isa pang anak si Mommy? Oh wait...kami nga lang pala dapat ang anak, bigla ka lang sumulpot."
Hindi pinansin ni Sandy ang pinagsasabi ni Amara. Mas nakapokus siya kay Sander ngayon, dahil hindi niya alam na meron pa siyang kapatid bukod kay Amara. Napahinto at biglang nanlaki ang mata ni Sander habang nakatingin at nakaturo ang daliri niito kay Sandy. "I-Ikaw si... Ate Sandy?!" sa himig na boses ni Sander ay parang gulat na may halong galak iyon. Gulong-gulo si Sandy sa nangyayari ngayon. Paanong nagkaroon pa ng isang anak ang kanyang ina na hindi niya nalalaman? Ang alam niya lang ay dalawa sila ni Amara, pero bakit kilala siya ng sinasabi ni Amara na bunsong anak ng kanilang ina. "Anong nangyayari rito?" tanong ni Amando nang sumilip ito sa kwarto ni Sandy. Sumagot naman si Amara, "Ito kasing si Sandy dad. Hindi niya ata alam na may isa pa kayong anak. Hindi ba niya alam 'yon o sadyang tanga lang siya sa part na maaari pa kayong magka-anak ni mommy." "Bibig mo Amara," may awtoridad na pagbawal ni Amando sa anak. Umirap lang si Amara at tumingin kay Sandy ng masama. "Lumabas na kayong dalawa ni Sander dito at magpahinga na sa sari-sarili niyong kwarto, at ikaw Sander palitan mo 'yang damit mo. Huwag mo ng subukan na tumakas pa at maglagi na naman sa barkada mo ng matagal." Nakatitig lang si Sander kay Sandy habang nakangiti, kaya inis na hinila ni Amara ito hanggang sa makalabas sila ng kwarto ni Sandy. "Hindi niyo man lang sa akin sinabi na nagkaroon pa pala kayo ng anak. Buong buhay ko, akala ko ay kami lang ni Amara ang anak niyo, pero bakit hindi niyo man lang sa akin sinabi na meron pa pala akong kapatid na lalaki!" puno ng hinanakit na sambit ni Sandy sa kanyang ama. Napabuntong-hininga si Amando at umupo sa upuan malapit sa kama ni Sandy. "Naging busy tayong lahat, Sandy. Ikaw ay mas naging pokus sa pag-aaral at kami naman ay—" "Sa pagpapalago ng negosyo at pagpapabuti sa pag-aaral ni Amara," biglang saad ni Sandy. Hindi agad nakasagot si Amando. Nakatitig lamang ito sa sahig. "Ano, ama? Hindi ka makasagot dahil totoo!" Napapikit ng mariin si Amando, at sa pagdilat ng mata nito ay may makikitang ng lungkot doon. "Patawad anak, ngunit hindi na rin pinabatid pa ng iyong ina ang tungkol kay Sander. Hindi na rin naman kami nakabalik pa sa probinsiya kaya hindi mo rin nalaman na may bunso ka pang kapatid." Pumatak ang luha sa mata ni Sandy na kanina pa niya pinipigilan sa harap ng kanyang ina. Maging ang tungkol sa kapatid niyang si Sander ay nagawang ipagdamot sa kanya ng kanyang ina. "Bakit pakiramdam ko ay hindi niyo ako tunay na anak para pagdamutan na meron akong bunsong kapatid? Kilala niya ako pero ako hindi ko siya kilala, dahil hindi niyo sa akin sinabi na nagsilang pa pala ng isang sanggol ang asawa mo!" "Hindi naman sa ganon—" "Anong hindi?! Nakita niyo ba kung paano siya nagalak na makita ako? Tapos ako ay parang tanga na ang nasa harap ko pala ay kadugo ko!" "Patawad anak. Alam kong malaking pagkakamali iyon, pero sinunod ko lang naman ang iyong ina. Napatawa si Sandy habang umiiyak. "Kagagawan na naman niya ito. Parang mas okay pa kung hindi na lang ulit kayo nagpakita sa akin at kuhanin ako! Puno naman ng paglilihim at hinanakit ang nasa bahay na ito laban sa akin!" Tumalikod si Amando, pero palihim itong nagpunas ng luha sa kanyang mata. "Matulog ka na, anak. Bukas ipakikilala kita ng mas mabuti kay Sander, pero sa ngayon magpahinga ka na " Umalis ng kwarto si Amando habang si Sandy ay unti-unting napaluhod sa sahig habang tumatangis. Mas masakit pa ang nalaman niya ngayon kaysa sa mga naranasan niya ng ilang taon. Kapatid pa rin naman niya si Sander kaya kahit anong hinanakit niya sa kanyang ina ay masakit pa rin 'yon para sa kanya. Umupo si Sandy sa gilid ng kanyang kama habang patuloy na tumutulo ang luha niya. Doble-doble ang sakit para sa kanya. Natanggap na niya na hindi na magkakaroon pa ng pagmamahal na galing sa magulang niya, pero sana man lang ay sinabi ng magulang niya na meron pa siyang isang kapatid. Nararamdaman niya na mas malayo ang ugali ni Sander kay Amara, kaya ganun na lang ang hinanakit niya. Humiga siya at tinakpan ng unan ang ulo niya para ibuhos ang lahat-lahat. Gusto niya pag humarap siya bukas sa pamilya niya ay may mukha siyang hindi matitinag ng kung ano ang sasabihin ng kanyang magulang. Samantala sa bahay ng mga Montemayor, nang umuwi sila ay tahimik lamang si Dwight. Napansin iyon ni Celeste kaya nagtanong agad ito. "May problema ba anak?" Tumingin saglit si Dwight sa kanyang ina. "Nothing." "Ano nga pala ang pinag-usapan niyo ni Sandy kanina?" Bumuntong-hininga muna si Dwight bago nagsalita, "Tungkol lang iyon sa kasal." "Ano 'yon?" Nagsalubong ang kilay ni Dwight sa ina niyang gustong malaman ang pinag-usapan nila ni Sandy kanina. "Basta." Napangiti naman si Celeste. Kinuha nito ang tasa na may laman na mainit na tsokolate, humigop muna ito doon bago muling nagsalita. "Alam kong meron pang mas importante kayong pinag-usapan. Ano 'yon? Sabihin mo na sa akin." Hindi talaga makakapaglihim si Dwight sa kanyang ina. Kahit anong tago niya ay malalaman at malalaman nito ang lahat. "Tungkol sa mga paa ko." Natigilan si Celeste sa muling paghigop ng tsokolate. Binaba muna nito ang tasa para makinig kay Dwight. "Nagpresinta siya na tutulungan niya ulit akong makalakad ulit." Ngumiti si Celeste ng malaki. "Talaga? Anong sagot mo sa kanya?" "Pumayag naman ako, pero kailangan niya munang tingnan ang result simula ng unang araw na hindi na makaramdam ang mga paa ko." "Sigurado ka ba na siya ang gusto mong maging doctor ngayon?" paniniguro ni Celeste. "Meron talaga akong doctor na gusto para sayo, pero hindi madaling mahanap at makausap. Pero kung kaya ka niyang tulungan ay okay naman sa akin anak, at isa pa, magiging asawa mo naman siya kaya panatag ako na matutulungan ka talaga ni Sandy." Tumango si Dwight at luminga sa loob ng sala. Napansin niya na parang tahimik ang bahay nila ngayon. "Nasaan si Dylan, Ma?" "Palagay ko ay nag-party na naman kasama ang kaibigan niya. Hindi talaga mapagsabihan ang isang 'yon. Sinabi kong magpahinga na sa kwarto umalis pa rin." "Malalim na ang gabi, delikado na sa labas." "Matigas ang ulo ng kapatid mo, Dwight. Ayaw mapirmi sa bahay kaya laging nasa labas. Hayaan mo at tatawagan ko siya mamaya. Gusto mo na bang magpahinga sa kwarto mo?"Inalis ni Sandy ang kumot sa kanyang bewang at umupo habang nakalaylay ang dalawa niyang paa sa gilid ng kama. "Ang l-lakas ng boses mo." "Dahil hindi ka sa akin naging totoo, Sandy." Sumasakit talaga ang ulo ni Sandy, parang maging ang tenga niya. Naging sensitibo sa ingay. Napahinto siya, may aakyat na naman sa sikmura niya palabas. Agad siyang tumayo pero napaluhod na lang sa sahig sa hilo, dahil hindi na siya maka-abot sa banyo, doon na lang niya sinuka ang lahat ng gustong ilabas ng simura niya. "Sandy!" Gulat na tawag ni Dwight. Napangiwi pa ito habang pinanonood si Sandy kung paano lumabas ang pagkain sa bibig nito na naghalo-halo. Hindi nga malabong gutumin ito sa dami pa lang ng nilabas nito sa bibig. "Simula ngayon bawal ka ng uminom ng alak, kahit isang patak pa 'yan!" Inis na saad ni Dwight habang hinawakan ang ilang hibla ng buhok ni Sandy na napupunta na sa mukha nito. Nang matapos ay hapong-hapo na sumandal si Sandy sa gilid ng kama. Habang si Dwight ay humahanap
Mula sa pagkakatitig sa upuan ay lumipat ang tingin ni Sandy sa lalaki sa harap niya, malabo ito at hindi niya mapagtanto kung sino ang nasa harap niya ngayon at tinawag siya sa pangalawa niyang pangalan. "S-Sino ka?" saad niya habang pinipilig ang ulo dahil may pumipintig na doon. Seryoso ang mukha ni Dylan habang nanatiling nakatayo sa harapan ni Sandy. "Sandy?" "Hmmm." Iyon na lamang ang nasagot ni Sandy dahil nawalan na ito ng malay at pabagsak na sa sahig. Mabuti na nga lang at mabilis na nakalapit si Dylan para yakapin ito nang hindi mabagok ang ulo. Hindi malinaw, pero ang sagot ni Rae sa kanya ay totoo. Si Rae at si Sandy ay iisa lang. Dumating si Dwight sa loob ng bar. Ang bumungad sa kanya sa paghahanap niya kay Sandy ay ang kanyang kapatid na hawak si Sandy habang nakapikit ang dalaga. "Dylan," seryosong saad ni Dwight. Lumingon si Dylan. "Kuya. Mabuti at narito ka na, ito ba ang mapapangasawa mo?" "Paano mo siya nakita rito?" "Mahabang kwento, pero kailangan na
"Ako pa talaga ang gagawin mong example sa kalokohan mo!" Malakas na binitawan ni Sandy ang buhok ni Alexis, halos gusto na lang gumulong sa sahig ni Alexis sa sakit ng anit niya sa paghila ng buhok niya ni Sandy. "Ang brutal mo talagang babae ka! Kaya ayokong lumalabas ang side mo na 'yan, masyadong palaban, ibang-iba sa isa mong ugali na hindi makabasag pinggan!" "Dapat ko lang ipakita, dahil na-agrabyado ako at alam mo 'yon Alexis." Bukod kay Lady at Sam, isa rin sa nakaka-alam ng estado ng buhay niya sa kanyang pamilya ay si Alexis. Dinaig pa kasi nito ang babae sa pagkausisa kaya na kwento niya ang buong detalye tungkol sa kanyang pamilya. Mukha naman itong katiwala-tiwala, kaya kahit sa maliit na rason ay na kwento niya kay Alexis. Humarap muli ito sa bote ng mga alak na nasa dalawa na ang walang laman, at hindi simpleng bote lang iyon dahil nasa one liter ang bawat isa kaya lasing ng matuturing si Alexis. "Tsk. Bakit kasi gusto mo pang bumalik sa pamilya mo kung hindi k
"Mamaya na!" Napatingin tuloy ang ibang tao na nasa cafe sa boses ni Sandy na may kalakasan. Pilit na lang siyang ngumiti bago humarap kay Alexis na may nanlilisik na mata. "Oo. Bukas aalis na ako." Napakamot na lang si Sandy sa ulo niya at nilagok ang tirang kape na malamig na sa kanyang tasa. Dinuro niya ang mukha ni Alexis, pero may kalayuan naman sa mukha nito. "Pag ako talaga napahamak sa pag-aaya mo. Irereto talaga kita sa mga babaeng naghanap ng katulad mo. I-la-lock ko kayo sa isang kwarto at hahayaan ko yung babae na gawan ka ng kahalayan para hindi sayang ang lahi mo!!" Buong lakas niyang sabi kay Alexis kahit pa marinig siya ng ibang tao na katabi lang nila ng table. Umismid naman si Alexis at hinigop ang kape sa tasa nito. "Ang hirap mong hingan ng pabor, baka magkatotoo 'yang sinasabi mo sa akin, pero syempre hindi kita aayain kung mapapahamak ka lang. Magsasaya lang tayo doon." Wala ng nagawa si Sandy kung hindi sumagot ng oo, tutal hindi naman na siya nakatira s
Hindi mapuknat ang ngiti ni Dwight kahit nakalabas na sila ng ospital, maging ang driver niya ay nagtataka kung bakit siya nakangiti ng sobra. Lito man ay ginawa na lang ng driver niya ang ginagawa nito sa tuwing isasakay siya sa kotse. "Puwede niyo po ba akong dalhin sa address na 'to?" Pinakita ni Sandy ang address sa driver ni Dwight habang sumasakay ng kotse. "Sige ho." Nang umandar na ang kotse ay saka nagtanong si Dwight, "Anong gagawin mo sa address na pinakita mo sa driver ko?" "May gusto sa aking makipagkita ngayon." Nagsalubong agad ang kilay ni Dwight. "Sino?" "Naging close ko nang mag-stay ako ng ilang araw sa hospital kung saan siya nagtatrabaho." "Babae?" Kunot ang noo ni Sandy na napatitig sa likuran ng upuan ng driver seat. "Bakit mo pa tinatanong kung babae? Paano kung lalaki, sige nga?" Iniwas ni Dwight ang mata niya kay Sandy at nagkunwaring tumitingin sa mga nadadaanan nilang mga kabahayan. "Wala naman akong sinabi. Tinanong ko lang kung babae." "Sa par
Napabuntong-hininga na lamang si Dwight a t lumapit kay Sandy. Kailangan pala niyang dumapa at tumihaya, maging ang mga binti niya ay lalagyan ng mga wire kahit pa hindi ito makadama ng kahit ano. Sinimulan ni Sandy na ilagay ang wire sa binti muna ni Dwight kung saan hindi muna nito mararamdaman ang mga kuryente na dadaloy doon. "Subukan muna natin dito sa binti mo habang inaalis mo ang kaba sa iyong dibdib." Nang inumpisahan ni Sandy na i-on ang makina ay nakatitig siya sa mukha ni Dwight, inuna niya sa binti nito para makasiguro muna na wala pa talaga itong nararamdaman, tama naman siya walang reaksyon si Dwight habang nakatitig ito sa itaas. Hindi man lang din ito napangiwi, tinaas niya sa pinaka-high volume ang kuryente sa binti nito pero wala ring reaksyon si Dwight. Nang okay na ang minuto na nilaan niya para sa binti ni Dwight ay nilipat naman niya ang mga wire sa likod ni Dwight. Tinagilid niya muna ito bago tuluyan na idapa ang katawan ni Dwight sa higaan. "Hingang mal