INICIAR SESIÓNLiana's POV Nakatayo ako sa may pinto ng kubo, habang ang hangin sa umaga ay nanunuot sa manipis kong suot. Nakita ko ang pag-alis nung matanda—mabilis ang lakad nito kahit kuba na ang likod, tila ba sanay na sanay sa masukal na daan ng probinsya. Si Adrian naman ay nanatiling nakatayo roon, mahigpit ang hawak sa isang pirasong papel na may itim na marka.Hindi ko alam kung bakit, pero kinabahan ako. Parang may kung anong bigat sa hitsura ni Adrian na ayaw niyang ipakita sa akin."Adrian?" tawag ko ulit habang dahan-dahang bumababa sa hagdan na kawayan.Bahagya siyang nagulat. Sa isang mabilis na galaw, isinilid niya ang papel sa bulsa ng kaniyang cargo shorts. Pagharap niya sa akin, wala na ang galit sa kaniyang mukha. Pinalitan na iyon ng kaniyang trademark na ngiting nakakaloko."Gising na pala ang reyna ko," sabi niya. Lumapit siya sa akin at agad akong binuhat nang bahagya para halikan sa noo. "How's your sleep, Sweetheart? Sumipa na ba ang mga babies?"Hindi ako nagpadala
Liana's Pov Nang tuluyan nang makaalis ang van nina Lucas at Sera matapos kaming ihatid, nabalot ng katahimikan ang paligid. Ang tanging naririnig ko lang ay ang huni ng mga kuliglig at ang malakas na paghinga ni Adrian sa tabi ko.Nakatayo kami sa harap ng isang simpleng bahay-kubo. Malinis ito, gawa sa kawayan, at may malapad na balkon. Malayo ito sa ingay ng Maynila, at lalong malayo sa amoy ng gamot sa St. Gabriel’s."Sweetheart, pasok na tayo. Baka lamukin ka rito sa labas," sabi ni Adrian habang bitbit ang dalawang malaking maleta.Pagpasok namin, amoy tuyong damo at kawayan ang loob. Walang aircon, tanging isang lumang electric fan lang na umiiling-iling sa sulok. Napaupo ako sa papag na may makapal na kutson."Adrian, seryoso ba? Isang linggo—o baka higit pa—tayo rito? Kaya mo ba?" tanong ko habang pinapanood siyang magtanggal ng kaniyang mamahaling sapatos.Ngumiti siya nang nakakaloko. "Bakit? Akala mo ba hindi ko kaya ang ganitong buhay? Liana, I can survive anywhere
Victoria's Pov Tumingin ako sa salamin. Ang suot kong puting suit ay tila nagbibigay sa akin ng aura ng isang anghel, kahit na alam ko sa sarili ko na ang impyerno ay naghihintay na sa aking pagbaba. Inayos ko ang aking buhok at dahan-dahang pinunasan ang mga daliri kong nanginginig sa galit.Galit ako dahil nakatakas si Adrian. Galit ako dahil hanggang ngayon, hindi pa rin nahahanap ng aking mga tauhan ang kuta nila."Madam, handa na ang press conference. Ang lahat ng media outlets ay naka-abang na sa auditorium," ulat ng aking assistant."Good. Siguraduhin mong walang makakalabas na kahit anong impormasyon tungkol sa tunay na operasyon ng Project Serendipity. Ngayong araw, isa lang ang bida: Ang pagiging kriminal ni Adrian Ramirez," malamig kong sabi.Naglakad ako palabas ng opisina. Bawat hakbang ng aking high heels ay tila tunog ng hatol. Pagpasok ko sa auditorium, sinalubong ako ng nakakasilaw na mga flash ng camera. Ang mga reporter ay parang mga gutom na buwaya na handang
Liana's POVHinihingal pa rin ako habang nakatingin sa salamin ng banyo. Kung may "Extreme Sports" lang sa loob ng kwarto, sigurado akong gold medalist na kaming dalawa ni Adrian. Pero ang problema, ang mga ebidensya ng aming "gymnastics" ay nakabalandra sa buong leeg at balikat ko."Adrian! Ano ba 'tong ginawa mo? Mukha akong tinubuan ng mga pulang barya dito sa leeg!" sigaw ko habang pilit na tinatakpan ng concealer ang mga hickey. Pero kahit anong kapal ng make-up, parang lalong nagliliwanag ang mga marka.Pumasok si Adrian sa banyo, walang suot na pang-itaas, at bakas sa likod niya ang mga kalmot na iniwan ko kanina. Nakakaloko ang ngiti niya. "Sweetheart, those are badges of honor. Bakit mo tinatakpan? It shows everyone that you are strictly off-limits.""Honor mo mukha mo! Nandyan sina Kuya Lucas sa labas! Kapag nakita nila 'to, baka operahan ka ni Kuya nang walang anesthesia!" bulyaw ko sa kaniya.Dahil wala akong choice, kinalap ko ang isang silk scarf sa gamit ko at itin
LIana's POV"Dahan-dahan lang sa paglalakad, Sweetheart. Baka mapano kayo ng mga babies natin," OA na paalala ni Adrian habang maingat na nakaalalay sa bewang ko paakyat ng hagdan.Nang makarating kami sa taas, naupo siya sa couch at tinapik ang kaniyang hita—isang imbitasyon na alam kong hindi ko tatanggihan. Ngumisi ako nang nakakaloko. Imbes na maupo nang maayos, sinadya kong humarap sa kaniya at direktang naupo sa kaniyang pagkalalaki."Oh! Sweetheart naman!" mahina niyang bulyaw, bahagyang namumula ang mga pisngi. Sinubukan niyang ilayo nang bahagya ang balakang ko pero mas lalo ko lang ibinaon ang upo ko roon."Bakit?" inosente kong tanong. Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya, akala niya ay hahalikan ko siya pero sa huling sandali ay dumaan lang ang labi ko sa kaniya patungo sa kaniyang tenga.Huminga ako nang malalim doon bago dahan-dahang idinilaan ang dulo ng kaniyang tenga. Naramdaman ko ang paninigas ng buong katawan ni Adrian. Ewan ko ba, sa panlasa ko ngayon, tila siy
Sera’s POVAng safe house sa dulo ng isang makitid na eskinita sa Quezon City ay hindi mukhang ligtas. Isa itong abandonadong talyer na may kalawangin na gate, amoy lumang langis, at tila pinabayaan na ng panahon. Pero sa ganitong klase ng gulo, ang mga lugar na kinalimutan na ng mapa ang pinakamagandang kuta."Dito tayo? Seryoso ba, Sera? Parang dito kinakatay 'yung mga bida sa horror movies eh," bulong ni Lucas habang dahan-dahang ipinapasok ang van sa loob ng talyer."Huwag kang maingay, Lucas. Ito lang ang lugar na walang biometrics at hindi naka-register sa kahit anong network ng V-Group," sagot ko habang bitbit ang asul na folder.Pagkababa namin, agad kong ibinaba ang roll-up door. Ang tanging liwanag na natira ay ang mula sa isang bumbilya na nakabitin sa kisame, na pasulput-sulpot pa ang kurap. Ang dilim ay tila humahalo sa bigat ng dala naming impormasyon tungkol sa "mutation" ni Liana."Welcome to my humble abode," biro ko, kahit alam kong walang nakakatawa sa sitwasy
Adrian’s POVNakahinga rin ako nang maluwag. Makalipas ang isang linggo ng pagiging "pasyente ng taon," sa wakas ay pinayagan na akong lumabas ng ospital. Siyempre, bago ang bakbakan sa Internal Medicine kasama si Tita Victoria, kailangan ko munang gawin ang pinaka-importanteng operasyon sa buhay
Adrian's POV Kinabukasn St. Gabriel's Hospital Naka-scrubs ako, naka-mask, at mabilis na naglalakad sa hallway. Naka-deploy na ang mga tauhan ni Sera sa paligid. Ang target: OR 7. Doon gaganapin ang ilegal na operasyon. Pumasok ako sa scrub room. Nakita ko si Philip na naghahanda na rin. "Ad
Adrian’s POV "Pangako." Iyon ang huling salitang binitawan ko kay Liana bago ko isara ang pinto ng bahay nila. Pero habang naglalakad ako sa likod ni Lucas at ni Detective Reyes patungo sa nakaparadang itim na SUV, ang salitang 'pangako' ay parang isang mabigat na instrumentong surgical na nakad
Liana’s POV Kung akala ko ay sapat na ang adrenaline rush ng isang cardiac arrest o ang tensyon ng isang Ethics Committee hearing, nagkakamali ako. Dahil ang makita ang pangalan ng kuya ko—ang kuya kong isang taon kong iniyakan, inalayan ng bulaklak sa sementeryo (na bakante pala?!), at ginawang in







