LOGINNang malaman ni Liana Cruz, isang pediatrician, na buntis siya matapos ang isang spontaneous at passionate na gabi kasama ang isang charming na estranghero, nagdesisyon siyang harapin ang pagiging single mom nang mag-isa. Habang binabalanse ang demanding niyang career at ang hindi inaasahang paglalakbay ng pagiging magulang, determinado siyang palakihin ang anak niya sa sariling paraan. Pero nagbiro ang tadhana nang dumating ang bagong head ng pediatrics sa ospital — si Dr. Adrian Ramirez, ang lalaking hindi niya inakalang makikita pa ulit. Habang patuloy silang nagkakasalubong at muling bumabalik ang spark, kailangang harapin ni Liana ang kanyang takot, damdamin, at ang undeniable na koneksyon sa pagitan ni Adrian at ng kanilang anak. Magagawa bang buksan ni Liana ang puso niya para sa lalaking hindi sinasadyang naging "baby daddy" niya, o pipiliin niyang manatiling malayo para protektahan ang sariling damdamin?
View MoreLiana's POV
Mainit. Maingay. Magulo. Ganito yata talaga ang company outing kapag puro stressed na interns ang pinakawalan sa isang mamahaling resort. Hindi ko alam kung paano ako napapayag sumama rito—o kung bakit ako humawak ng baso ng alak sa unang pagkakataon sa buhay ko. "Liana, cheers!" sigaw ni Sandra, ang mortal kong kaagaw sa atensyon ng mga residente sa ospital. Iniaabot niya sa akin ang baso, nakangiti pero may bahid ng mapanuksong tingin. Napakurap ako. "Uh… cheers?" Hindi naman sa mahina ako sa peer pressure—pero gusto ko na ring matapos ang pang-aasar nilang masyado raw akong seryoso sa buhay. Ang problema, wala akong tolerance sa alak. As in, zero. Kaya naman pagkalipas lang ng ilang tagay, parang lumulutang na ang kaluluwa ko palabas ng katawan ko. "Liana, mukhang kailangan mo na ng tulog," sabi ni Sandra, nakangisi habang hinahatak ako palayo. "Halika, ihahatid na kita." Sa totoo lang, hindi ko na rin alam kung nasaan ako. Basta ang alam ko lang, may nagbukas ng pinto, may malamig na kama, at bumagsak na ako roon nang parang nahulog na saging. O siya, tulog na. Wala nang pakialamanan. --- Ang Misteryosong Paglalakbay (a.k.a. Ang Sleepwalking Incident) Hindi ko alam kung gaano ako katagal natulog, pero bigla akong nakaramdam ng kakaibang lamig. Hindi ito yung tipong "ang sarap matulog" na lamig, kundi ‘yung parang nasa loob ako ng refrigerator. Nag-unat ako. Tapos bumangon. Tapos… naglakad? Wait. Bakit ako naglalakad? Kalahati ng utak ko’y tulog pa rin habang ang kalahati naman ay nagrereklamo kung bakit parang wala akong kontrol sa katawan ko. Hanggang sa mapagtanto kong—ay, putek. Nagse-sleepwalk ako. At parang may sariling isip ang mga paa ko dahil imbes na bumalik sa kama, diretso ito sa pinto. Tapos bumukas. Tapos lumabas. At bago pa ako magkaroon ng matinong desisyon sa buhay ko, nasa ibang kwarto na ako. Sa loob ng isang segundo, tumapat ako sa isang malamig na katawan. Oo, katawan. Kasi naman, may isang lalaking bagong ligo, nakatapis lang ng puting tuwalya, at nagbubuklat ng cellphone sa loob ng kwarto niya. Tumingin siya sa akin. Tumingin ako sa kanya. Nagkatitigan kami. Tapos biglang bumagsak ang tuwalya niya. Napakurap ako. Tapos, sa sobrang lasing ko, wala akong ibang nasabi kundi— "Uy… may nahulog." Napangiwi siya. "Miss… ano'ng ginagawa mo rito?" Tumingala ako sa kanya, nakakunot ang noo, habang nagre-register sa utak ko kung sino siya. Matangkad. Moreno. May katawan pang parang sa mga artista sa Koreanovela. Pero mas matindi ang realization nang marealize kong— Leche. Si Dr. Adrian Ramirez ‘to! Ang Adrian Ramirez na laman ng chismisan sa hospital. Ang Adrian Ramirez na tinutunaw ng titig ng mga nurse at intern. Ang Adrian Ramirez na ngayon ay naka-boxer shorts na lang sa harapan ko. At anong ginawa ko? Nagtaas ako ng daliri at itinuro siya nang may buong confidence. "Alam mo, ang gwapo mo talaga," sabi ko. Nanlaki ang mata niya. Tapos napanganga. Pero ako? Hindi ko na na-process ang reaksyon niya dahil bigla akong napahiga sa kama niya. Literal na natulog. Tapos? Wala na. Blackout. -- Kinabukasan Masakit ang ulo ko. Sobrang sakit, parang ginawang punching bag ng boxing champion. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata—at halos mapatalon nang mapansin kong nasa ibang kwarto ako. At higit sa lahat... may nakahiga sa tabi ko. Si Dr. Adrian Ramirez. Si Dr. Adrian na pantasya ng buong ospital. Ang Adrian na kahit bagong gising ay parang handa nang sumabak sa magazine cover shoot. At ngayon, nakahiga sa tabi ko, nakatalukbong lang ng kumot mula baywang pababa, at nakangiti na para bang siya ang may-ari ng umagang 'to. Anong nangyari kagabi?! Mabigat ang katawan ko, parang nadurog. Naka-oversized shirt ako na halatang hindi akin. Napatingin ako sa ilalim ng kumot Oh. My. God. Wala akong shorts! Napalunok ako. Pakiramdam ko, nanuyo lahat ng laway ko. Dumulas ang tingin ko pabalik kay Adrian. Nakatingin na siya sa akin—gising, alerto, at halatang inabangan ang reaksyon ko. "Good morning," bati niya, boses niya'y malalim at paos, na para bang kagigising lang mula sa napakagandang tulog. "Uh... hi?" pilit kong ngiti. Sumandal siya sa ulunan ng kama, ang mga mata ay naglalaro. "Mukhang pagod ka pa. Medyo... napuyat ka kagabi." "Ha?" Napakurap ako, nagising bigla ang utak ko. "Anong ibig mong sabihin?" Ngumiti siya, 'yung nakakaasar pero nakakaakit. "Hindi mo talaga naaalala?" Napatingin ako sa kanya, napansin ko ang tila gigil na pagtawa sa kanyang labi. "Adrian, ano bang ginawa ko?" Huminga siya nang malalim, parang pinipilit pigilan ang sarili. "Well... una, pumasok ka sa kwarto ko. Laseng na laseng. Sinabihan mo akong ang gwapo ko—salamat, by the way—tapos bigla mo akong hinalikan." Hinalikan ko siya?! "Anong hinalikan?! Hindi totoo 'yan!" Halos tumalon ang boses ko, pero nanginginig. "Oh, totoo," aniya, ang tingin niya diretso sa mga mata ko. "'Yung una, smack lang. Pero nung tinanong kita kung alam mo ba 'yung ginagawa mo... aba, nagwala ka. Hinila mo 'ko pabalik. Medyo... intense." "Intense?!" Halos bumagsak ang panga ko. Lumapit siya—hindi 'yung normal na lapit, kundi 'yung parang alam niyang delikado siya at siya ang pinakamalaking panganib sa kwartong 'to. Napalunok ako. "'Di mo talaga maalala kung paano mo sinabi na... 'Adrian, gusto ko pa'?" PUTANGINA. "Ano?! Hindi ko sinabi 'yan!" Ngumisi siya, 'yung tipong alam mong nag-e-enjoy siya sa pagkapahiya ko. "Well, kung gusto mo, pwede nating ulitin para maalala mo." Huh?! "A-Adrian..." Pero wala akong masabi. Ramdam ko ang init ng hininga niya, malapit na malapit. Ang kamay niya, nakadapo sa baywang ko, mabigat, mainit. "Wala akong maalala..." "Talaga ba?" Bumaba ang tingin niya sa labi ko, bumalik sa mga mata ko. "Kasi kagabi, parang ang dami mong gustong gawin." Parang automatic na tumulak ako palayo, pero hinila niya ako pabalik, mas madiin, mas malapit. 'Yung mga mata niya, nakangisi, nakakaloko. "Liana," bulong niya, halos pabulong sa labi ko, "gusto mo ba talagang maalala kung paano mo ako sinigawan kagabi? O gusto mong mag-focus tayo sa present?" "Adrian! Bro, nandiyan ka ba?!" sigaw ng boses mula sa labas. Nag-freeze kami pareho. Nakatingin siya sa akin, 'yung ngiti niya, 'yung titig niya, parang sinasabi niyang tapos na 'to pero hindi pa talaga tapos 'to. Naglakad siya papunta sa pinto, pero bago pa buksan, lumingon siya pabalik sa akin—'yung mga mata niya, puno ng pangako at hamon. "Babalik ako, sweetheart," bulong niya, nakangisi pa rin. "At tapusin natin 'tong nasimulan." Pagkasara ng pinto, naiwan akong nakaupo sa kama niya, nanlalambot, nanlalamig, pero parang may apoy na kumukulo sa loob. Ano ba talaga ang nangyari kagabi? At anong mangyayari kapag bumalik siya?Liana's POV Nakatayo ako sa may pinto ng kubo, habang ang hangin sa umaga ay nanunuot sa manipis kong suot. Nakita ko ang pag-alis nung matanda—mabilis ang lakad nito kahit kuba na ang likod, tila ba sanay na sanay sa masukal na daan ng probinsya. Si Adrian naman ay nanatiling nakatayo roon, mahigpit ang hawak sa isang pirasong papel na may itim na marka.Hindi ko alam kung bakit, pero kinabahan ako. Parang may kung anong bigat sa hitsura ni Adrian na ayaw niyang ipakita sa akin."Adrian?" tawag ko ulit habang dahan-dahang bumababa sa hagdan na kawayan.Bahagya siyang nagulat. Sa isang mabilis na galaw, isinilid niya ang papel sa bulsa ng kaniyang cargo shorts. Pagharap niya sa akin, wala na ang galit sa kaniyang mukha. Pinalitan na iyon ng kaniyang trademark na ngiting nakakaloko."Gising na pala ang reyna ko," sabi niya. Lumapit siya sa akin at agad akong binuhat nang bahagya para halikan sa noo. "How's your sleep, Sweetheart? Sumipa na ba ang mga babies?"Hindi ako nagpadala
Liana's Pov Nang tuluyan nang makaalis ang van nina Lucas at Sera matapos kaming ihatid, nabalot ng katahimikan ang paligid. Ang tanging naririnig ko lang ay ang huni ng mga kuliglig at ang malakas na paghinga ni Adrian sa tabi ko.Nakatayo kami sa harap ng isang simpleng bahay-kubo. Malinis ito, gawa sa kawayan, at may malapad na balkon. Malayo ito sa ingay ng Maynila, at lalong malayo sa amoy ng gamot sa St. Gabriel’s."Sweetheart, pasok na tayo. Baka lamukin ka rito sa labas," sabi ni Adrian habang bitbit ang dalawang malaking maleta.Pagpasok namin, amoy tuyong damo at kawayan ang loob. Walang aircon, tanging isang lumang electric fan lang na umiiling-iling sa sulok. Napaupo ako sa papag na may makapal na kutson."Adrian, seryoso ba? Isang linggo—o baka higit pa—tayo rito? Kaya mo ba?" tanong ko habang pinapanood siyang magtanggal ng kaniyang mamahaling sapatos.Ngumiti siya nang nakakaloko. "Bakit? Akala mo ba hindi ko kaya ang ganitong buhay? Liana, I can survive anywhere
Victoria's Pov Tumingin ako sa salamin. Ang suot kong puting suit ay tila nagbibigay sa akin ng aura ng isang anghel, kahit na alam ko sa sarili ko na ang impyerno ay naghihintay na sa aking pagbaba. Inayos ko ang aking buhok at dahan-dahang pinunasan ang mga daliri kong nanginginig sa galit.Galit ako dahil nakatakas si Adrian. Galit ako dahil hanggang ngayon, hindi pa rin nahahanap ng aking mga tauhan ang kuta nila."Madam, handa na ang press conference. Ang lahat ng media outlets ay naka-abang na sa auditorium," ulat ng aking assistant."Good. Siguraduhin mong walang makakalabas na kahit anong impormasyon tungkol sa tunay na operasyon ng Project Serendipity. Ngayong araw, isa lang ang bida: Ang pagiging kriminal ni Adrian Ramirez," malamig kong sabi.Naglakad ako palabas ng opisina. Bawat hakbang ng aking high heels ay tila tunog ng hatol. Pagpasok ko sa auditorium, sinalubong ako ng nakakasilaw na mga flash ng camera. Ang mga reporter ay parang mga gutom na buwaya na handang
Liana's POVHinihingal pa rin ako habang nakatingin sa salamin ng banyo. Kung may "Extreme Sports" lang sa loob ng kwarto, sigurado akong gold medalist na kaming dalawa ni Adrian. Pero ang problema, ang mga ebidensya ng aming "gymnastics" ay nakabalandra sa buong leeg at balikat ko."Adrian! Ano ba 'tong ginawa mo? Mukha akong tinubuan ng mga pulang barya dito sa leeg!" sigaw ko habang pilit na tinatakpan ng concealer ang mga hickey. Pero kahit anong kapal ng make-up, parang lalong nagliliwanag ang mga marka.Pumasok si Adrian sa banyo, walang suot na pang-itaas, at bakas sa likod niya ang mga kalmot na iniwan ko kanina. Nakakaloko ang ngiti niya. "Sweetheart, those are badges of honor. Bakit mo tinatakpan? It shows everyone that you are strictly off-limits.""Honor mo mukha mo! Nandyan sina Kuya Lucas sa labas! Kapag nakita nila 'to, baka operahan ka ni Kuya nang walang anesthesia!" bulyaw ko sa kaniya.Dahil wala akong choice, kinalap ko ang isang silk scarf sa gamit ko at itin
Adrian’s POVNakahinga rin ako nang maluwag. Makalipas ang isang linggo ng pagiging "pasyente ng taon," sa wakas ay pinayagan na akong lumabas ng ospital. Siyempre, bago ang bakbakan sa Internal Medicine kasama si Tita Victoria, kailangan ko munang gawin ang pinaka-importanteng operasyon sa buhay
Adrian's POV Kinabukasn St. Gabriel's Hospital Naka-scrubs ako, naka-mask, at mabilis na naglalakad sa hallway. Naka-deploy na ang mga tauhan ni Sera sa paligid. Ang target: OR 7. Doon gaganapin ang ilegal na operasyon. Pumasok ako sa scrub room. Nakita ko si Philip na naghahanda na rin. "Ad
Adrian’s POV "Pangako." Iyon ang huling salitang binitawan ko kay Liana bago ko isara ang pinto ng bahay nila. Pero habang naglalakad ako sa likod ni Lucas at ni Detective Reyes patungo sa nakaparadang itim na SUV, ang salitang 'pangako' ay parang isang mabigat na instrumentong surgical na nakad
Liana’s POV Kung akala ko ay sapat na ang adrenaline rush ng isang cardiac arrest o ang tensyon ng isang Ethics Committee hearing, nagkakamali ako. Dahil ang makita ang pangalan ng kuya ko—ang kuya kong isang taon kong iniyakan, inalayan ng bulaklak sa sementeryo (na bakante pala?!), at ginawang in












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore