Share

Chapter 4

Author: serendipity
last update publish date: 2025-04-14 21:15:21

Chapter 4 – Ang Multo sa CCTV

Liana’s POV

“Liana, please… pag-usapan natin ‘to.”

Patuloy ang katok ni Miguel sa pinto ko. Ramdam ko ang tensyon sa dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakakaba—ang possible breakup confrontation, o ang possibility na nakita niya akong lumabas ng kwarto ni Dr. Adrian Ramirez.

I mean… kung nakita niya ‘yon, patay talaga ako. Sa career, sa pride, sa future husband dreams ko.

Tumayo ako, nanginginig ang tuhod.

Kalma, Liana. Kayang-kaya mo ‘to.

Kinuha ko ang cellphone ko at binasa ulit ang last message ni Adrian:

“Just say the word, Liana. I’ll make sure hindi ka na niya guguluhin.”

Grabe ‘tong doctor na ‘to. Parang action star.

Nag-reply ako agad:

“Don’t. Ako na. I got this.”

Lumapit ako sa pinto, huminga nang malalim, at binuksan ito.

Bumungad sa akin si Miguel—guwapo pa rin, pormal ang suot, pero halatang puyat. May hawak siyang supot ng donuts. Manipulative ang approach, ha? Donuts agad?

“Hi,” sabi niya, mahina.

“Hi din,” sagot ko, malamig. Wala akong energy for drama.

“Can we talk?” tanong niya, para siyang batang gustong pumasok sa bahay ng kalaro.

“Dito na lang,” sagot ko. Tumayo ako sa tapat ng pinto. Arms crossed.

Tahimik siya sandali, tapos tinapunan ako ng tingin na parang may sasabihin pero nahihirapan.

“Liana… nakita kita kagabi.”

Ayan na nga ba.

Kinagat ko ang loob ng pisngi ko para di mapamura.

“Saan?” tanong ko, kunwari clueless.

“Sa… sa CCTV. Sa lounge. Lumabas ka ng kwarto ni Dr. Ramirez. May dala kang bedsheet… tapos—”

“Tapos mukha akong multo,” putol ko, sabay tawa. “Grabe ‘yung gulat ni Nurse Jessa, ‘no? Tumakbo talaga siya!”

Hindi siya natawa. Tinignan niya lang ako—diretso sa mata. Serious face. Hurt face.

“Liana, anong meron sa inyo ni Dr. Ramirez?”

Pucha. Wala man lang warm up?!

Nagpalit ako ng stance. Inangat ko ang isang kilay.

“May masama ba kung nagstay ako sa kwarto niya?”

“Hindi ‘yun ang point. Ang point, bakit hindi mo sinabi sa’kin? Akala ko tayo pa rin.”

At ‘yan ang linya ng mga lalaking walang right magtampo pero nagmamagaling.

“Miguel, we broke up three months ago. Ikaw ang nakipag-break. Hindi ko kailangang mag-explain sa’yo.”

Napayuko siya. Tapos tiningnan ulit ako.

“Pero Liana, mahal pa rin kita.”

Boom. There it is. The comeback line.

“Miguel…” Lumapit ako sa kanya, tinapik ko ang balikat niya.

“…may donut ka pa diyan?”

“Ha?” nalito siya.

“Kasi kung wala kang bagong i-ooffer maliban sa ‘mahal pa rin kita,’ hindi sapat ‘yon. Hindi ako donut na puwede mong balikan anytime. Hindi ako spare tire. Hindi ako—”

“Okay, gets ko na,” putol niya, halatang nasaktan.

“Good.” Sabay sara ko ng pinto.

Pagkatalikod ko, nanginginig ang tuhod ko. Grabe ‘yon. Akala ko ako ‘yung maiiyak, pero in fairness, ako pa ang nagpasara ng pinto.

Bago pa ako makasigaw ng “YES GIRL POWER!” sa loob ng kwarto, may biglang kumatok ulit.

Aba, ayaw pa rin tumigil si Miguel?

Pero pagbukas ko ng pinto—si Adrian. May hawak na paper bag.

“Peace offering,” aniya, sabay pakita ng kape at egg sandwich.

“Pinadala mo ‘yung CCTV footage kay Miguel?” tanong ko agad.

“Of course not. But I reviewed the footage… and, well, napaka-creative mo pala. Zombie? Really?”

Napapikit ako sa hiya. “Ayoko na pag-usapan ‘yon…”

Pero ngumiti siya. Yung ngiti na parang… proud pa siya.

“You were brilliant. I mean, I’d date a ninja-zombie hybrid anytime.”

“Tigil-tigilan mo nga ako diyan,” sagot ko, pero hindi ko mapigilan ‘yung kilig sa loob.

Tinanggap ko ang sandwich. Umupo kami sa maliit na mesa ng kwarto ko. Tahimik kami habang kumakain, pero hindi ‘yung awkward silence—yung comfortable kind.

“Liana…” panimula niya.

“Tungkol sa nangyari sa’tin…”

Tumingin ako sa kanya. Nakatitig siya sa akin na parang may sasabihin na mahalaga.

“Kung ayaw mong may mangyari ulit, I’ll respect that. Pero kung ako lang ang tatanungin…”

“Gusto mo maulit?” tanong ko, diretsahan.

“Hindi lang maulit. Gusto kong makilala ka pa. Gusto kong malaman kung bakit ka takot sa frog plushies, kung bakit lima ang alarm mo tuwing umaga, at kung bakit mo ginagawang comfort food ang isaw.”

Napangiti ako. Pucha. Pa-deep si Doc.

“Ano ‘to, doc? Pang-W*****d?”

“Pang-true story,” sagot niya, sabay tayo. “Pero may isa lang akong tanong.”

“Ano na naman ‘to?” tanong ko habang ngumunguya.

“Puwede ba akong manligaw?”

BOOM.

Nabilaukan ako sa egg sandwich. Umubo ako ng ilang beses bago nainom ang natitirang kape.

“Ha?!” halos sabay ng ubo ko.

Ngumiti lang siya. “May CPR certification ako, kung kailangan mo.”

Lintek. Charming pa rin kahit ina-attack na ako.

“Hindi pa nga ako sure kung may feelings ako, tapos biglang manliligaw?” tanong ko, pero malambot ang boses ko.

“Eh ‘di kilalanin mo muna ako,” sagot niya.

Nagkatinginan kami. Tapos pareho kaming natawa.

“Doc…” sabi ko, “Paano ‘pag may makaalam?”

“Let them,” sagot niya, simple lang.

Pero kinabukasan, hindi lang “may nakaalam.” Lahat ng tao sa ospital, alam na.

Pagpasok ko sa lounge, lahat nakatingin sa akin. Tapos biglang may nag-play ng creepy music mula sa cellphone ni Nurse Jessa.

“Ay! Ang multo sa CCTV, dumating na!” sigaw ni Marco, yung janitor na mahilig sa chismis.

“Gusto mo ba ng bedsheet, ma’am?” sabay alok ni Jessa, may bedsheet talaga siya.

Halos lumubog ako sa kahihiyan. Bakit ba may CCTV?! Bakit ba ako nag-bedsheet zombie?!

Pilit kong ini-ignore lahat, pero biglang dumating si Adrian—white coat, confident walk, at may hawak pang clipboard.

Tapos tumayo siya sa gitna ng lounge.

“Kung meron mang multo sa ospital na ‘to, ako ang unang magpapalagay ng CCTV sa lahat ng kwarto para lang makita ulit siya.”

OH. MY. GAWD.

Tumili ang buong nurses' station. Si Jessa napa-squat sa kilig. Ako?

Nalaglag ‘yung kape ko.

“Adrian!” sigaw ko. “Tumigil ka!”

Nilapitan niya ako. “I just want to be clear. You’re mine. Kahit ilang bedsheet pa itago mo, makikita at makikita pa rin kita.”

At bago ako makapalag—hinawakan niya kamay ko. In public. Sa lounge. Sa harap ng CCTV.

OH NO.

OH YES.

At habang hawak niya ang kamay ko, narinig kong may nag-flash ng camera.

Sumunod-sunod ang clicks. Parang paparazzi sa gitna ng ospital.

“Uy, uy, uy! May bagong love team sa St. Gabriel's!” sigaw ni Marco, may hawak nang cellphone na nakatutok sa amin.

“Live ‘to, guys. As in naka-live!” bulong ni Jessa, sabay turo sa phone niya.

“Wait, anong live?!” gulat kong tanong.

Tumango si Marco. “F******k Live, girl. As in, buong ospital, pati board of directors… nanonood na.”

At doon na ako napalunok.

PUTOK NA PUTOK NA.

Paano ko ‘to malulunok?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Doctor's Secret Baby   Chapter 16

    Liana’s POV​May kakaibang bigat sa aking mga pilik-mata, parang may nakadagan na semento sa bawat pagkurap ko. Ang huling rehistro sa utak ko ay ang nakapanindig-balahibong lamig ng dulo ng karayom ni Tita Victoria sa hallway at ang mukha niyang parang estatwa bago ako tuluyang nilamon ng dilim.​Pero pagdilat ko, hindi puting kisame ng ER ang bumungad sa akin.​Madilim ang paligid, maliban sa isang maliit na lamp sa sulok na naglalabas ng madilaw at mainit na liwanag. Amoy sandalwood. Amoy peppermint. Amoy... Adrian.​"Gising ka na."​Napabaling ang tingin ko sa gilid. Nakaupo si Adrian sa isang malapad na leather chair, ang kanyang puting coat ay nakasampay lang sa likod niyon. Ang kanyang mga manggas ay nakatupi hanggang siko, na nagpapakita ng kanyang mga ugat sa braso—isang pamilyar na tanawin na laging nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Pero ngayon, ang kanyang mga mata ay tila pagod at nag-aapoy sa isang emosyon na hindi ko mawari kung galit o purong pag-aalala.​Nagtangka ako

  • The Doctor's Secret Baby   Chapter 15

    Liana’s POV​Kung akala ko ay nakakatakot ang makita ang "V" sticker sa madilim na parking lot kagabi, mas nakakatakot pala ang makita ang may-ari ng sticker na iyon sa ilalim ng maliwanag na fluorescent lights ng Internal Medicine Department.​Alas-syete pa lang ng umaga, pero pakiramdam ko ay alas-syete na ng gabi sa pagod. Nakatayo ako sa harap ng isang malaking double door na may gold plate na nakaukit: DR. VICTORIA RAMIREZ – DEPARTMENT HEAD.​"Liana, kaya mo 'to. Breathe in, breathe out. Zombie mode: OFF. Professional Intern mode: ON," bulong ko sa sarili ko habang inaayos ang kwelyo ng scrubs ko.​Pero bago ko pa mahawakan ang doorknob, bigla itong bumukas. Isang babaeng nasa late 40s, nakasuot ng salamin na kasing talas ng tingin niya, at may aura na parang kayang magpalamig ng kape sa isang sulyap lang, ang bumungad sa akin.​Si Dr. Victoria Ramirez. Ang "Iron Lady" ng St. Gabriel’s. At ang Tita ng lalaking mahal ko.​"You're late by forty-five seconds, Ms. Cruz," bungad niya.

  • The Doctor's Secret Baby   Chapter 14

    Adrian’s POV​Nakahinga rin ako nang maluwag. Makalipas ang isang linggo ng pagiging "pasyente ng taon," sa wakas ay pinayagan na akong lumabas ng ospital. Siyempre, bago ang bakbakan sa Internal Medicine kasama si Tita Victoria, kailangan ko munang gawin ang pinaka-importanteng operasyon sa buhay ko: ang aming Official First Date.​Walang scalpel. Walang scrubs. Walang duguang vial. Just me, a clean polo shirt, and a reservation sa isang tahimik na bistro na malayo sa St. Gabriel’s.​O, iyon ang akala ko.​"Liana, bakit ka lilingon-lingon sa likod? May stiff neck ka ba?" tanong ko habang naglalakad kami sa mall.​Si Liana, na mukhang tao na ulit dahil hindi naka-zombie mode (naka-floral dress siya na lalong nagpa-emphasize kung bakit "Serendipity" ang pangalan niya—ang ganda, eh), ay biglang yumuko at nagtago sa likod ng braso ko.​"Adrian, don't look now, pero sa bandang National Bookstore... yung lalaking naka-hoodie na baligtad yung suot? At yung babaeng kunwari nagbabasa ng magaz

  • The Doctor's Secret Baby   Chapter 13

    Adrian’s POV​“Adrian! Huwag kang mamamatay! Hindi ko pa alam kung paano mag-file ng tax!" Adrian!”​Iyon ang huling narinig ko bago ako tuluyang lamunin ng dilim. Akala ko, iyon na ang dulo. Akala ko, sa isang madilim na OR 7 matatapos ang gwapong existence ni Dr. Adrian Ramirez. Pero hindi. Dahil ang susunod na naramdaman ko ay ang pamilyar na amoy ng disinfectant at ang boses ni Liana na parang sirang plaka sa tabi ko.​Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Puti. Masyadong maliwanag.​“Gising na siya! Doc! Gising na ang pasyente nating pa-hero!” sigaw ni Liana.​Sinubukan kong bumangon, pero agad na kumitid ang mundo ko dahil sa hapdi sa tagiliran ko. “Aray... Liana, dahan-dahan. Yung image ko as a cool surgeon, baka mabasag.”​“Anong cool surgeon? Adrian, muntik ka nang maging cold storage!” maktol niya. Namumula ang mga mata niya sa kaiiyak, pero ang daldal pa rin. “Saka, anong drama yung itutulak mo ako palayo? Akala mo ba nasa Titanic tayo? Hindi ka si Jack, at hindi ako

  • The Doctor's Secret Baby   Chapter 12

    Adrian's POV Kinabukasn St. Gabriel's Hospital ​Naka-scrubs ako, naka-mask, at mabilis na naglalakad sa hallway. Naka-deploy na ang mga tauhan ni Sera sa paligid. Ang target: OR 7. Doon gaganapin ang ilegal na operasyon. ​Pumasok ako sa scrub room. Nakita ko si Philip na naghahanda na rin. ​"Adrian? Akala ko ba naka-leave ka?" tanong ni Philip, ang boses ay kalmado pero bakas ang kaba sa kanyang mga mata. ​"I couldn't stay away, Philip. May emergency case na dumating. Isang bata," sagot ko habang naghuhugas ng kamay. "Ikaw, bakit ikaw ang nasa OR 7? Wala sa schedule mo 'to." ​"Special request ng Board, Adrian. Alam mo naman, kailangan nating sumunod." ​Tiningnan ko siya sa mata sa pamamagitan ng salamin. "Special request? O special harvest?" ​Napatigil si Philip. Ang katahimikan sa scrub room ay naging nakakabingi. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang brush. ​"Masyado kang matalino para sa sarili mong kabutihan, Adrian. Sabi ko naman sa'yo, 'wag ka nang makialam. Sana nag

  • The Doctor's Secret Baby   Chapter 11

    Adrian’s POV ​"Pangako." ​Iyon ang huling salitang binitawan ko kay Liana bago ko isara ang pinto ng bahay nila. Pero habang naglalakad ako sa likod ni Lucas at ni Detective Reyes patungo sa nakaparadang itim na SUV, ang salitang 'pangako' ay parang isang mabigat na instrumentong surgical na nakadagan sa dibdib ko. ​Bilang surgeon, sanay akong mag-handle ng pressure. Sanay akong makakita ng bumubulwak na dugo, tumitigil na tibok ng puso, at umiiyak na pamilya. Pero ang pumasok muli sa isang mundong akala ko ay tinapos na namin ni Lucas sa Ethics Committee hearing? Iba ang kaba nito. Ito yung tipo ng kaba na hindi mo kayang gamutin ng kahit anong sedatives. ​"Adrian, pasok," maikling utos ni Lucas. ​Naupo ako sa backseat habang si Lucas ay sa tabi ni Detective Reyes na siyang nagmamaneho. Tahimik ang loob ng sasakyan. Tanging ang ugong ng makina at ang pag-ulan sa labas ang naririnig. Tiningnan ko ang mga kamay ko—ang mga kamay na kanina lang ay humahawak sa malambot na palad ni Li

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status