Nasugbu, Batangas
"Thank you," sabi ni Hillary sa resort staff na naghatid sa kanya sa reception ng kasal. Bitbit niya sa kanang kamay ang katamtamang laking paper bag na pinaglalagyan ng regalo, sa kaliwang kamay naman ang kanyang purse.
Sinadya niyang magpahuli para hindi saksihan ang seremonya ng pagpapalitan ng wedding vows dahil... Well, kailangan pa ba niyang sabihin ang dahilan?
Magiging isang negative energy lang siya kung sakali na panay ang lihim na pagkokomento. Magkakasala lang siya. Napilitan lang talaga siyang pumunta sa reception dahil bukod sa nakaoo na ay mapilit din ang kanyang ina. Hindi ito papayag na hindi siya um-attend.
Isa pa, noong isang araw ay tinawagan pa siya ni Johanna ng tatlong beses para lamang kumpirmahin ang pag-attend niya.
Beach wedding ang kasal ni Johanna. Lumaki si Hillary sa Batangas kaya alam niya na mamahalin ang resort na iyon.
Nakikisama din ang panahon, makulimlim at hindi maalinsangan. At ang setup sa dalampasigan ay napakaganda. Nasa dalampasigan ang man-made altar, nasa unahan ng wooden gazebo na napapalibutan ng manipis na lace curtains at ibat ibang klase ng bulaklak na puti at lilac ang kulay.
Sa daanan ay nakasabog ang mga bulaklak na may ganoon ding kulay. White and lilac, 'yon ang motif ng kasal. Sa magkabilang gilid ay magulo na ang mga hanay ng upuan, palatandaan na tapos nang gamitin.
Hindi lang ang kulay na isinasabog ng papalubog na araw at ang kalmadong dagat ang kaakit-akit sa background, pati na rin ang mga isla sa kabilang dako pa roon. Hindi kalayuan ay ang reception
area sa sang open pavilion.Lumapit si Hillary sa open pavilion na ang pathway ay nasasabugan ng mga petals ng white roses, at orchids na mukhang imported pa sa ganda ng klase.
Nang nasa entrada na ng pavilion, agad natawag ang atensiyon niya ng mga lumalaylay na ibat ibang klase ng ferns at orchids sa kisame, kasama ang ilang mamahaling chandelier at ilaw. Ang mga silya at mesa ay nababalutan ng kulay-puti at purple na tela.
Hindi siya sigurado kung fairy tale ang theme ng kasal pero may kakaibang magic ang lugar. O siguro 'yon ang magic na ibinibigay ng tinatawag na pag-ibig. Mukhang mayaman talaga ang napangasawa ni Johanna.
Balita ni Hillary, ay si Wendy, kaibigan nila, ang wedding coordinator sa kasal. Hindi na siya nagulat.
Why? Wendy was a hopeless romantic. Noon pa manay mahilig na ito sa mga kuwentong pag-ibig at sa mga happy ending.Sa mabilis na paggala ng kanyang paningin ay nakita niyang abala sa pakikipagkuwentuhan ang mga bisita. Agad din niyang namataan ang mga bagong kasal na abala sa pakikipag-usap sa mga bisita.
Johanna looked so lovely in her wedding dress.
"Hillary!" masayang bati sa kanya ng bride nang tumingin sa direksiyon niya. Lumapit ito sa kanya, hila-hila ang asawa nito.
"Akala ko hindi kana sisipot."
"Sorry, ha. May prior commitment din kasi ako na hindi puwedeng hindi ko siputin," nakangiting pagdadahilan niya, saka nakipagbeso.
"My God! You're a goddess!"
"Thanks. Oh, Hillary, meet my Prince Charming, Devon Thompson..." nagniningning ang mga matang
pakilala ni Hillary sa asawa."Sweetheart, this beauty here is named Johanna. She's one of my high school friends, close friends!"
Nagbatian sila ni Devon. In all fairness, kung ano ang nakikita niyang ningning sa mga mata ni Johanna ay ganoon din ang nakikita niyang ningning sa mga mata ni Devon.
Pagkatapos ng ilang minuto ay may tumawag sa atensiyon ng lalaki. Maayos itong nagpaalam sa kanila ni Johanna.
"Congratulations!" muling pagbati niya sa kaibigan. Kahit ang gusto talaga niyang sabihin ay Good luck.
Good luck sa pagpapa-sakal, sa pagkuha ng pasakit.
"Here." Iniabot niya rito ang bitbit na regalo.
"Thank you." Tinanggap iyon ni Johanna at ipinasa sa babaeng nasa likuran nito, pagkatapos ay hinawakan ang braso niya.
"Come in, come in. Narito na rin sina Sienna at Wendy. Sayang at nasa bang bansa si Gina, hindi makakauwi. Conflict daw sa schedule. Naalala mo pa sila, 'di ba?"
"Siyempre naman, naaalala ko pa sila." Base sa naaalala niya, si Gina ang pinakamayaman at galante, si Wendy ang fashionista, trendsetter, at medyo flirt. Si Sienna naman ay okay rin, maganda at
matalino at mas malapit kay Wendy. Johanna was the ugly-duckling. At siya ang aloof at laging gustong mapag-isa.Muli niya itong sinulyapan. "You really looks radiant," papuri niya. Sa pagkakataong iyon ay galing iyon sa kanyang puso. May kung anong kislap sa mga mata ni Johanna na nagre-reflect sa buong aura nito.
Para bang ang saya-saya ng babae. Isang klase ng saya na hindi siya sigurado kung nadama na ba niya. Parang hindi pa. Wala siyang natatandaan na pagkakataon na naging napakasaya niya.
"Mabihag ko ba naman ang pinakaguwapong lalaki sa balat ng lupa, sino ang hindi liligaya?" natatawang
sagot nito habang naglalakad sila."Anyway, how about you? Wala pa ba?"
Oh-oh... Hanggang dito ba naman?
"I don't know, walang magkagusto sa akin, eh."
Tiningnan siya ni Johanna na para bang galing siya sa ibang planeta. "Nagbibiro ka ba, Hillary? Kahit nga noong high school pa tayo, pansinin ka na rin ng mga boys. Nagpapalipad-hangin pa nga noon sa'yo ang captain ball noon na si Alex, 'di ba? Kahit na nga ba may-pagka-aloof ka. Pero huwag kang mag-alala..."
Hininaan nito ang boses. "Sa 'yo ko patatamain ang bouquet. So you'll get married next. 'Di ba sabi nila, kung sino ang makakasalo ng wedding bouquet, siya ang sunod na ikakasal?"
Naumid siya at hindi makuhang sumagot. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiinis sa sinabi ng kaibigan.
Nakarating na sila sa isang mesa. "Guys..." ,nakangiting tawag-pansin ni Johanna sa mga nasa mesa.
"Look who's here..."
"Hillary!" parang iisang boses na sabi ng mga kaklase niya na sina Wendy at Sienna. Nakita pa niya ang pagkagulat sa mga mata nito na agad din naman siyang sinalubong.
"Hi." aniya bago nakipagbeso-beso sa dalawa.
Nagtuloy-tuloy na ang kumustahan hanggang sa iwan na sila ni Johanna para asikasuhin naman nito ang iba pang mga bisita.
Bumuntong-hininga si Hillary pagkatapos niyang ikuwento kay Seven ang dahilan kung bakit tinanggihan niya ito noong una.Naroon sila ni Seven sa upper deck at pinanonood ang kagandahan ngpapalubog na araw. Nakakapit siya sa railing habang si Seven ay nasa likuran niya at nakayakap sa kanya."Na-realize ko na kung gusto kong lumigaya, I should not live in the past. I should not dwell on themistakes of yesterday. That sometimes you have totake chances... Mas mabuti raw kasi iyong sumugal atlumaban kaysa magsisisi at manghinayang sa mga oras na hindi na maibabalik pa. Kapag kasi hindi ka sumugal, ibig sabihin talo ka agad. Kapag sumugal ka, may chance ka pang manalo."Humigpit ang yakap ni Seven. Ipinatong nito angulo sa kanyang balikat. "Hindi mauulit 'yon, sweetheart. Dahil tulad ng naranasan ko, gusto ko ring lumaki sa isang masaya at may pagmamahal na tahanan ang mga magiging anak ko. Hindi ka mabubuhay sa takot, hindi ka mangangam
"Ano 'yan?" nakakunot-noong tanong ni Hillarykay Seven na ayaw pa ring pakawalan ang kamay niya.Pagkagaling sa exhibit ay sa isang pantalan sivadinala ng binata. Tahimik lang sila sa biyahe. Hinayaan lang nila na ang mga mata nila ang mag-usap. They shared knowing glances and heartfelt smiles. At hindi lang iilang beses na itinabi at inihinto ni Seven ang sasakyan para makapagsalo sila sa isang mainit na halik."Hindi mo ba alam na yate ang tawag diyan?" nakataas ang kilay pero nagbibiro na sagot ng binata.Alam naman nito na ang pangalan ng yate ang tinutukoy niya. Pangalan niya ang malinaw na nakasulat doon.Gamit ang libreng kamay, pinisil niya ang ilong ni Seven."Aw," kunwari ay reklamo nito."Ilang oras pa lang tayong magkasama pero lamog na lamog na ako sa'yo. Kanina mo pa ako pinipisil at kinukurot.""Na-miss kita, eh," sagot niya, saka sinimangutan ito."You are so unfair. Nakasubaybay ka pala sa akin, tap
"H-Hillary..." may pananabik na sabi ni Seven, kumikislap ang nanunubig na mga mata.Alam ni Hillary na luha iyon, naiipong luha. Parangkinokontrol nito ang sarili na huwag tawirin angdistansiyang naghihiwalay sa kanilang dalawa."I... ah..." Hindi mahagilap ni Hillary ang boses.Nangingilid ang mga luha sa mga mata. Ngayon niyalubusang na-realize kung gaano niya pinananabikansi Seven. Gusto niya itong yakapin nang mahigpit atsabihing handa na siyang sumugal. Na na-realize niya na mas wala siyang katahimikan noong mawalay siya sa binata.Tuluyang tumulo ang mga luha niya. "C-Chloe d-dragged me here," sabi niya sa kawalan ng sasabihin.Kinagat niya ang dila para makontrol kahit paano ang emosyon. Pero nabigo siya dahil hindi naawat ang kanyang mga luha."Pinakiusapan ko siyang gawin iyon," sagot ni Seven, taas-baba ang Adam's apple.Napakaguwapo nito sa suot na three-piece suit. And God! The em
"Tinitingnan ba nila ako o paranoid lang ako?" sabi ni Hillary kay Chloe patungkol sa mga taong nakakasalubong nila na tumitingin sa kanya.Tinawagan siya ni Chloe kagabi at nagsabing samahan niya ito sa lakad nito. Dahil mukhang hindi tatanggap ng pagtanggi, walang nagawa si Hillary kundi ay ang pumayag. Sinundo siya ni Chloe bandang alas-diyes ng umaga.Because her mind was preoccupied, ang natandaan lang niya ay pumunta sila sa isang five-star hotel. Ngayon ay naglalakad sila sa isang hallway na hindi niya alam kung saan papunta.Tatlong araw na ang nakalipas. Nakalabas na ngospital ang ina ni Hillary. Higit sa lahat, nakadalawna rin siya sa puntod ng ama at nakapaglabas ng lahat ng sama ng loob. Ibinigay niya rito ang kapatawaran. Nakakamangha kung paanong pagkatapos niyon ay napakagaan ng kanyang pakiramdam. Wala nang pait, walang galit. Parang sa isang kisap-mata ay naghilom at tuluyang gumaling ang sugat ng kanyang pagkatao.Kung mayroo
"Hey, what are you doing here?" sabi ni Chloe na kumuha sa atensiyon ni Hillary.Pagkatapos nilang mag-usap ay nakatulog ang kanyang ina. Ipinasya niyang lumabas ng silid paramagmuni-muni at timbangin an mga bagay-bagay.Nakatayo siya sa salaming dinging sa dulo ng hallway. Kahit nakatanaw sa labas, wala roon ang kanyang atensiyon dahil okupadong-okupado ang kanyang isip.Nilingon niya ang kaibigan. May bitbit itong basketna puno ng prutas at mga bulaklak.Hinalikan siya ni Chloe sa pisngi. "Kumusta siNanay?""She's fine. Natutulog. Gusto na gang lumabas. Pinangakuan ko na lang na bukas na bukas din, ilalabas ko na siya. Pero sa ngayon 'kako, kailangan niyang magpahinga."Lumapit sila sa upuan at naupo sila roon ni Chloe."Alam mong kailangan mo ring magpahinga," anito, ipinapaalala sa kanya ang kalagayan niya."Iwasan mong ma-stress. Iwasan mong mag-isip nang mag-isip.""H-hindi ko mapigilang mag
Ang haplos sa nakayukong ulo ni Hillary sa kinahihigaang hospital bed ng kanyang ina ang gumising sa kanya."N-Nay," agad na sabi niya."Kumusta ho ang pakiramdam n'yo?" nag-aalalang tanong niya.Salamat sa Diyos at naisugod agad nila ito sa ospital, naagapan ang sana ay atake sa puso. Well, dapat ding pasalamatan si Seven dahil naroon ito at hindi nataranta.Dumating sila sa ospital sa tamang oras dahil sa binata. Sila kasi ni Chloe ay parehong natataranta at hindi alam ang gagawin."Sshh... she'll make it," pag-alo sa kanya ni Seven habang ang kanyang ina ay inaasikaso na ng mga doktor.Hillary was trembling and crying so hard. Hindi niyamapapatawad ang sarili kapag may masamang nangyari sa nanay niya.Hindi tumutol si Hillary nang yakapin siya ni Seven. Marahang hinaplos nito ang kanyang likod. Haplos na kumakalma sa kanyang kalooban. Muli siyang nakadama ng seguridad sa mga bisig na iyon. Para bang may karamay na, may