Home / Romance / The Elusive Billionaire Has Fallen / Chapter 5: Ang Kakaibang Sakit

Share

Chapter 5: Ang Kakaibang Sakit

Author: Epiphanywife
last update Last Updated: 2024-11-14 11:55:22

Hindi nagawang matulog ni Anika ng gabing iyun, ginigising kase siya ng kanyang mga bangongot palagi. Samahan pa ng kanyang mga pangamba.

Sa totoo lang natatakot si Anika na matulog dahil baka pag gising niya kapag sumikat na ang araw ay magising siya na ang  kanyang kapatid na babae ay tuluyang pumikit habang buhay.

Kinaumagahan ay inasikaso niya si Angela, hindi pa kase umuuwi anh kanilang ina. Madalas itong sagad sa trabaho at nag oovertime. Panggabi ang trabaho nito at kadalasan hapon na kinabukasan ang uwi at dahil pagod ay nakakatulog agad.

Kaya ng araw na iyong ay magisa niyang inasikaso si Angela, pagkatapos ay nagtawag siya ng taxi at isinakay ito. Dinala niya ang kapatid sa isang mamahaling western restaurant.

Hindi mapakali si Angela, hindi niya malaman kung saan ilalagay ang mga kamay at paa hanggang sa umupo na sila sa lamesa. Napakagara kase ng lugar at nakakailang pumasok.

Ang malamyos na tunog ng piano ay kaaya aya sa pandinig ni Angela ngunit ng muli niyang igala ang paningin ay tuluyan na niyang naramdaman ang pagkailang. Para kasing hindi sila nababagay sa lugar na iyon.Ultimo kase kasuotan nila ay parang hindi akma sa lugar.

Isang bote ng champaign ang nakalagay sa isang malalim na jar  na maraming yelo at diagonally naka handa sa gitna ng lamesa nila, muli na namang nakadama ng pagkailang si Angela.

"Ate, kung sa ibang lugar na lang kaya tayo kumain, mukha kasing napakamahal dito eh!" Sabi ni Angela.

"Bakit ayaw mo ba dito? Umorder na ako eh" ngumiti siya sa kapatid sabay inabot ang menu sa waiter.

"Huwag kang mag alala may discount coupon ako dito kaya hindi naman mahal, kaya wag kang magisip ng kung anu-ano. E-enjoy na lang nating kumain ha" pangungumbinsi niya sa kapatid.

"Is that all ma'am"  tanong nng waiter.

"Yes, padala na lamang agad ng tubig" sagot ni Anika. Matapos kunin ang menu at kanilang order ay umalis na din agad ang waiter.

Kakaibang ingay mula sa pinto ang tumawag ng atensiyon ni Anika kaya hindi naiwasang lingunin niya ang mga bagong dating. Parang binihusan ng malamig na tubig si Anina ng makitang isa sa mga pumasok ay walan iba kundi si  Lyndon na napapalibutan ng ilan pang mga kasama.

Ang kaba at hiya ay biglang dumaloy sa dugo ni Anika kaya inalis agad niya ang tingin sa pinto at yumuko at hindi na muling nagangat ng ulo pa upang hinid mapansin ng lalaki at makilala ng bagong dating.

Ngunit sa kanyang pagkakayuko ay sinimplehsang silip ni Anika ang lalaking pumasok.  Napaka kisig nito sa kasuotan at talaga namang hindi maitatanggi ang angking  kaguwapuhan ng mukha nito lalo na at binabagayan ng makapal na kilay at mga titig na tila kayang magpatumba ng lahat ng kalaban.

Minsan na siyang naging biktima ng noon ng mga matang nangungusap nito. Si Lyndon nang tipo ng lalaking kahit walang gawin , tatayo lamang sa isang sulok ay grasya ang lalapit. maguunahan at mamgpapaptayan ang mga baba makalapit lamang dito.

Samantalang, naalarma naman si Angela ng isang hindi pamilyar na bulto ang tumayo sa harap nila. Mayroon itong mahahabang binti na nagpapahiwatig na matangkad ang taong nasa harap. Pag angat ng tingin ni Angela at nakita niya ang isang maladiyos na kaguwapuhan ngunit masamang nakatitig sa kanila. Nenerbiyos si Angela kaya bumulong sa kapatid na nakayuko lamang.

"Ate, may lalaking nakatayo sa harap natin at titig na titig siya sa iyo. Kilala mo  ba siya?" nagulat si Anika ng sabihin ng kapatid na nasa harap nila ang lalaki.

Hindi siya nagkaroon ng lakas ng loob sabihin na kilala niya ito lalo namang hindi niya kayang tumingin at sabihing oo kilala niya ito. Naguguluhan si Anika kung paano sasagutin ang kapatid pero  naglakas ng loob siyang harapin nang sitwasyun kaya nag angat ng ulo si Anika.

"Sir Lyndon? wow hindi ko inaasahan  nba makiita ka di..." bago pa man matapos ng dalaga sa sasabihin pa sana ay pinutol na ito ni Lyndon at nagsalita sa harap nila.

"Paanong nakapasok ang mga tuald nyo sa lugar na ito?" sabi nito sabay iginala ang paningin "Hindi ko akalaing nagpapapasok pala bng kung sino sino lamang ang  restaurant na ito" sabi pa ni Lyndon sabay mabilis na umalis sa harap nila.

Halos mamutla si  Anika  dahil sa pagkapahiya sa mga salitang iyon ni Lyndon.Tagusan ang insulto nito sa kanya na ikinayuko na lamang ni Anika.

"Ate...." may pagaalala sa mga mata ni Angela. Gusto sana ni Anika na sabihin sa kapatid na huwag itong pansinin dahil isa lamang itong sira ulong papansin ay hindi niya magawa dahil ang inupuan ng grupo ni Lyndon ay halos malapit lamang sa puwesto nila kaya tiyak na maririnig iyong ng lalaki.

Hindi hindi niya maaring galitin o ipahiya ang  lalaki at maging kaaway dahil diyos niya ito ngayon. Dahil ito  lamang ang tanging pagasaa niya. Hawak nito ang gamot ng kapatid niya.

Mabuti na lamang at dumating na ang order nilang pagkain kaya nawala na sa isip ni Angela ang tungkol sa lalaki.

Masarap ang amoy ng pagkain at na excite ang kanyang kapatid. Hiniwa ni Anika ang steak sa plato ng kapatid nito.

"Umorder ako ng drinks. Pwede ka namang uminom ng drinks diba? " sabay ngumiti muli sa kapatid na malapad din ang ginawang pag ngiti.

Magsisimula na sanang kumain ang magkapatid nang makarinig sila ng tunog ng tila basong nahulog mula sa sa sahig mula sa gilid nilang kanilang lamesa.

Nakita ni Anika ang pagkalat ng kulay pulang Inumina sa sahig. Nagmukha itong parang dugo na kumalat sa semento.

Napatingin naman si Angela sa nabasag na baso at nakita niya ang pagkalat ng tila dugo sa paligid niya. Nabigla at namutla si Angela, ang takot sa buong katawan ay biglang rumagasa.

"Diyos ko po, Angela anong problema?may masakit ba sayo?"Napansin ni Yuna ang pamumutla at tila panginginig ng kanyang kapatid kaya niyakap niya ito agad hinawakan ang mga kamay nito.

Pero nanginginig  pa rin si Angela at hindi makapagsalita.Pagkatapos ay bigla itong nanigas na lamang at natumba sa kinauupuan nito at tuloy tuloy na nahulog sa sahig.

Dahil nakahawak ng mahigpit si Angela sa sapin ng lamesa, nahatak ito ng dalagita kaya kasama niyang nalaglag sa sahig kaya ang lahat ng nakapatong sa lamesa ay natapon din sa sahig.

Nahintakutan naman si Anika nang makitang natumba ang kanyang kapatid kaya't nagmadali itong daluhan si Angela.

"Angela... Angela..oh Diyos ko po, Angela...anong nangyayari sayo..... Angel..!!" Sigaw ni Anika sa nagpa panic na boses.

Sinikap niyang tawagin ulit ang kapatid.Natatakot na si Anika sa nakikita.

"Angela.... Angela...anong nangyayari?Angela!!"

Hindi malaman ni Angela kung nangyayari sa kanya. Labis na sakit ang nararamdaman niya na halos pati ang mga mata nya ay mangitim na din. Maya maya ay bigla na lamang nangisay si Angela.

Labis naman ang takot ni Anika na hindi malaman kong paano tutulungan ang kapatid. Nakaluhod na ang dalaga at ilang beses tinangkang  buhatin ang kapatid at iupo sa silya.

Samantala, naroon si Lyndon malapit sa kanina at nakaupo ng prente. Nagtaas lang ito ng kilay sa eksena ng magkapatid at nagpatuloy sa ginagawa na tila walang nakita.

"Angela...huwag mo naman akong takutin ng ganito...Angela!!" Labis na kasing natakot si Anika dajil sa hitsura ng kapatid, namimilipit na si Angela at nangingisay pa at ang mga bisita sa loob ng restaurant ay nangingilabot na sa nakikita at lumilikha na sila  takot sa lanat.

Pero ganun pa man ay nanatiling yakap ni Anika ang kapatid sa kanyang mga bisig samantalang sinikap ni Anika na makapagsalita kahit sa uutal utal  na paraan.

"Ate..tulungan mo ako ate, ate huwag mo akong pabayaan, maawa ka.Huwag mong hayaang nakikita nila ako sa ganitong kalagayan ate. Tulungan mo ako ate"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Elusive Billionaire Has Fallen   Chapter 139: Naroon Pa rin ang Pangamba

    "Ah, si Mr. Xander ba pumupunta pa ba siya sa club nitong mga huling araw na wala ako?" alanganang tanong ni Anika."Hindi, Hindi pa," sabi ni Sonia. "Sabi ni Madam, kahit daw magpunta siya, halimbawa, isang araw magpunta nga, sasabihin niya raw ako at saka itatago niya raw ako," kuwento ni Sonia.Kahit papaano nakahinga ng maluwag si Anika pero nagtaka...Sa tingin ni Anika, makabubuti iyon. "Mabuti naman kung ganoon." Sabi niya.Natatakot kasi siya na baka gumawa pa ulit ito ng gulo at idamay si Sonia ng tuluyan. Pero ngayon na sinabi ni Sonia na hindi naman pala ito nadadalaw sa club nitong mga nagdaang araw, kumapma ai Anika. Marahil ay nakalimutan na nito ang tungkol sa kanila."Hayaan mo na iyon. Huwag mo nang masyadong isipin. Basta ang sabi naman ni Madam ay poprotektahan naman ako kahit papaano" tumango tango na lamang si Anika."Alam mo ba, nung isang araw, medyo naging clumsy ako at nabasag ko ang vase ng isang customer?"Napataas ang kilay ni Anika. "Vase? Anong vase?""

  • The Elusive Billionaire Has Fallen   Chapter 138: Hindi Mapakali Si Lyndon

    Marahan siyang lumapit, at dumapo ang kanyang mga daliri sa bulsa ng amerikana ni Lyndon, at maingat niyang hinanap ang bulsa ng amerikana ni Lyndon. Ngunit iniwas ito ni Lyndon Maingat na tumingin si Anika sa mukha ng binata, "Saglit lang, kukunin ko lang!""Eh di kunin mo, kung makukuha mo?"Ipinasok ni Anika ang kanyang kamay sa bulsa nMalaki ang kanyang amerikana, at malambot ang tela. Parang dumapo ang kanyang mga daliri sa malambot na koton.Ngunit agad na inilipat ni Lyndon ang telepono sa bulsa ng kanyang pantalon pagkatapos ay hinuli ang kamay ni Anika at kusang ipinasok ni Lyndon sa kanyang bulsa. Mamahalin ang kanyang pantalon at madulas ang tela malalim din ang bulsa na halos aabutin tiyak ng kamay ni Anika ang bukol doon. Tahimik niyang inilagay ang kamay sa isang partikular na lugar, at hindi nag-react si Anika at doon lalong naiinis si Lyndon."Anong ginagawa niya? Bakit ganito na siya?" Bulong ni Lyndon. Nasasaktan ang kanyang puso na parang balewala na siya kay Anika

  • The Elusive Billionaire Has Fallen   Chapter 137: Akala Ay Balewala

    Mabilis na itinago ni Anika ang kanyang telepono sa kanyang bulsa at nagpanggap na hindi niya ito nakita.Hindi maganda ang mga ilaw sa kalye sa lumang lugar nila, at karaniwang hindi ito naayos sa oras kapag nasira ito. Halos pabalik na sa kanyang bahay si Anika sa gitna ng dilim.Tahimik ang paligid, at itinutok niya ang kanyang mga tainga, nakikinig sa tunog ng posibleng panganib. Mahina ito, pero mahirap balewalain.Tiningnan ni Anika ang direksyon ng tunog at nakita niya ang isang kotse na nakatago sa tabi ng isang berdeng halaman na mas mataas kaysa sa kalahati ng taas ng isang tao. Dahil nasira ang ilaw sa sulok, mahirap itong makita kung hindi ka maingat na magmasid.Pero buhay ang makina ng kotse. Kinusot ni Anika ang kanyang mga mata. Ang plaka ng kotse alam niya iyon!Tumalikod siya na parang walang nangyari, at pagkatapos ay kalmado at mahinahong naglakad papasok sa gusaling apartment.Bumibilis ang tibok ng puso ni Anika, at parang narinig niya ang pagsara ng pinto ng k

  • The Elusive Billionaire Has Fallen   Chapter 136: Walang Pusong Babae

    Nakauwi si Anika nang maaga, bumili siya ng isda at karne, at nagluto ng malaking handa para sa pamilya niya.Noong gabing iyon, natulog siya bago mag-alas-nuwebe, at hindi nagising buong magdamag. Matagal na rin siyang hindi nakaramdam ng ganito ka-komportable pagtulog.Kinabukasan, halos ma-late na si Anika sa paggising at na-ipit niya ang buhok niya habang nagmamadaling bumaba. Naglakad siya nang sobrang bilis kaya hindi niya napansin ang isang kotse sa parking lot.Hanggang sa nagpatuloy ang tunog ng mga busina, lumingon si Anika at nakita niyang bumukas ang bintana ng likurang upuan ng kotse."Miss Anika"Medyo malako kaya hindi pa masilip ni Anika kung sino iyon kaya naglakad si Anika ng ilang hakbang at nakita niyang si Gwen pala iyon. Ibinigay nito sa kanya ang isang plastic bag"Para sa iyo ito."Kinuha ito ni Anika ang bag na hinagis sa kamay niya, binuksan ito at nakita niya ang ilang kahon ng gamot sa loob.Nandoon din si Lyndon sa loob ng sasakyan, ngunit nanananahimik l

  • The Elusive Billionaire Has Fallen   Chapter 135: Ang Pagkukunwari Ni Gwen

    Nagbago ang mood ni Anika, ngunit kung para sa gamot, wala siyang magagawa at wala siyang katapatang magreklamo.Napakulot na lang ang sulok ng labi ni Anika."Ah okay sige" sagot na lang niya.Maari na siuyng gumalaw ng malaya at magplano.Hindi na niya kailangang magmakaawa kay Lyndon, o kaya kay Gwen.At sa madaling salita, makakapagisip na siya kung paano naman tatakasan si Lyndon.Kinaumagahan, sumikat ang araw at sumisilap sa mga siwang ngalaling dahon ng puno na nangsusulot ng isang pagasa. Inihatid ni Yaya susan si Gwen sakay ng wheelchair nito sa pintuan. Tinitingnan ng matanda ang mga patak ng dugo sa wheelchair, na natuyo na lamang doon. Pinakatitigan din niGwen ang patak ng dugo."Yaya, kilaal mo na kung sino ang babaeng nagpunta kay Lyndon noong nakaraang gabi?" tanong bigla ni Gwen."Nagdala ng isang pitsel ng tubig si Yaya Susan saka bumulong kay Gwen."Tinanong ko na ang tungkol sa babaeng iyon at ang sabi, ito daw ay isang hostes mula sa pangmayamang club na pinupin

  • The Elusive Billionaire Has Fallen   Chapter 134: Malaya Ka Na Anika

    "Gusto ko lang sabihin na gusto ko pang mabuhay!" Sabi ni Anika.Tumayo siya at niyakap si Lyndon mula sa likuran. Ang likod nito ay malapad at matatag. Kaya niyakap niya iyon ng mahigpit.Dumaosdos ang isang kamay niya sa balikat ni Lyndon at niyakap na ng tuluyan ang binata.sa psgyakap ni Anika sa balikat ni Lyndon ang kanyang mukha ay nasobsob sa dibdib ng binata."Mr. Lyndon, pwede bang simula bukas ay hindi na ako pumasok sa club?" Hindi nagawang hilingin ito ni Anika dati dahil akala niya kasama si Lyndon sa plano ni Gwen ng iutos nitong pulasok siya sa club pero nalaman niyang walang kinalaman ang binata sa kademonyuhan ni Gwen, bukod pa sa noon ay halos si Gwen ang sinusunod ni Lyndon pero ngayon....Gustong ng sumugal ni Anika.Ang pagkampi ni Lyndon kay Gwen noon ay naging dahilan upang matakot si Anika.Pero ng makita niya ha halos maputol na paa ni Lester ganun din ang mga suntok sa mukha ni Xander, at ang tawag sa telepono na sinagot ni Lyndon sa sasakyan kanina kahit mal

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status