Maagang gumising si Matthew upang pumasok sa opisina. Tulog na tulog pa ang kanyang asawa. Hinalikan niya ito at binulungan ngunit wala itong reaksyon. Kontento pa rin naman siya sa kanyang nakikita.
Maraming lalaki ang inggit na inggit sa kanya dahil siya ang pinalad na mapangasawa ang isang tulad ni Judea ngunit iyon ang akala nila. Hindi nila alam kung gaano sumasakit ang ulo niya dahil sa ginagawa ng asawa.
Tumunog ang kanyang cellphone. "Hello, kumusta? About tonight? Sige, I’ll meet you there,” tugon nito kay Noah Madrigal na isa ring successful businessman. Nakakatuwa ang kanyang kaibigan dahil napangasawa nito ang caregiver ng kanyang Lola Natalia.
Malapit silang magkaibigan ni Noah. Sa kanya humingi ng payo ang lalaki kung ano ang gagawin. Napasubo kasi sa isang arranged marriage ang kaibigan dahil sa huling kahilingan ng kanyang lola na mamamatay na.
Walang masama dahil dalaga naman ang pakakasalan niya kaya lang may ibinabahay na pala siya. Natuloy naman ang kasal at sa bandang huli na-in-love si Noah sa kanyang asawa. The sad thing was Donna left him. And that made him miserable.
Nakita ni Matthew ang pagiging miserable ng buhay nito. Araw – araw ay niyayaya siyang uminom habang tagapakinig lang naman siya sa problema ng kaibigan. Sa bandang huli, mukhang sila pa rin talaga ni Donna dahil hindi niya inasahan ang pagbubuntis nito ng kambal.
Malalaki na rin siguro sina Donita at Donovan. Masuwerte ang kaibigan sa asawa at sa mga anak. At mukhang magkakabaliktad na sila ng puwesto ngayon. Mukhang siya naman ang magdadrama sa muli nilang pagkikita ni Noah.
Kailangan rin niyang makausap ang kaibigan. Medyo mabigat na ang kanyang dinadala at baka isang araw ay sumabog na siya.
Iniwan ni Matthew ang lahat ng alalahanin sa bahay. Trabaho kung trabaho. Tulad ng nakagawian, abala na sa kanyang opisina pagdating ni Matthew. Sinalubong siya ni Naomi habang iniabot niya ang Frapuccino na pinaorder niya. Nakikinig siya sa mga sinasabi nito. Mukhang hectic ang kanyang schedule para sa araw na iyon.
Kailangan niyang pumunta sa vineyard, sa taniman ng ubas upang magkaroon ng regular na pagbisita. Inaral din ni Matthew ang pag-aalaga ng ubas dahil noong bata pa siya ay dinadala rin siya ng ama sa lugar. Dahil sa pagiging workaholic ng ama ay binawian siya ng buhay kaya siya na ang umasikaso sa kanilang negosyo. Malaking ektarya ng lupain ang kanilang pataniman. Hangga’t maaari ay gusto niyang kumustahin ang mga trabahador dito at kung ano ang lagay ng ubasan.
May schedule rin siya sa pagpunta sa planta kung saan pinuproseso ang mga ubas upang gawing alak. Kailangan rin niyang tingnan ang bodega kung saan iniimbak ang maraming bariles nito. Pagkaminsan ay pinapatikim din siya ng konti upang masubukan ang lasa ng bawat alak na nasa bote.
Sa mahabang panahon ng kanilang negosyo ay lumago ito at naging isang korporasyon.
Mahalaga ang alak sa iba’t ibang okasyon, bukod sa serbesa ay mayroon ding alak na gawa sa ubas. Maging noong binata si Matthew ay sinanay na siya ng magulang kung paano tumikim na alak na de kalidad.
“Dapat marunong ka ring pumili ng babaeng de kalidad,” naisingit lang na sabi ng ama noong nabubuhay pa siya.
Siniko ng kanyang ina ang ama. "Kung anu-ano naman ang itinuturo mo kay Matthew, Papa.”
“Ano ka ba? Lalaki ang anak natin.”
Ngunit hindi daw sila tulad ng alak na kailangang tikman o nilalasahan bago malaman ang kanilang kalidad. May tamang panahon para sa mga seryosong bagay.
Pinaalala ng Papa niya na ang babae ay iniingatan at inaalalagaan. Dinidiligan tulad ng halaman. Ibinibigay ang lahat ng kanilang mga pangangailangan. Sa edad niya noon ay hindi niya ito masyadong naiintindihan ngunit ngayon, alam na niya kung ano ang ibig sabihin noon.
Namatay na ang ama ni Matthew bago pa sila ikasal ni Dea kaya maraming beses na nauudlot ang marriage proposal nito. Ang kanyang ina at Ninong Maxwell na lang ang naghatid sa kanya sa altar sa araw ng kanilang kasal.
Ganoon naman ang ginagawa ni Matthew. Sinunod naman niya ang bilin ng ama at natuto siyang maghintay ngunit doon rin niya nalaman na ang alak na kanyang iningatan ay napakialaman na. Mukhang bukas na at may iba nang nakatikim. Isang bagay na hindi rin natanggap ni Matthew ng ganoon kadali because he expects too much from Dea. She could have been honest to him sa kanilang relasyon. Itinago nila iyon sa media at patago pa sila kung mag-date. Hindi niya sinabi ang totoo sa buo niyang pagkatao.
Wala siyang ibang babaeng nakilala kundi si Dea na matagal niyang pinagpantasyahan habang ito ay nasa ibabaw ng rampa. Bukas ang kanyang katawan sa maraming mga mata. Nakikita ng buong mundo ang hubog ng kanyang katawan at konting saplot na lang ang natatakpan ngunit iyon ang hinihingi ng kanyang trabaho. Maayos naman siyang manamit kapag nasa bahay.
Maihaharap mo naman talaga si Dea sa maraming bisita. Maipagmamalaki mo naman siya sa kanyang panlabas na katangian. Sa ibang bagay na parang natatakpan ng maskara, si Matthew na lang ang nakakaalam kung anong klaseng tao talaga siya. Dahil kapag sila na lang dalawa, lumalabas ang totoong ugali niya.
Matapos ang nakakapagod na pagpunta sa iba’t ibang planta at pakikipag-usap sa iba’t ibang staff ng bawat departamento, ipinaalala ni Naomi kung oorder pa rin ng bulaklak para kay Dea.
Hindi umimik si Matthew. Sa tagal ng panahon ng palagi niyang pagpapadala dito ng bulaklak, lahat ay nakikita lang naman niya sa basurahan. May ibang bulaklak ang nailalagay naman ng kasambahay sa plorera at simula ng maging mag-asawa sila, ni hindi na rin niya narinig na mag-thank you ang asawa sa kanya.
Sa kama lang talaga siya nakakakuha ng kasiyahan sa kanya. May mga panahong hot na hot siya at may mga panahong napaka-frigid talaga. Pero sa ganoon lang talaga maaasahan si Dea.
“Naomi, saan ka ba umoorder ng bulaklak?”
“Sa Eufloria pa rin po Sir, kasi alam na nila ang mga gusto ni Ma’am Dea.”
“Have you ever met the owner of Eufloria?” Umiling ang kanyang sekretarya.
“By the way Sir, ano po palang plano ninyo sa inyong anniversary ni Ma’am Dea? Do I need to make arrangements with Eufloria? Where do you want to celebrate this time? Are you going out of town?”
“Hey, isa-isa lang ang tanong. Mahina ang kalaban.” Napahinto si Naomi. “Huwag mo munang isipin ‘yan, malayo pa naman.”
Napasandal si Matthew. Sampung taon, paano sila magsi-celebrate ng sampung taon ng kanilang pagsasama ni Dea ngayon? Palaging sila na lang dalawa.
“Good afternoon, Sir Matthew,” bati ng mga nakasalubong niyang staff. Kumaway siya at bumati rin.
Pagpasok niya sa loob ng opisina ay naupo siya sa kanyang mesa. Nag-check ng cellphone ngunit walang nag-miss call man lang sa kanya. Wala man lang wrong sent galing sa asawa kaya siya na ang tumawag dito ngunit hindi nito sinasagot ang kanyang cellphone kaya tumawag siya kay Yaya Sita.
“Sir Matthew, umalis po si Ma’am Dea.”
As usual, ano pa nga ba ang bago? Hindi na siya magugulat. Pero sisiguraduhin niyang magtutuos siya pag-uwi nito sa bahay.
Maaagang umuwi si Matthew at nagbukas kaagad siya ng alak. Uminom siya ng uminom hanggang sa abutan siya ng asawa. Madaling araw na itong dumating.
Hindi na nakapagpigil si Matthew sa kanilang sitwasyon ni Dea. Madaling araw na itong dumating. Madilim sa sala ng pumasok siya sa loob ng kabahayan. Kitang kita ni Matthew kung paano tinanggal ng asawa ang kanyang mataas na takong habang humawak ng mabuti sa knob ng pinto dahil sa kanyang kalasingan. Pagbukas ng ilaw ay gulat na gulat siya ng makita si Matthew na nakaupo sa single sopa chair at nakasalumbaba. Mulat na mulat ang mata at titig na titig sa kanya habang hawak sa kanang kamay ang baso ng alak. “Lasing na lasing ka ah!” Halatang pasuray-suray itong maglakad ng lumapit sa kanya. Yumuko ang babae. “Sweetheart!” Hahalik pa sana ang babae ngunit umiwas si Matthew. ”Adelle and the rest of the company went to Manila Yacht Club. We have never been there. Can we stay there for a weekend vacation, Honey?” Hinila niya ang babae at pinaupo sa long sopa. “Ouch! Ano ba?” “I don’t care where yo
Bandang alas diyes ng umaga gumising si Dea. Balewala sa kanya ang nangyari ng nagdaang gabi. Hindi niya kailangang ma-guilty. Alam niya kung paano mapapaamo ang lalaki. Kaya niya itong paglaruan sa kanyang mga palad. Alam niyang si Matthew pa rin ang magso-sorry at hahabol sa kanya. Hindi niya kailangang mag-alala. “Anong oras umalis ang Sir Matthew mo?” “Maaga po, tulad ng dati,” nangingiming sagot ni Madame Paulita, siya ang cook sa bahay na iyon. “Heto na po ang almusal.” Steemed rice and sunny side up ngunit nakasimangot siyang tumingin sa matanda. “Almusal ba ito? Pakakainin mo ako ng ganito? Ipagluto mo ako ng iba. Allergic ako sa eggs.” Mabilis na kumilos ang mga kasambahay. Maging ang matanda at nataranta. Hindi naman kasi nito ugaling mag-almusal. More on bread and fruits lang siya. Moody rin siyang mag-almusal. Picky sa pagkain kaya hindi madaling tandaan kun
Late nang nakauwi si Prim sa bahay nila. Nagmamadali pa siya. Tulog na ang mga bata pagdating niya. Nagising ang kanyang Tita Joy na nagbukas ng pinto para sa kanya. “Mano po!” “Kaawaan ka ng Diyos. Kumain ka na ba, Prim?” “Yes, Tita. Kumusta po ang mga bata? Pasensiya na po kasi hindi kaagad ako nakaalis sa store kanina.” Maraming customer sa Hallyu Tower Mall. Dito palaging nagkakaroon ng mahabang pila sa labas. “Okay naman sila. Sabihan mo pala ang anak mo, si Matthias. Medyo napagsabihan yata ni Fernan kanina dahil nadatnan niya ito na may kausap habang naghihintay ng sundo. Masyado kasing palakaibigan itong anak mo sa mga may edad.” “Thank you po, Tita. Bukas na lang po.” Dahan-dahang umakyat ng pangalawang palapag si Prim. Kulay pink na pinto ang kanyang binuksan, ang kuwarto ni Thea. Natutuwa siya dahil napaka-active
Matagal na panahong sinusuyo si Prim ng lalaki ngunit hindi niya alam kumbakit walang spark pagdating kay Fernan. Guwapong lalaki si Fernan kahit magsuot siya ng pang magsasaka sa kanyang bukid, lulutang pa rin ang kanyang kakisigan. Kahit ipagtulakan siya ng kanyang tita Joy ay hindi niya magawang sumunod. Kung lola Matilda nga niya ay walang nagawa, ngayon pa kaya na okay naman siya sa loob ng sampung taon. Naalala niyang tanong ni Fernan. “Kailan mo ba ako sasagutin?” Madalas niyang palipad-hangin. Lahat naman ay idinadaan ni Prim sa biro. Ayaw lang niyang masaktan ang binata kaya sinasakyan niya ang trip nito. Gaano man katotoo ang mga ito sa loob niya. “Ano bang tanong mo?” “Kailan mo nga ako sasagutin?” “Nang ano ba? Sasagutin ng ano?” “Anglabo mo kasing kausap…” &nb
Sa katapat lang na kainan ay hindi nila pansin ang mga matang kanina pang inggit na inggit sa kanilang kasiyahan. Matamang nagmamatyag, seryosong nakatingin sa gawi nila at saka nilagok ang alak na nasa baso. Napailing siya habang nakikita ang tatlong bata. Tinitigang mabuti si Prim sa di-kalayuan. Nilaro ng kanyang daliri ang baso ngunit ini-imagine na labi ng babae ang pinaglalaruan nito. Bigla siyang napayuko at itinago ang pagngiti nito ng mag-isa. Bakit niya muling nakita ang babaeng iyon? Napayukong muli si Matthew at umiling, basta’t ang alam lang niya, ang ngiting iyon… ang ngiti ng babaing nakasama niya ng isang gabi. Sigurado siya na si Miss PRW iyon. “Miss PRW, you are making me crazy! Just tell me who you are,” sabi niya sa sarili. “You are making me look like a fool!” Mahigpit niyang hinawakan ang baso. “You can’t escape from me this t
Walang nagawa si Prim. Pinagbigyan niya si Fernan na lumabas silang dalawa. Pinaghandaan naman niya ang kanyang pakikipag-date rito kahit medyo hindi palagay ang kanyang kalooban. Mabilis na dumating ang araw ng Linggo at ipinaalala ni Fernan ang date nila. “I’ll fetch you at around 6PM,” text message nito kay Prim, habang tumitingin ng isusuot para sa kanyang pag-alis. “Balita ko ay may date kayo ni Fernan,” usisa ng tita habang nasa kuwarto nito at dala ang hamper ng mga bagong labang damit. “Nai-chika po ba sa inyo ng mga bata?” Madalas si Matthias lang naman ang madaldal sa kanila at dakilang storyteller talaga. “Alam mo naman si Matthias. May maitatago ka pa ba sa bibig ng anak mo?” “Ewan ko po ba doon at kung anong naisip. Nagpapasamang kumain sa labas.” Maagang naghanda sa sarili si Prim. Ayaw niyang paghintayin si F
Dumating ang araw ng kompetisyon na ginanap sa auditorium sa loob ng Francisco Hall, katabi lang ng school library. Maliit lang ito at sapat lang sa mga kalahok ng contest. Kabadong – kabado si Matthias ngunit tinapik siya ng kanyang kuya na si Teo. “Kaya mo ‘yan!” Nag-apir pa ang dalawa. Hinawakan ni Matthias ang balikat ng kuya at napabuga ng hangin. Nasa taas sila ng stage, sa likod ng makapal na telon. “Inhale, exhale,” utos ng kapatid kay Matthias. “Kaya mo, Matthias! Kaya mo, ‘yan!” Sumilip si Teo at nakitang marami na ring makikinuod lalo na ang mga kaklase nila sa Grade4- Rizal. Nakita rin niya si Thea habang kausap ang isang lalaki. Napangiti siya at hindi sinabi sa kapatid kung sino ang kanyang nakita. Kilala niya ang lalaki kahit nakatalikod ito. “Help me, Lord.” Naibulalas na lang ni Matthias. “Bababa na ako. Manunuod kami ni Thea sa i
Kinabukasan ay tahimik na kumain ang mga bata. Hindi na masyadong nag-usisa si Prim kung anong nangyari sa contest. “Thea, are you okay?” Hindi siya sanay sa katahimikan ng mga ito. Napatingin siya kay Matthias “Yes, Mommy. Why?” Napailing lang si Prim. Hinaplos ang ulo ni Matthias na nasa tabi lang niya. Nginitian naman si Teo. “Mommy…” “Yes, Teo.” “Can we attend the Family day this Sunday?” “Oo naman…” “What I mean is…” Huminto na si Mateo. Alam ng ina ang ibig nitong sabihin. Taun-taon naman talaga silang uma-attend ng Family Day kaya lang, hindi sila nakakasali sa mga palaro dahil palagi silang kulang. Hindi na balak ni Prim na isama si Fernan sa okasyon. Ito marahil ang nag-uudyok sa kanya upang pangatawanan ang pagiging ama ng tahanan. Ayaw na niya itong abalahin pa. Tahimi