Hindi na nakapagpigil si Matthew sa kanilang sitwasyon ni Dea. Madaling araw na itong dumating. Madilim sa sala ng pumasok siya sa loob ng kabahayan. Kitang kita ni Matthew kung paano tinanggal ng asawa ang kanyang mataas na takong habang humawak ng mabuti sa knob ng pinto dahil sa kanyang kalasingan.
Pagbukas ng ilaw ay gulat na gulat siya ng makita si Matthew na nakaupo sa single sopa chair at nakasalumbaba. Mulat na mulat ang mata at titig na titig sa kanya habang hawak sa kanang kamay ang baso ng alak.
“Lasing na lasing ka ah!” Halatang pasuray-suray itong maglakad ng lumapit sa kanya. Yumuko ang babae.
“Sweetheart!” Hahalik pa sana ang babae ngunit umiwas si Matthew. ”Adelle and the rest of the company went to Manila Yacht Club. We have never been there. Can we stay there for a weekend vacation, Honey?” Hinila niya ang babae at pinaupo sa long sopa. “Ouch! Ano ba?”
“I don’t care where yo
Bandang alas diyes ng umaga gumising si Dea. Balewala sa kanya ang nangyari ng nagdaang gabi. Hindi niya kailangang ma-guilty. Alam niya kung paano mapapaamo ang lalaki. Kaya niya itong paglaruan sa kanyang mga palad. Alam niyang si Matthew pa rin ang magso-sorry at hahabol sa kanya. Hindi niya kailangang mag-alala. “Anong oras umalis ang Sir Matthew mo?” “Maaga po, tulad ng dati,” nangingiming sagot ni Madame Paulita, siya ang cook sa bahay na iyon. “Heto na po ang almusal.” Steemed rice and sunny side up ngunit nakasimangot siyang tumingin sa matanda. “Almusal ba ito? Pakakainin mo ako ng ganito? Ipagluto mo ako ng iba. Allergic ako sa eggs.” Mabilis na kumilos ang mga kasambahay. Maging ang matanda at nataranta. Hindi naman kasi nito ugaling mag-almusal. More on bread and fruits lang siya. Moody rin siyang mag-almusal. Picky sa pagkain kaya hindi madaling tandaan kun
Late nang nakauwi si Prim sa bahay nila. Nagmamadali pa siya. Tulog na ang mga bata pagdating niya. Nagising ang kanyang Tita Joy na nagbukas ng pinto para sa kanya. “Mano po!” “Kaawaan ka ng Diyos. Kumain ka na ba, Prim?” “Yes, Tita. Kumusta po ang mga bata? Pasensiya na po kasi hindi kaagad ako nakaalis sa store kanina.” Maraming customer sa Hallyu Tower Mall. Dito palaging nagkakaroon ng mahabang pila sa labas. “Okay naman sila. Sabihan mo pala ang anak mo, si Matthias. Medyo napagsabihan yata ni Fernan kanina dahil nadatnan niya ito na may kausap habang naghihintay ng sundo. Masyado kasing palakaibigan itong anak mo sa mga may edad.” “Thank you po, Tita. Bukas na lang po.” Dahan-dahang umakyat ng pangalawang palapag si Prim. Kulay pink na pinto ang kanyang binuksan, ang kuwarto ni Thea. Natutuwa siya dahil napaka-active
Matagal na panahong sinusuyo si Prim ng lalaki ngunit hindi niya alam kumbakit walang spark pagdating kay Fernan. Guwapong lalaki si Fernan kahit magsuot siya ng pang magsasaka sa kanyang bukid, lulutang pa rin ang kanyang kakisigan. Kahit ipagtulakan siya ng kanyang tita Joy ay hindi niya magawang sumunod. Kung lola Matilda nga niya ay walang nagawa, ngayon pa kaya na okay naman siya sa loob ng sampung taon. Naalala niyang tanong ni Fernan. “Kailan mo ba ako sasagutin?” Madalas niyang palipad-hangin. Lahat naman ay idinadaan ni Prim sa biro. Ayaw lang niyang masaktan ang binata kaya sinasakyan niya ang trip nito. Gaano man katotoo ang mga ito sa loob niya. “Ano bang tanong mo?” “Kailan mo nga ako sasagutin?” “Nang ano ba? Sasagutin ng ano?” “Anglabo mo kasing kausap…” &nb
Sa katapat lang na kainan ay hindi nila pansin ang mga matang kanina pang inggit na inggit sa kanilang kasiyahan. Matamang nagmamatyag, seryosong nakatingin sa gawi nila at saka nilagok ang alak na nasa baso. Napailing siya habang nakikita ang tatlong bata. Tinitigang mabuti si Prim sa di-kalayuan. Nilaro ng kanyang daliri ang baso ngunit ini-imagine na labi ng babae ang pinaglalaruan nito. Bigla siyang napayuko at itinago ang pagngiti nito ng mag-isa. Bakit niya muling nakita ang babaeng iyon? Napayukong muli si Matthew at umiling, basta’t ang alam lang niya, ang ngiting iyon… ang ngiti ng babaing nakasama niya ng isang gabi. Sigurado siya na si Miss PRW iyon. “Miss PRW, you are making me crazy! Just tell me who you are,” sabi niya sa sarili. “You are making me look like a fool!” Mahigpit niyang hinawakan ang baso. “You can’t escape from me this t
Walang nagawa si Prim. Pinagbigyan niya si Fernan na lumabas silang dalawa. Pinaghandaan naman niya ang kanyang pakikipag-date rito kahit medyo hindi palagay ang kanyang kalooban. Mabilis na dumating ang araw ng Linggo at ipinaalala ni Fernan ang date nila. “I’ll fetch you at around 6PM,” text message nito kay Prim, habang tumitingin ng isusuot para sa kanyang pag-alis. “Balita ko ay may date kayo ni Fernan,” usisa ng tita habang nasa kuwarto nito at dala ang hamper ng mga bagong labang damit. “Nai-chika po ba sa inyo ng mga bata?” Madalas si Matthias lang naman ang madaldal sa kanila at dakilang storyteller talaga. “Alam mo naman si Matthias. May maitatago ka pa ba sa bibig ng anak mo?” “Ewan ko po ba doon at kung anong naisip. Nagpapasamang kumain sa labas.” Maagang naghanda sa sarili si Prim. Ayaw niyang paghintayin si F
Dumating ang araw ng kompetisyon na ginanap sa auditorium sa loob ng Francisco Hall, katabi lang ng school library. Maliit lang ito at sapat lang sa mga kalahok ng contest. Kabadong – kabado si Matthias ngunit tinapik siya ng kanyang kuya na si Teo. “Kaya mo ‘yan!” Nag-apir pa ang dalawa. Hinawakan ni Matthias ang balikat ng kuya at napabuga ng hangin. Nasa taas sila ng stage, sa likod ng makapal na telon. “Inhale, exhale,” utos ng kapatid kay Matthias. “Kaya mo, Matthias! Kaya mo, ‘yan!” Sumilip si Teo at nakitang marami na ring makikinuod lalo na ang mga kaklase nila sa Grade4- Rizal. Nakita rin niya si Thea habang kausap ang isang lalaki. Napangiti siya at hindi sinabi sa kapatid kung sino ang kanyang nakita. Kilala niya ang lalaki kahit nakatalikod ito. “Help me, Lord.” Naibulalas na lang ni Matthias. “Bababa na ako. Manunuod kami ni Thea sa i
Kinabukasan ay tahimik na kumain ang mga bata. Hindi na masyadong nag-usisa si Prim kung anong nangyari sa contest. “Thea, are you okay?” Hindi siya sanay sa katahimikan ng mga ito. Napatingin siya kay Matthias “Yes, Mommy. Why?” Napailing lang si Prim. Hinaplos ang ulo ni Matthias na nasa tabi lang niya. Nginitian naman si Teo. “Mommy…” “Yes, Teo.” “Can we attend the Family day this Sunday?” “Oo naman…” “What I mean is…” Huminto na si Mateo. Alam ng ina ang ibig nitong sabihin. Taun-taon naman talaga silang uma-attend ng Family Day kaya lang, hindi sila nakakasali sa mga palaro dahil palagi silang kulang. Hindi na balak ni Prim na isama si Fernan sa okasyon. Ito marahil ang nag-uudyok sa kanya upang pangatawanan ang pagiging ama ng tahanan. Ayaw na niya itong abalahin pa. Tahimi
Pagkatapos ng awarding ay hindi na niya na-congratulate ang mag-anak. Nakailang tawag na sa kanya si Naomi. Nag-voice message na ito sa kanya. Nagmadali siyang nagtungo sa parking area ngunit bago pa siya makasakay sa loob ng kotse ay may kamay na pumigil sa pinto nito. Hindi rin niya inasahan ang muling paghaharap ni Matthew at nang tito ni Matthias sa parking lot ng Trinity High pagkatapos ng programa. Nagngingitngit ito sa galit. Kitang kita sa kanyang nanlilisik na mga mata. “Bakit palagi kang lapit ng lapit sa mga bata?” “Sinong mga bata? Ah, doon ba? Sa mga anak ni Mrs. Watanabe?” Pinakatitigan niya ang lalaki ng mata sa mata. “Bakit kailangan kong sagutin ng tanong mo?” “Layuan mo ang mga bata!” “Sino ka ba para pagbawalan ako?” “Don’t mess with Watanabe. Tahimik na ang buhay nila kaya huwag kang manggulo.” “Exc