Share

The Evenfall
The Evenfall
Author: QueenVie

Kabanata 1

Kabanata 1

Thorn

I heard a soft footsteps walking towards my room. Kasabay nito ang malalim kong buntong hininga habang nakapikit.

The door slowly sliding and the heavy steps approaching me.

"Señorita, gising na! Ngayon ang unang araw para sa anihan ng mga bulaklak." Narinig ko ang matinis na boses ni Ivon.

Binuksan nito ang bintana sa kanang bahagi ng akin mismong kama. Matapos ay gumilid sa tiyak kong balkonahe para naman buksan ang pinto doon.

"Hmmm, amoy ko na mula rito ang halimuyak ng mga rosas at sunflower!" bulalas nitong saad.

Maya-maya pa ay naramdaman ko ang paghila nito sa aking kumot pababa sa aking paa.

"Bangon na d'yan. Ngayon din darating si Attorney De Cardenas!"

Dahan-dahan akong dumilat at lumingap sa banda nito. "Ihanda mo na ang almusal ko sa may balcony," utos ko.

"Masusunod," sagot niya.

Naramdaman ko ang mga hakbang nito palabas ng silid kaya minabuti ko nang bumangon at maligo.

"Maaliwalas ang panahon ngayon. Tamang-tama sa pag-aani ng mga bulaklak," komento ni Ivon habang nasa aking harapan habang inilalapag ang dala niyang almusal.

Bahagya lamang akong tumango dito at inumpisahan nang kainin ang hinain niya para sa'kin.

"Medyo male-late lang daw si Attorney De Cardenas dahil may dinaanan pang dokumento sa opisina."

Tumango akong muli dito. Mabilis ko nang tinapos ang pagkain at bumaba na para tumungo sa taniman ng mga bulaklak.

"Good morning, Señorita, Czarina!" bati sa'kin ng ilang kasambahay.

Humimpil ang mga paa ko sa ibaba ng hagdanan. Sandali pa akong nanatili doon bago umpisahan maglakad palabas.

"Mang Lucio? Ito na ho si Czarina. Kayo na ho ang bahala sa kanya patungo sa taniman," ani Ivon sa katiwala.

"Masusunod, Ivon."

Giniya ako nito pasakay sa pick-up truck para dalhin sa taniman. Bagaman mas gusto ko sana ang maglakad ay hindi ako pinayagan ni Ivon dahil sa mga dumaraang mga truck.

"Napakaganda ho ng panahon ngayon!" masiglang wika ni Mang Lucio sa'kin.

Lumingap ako sa bintana at sinamyo ang manipis na hanging umaatake sa aking pisgi at buhok. Base sa malamig na hanging dala nito ay ramdam kong basa pa ang mga dahon dahil sa pang-umagang hamog.

"Ah, Mang Lucio. Ibaba n'yo nalang ho ako sa susunod na kanto. Kaya ko na hong maglakad."

Hindi ko narinig na sumagot ito pero base sa pag-minor nito at dahan-dahang pagbagal ng takbo bago huminto ay pumapayag ito sa gusto ko.

Mabilis itong lumabas ng sasakyan at binuksan ang pinto ng pick-up track para sa'kin.

Ramdam ko ang kamay nito sa aking braso na siyang nagpatigil sa'kin sandali.

"Ako na ho, Mang Lucio. Kaya ko na ho, salamat."

"Sigurado ho kayo, señorita?"

Imbes na sumagot ay binuksan ko ang cane na hawak at bumaba na ng sasakyan.

"Mag-iingat po kayo, señorita." Narinig ko pang bilin nito sa akin.

Tumuloy na ako sa paglalakad at tinahak ang madamong daan patungo sa taniman ng mga bulaklak.

Sandali akong tumigil sa paglalakad. I startled by the weep of the wind brushes my skin. Ang ilang hibla ng mataas na dahon na dumarampi sa balat ko ay nagbibigay sa'kin ng bagong pakiramdam.

I remembered the days when I was able to see these beautiful flowers right in front of my own eyes.

Hindi ko kailan man malilimutan ang unang sibol ng mga rosas at sunflower sa unang buwan ng Pebrero. Ito ang lagi kong hinihintay kapag pumatak ang buwan. Dahil tiyak na hahakot na naman kami ni Daddy Mattías ng mga napitas na bulaklak.

Ngumiti ako ng mapait bago ipagpatuloy ang paglalakad gamit ang cane na hawak. Hanggang sa marinig ko ang ingay ng mga trabahadorsa hindi kalayuan.

Lumaki ang mga hakbang ko at may pagmamadaling lumapit sa mga ito.

"Good morning ho, Senorita Czarina!"

Napansin kong tumigil ang ingay, gayon din ang ilang kaluskos sa paligid. I bit my lower lip and gripped the cane in my hand tightly.

"Oh? Bakit tumahimik kayo? Kanina lang ang iingay n'yo?!"

Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang bulongan ng mga empleyado na hindi malinaw sa'kin.

"Make sure na maabot ni n'yo ang mga kota n'yo. Ayokong maririnig na kulang ang supply ng bulaklak na i-de-deliver sa dangwa mamaya dahil sa inu-una n'yo ang tsismisan!"

"Opo, señorita," halos sabay-sabay na sagot ng ilang trabahante.

Tumiim ang labi ko matapos ay pumuhit na para maglakad sa kabilang parte na taniman.

Tumigil lamang ako nang maamoy ang talulot ng mga rosas na humahalo sa hangin. Dahan-dahan akong yumuko at itinaas ang kamay para abotin ang rosas na nasa aking harapan.

Ngumiti ako nang madampian ng palad ang bulaklak na rosas. Bahagya akong yumuko para ito amoyin. Mas lalong lumuwang ang ngiti ko at dahan-dahan iyong pinitas.

"Aahh!" Nabitiwan ko bigla ang tangkay ng bulaklak nang tumusok ng malalim sa aking daliri ang mga tinik nito.

Mabilis akong lumuhod para kapain ang bulaklak na nahulog sa lupa. Natigil lamang ako sa pagkapa nang makarinig ng malalim na buntong hininga mula sa aking likuran.

I shut my eyes firmly. Tila kasi humalo sa mga bulaklak ang amoy nitong pabango.

Napapitlag ako nang may kamay na humawak sa palapulsuhan ko at inabot sa akin ang rosas na ngayo'y wala ng tinik.

"Hindi ka dapat naglalakad na mag-isa dito." The baritone voice of a man said to me.

I scoffed. "Sino ka para pagsabihan ako mismo sa sarili kong lupain?" I asked Instead. Tumayo ako at pinagpag sa damit ang maruming kamay.

Humakbang ito palapit sa'kin. The scent that already pleased me are getting stronger. Hindi mapigilang suminghap para labanan ang mabangong amoy na iyon.

Ngunit hindi ito sumagot at nanatili lamang sa aking harapan.

"Who are you?" Ulit ko. Hindi ko kilala ang boses nito. Wala rin nagtatangkang lumapit sa'kin na mga trabahador kundi si Mang Lucio at Ivon lamang.

"I'm Attorney De Cardenas. I'm here to discuss to you the last will of your late father Mr. Callejo."

Lumunok ako at tumuwid ng tayo sa harapan nito. Base sa boses nito ay tiyak kong nasa mid-twenties lang ito. Hindi ko alam kung ilang taon pero sigurado akong naglalaro sa 25-28 o 'di kaya'y 30-35 lang ang edad nito.

"Shall we?" he asked in a low but baritone voice.

Hindi ako sumagot imbes ay muli akong lumuhod para hanapin ang nabitiwan kong cane kanina.

Nakahinga ako ng maluwang nang makapa iyon mismo sa aking harapan. Tumayo na ako at dahan-dahang naglakad pabalik ng Mansyon.

"We better use my car. Medyo malayo-layo dito ang Mansyon." Nagsalita ito sa aking likuran.

I bit my lower lip. Hanggat maari ay ayokong maging pabigat kahit na kanino. Ayoko rin maging bastos dito kaya kahit hindi ko gusto ang ginawa niya kanina ay pinalampas ko na lang iyon.

"I'm sorry, Mr. De Cardenas. Pero kaya kong maglakad mag-isa."

He hissed as an answer. Huminto ako sa paglalakad at gumawi paharap dito.

"Attorney De Cardenas may mali ba sa sinabi ko?"

Hindi ito sumagot sa akin. Pero base pananahimik niya ay pinagmamasdan nitong maigi ang itsura ko.

"Bakit? Ngayon ka lang ba nakakita ng taong bulag, attorney?" Tumaas ang kilay ko.

Bahagya itong tumawa at humakbang ng ilan papalit sa akin. Hindi ko alam kung gaano ito kalapit pero base sa amoy ng pabango nito... Sobrang lapit nito ngayon.

For the very first time in my life, ngayon lang ako naasiwa ng ganito sa mga naging kausap ko. My heart is pounding unexpectedly for some reason.

"Where's your car?" Mabilis akong tumalikod dito para mauna na sanang maglakad ngunit naramdaman kong ginagap nito ang palapulsuhan ko.

Mabilis kong itinaas ang cane kong hawak para sana ito hampasin ngunit mabilis niya itong nasalag.

"What do think your doing?" His voice thundered right in front of my face.

Lumunok ako para ibsan ang panunuyo ng aking lalamunan. Gusto kong magsalita ngunit labis ang kabang bumabangon sa puso habang nakatayo sa harapan nito.

"Hindi lang ako komportable na may humahawak sa akin," napili kong sabihin sa huli.

"Nasa kaliwa mo ang kotse ko. I will open the door for you." Tuluyan na nitong binitiwan ang cane na hawak at humakbang na palayo sa'kin.

Tulad ng sinabi niya tumuloy ako sa paglalakad at mabilis nahanap ang kotse na kaniyang sinasabi.

"I'm sorry for intruded myself in. Gusto ko lang makita ang mga tanim n'yong bulaklak." Pukaw niya sa pananahimik ko habang binabagtas namin ang daan pabalik ng mansyon.

Hindi ako sumagot. Tahimik lamang na nakahilig ang ulo sa backrest.

"Nandito na tayo."

Binuksan ko na ang pinto para mauna nang pumasok sa loob. Sinalubong naman ako ni Ivon.

"Kamusta ang pagha-harvest?" ani Ivon sa'kin.

"Paano sila makakatapos sa trabaho kung puro kwentuhan at tsismisan ang inaatupag nila?!" Nilampasan ko ito at diretso nang umakyat sa dating opisina ni daddy.

Naupo ako sa swivel chair ni Dad at nilapat dalawang siko sa lamesa.

Maya-maya pa ay pumihit na pabukas ang pinto. I shifted on my seat as I smell his scented perfume.

Naupo ito sa silyang kaharap ko at ramdam kong nilapag ang ilang dokumento sa lamesa.

"Here's your coffee, attorney." Narinig ko ang malamyos na boses ni Ivon dito.

"And here's your tangerine juice, señorita."

"Please... Take a seat, Ms. Ivon," aniya dito. Agad naman itong naupo sa kaharap na silya ni Attorney De Cardenas.

"Let's start, attorney." Nilapat ko ang aking likod sa silya habang hinihintay itong magsalita.

"Sa totoo lang ay mahirap para sa'kin i-proseso ang last will ng daddy mo. Pero wala akong magagawa dahil nangyari na ang nangyari. Again my deepest condolences to you and your family." Umpisa nito habang binubuksan ang laman ng envelope.

Nanatili akong tahimik at hinintay pa ang mga sasabihin nito.

"Umpisahan natin sa Mansyon na may sukat na 300 square meters, kasama ang front and back yard. Ayon kay Mr. Callejo ang bahay at lupa na ito ay ipamamana niya sa nag-iisa niyang anak na si Czarina Callejo. Ang lupain na tinatamnan ng mga bulaklak ay mapapasaiyo rin ayon dito."

Mahigpit kong pinagsalikop ang aking dalawang kamay sa ilalim ng lamesa habang nakikinig.

"Ang taniman naman ng kape ay nakapangalan pa rin saiyo, Czarina. Ang mga lupain sa karatig lugar at nasasakupan ng lungsod ng San Antonio ay saiyo pa rin nakapangalan." Patuloy nito.

"At ang huli ay ang Callejo's group of company and Callejo's hotel ay nakapangalan kay Czarina Callejo's the one and only child of Mattías and Matilda Callejo."

"It's that all attorney?" I asks.

Naramdaman kong isinarado nito ang hawak na dokumento.

"Here is the letter that your father gave to you... Binilin n'ya na basahin mo ito once na makakita ka na." 

Tumikom ang mga labi ko nang itulak n'ya palapit sa lamesa ang sulat na mahigpit kong hinawakan. 

"Since that you're... blind." He cleared his throat first before he continue.


"You will need a legal guardian."

I lick my lower lip. "Si Ivon ba ang nakalagay na legal guardian ko?" I asked impatiently.

"Sad to say, It's me," he said in a straight forwardly tone.

Kumunot ang noo ko sa kaniyang tinuran, "What do you mean, ikaw?!" Umangat bigla ang likod ko sa silya.

"Your parents assigned me as your permanent legal guardian. Because of your disability... You're not able to make a decision for yourself without my consent," he explained.

"And I, Mauricio Estevan De Cardenas is now your legal guardian. And the guardianship will effectively grant today."

Umawang ang labi ko sa kaniyang mga sinabi.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
umpisa pa lang excited na
goodnovel comment avatar
Vern Bascos
maganda ang umpisa
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status