Share

Kabanata 3

Kabanata 3

Fired

Hindi pa man ako nakakalayo ay narinig kong sumara ang pinto ng kaniyang jeep at humarurot na iyon paalis. Nakagat ko ng mariin ang aking ibabang labi. Lumingon ako sa banda kung saan ko narinig ang ugong ng palayong jeep.

"Bastard!" I said while gritted my teeth. Ito ang huling beses na gagawin n'ya ito sa'kin.

Gusto ko man maging emosyonal ay tinatagan ko ang loob. Minabuti kong ituloy ang paglalakad patungo sa tahiman ng kape. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay narinig kong may sasakyan na parating. Base sa tunog nito, ay alam kong ito ang Wrangler jeep ni Attorney. De Cardenas.

"Get in." Narinig kong utos nito nang huminto sa tapat ko.

Hindi ko ito pinansin, patuloy akong naglakad habang hawak ng mahigpit sa kamay ang aking cane.

There is no way I would ride in his jeep again. Pagkatapos ng ginawa niya kanina?

"Come on, Czarina. Malayo pa ang taniman dito mapapagod ka lang kung lalakarin mo hanggang dito.

Tumigil ako sa paglalakad at gumawi paharap dito, "Call me, señorita! Señorita, Czarina!" may mataas na tonada kong bigkas dito.

Rinig ko mula dito ang bahagya niyang pagtawa. "Fine! Señorita, Czarina, will you please get in the car, now?"

Isang ngiti ang pinakawalan ko bago pumihit paharap sa daan, "Ganyan, Attorney. Dapat alam mo kung saan ka dapat lumugar!"

Humakbang na ako at tinuloy muli ang paglalakad. Hindi ko narinig na sumunod ang jeep nito sa akin bagkus ay ang pagbukas at pagsara ng pinto nito at ang malalaking yabag na palapit sa'kin ang nagpatigil sa paglalakad ko.

Sa labis kong gulat ay hindi na ako nakapalag nang bigla niya akong kargahin.

"What the? Ano ba, ibaba mo nga ako!" Malakas kong pinagsusuntok ang dibdib nito kahit pa alam kong wala naman silbi pa kung gagawin ko 'yon.

His big arms wrapped around my back and the other at my legs. Damn! I could smell his scented perfume, no! It is not his perfume, his own scent. His natural scent that gave so much thunder in my heart.

"Damn! Put me down, Attorney!"

Ginawa nga niya ang aking sinabi.

Binaba niya ako sa mismong loob ng kaniyang jeep at mabilis na sinuotan ng seatbelt.

"I can only receive orders from you as long as part of my job. Sa palagay mo, hindi kita sagotin kapag iniwan kitang naglalakad nang mag-isa sa ganitong kainit na daan? Ano nalang ang sasabihin sa akin ng daddy mo 'pag napahamak ka?" He talk to me in a straight and firm tone. Hindi lamang iyon. Sobrang lapit nito na akala mo ay isang kaibigan lang ang kausap.

"Tss, sino ba nagpababa sa akin? Diba ikaw?  Tsaka, huwag mong idadamay ang daddy ko sa usapan! Why don't you leave him at peace?!" I now yelling.

"Just because he's the reason why I'm fucking stuck with you! Damn it!"

Natigilan ako nang hampasin nito ang bubong ng kaniyang sasakyan. Ilang beses kong narinig na nag-ganit ang mga bagang nito dahil sa galit.

"Sorry ha? Kung napipilitan ka lang sa trabaho mo. Hindi ko rin sadya kung wala kang pagpipilian kundi ang tanggapin ang isang bulag na katulad ko!"

Narinig ko ang buntong hininga nito sa aking tinuran. Ilang sandaling namutawi sa pagitan namin ang katahimikan bago ko naramdaman ang unti-unti nitong paglayo.

Umayos ako ng upo nang maramdaman ko itong muli sa tabi ko na ngayo'y binubuksan ang kaniyang makina.

Habang byahe ay wala kami parehong imik. Kung hindi pa namin marating ang taniman ng kape ay hindi ito magsasalita.

"Nandirito na tayo," he said in low and calmly voice.

Mabilis naman akong bumaba gamay ang cane na hawak. Mula dito ay rinig ko ang matinis na boses ni Avyanna na aking kababata na palapit sa'kin.

"Cza-Cza!" Napaatras ako ng yakapin niya ako ng mahigpit.

"Kamusta ang mga ani? Baka napapabayaan n'yo?" Iyon agad ang bungad ko dito.

Kumalas ito sa'kin, "Uh, I'm sorry, señorita. Maayos naman po ang takbo ng ani. Naka dalawang elf truck na ang mga tauhan."

"Good," sagot ko.

Inumpisahan ko nang maglakad palayo dito para tumungo sa taniman ng kape. Narinig kong nagpakilala dito si Attorney De Cardenas na siya naman agad na sinagot ni Avyanna.

Mariin akong pumikit at umiling bago ituloy ang paglalakad. Lahat ng madaanan ko ay binabati ako ngunit wala isa man sa kanila ang pinansin ko.

Kilala nila ako, hindi ko basta-basta binibigay ang ngiti ko kahit na kanino. Alam kong hindi ako dapat maging mabait sa mga tauhan ko dahil sa kalagayan ko. Dahil kapag binigyan ko sila ng pagkakataon ay baka abusuhin lang nila ang kalagayan ko.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapatid dahil sa nakakalat na kaing. Kaya diretso akong sumubsob sa kaing ng kape.

"Señorita!" narinig kong sigaw ni Avyanna.

May mga kamay na humawak sa akin para tulongan akong makatayo at pinagpagpag ang laylayan ng suot kong pantalon.

"Are you okay?" Nakilala ko ang boses na iyon ni Attorney. De Cardenas ngunit hindi ko magawang magsalita.

Malinaw kong naririnig ang mga bulong bulongan sa paligid. Habang ang iba ay nagsisihan sa nangyari. Nanginig ang labi ko nang makabawi. Ramdam ko ang pag-iinit ng dalawang pisngi ko sa hiyang natamo.

"Sino ang nag-iwan ng kaing dito sa daraanan ko?!" My voice was shaking. Mas mahigpit ngayon ang hawak ko sa aking cane.

Agad na tumahimik ang lahat. Nawala ang ingay at bulongan sa paligid.

"Sabihin n'yo sino?!" I shout.

Naramdaman ko ang kamay ni Avyanna sa aking balikat. "Señorita, pasensya na kayo."

I just hissed, kinabig ko ang kamay nito sa'kin at humarap sa mga tao.

"Walang aamin sainyo?! Sige, you are all fired!" malakas kong sigaw.

"Czarina, tama na." Si Attorney.

I clenched my teeth. "Sino ka para tawagin ako sa pangalan ko?! Who are you talking to, Attorney De Cardenas?" may diin kong sinabi.

"I said, enough..." may lalim na sa boses niyang sinabi. Ramdam kong nasa harapan ko ito base sa amoy nito at init ng kaniyang presensya kaya tumingala ako.

"Kailangan ko pa bang sabihin sa mga ito ang kalagayan ko? Oh, baka pati sila nagbubulag bulagan na rin?!"

"Hindi po, señorita." I heard a soft voice of Avyanna at my right.

"Wala pa rin aamin sainyo?!"

Naramdaman kong may humakbang palapit sa'kin.

"Ako po, señorita." Boses iyon ng isang babae na tiyak kong ka-edaran ko lamang.

"Hindi ko po sinasadya. Puno na po kasi ang kaing kaya hindi ko agad napabuhat sa mga kargador." Nanginginig ang boses nito nang magsalita.

"Hindi ko tinatanong ang dahilan mo!" mataas na tonada kong sinabi.

Humarap muli ako sa mga tauhan na siyang mga wala pa ring imik bago bumaling sa tiyak kong direksyon nito.

"You're fired!"

Hindi ko na hinintay pa ang pagmamakaawa niya dahil mabilis na akong tumalikod para bumalik na sa jeep ni attorney.

Naghintay pa ako ng ilang sandali sa loob ng jeep bago ko marinig na bumukas ang pinto sa driver seat.

"Are you done talking to them? Naipakilala mo na ba ang sarili mo?" may pang-uyam kong tanong.

Hindi ko ito narinig na sumagot imbes ay binuhay nito ang makina at pinatakbo na paalis sa lugar na iyon.

"Pakitanggal na ang babaeng 'yon sa listahan ng mga pasasahurin sa kataposan. Gusto kong ibigay mo na ang buong sahod niya mamaya lang." Nakahalukipkip kong saad habang nakahilig ang tingin sa bintana.

"She worked hard for her family. Siya lang ang inaasahan ng pamilya niya."

Kumunot ang noo ko at humarap dito, "Oh, so you had a chit-chat with that stupid girl?!"

"Come on, Czarina. Stop being too stubborn," he said in low but rumble voice.

"I said, call me Señorita, Czarina!"

Attorney. De Cardenas just scoffed. Mas lalong nalukot ang mukha ko dahil sa ginawa niya.

"Alam nila ang kalagayan mo. Lahat ng kaing ay nasa gilid ng taniman. Itinabi nilang lahat iyon dahil alam nilang parating ka."

Lumunok ako't hindi sumagot. So? Anong gusto niyang palabasin na kasalanan ko pa pala kaya ako napatid sa kaing?

"You're the one who's not on the right track. Walang nagsabi saiyo dahil ayaw ka nilang mapahiya."

Tumiim ang labi ko at pinagbuti ang hindi pagpansin dito.

"She's the bread winner of their family. Hindi ka sana nagpadalos-dalos sa desisyon mo." He added.

Hanggang makarating kami ng Villa ay wala akong imik. Diretso na rin ako sa aking silid at binilin kay Ivon na 'wag istorbohin.

Dumapa ako sa aking kama at doon ay unti-unting bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. I don't wanna be so rude, hindi ako iyon. Hindi iyon ang dating Czarina. Pero kada maiisip ko ang kalagayan ko at kung paano nila ako kaawaan sa kalagayan ko ay bumabangon ang galit dito sa puso ko.

I know this is not the right thing to do, but I'd better throw them my own knifes. Nang sa ganon ay hindi ako ang unang masasaktan.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
baka naman ikaw lang Ang nag iisip Niya Czarina na kinaaawaan ka ng ibang tao
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status