Share

Kabanata 4

Kabanata 4

Callejo's Hotel

Gabi na nang pinasya kong bumaba para maghapunan. Wala si Attorney. De Cardenas. Hindi ko alam kung kumain naba ito o kung ayaw lang sumabay sa'kin. Hindi na rin ako nagtanong kay Ivon tungkol dito.

Wala akong narinig kay Ivon tungkol sa nangyari sa plantasyon kanina. Sigurado akong nakarating na sa kanya ang balita tungkol sa pagpapatalsik ko ng tauhan sa kapihan.

"Ivon nakahanda naba ang braille documents ng CGP?" Basag ko sa katahimikan.

"Na kay Attorney. De Cardenas pa ho, señorita."

Tumango ako. "Ako na lang ang kukuha sa kanya."

"E, nasa kapihan pa ho. Inaasikaso ang mga aning kape. Nagkasakit kasi si Delfin kaya walang mag-aasikaso doon."

Hindi ako nagsalita. Tahimik muli akong bumalik sa pagkain.

"Ah, señorita, Iyong tungkol ho kay Atarah iyong tinanggal n'yo kanina sa trabaho?"

"Sabihin mo, pumasok siya bukas."

"Ho? Ah... Sige po, señorita."

Binaba ko na ang kubyertos at uminom ng tubig sa baso bago tumayo. Umakyat na ako sa aking silid at naghanda sa pagligo. Nakaupo ako sa gilid ng bathtub habang pinupuno ito ng tubig nang marinig ang ugong ng sasakyang dumating.

"Attorney. De Cardenas! Anong nangyari sa inyo?!" tanong dito ni Ivon.

Pinihit ko pasara ang gripo at isinara ang pinto ng banyo. Sinimulan ko nang ilubog ang katawan ko sa tubig at pumikit.

Kahit pa masarap sa pakiramdam ang tubig ay hindi ako mapakali dahil sa nag-aalalang boses ni Ms. Ivon dito kanina.

Ano naman kaya ang nangayari sa isang iyon?

I sighed, tumayo ako't dumiretso sa shower para doon ituloy ang pagligo. Matapos ang bente minutos kong pagbababad sa shower ay umahon na ako. Wearing my pajama's ay diretso na akong lumabas ng silid para puntahan si Attorney. De Cardenas.

Tumigil ako sandali. Saan ba dito ang silid n'ya?

Kinapa ko ang nadaanang pinto at dinikit doon ang tenga. Ngunit gaya ng ilan ay tahimik sa loob.

Huminto ako sa tapat ng huling pinto. Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko sa malaki nitong dahon at yumuko.

I step more closer and put my ear at the door. Narinig ko ang malalaking yabag sa loob at bago pa ako makalayo ay naramdaman kong bumukas na ito.

"Uh..." Hindi ako agad nakagalaw.

Hindi dahil sa hiyang nangyari kanina kundi sa pamilyar na amoy na umaatake sa'kin mismong harapan. Isa pang nagpapakaba sa'kin ay ramdam kong bago lamang itong paligo dahil sa bodywash at shower gel na humahalo sa hangin.

"Sinabi sa'kin ni Ivon na kinukuha mo daw ang documents for CGP?"

"Hmmm..." I hummed as an answer.

"Pasok ka, may tinatapos kasi akong kaso kaya hahanapin ko pa."

Napalabi ako't nag-atubili. Humigpit din ang hawak ko sa cane lalo pa nang maramdaman kong lumuwang ang pagkakabukas ng pinto.

"I–I just wait here outside," I said with my chopping lips.

Wala akong narinig mula rito. Hindi ko narinig na humakbang ito o umalis man lang sa aking harapan.

I sighed. "Sige, papasok na ako."

"Just walk straight to the table in front of you, may silya sa kanan mo."

Narinig ko ang mga yabag nito palayo sa akin kaya diretso na akong naglakad at sinunod ang kaniyang sinabi.

Kinapa ko muna ang lamesa sa aking harapan bago ako maupo sa silya. Isang libro ang naroon at tiyak kong isang lighter, base sa pagkakahawak ko dito.

"Do you smoke?" I asks.

Naramdaman ko ang mga yabag nitong palapit sa akin at tumayo sa tabi ko.

Napapitlag ako nang hawakan nito ang kamay ko. Napahigpit naman ang gagap ko sa lighter na hawak. But his hand is too strong and... soft.

"Yes, I do smoke." Tuluyan na nitong nabawi sa akin ang kaniyang lighter.

Mariin kong kinagat ang ibabang labi dahil sa inakto. Of course he did. Halos lahat yata ng mga kalalakihan ay naninigarilyo na ngayon. Iilan na lamang siguro ang hindi pa.

"May I know how old are you, attorney?"

I heard his soft laugh. Hinila nito ang silyang malapit sa akin at naupo.

"I'm young, wild and free." sagot niya.

Kumurap ako, kahit pa hindi ko nakikita ang reaksyon niya'y tiyak kong malawak ang ngisi nito sa'kin. And I'm not ignorant or idiot to not to understand what he was trying to say.

Mabilis kong binuksan ang cane na aking hawak at tangka nang tatayo ng pigilan niya.

"Hey, relax. I'm just kidding!" He chuckled while his hand are illegally gripped my arm.

"Take your hands off me, attorney." My voice is profound and strong.

"Sorry... Alright, go back to your seat."

Nanatili akong nakatayo habang hindi pa rin nito binibitiwan ang aking braso.

"Ganyan kaba talaga? Hindi porke ganito ang kalagayan ko e, pwede mo na akong hawakan basta gustohin mo? You don't have any right to touch me, attorney... It's illegal." Idiniin ko pa ang huli kong sinabi dito.

"Just go back to your seat and let's talk first."

I just hissed. Hindi ako makapaniwala na ako ngayon ang binibigyan niya ng utos.

"I need the braille documents of CGP right now, Attorney De Cardenas."

"I'll give it to you, pagkatapos natin mag-usap."

Wow! So may kondisyon pa pala bago niya sundin ang utos ko?

"You're taking advantage of my situation, attorney. Again It's illegal."

"Isa akong abogado. Alam ko kung may nalalabag man akong batas o wala."

"This is an harassment!" I now clearly enunciate.

Doon na ito humalakhak sa'kin. I swallowed hard as I heard his sexy chortle. Pumikit ako, bakit ba kailangan ko pang pansinin ang bagay na iyon.

"Fine!" Pagsuko niya.

Malaya na nitong pinakawalan ang braso ko at lumayo na at naglakad patungo sa kung saan.

Narinig kong may binuksan itong drawer at maya pa ay naglakad na ito pabalik sa'kin.

"Here's are the finances and the overall report for the past two years as the legal adviser of your dad. I have an access to all the reports and expenses of the company, as your Daddy Mattías granted."

Nilapag nito sa lamesa ang folder. Muli akong bumalik sa pagkaka-upo at kinapa ang ilang patong na folder sa aking harapan.

"The documents is already written in braille. Pinasadya iyan ni Mr. Callejos simula nang mangyari ang aksidente saiyo."

I bit my lower lip. Dahan-dahang kinapa ang mga dot na naroon para mabasa ang laman niyon.

"One thing I'm worried about is your Uncle, Demetri."

Gumawi ako kung saan nagmumula ang boses niya. "Uncle, Demetri?"

"He raised a fund for the NGO's at hindi biro ang nilalabas niyang pera kada buwan para sa nasabing proyekto."

Uncle Demetri is the second cousin of Daddy Mattías. Ito ngayon ang Director ng Callejo's hotel.

Isinara ko ang folder at bumaling na dito. "Thank you, Attorney. Pag-aaralan ko ang mga ito at ang sinabi mo."

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
mukhang may hindi magandang ginawa Ang Uncle Demetri mo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status