“Kalokohan! Kahit si Graham, ang Holy Doctor, ay hindi kayang gamutin ang sakit ni Elder Young. Sino ka ba sa tingin mo? Ano naman ang magagawa mo? Sa tingin mo ba ay ang kakayahan mo ay mas mahusay kay Graham?!” Ang panlalait ng assistant ni Graham.“Nababaliw ka na!”Kumunot ang noo ni Graham habang sinuri niya si Leon bago niya sabihin, “Isang doctor ka rin ba?”“Hindi ako isang doctor…” Umiling si Leon.“Hindi ka naman pala doctor. Anong kalokohan ang pinagsasabi mo?! Kahit na isa kang doctor, imposible na sapat ang kakayahan mo para gumamot ng kahit sino base sa edad mo. Gusto mo lang kumuha ng atensyon. Kalokohan!” Nagalit si Gilbert habang nakatingin siya ng malupit kay Leon.Muli na namang nilait si Leon.“Hindi pa ito sigurado! Sa oras na nakilala ni Leon si lolo, sinabi niya na nasa panganib ang buhay ni lolo! Pati binanggit niya rin na mali ang mga points na nilagyan ni Graham ng pressure noong ginamot ni Graham si lolo kanina. Kaso, walang naniniwala sa kanya! Pero, k
Pagkatapos ng treatment, namutla si Leon. Namuo ang mga pawis sa ulo niya habang nakaupo siya sa sahig. Halos himatayin na siya sa pagod.Hindi pa rin siya isang tunay na doctor. Hindi niya magamit ang internal power niya sa kanyang treatment. Nagawa niyang tapusin ang treatment ng umaasa sa kakaibang energy sa katawan niya.“Ugh!” Sa ngayon, biglang umubo si Elder Young. Dumilat siya at umubo siya ng dugo. Agad na namantsahan ng pula ang mga damit niya at ang sahig.Pagkatapos nito, pumikit si Elder Young, hindi siya kumilos. Kahit ang paghinga niya ay huminto. Ito ay para bang namatay siya!“Lolo…”“Dad…”Ang sabay na sinabi nila Iris at Gilbert. Sumigaw sila sa lungkot habang tumakbo sila patungo kay Elder Young.“Tama ako na nagpapasikat lang ang lalaking ito. Hindi ko alam na gagawa siya ng gulo. Namatay pa si Elder Young dahil sa ginawa niya. Lumalala ang mundo dahil sa mga taong tulad mo!” Umiling ang assistant. Alam niya na ito ang magiging resulta ng kapabayaan ni Leon,
“Ano ang nangyari?” Nalilito si Elder Young. Gumising siya mula sa kawalan ng malay, kaya wala siyang ideya kung ano ang nangyari.“Ang nangyari ay…” Lumapit si Iris at sinalaysay niya ang lahat kay Elder Young.Nabigla si Elder Young. Sinampal niya si Gilbert, pinagalitan niya ito, “Tanga ka, ano ang ginawa mo?! Sinusubukan akong iligtas ni Leon dahil sa kabaitan ng puso niya. Hindi mahalaga kung nagamot niya ako o hindi, ginawa niya pa rin ang makakaya niya. Paano mo nagawang bayaran ang kabaitan niya ng ganun?! Bilisan mo at humingi ka ng tawad sa kanya!”Hindi gusto ni Gilbert si Leon pagkatapos ng lahat ng nangyari, ngunit dahil sa pananakot ng tatay niya, nag aatubili siyang lumapit at sinabi niya, “Leon, nagkamali ako sa ginawa ko kanina. Patawad…”“Mister Young, masyado po kayong mabait. Isang maliit na maling pagkaka intindi lang ito. Ayos lang ang lahat,” Ang mabilis na sinabi ni Leon.Sa mga sandaling ito, lumapit din si Graham. Yumuko si Graham kay Leon, “Iho, patawad
“Tama,” Tumango ng tapat si Leon.Kulang sa edukasyon si Leon, at ang kakayahan niya pagdating sa trabaho ay pangkaraniwan lang din. Hindi magiging madali para sa kanya na makakuha ng trabaho.Kung kaya ni Elder Young na makahanap ng maayos na trabaho para sa kanya, makakatulong ito sa kanya.“Leon, pasensya na sa pagiging pranka ko, pero sa husay ng medical skills mo, sigurado ako na hindi magiging mahirap para sayo na maging isang sikat na doctor na tulad ni Graham? Bakit mo gusto ng isang karaniwan na trabaho?!” Ang nalilitong tanong ni Elder Young.Sa kakayahan na ipinakita ni Leon kanina, maraming mga mayaman at makapangyarihang tao ang makikipag kasundo kay Leon.Maging pera, kapangyarihan, o kasikatan, madali itong makukuha ni Leon.Bakit niya kailangan ng trabaho?“‘Yun ay…”“Elder Young, hindi po ako magsisinungaling. Kahit kailan po ay hindi ako natuto ng medical skills, at wala din akong kwalipikasyon bilang isang doctor.“Ang pressure point technique na ginamit ko
“Iris, what doesn’t kill you, makes you wiser. Hindi na ligtas para sayo na tumira sa labas, bumalik ka na dito sa amin!” Sabi ni Gilbert ng may pagaalala. Hindi niya maiwasang tingnan si Leon.Gusto niyang bumalik ang kanyang anak sa dalawang rason. Una ay para sa kaligtasan ng kanyang anak, at ang pangalawa ay para maihiwalay niya ito kay leon.Base sa kanyang nakikita, malamang na habol ni Leon ang kanyang anak. Kaya malakas ang loob nitong subukang iligtas si Elder Young, na kung saan siya ay sinuwerteng mailigtas ito. Isa lamang normal na mamamayan si Leon at walang pambihirang talento. Hindi siya nararapat para kay Iris!“Imposible! Ayaw ko bumalik dito! Titira ako sa lugar na may maraming high-end villa, mayroong dedicated na security guards na nakabantay lagi, nagdagdag na rin ng anim na bodyguard si lolo para sa akin na poprotektahan ako, sigurado ang kaligtasan ko!” pailing na sinabi ni Iris.Pauwi na siya ng makidnap siya nung isang gabi, Isa itong hindi inaasahan na i
Pagkatapos ng hapunan, umalis sina Leon at Iris sa Young Household at pumunta sa villa ni Iris sa Dragonbay.Sa oras na iyon, ang kwarto na tutuluyan ni Leon ay nalinis na ng kasambahay.Sa wakas at nasa tahimik na lugar na si Leon. Habang nakahiga sa kama, pinaplano niyang tingnan kung ano ang kanyang namana sa ninuno ng mga Wolf.Sinara niya ang kanyang mata, dumaloy sa isip niya ang mga alaala minana niya.Kasama doon ang iba’t ibang ancient at secret techniques.Mayroon ding medical books, secret manuals at marami pang iba.Ano? Mayroon din kung paano mag dual practice?Nagdesisyon si Leon na alamin kung ano ang mga practitioners.Layunin din ng martial artists ang martial arts. Sinasanay nila ang kanilang inner at physical strength.Ang mga Sage Art practitioners ay nagsasanay ng Sage Arts. Naka pokus sila sa spiritual energies ng mundo.Kung ikukumpara, ang Sage Arts ay mas malalim at mas mahirap i-master.Ngunit, makalipas ang libong taon, nawala na ang Sage Arts. Pat
Nagulat si Iris, “Wala kang driver’s license? Magiging problema nga ito”Natahimik si Iris ng saglit ng may bigla siyang naisip “Marunong ka mag bike?”“Marunong ako, mayroon din akong license para diyan” Tumango si Leon, itinuring siyang parang aso sa Mansons, hindi siya nakaranas magmaneho ng sasakyan.Ngunit, madalas siyang kailangan ng mga Mansons kapag may iuutos, kaya binigyan siya ng second-hand na motorsiklo.“Buti naman! Mayroon akong motorsiklo na regalo sakin ng aking tiyahin para sa aking birthday. Di ko naman ginagamit, ibibigay ko na lang sayo para may magamit ka” Hinatak ni Iris si Leon sa isang sulok kung saan mayroong vibrant pink na motorsiklo.“Wag mong mamaliitin itong motorsiklo, ang halaga nito ay mahigit sa daang libo…”“Ano?! Ganun siya kamahal?!” Halos umabot na ang panga niya sa sahig ng dahil sa gulat. “Oo tama, natatandaan ko pa ang sinabi ng aking tiyahin na ito ay isang limited edition commemorative model galing Rolls Royce. Alam ko yung presyo nit
Pagkatapos mangyari yun, isang magandang babae na may mahabang binti at nakakabighaning katawan ang lumabas ng sasakyan.“Sorry, sorry talaga…” nagmamadaling humingi ng paumanhin si Leon.Si Leon ay mapagparayang tao na hindi mahilig sa gulo. Kahit na ibang tao ang may kasalanan, siya ang unang humihingi ng paumanhin.“Marunong ka ba magmaneho? Hindi mo ba nakikita kung ano ang nangyayari sa paligid mo?!” Klarong sinabi ng magandang babaeSumimangot si Leon, maliit na bagay lamang ito, pero dahil sa ugali nung isang tao, hindi siya naging kumportable, ”Miss, ikaw yung hindi tumitingin sa paligid mo bago mo buksan yung pinto. Siguro naman hindi ako ang may mali dito? At isa pa humingi na ako ng tawad sayo. Maging makatwiran ka naman!”“Sa tingin mo ay hindi ako makatwiran?!” Galit na galit ang magandang babae, tinignan niya ng masama ang motorsiklo ni Leon sabay nangiinis na sinabing, “Gagamit ka na nga lang ng motorsiklo, kulay pink pa! Para kang bading! Nakakasuklam!”“Ano bang