Hindi na siya nagulat sa pagiging successful ni Kevin. Sa totoo lang, sino mang nakakita kay Kevin ngayon nang personal ay hindi na rin magtataka sa tagumpay na tinatamasa ng lalaki
Ang ipinagtataka lang niya ay kung bakit determinado itong iwan ang pamilyang kinalakihan, kung bakit ayaw nito sa pamilyang Huete ikinagulat niya lamang ay kung bakit siya determinado na iwan ang pamilyang Huete.
Ngunit dahil dito, ang buong pamilya Huete, mula sa pinakamatanda hanggang sa pinakabata, ay sinikap itong gawing lihim.
"Grandma, huwag niyo pong pagalitan si Daddy," mahinang sabi ni Ashton, sabay ngiti nang matamis upang itago ang lungkot sa kanyang mga mata. "Sabi ni Daddy, may mahalagang ginagawa lang daw po si Mommy. Sigurado naman po akong mahal niya kami ni Daddy, at araw-araw siyang nagsisikap para makasama kami agad." Halata sa mata at boses ng bata ang pananabik para sa nanay na kailanman ay hindi niya pa nakakasama.
Napabuntong-hininga na lang ang matandang babae, kahit gaano pa siya kagalit, hindi niya magawang magtanim ng sama ng loob kay Ashton. "Napakabait mo talaga, Ashton, aking apo. Hindi lang kasi maiwasan ni Grandma na mag-alala para sa'yo. Napakabigat sa puso ng sinuman na makitang nalulungkot ang aking mahal na apo. Ayokong masaktan ka, kaya't kahit anong dahilan o lihim mayroon ang Daddy mo at ang Mommy mo, hindi ko gustong nasasaktan ka nila." wika ng matanda habang hinahaplos ang matambok na pisngi ng bata.
Bahagyang tumango si Kevin, iniwas ang tingin kay Evan, saka mahinang sinabi, "Kung hindi lang talaga kailangan, hinding-hindi niya gugustuhing saktan ang anak namin."
Sa pagkakataong iyon, matapos ang hapunan, nagawa lamang ng matandang babae na banggitin kay Evan ang ilang hilig ni Ashton bago siya tinulungan ng tagapaglingkod pabalik sa kanyang kwarto, dala ang bahagyang kirot sa puso.
Si Evan naman, na tila nawalan ng dahilan para manatili sa sala, ay nagtipon ng lakas ng loob at bumalik sa kanyang kwarto.
Habang si Kenneth ay abala sa pagbasa ng mga email sa tabi ng bintana, nilakasan ni Evan ang loob at binanggit ang layunin niya nang deretsahan.
"Tungkol sa trabaho na sinabi ni Lola," simula niya para kunin ang atensiyon nito.
Hindi man lamang siya tinignan ni Kenneth. Bagkus ay sinagot siya nito nang deretsahan at walang bakas ng pag-aalinlangan sa kanyang tono. "Ang sekretarya ko ay si Ella Mae. Hindi kita ilalagay sa tabi ko upang magka-tsansa kang gantihan siya."
Alam na ni Evan na ganito ang magiging sagot nito bago pa niya sinabi. Tumango na lang siya nang mahinahon, walang bakas ng pagkabahala. “Hindi ko rin naman gusto ang maging sekretarya mo. Sadyang gusto ko lang ng trabahong mataas ang sahod na pasok sa kakayahan ko. Hindi mahalaga kung mahirap man ito." buong tapang niyang sabi dito.
Pareho nilang alam na hangga’t hindi nababayaran ang utang ng kanyang ama, hindi siya magiging malaya sa kamay ng lalaki.
Napangiti si Kenneth, tila ba nakarinig ng biro. Nang-uuyam itong tumingin sa gawi ng babae. "Kung hindi mo lang sana tinalikuran ang pag-aaral mo anim na taon na ang nakalipas para maghanda ng pagbubuntis at pasayahin ang matanda, baka may lugar ka pa rin sa kompanyang ito gamit ang diploma mo sa Beijing University. Pero ngayon? Sa tingin mo ba ay isa ka pa ring mahusay na jewelry designer?" Natawa na lang ito ng pagak.
Binaba ni Kenneth ang hawak na telepono, lumapit siya at tumitig kay Evan mula ulo hanggang paa. "Pagkatapos ng limang taon sa kulungan, kaya mo pa bang magdisenyo ng magagandang likha?" Nanghahamon nitong tanong.
Sa kabila ng panghahamak, nanatiling mahinahon ang ekspresyon ni Evan habang lihim na pinipigil ang sakit at galit sa kanyang loob. Ang lakas ng loob ng lalaking pagsalitaan siya ng ganito
Lumalim ang tingin ni Kenneth. "Evan, hindi ka na ba makapaghintay na makaalis sa akin?"
Tiningnan niya ng mariin si Kenneth nang marinig ang tanong na iyon. Hindi niya inaasahan na maririnig niya ito mula kay Kenneth. "Sa tingin mo ba hindi ko pa natutunan ang leksyon ko? Na mamahalin pa rin kita tulad ng ginawa ko limang taon na ang nakaraan?" Gustong suminghal si Evan para sa mga naririnig pero hindi niya magawa.
Nagkaharap silang dalawa, at ang lungkot at pagkutya sa mga mata ni Evan ay tumagos sa puso ni Kenneth, isang sakit na hindi malalim ngunit hindi rin maaaring balewalain.
"Kung gusto mo talagang pahiyain ang sarili mo, sige, pagbibigyan kita," galit niyang sabi, sabay dakma sa kanyang leeg. "Gusto mo ng mataas na sahod na walang diploma? Mag-report ka sa public relations department bukas ng alas-siyete ng umaga. Tatawagan ko si Manager Kim para siguraduhing makuha mo ang gusto mo."
Nagpupumiglas si Evan sa hawak ng lalaki. Hirap man siyang huminga, tumawa pa rin siya nang mahina. "Salamat."
"You're welcome," malamig nitong sagot habang mabilis na binitiwan si Evan, na tila dumampi siya sa isang bagay na marumi.
Iniwan niyang nakasandal sa pader si Evan, habang ang huli ay nagmamasid nang walang emosyon sa paglabas ni Kenneth ng kwarto upang sagutin ang tawag. Sa labas, ang boses nito ay nagbago punong-puno ng lambing. "Ella, maayos siya. Ikaw lang ang nag-aalala sa kanya."
Alam ni Evan kung ano ang nangyayari. Ngunit sa unang pagkakataon, naisip niyang may benepisyo rin ang relasyon nina Ella at Kenneth.
Hindi na siya nag-aksaya ng oras para magpalit ng damit. Agad siyang bumaba sa hagdan at tinawag ang drayber, nagdahilan siyang masama pakiramdam, aniya’y hindi maganda ang kanyang kalagayan. Hindi na rin siya nakapaghintay at ibinulong agad ang address ng ospital.
Mabilis na pinaandar ng drayber ang sasakyan. Habang nasa biyahe sila, at nakahawak ang drayber sa manibela, kinausap niya ang kaniyang amo, "Ma’am, ang ospital na sinabi niyo ay matagal na pong nagsara, ilang taon na rin ang nakalipas. Mas mabuting pumunta na lang po tayo sa ibang ospital."
"Nagsara?" tanong ni Evan, at sa salamin sa likod ay makikita ang pamumutla ng kanyang mukha.
"Mukha pong masama talaga ang inyong pakiramdam. Tawagin ko na lang kaya ang family doctor?" mungkahi ng drayber.
Agad siyang kinabahan at dali-daling sumingit, "Alam mo ba kung saan napunta ang mga doktor ng ospital matapos itong magsara?" Hindi siya mapakali, hindi ito maaari.
Sandaling natahimik ang drayber, bago sumagot ng pinakamagandang sagot na kaya niyang ibigay, "Hindi ko po alam, Ma’am, pero natatandaan kong ang young master ang isa sa mga pangunahing may-ari ng ospital. Maaaring itanong niyo po sa kanya kung nakatago pa ang mga datos ng mga dating doktor roon."
Hinawakan niya ang kanyang damit sa dibdib, kinagat ang labi, at pabulong na binanggit, "Kenneth…"
Pinahinto niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada. "Ma’am, sandali. Saan po kayo pupunta?" tanong ng drayber nang makita niyang bumaba ito ng sasakyan na tila wala sa sarili.
Nakatayo si Evan sa labas ng sasakyan, nakatalikod sa drayber, at mahinang sinabi, "Ayos lang ako. Huwag mong sasabihin kahit kanino ang naganap ngayon, lalo na kay Grandma."
Kinabukasan, alas-siyete ng umaga, tumungo siya sa public relations department. Inasikaso siya agad ni Manager Kim, na nagulat sa kanyang kagandahan. Ngunit para kay Evan, ito ay isang karaniwang araw ng pagharap sa bago niyang buhay.
Si Manager Kim, na naka-receive na ng abiso kaninang umaga, ay ilang beses nang pinag-isipan kung sino si Evan. Ngunit kahit gaano pa siya naghanda, nang makita niya ang magandang babaeng nakangiti sa kanyang harapan, hindi niya napigilang mapanganga.
Ang kanyang kagandahan ay hindi masyadong matapang ngunit kapansin-pansin. Suot niya ang isang damit na may kulay na light blue, lao rin itong nagpapakita ng kanyang payat na pangangatawan. Ang kanyang aura ay kalmado at tila malayo lagi ang iniisip, na kaiba sa mga karaniwang babae ngayon na may mapang-akit na anyo. Ngunit kahit na ganoon, hindi pa rin nito maikakaila ang kakaibang alindog na tila nakakahatak ng atensiyon ng sinumang makakita sa kanya.
Kahit si Manager Kim, na sanay nang makasalamuha ng magagandang babae at madalas nakakita na ng maraming tanyag na personalidad, bahagya paring napigil ng gandang taglay ni Evan ang kanyang paghinga.
"Manager Kim, ako po si Evan." Napansin ni Evan ang kanyang pagkagulat, ngunit inakala lamang niya itong epekto ng kautusan ni Kenneth. Nang hindi pinapansin ang reaksyon nito, muli niyang sinabi ang kanyang layunin, "Narito ako para magtrabaho."
"Ah, oo, tama, tama," sabi ni Manager Kim nang makabalik sa kanyang ulirat. Agad niyang pinaalis ang iba pang mga empleyadong nakikiusyoso at personal na inasikaso si Evan. "Pasok ka rito sa opisina. Hintayin niyo lang, darating na rin ang makeup artist.”
Tuloy-tuloy ang pag-flash ng mga camera sa kamay ng mga reporter, kuha nang kuha ng larawan ng guwapong lalaki sa entablado mula sa iba’t ibang anggulo.Kung ikukumpara sa mga hiyas na dumaan pa sa artificial na proseso, si Christopher mismo ay parang perpektong obra ng Diyos.Tahimik lang na nakatingala si Evann mula sa audience. At doon niya biglang naintindihan kung bakit kahit ilang piraso lang ng mga simpleng litrato sa official website, nagawa nang magkaroon ng milyon-milyong tagahanga si Christopher.Sa mga oras na ‘yon, bawat kilos niya ay puno ng kumpiyansa at pagiging composed—eksaktong aura ng isang lalaking ganap na. Ang hitsura niyang walang kapintasan ay parang makinang na diyamante. At kahit sinong babae na may matinong panlasa, imposible siyang hindi ma-attract.Kung hindi lang dahil sa itsura nitong pamangkin ng kanyang tiyuhin, imposibleng magkrus pa ang landas nila ng isang katulad niyang ordinaryo.Sa madaling salita, wala talagang saysay ang kahit anong iniisip ni
“Aba, paano mo ‘ko gagalawin?” taas-kilay na sagot ni Christopher, sabay ngising nakakaasar. “Kung si Kevin ka mismo, baka kinabahan pa ako. Malamang tumakbo na ‘ko pauwi para umiwas sa gulo. Pero ang totoo, isa ka lang na batang amo ng pamilyang Huete. Sa totoo lang, halos magkapantay lang tayo sa estado. Kung matapang ka, sige nga—subukan mong kagatin ako.”Nakakainis ‘yung ngiting ‘yon. Kahit ang bodyguards ni Kenneth ay ilang ulit napatingin, at halatang nanggigigil na hampasin ang nakakapang-asar na ngiti ni Christopher.Kaya bilang tinamaan sa ego, bigla na lang nagpakawala ng suntok si Kenneth at nakipagbuno sa mga bodyguard nang walang pasabi.Kahit maingat ang mga bantay, hindi pa rin nakaligtas ang gwapong mukha ni Kenneth sa mga pasa’t gasgas. Pero imbes na umatras, lalo lang siyang naging mabangis. Hindi na siya halos makahinga habang nakatitig sa papalayong anyo ni Evann.Hindi na niya alam kung ano pa ang puwede niyang sabihin para pigilan ito. Pakiramdam niya, mula pa n
Napahinto si Kenneth na parang tuliro, at tulad ng lahat ng reporter na sabik marinig ang sagot ni Evann, nakatingin siya sa payat at maliit na babae.Hindi naman talaga mabigat ‘yung tanong, lalo na’t naipaliwanag na ni Evann ang panig niya.Buti na lang at handa na si Evann sa isasagot niya."Mula sa legal na pananaw, kasal pa rin kami." Bahagyang ibinaba niya ang tingin, at matapos sabihin ‘yon, dahan-dahan niyang binuksan ang handbag niya at inilabas ang pulang sertipiko ng kasal na sumisimbolo ng saya at kasiyahan.Sa gitna ng field, walang kaide-ideya ang mga reporter kung ano ang balak gawin ni Evann. Nagkatinginan sila, pigil ang hininga, at halatang may inaasahan.Walang mas masakit pa sa pusong nawalan na ng damdamin. Hinaplos ni Evann ang pulang takip ng marriage certificate na parang may pangungulila, at hindi na niya napigilan ang luha. Umagos ito mula sa sulok ng mata niya at dahan-dahang bumagsak sa sertipiko.Hindi dahil ayaw pa niyang iwan si Kenneth. Ang totoo, nami
Isang bagong paalala ang naka-pin sa itaas ng opisyal na website ng Jewelry store—at sa loob lamang ng ilang minuto, nag-viral ito sa lahat ng social media platforms.Tatlong araw mula ngayon, si Miss Evann, isa sa mga pangunahing designer ng Jewelry store, ay gaganap ng isang press conference sa unang palapag ng Hotel. Si Mrs. Huete, ang opisyal na katauhan niya matapos ang kasal, ang siyang haharap sa media. Lahat ng inimbitahang press ay hinihimok na dumalo sa takdang oras.Sa sandaling iyon, na-excite ang buong media circle. Dahil perpekto ang timing, lokasyon, at personalidad ng bida, nag-uunahan ang mga outlet para makakuha ng spot sa press con.Habang palapit nang palapit ang araw ng event, abala ang mga reporter mula sa malalaking pahayagan—pinag-iisipan ang bawat tanong, sinisiguradong matalim, walang palya, at kayang i-expose si Evann para masakyan ang kasikatan nito.Pero isang araw bago ang press conference, habang pawis-pawis sa paghahanda ang mga core reporters, biglang
Habang nagsasalita pa si Kenneth, bigla na lang nanliit ang mga mata niya, sabay ngiti na parang walang buhay at puno ng pait.Buong puso, iniisip nito ang ibang lalaki. Gaano kababa ang sarili niya para manatili sa isang babaeng gaya nito?Di sinasadyang napatitig si Evann kay Kenneth at nasilayan niya ang malamig at malungkot nitong mga mata.Doon niya nakita — totoong nasasaktan si Kenneth. Nakakatawa... at medyo masakit din.Sobrang makasarili ni Kenneth. Akala niya, iikot ang mundo ng lahat ng babae sa kanya. Na konting pakumbaba lang niya, dapat agad siyang patawarin at iabot muli ang puso nilang winasak niya, para lang ulit masaktan. Parang natural lang na, kahit ilang ulit silang iniwan at sinaktan, dapat ay handa pa rin silang magsimulang muli... na parang walang dangal.Ang naaalala lang niya ay mga pagkukulang ni Evann — ni minsan, di niya inisip kung sino ba talaga ang nagtulak sa kanya sa puntong ‘to. Baka nga ni hindi niya kinilalang tao si Evann. ‘Yung tipong nasasaktan
Pero bago ang lahat, kailangan muna niyang gamitin ang natitirang impluwensya ng tiyuhin niya para turuan ng leksyon si Ella—para hindi masayang ang naging effort nito.Habang naghahalo ang mga lumang sama ng loob at bagong galit sa dibdib niya, bahagyang ngumiti si Evan. Tinarget niya agad ang pinaka-mahinang punto ni Ella. “Puwede kong kalimutan na lang ‘yung nangyari sa Online noon, at puwede rin akong makiusap kay Tito para sa’yo.”Habang sinasabi niya 'to, sadya niyang pinahaba ang tono at tinignan nang may halong aliw ang mayabang at kampanteng expression ni Ella.Kahit papaano, magkapatid pa rin silang matagal na nagsama, kaya minsan, nadadama ni Evan kung ano ang iniisip ni Ella.At sigurado siyang ang nasa isip nito ngayon, kahit galit o punong-puno ng hinanakit si Evan, wala pa rin itong choice kundi magkunwari ng kabaitan at pagpapatawad sa harap ng Tito nila—katulad ng pagpapanggap ni Ella sa harap ni Kenneth.Pero bakit kailangan pa niyang magpanggap sa harap ng tiyuhin n