Share

Chapter 6

Author: Shea.anne
last update Last Updated: 2024-12-01 22:31:48

Napakunot ang cute na mukha ni Ashton at tiningnan si Evan, na walang kaalam-alam sa nangyayari. Palihim siyang kumindat patungo sa direksyon ng hagdan at dahan-dahang itinulak si Evan papasok sa silid.

“Alam ko. Nahihirapan ka Vanvan sa pagpili ng damit ng iyong susuotin, hindi ba?"

Napakurap si Evan, litong-lito, at sinundan ang tingin ni Ashton papunta sa hagdan. Hindi lumipas ang isang minuto at bigla niya ring naintindihan ang lahat. Parang may bombilyang nagliwanag sa kanyang isipan. 

Hindi maipagkakailang sadya ngang konektado ang puso ng isang mag-ina.

Kahit pa nga hindi karapat-dapat si Ella na tumapak sa lugar na ginagalawan niya ngayon, naroon pa rin at hindi siya patatahimikin ng anak nito. 

"Hmp!" matinis na boses ng isang batang babae mula sa itaas ang narinig nina Evan at Ashton.

Si Cheska, na nagtatago sa hagdan at palihim na nagmamanman, ay napapadyak sa inis nang mapansin niyang natuklasan na siya sa kaniyang pinagtataguan. Agad siyang bumaba ng hagdan nang nagmamadali. Dire-diretso ito patungo sa kung saan at hindi pinansin ang dalawang nakamasid sa kaniya.

“Hay nako, siguradong pupunta na naman siya kay Kuya Kenneth para magsumbong!" Nakasimangot si Ashton bago huminga nang malalim. Naglakad na lang siya kasabay ni Evan at panabay silang pumasok sa silid. Inilibot nila ang tingin sila sa loob ng walk-in closet.

"Ang ganda ng panlasa ng daddy ko, ‘no? Kahit alin sa mga ito ang isuot mo, siguradong maganda pa rin ang kalalabasan ng itsura mo, Vanvan.” 

"Si Uncle ba kamo? Siya ang pumili ng mga ito?" tanong ni Evan, nagulat siya sa kaniyang nalaman. Hindi niya maimagine na may kinalaman ang malamig at seryosong lalaki sa makululaynat magagandang damit na nasa harapan niya ngayon.

Kumindat lang habang nagpipigil ng ngiti si Ashton sa kaniya. "Oo, Vanvan. Nagulat ka ‘no? Sabi kasi ni Grandma, masyado na raw siyang matanda para maintindihan pa ang latest fashion ngayong nauuso. Sabi naman ni Kuya Kenneth, wala siyang oras para mag-isip at pumili para sa'yo. Kaya in the end, si Daddy ang pumili ng mga ito, sana magustuhan mo, Vanvan!” masayang pagkukwento ng bata

Ah, ganoon pala. Iyon na lang ang naisip ni Evan. Mahina siyang nagpasalamat sa lalaki dahil pinaglaanan pa siya ng oras nito, kahit mukhang madami siyang ginagawa sa buhay.

Kinuha na lang ni Evan ang pinakamalapit na bestidang kulay light purple. Pero hindi pa nga niya naaappreciate masiyado ang disenyo nito nang masilayan niya ang sobrang mahal na presyo sa tag. Kulang na lang ay mabitawan niya ang hawak sa panlalaki ng mata dahil sa nakitang presyo! Pang-isang buwang gastusin na ng ordinaryong pamilya ang halaga ng isang damit pa lang na ito. Hindi na niya magawang isipin kung paano pa kaya kung pagsasamahin ang presyo ng lahat ng ito.

Bagama't halos dalawang taon siyang naging asawa at nakasama ni li Shao, malinaw pa rin sa alaala na siya ay namuhay ng payak. Palagi niyang pinapanatili simple kahit noon pa man ang lahat sa kaniya, mula sa pagkain, pananamit, at iba pa. Ito ay para hindi isipin ni Kenneth na isa siyang babaeng mapagpanggap at mapagsamantala.

Pero sa huli, ganun pa rin. Sinapit niya pa rin ang sinapit niya sa mga kamay nito.

Habang nakatayo si Evan na may mapait na ekspresyon, matamang nakatingin sa kaniya ang batang si Ashton. Pinilit hinuhulaan ng bata kung ano ang iniisip niya pero nararamdaman nito ang bigat nito. Napabuntong-hininga na lang si Ashton, hindi niya maiwasang makaramdam ng lungkot para kay Evan dahil parang masakit talaga ang naging nakaraan nito.

"Vanvan, mauuna na muna akong bumaba. Magbihis ka na diyan, bilisan mo na rin, at huwag mong hayaan si lola na maghintay nang matagal."

"Sige," sagot ni Evan at tumango.

Mahigit sampung minuto ang lumipas bago bumaba si Evan sa unang palapag at dumiretso sa kusina kung saan nasa harap na ng hapag ang lahat.

Maganda na talaga si Evan mula pa pagkabata. Kaya naman ang suot niyang bestidang kulay pastel ay nagpalabas lalo ng parang porselanang kaputian ng kanyang balat. Napakaganda ng naging hubog ng bestida sa kanyang payat at balingkinitang katawan. Kahit sino ang makakita sa kaniya ay mapapansin ang taglay niyang kaakit-akit na kagandahan ngunit tila marupok siya at madaling mabasag.

Nang makarating siya sa hapag-kainan, unang nakapansin sa kaniya ay si Kenneth, bahagyang tiningnan siya nito ng may mga matang tila namangha, ngunit agad niya itong itinago sa anyo ng pagiging walang pakialam.

Sunod siyang napansin ni Ashton na nakaupo sa tabi ng matandang ginang. Agad itong pumalakpak pagkakita sa kaniya at pinaulanan siya ng taos-pusong pamumuri. “Vanvan, napakaganda mo!”

Nakuha nito ang atensiyon ni Cheska na nakaupo sa kandungan ng kanyang ama. Nanlalaki ang mga mata at hindi maitago ang gulat sa kanyang maliit na mukha ng makita ang ayos ni Evan. Ibang-iba ito sa hindi maalis sa isipan niyang kahabag-habag na anyo nito noon, magulo at mukhang talagang kaawa-awa.

Ngunit ang mga mata ng matanda ay biglang namula at nangilid ang luha sa pagaalala. Agad itong nag-utos sa mga nakaabang na kasambahay. “Pakisabi sa kusina na ihanda ang sabaw na pampalakas. Kailangang ayusin ang diyeta ng pagkain ni Evan mula ngayon. Tingnan niyo naman ang payat na niya! Sabihin niyo sa chef na kailangan niyang isaalang-alang ang kalusugan ng apo ko.” mahabang litanya ng matanda sa mga tagasunod.

“Lola, huwag po kayong mag-alala. Kahit payat poako, wala po akong sakit o kahit ano pang problema sa akin. Kumalma po kayo." nakangiting pagpapahinahon ni Evan sa matanda. Nag-iinit ang puso niya sa konsern nito sa kaniyang kalusugan.

Ngunit hindi pa rin natitinag ang matanda sa pag-uutos kung paano siya aalagaan ng mga katulong. Habang nagsasalita naman ito ay sinamantala iyon ni Evan upang kunin ang pagkakataon na ilibot ang tingin sa kaniyang paligid. Tinitingnan niya kung saan siya pwedeng umupo. Napansin niyang dalawa lamang ang bakanteng upuan sa harap ng mesa, at kataka-takang wala roon si Kevin.

Inisip na lamang niyang maaaring hindi ito sanay na sumali sa hapunan ng pamilya. Sa loob-loob niya, swerte siya dahil niya mapapakiharapan itom Medyo hindi pa rin kasi siya kumportable kapag nasa malapit ito. Mabilis siyang naupo na may munting ngiti sa labi sa kaliwang bahagi ng matandang ginang, katapat niya ngayon sii Kenneth.

Ngunit nanigas siya sa kaniyang kinauupuan nang makita niya ang papalapit na si Kevin. Nahuli lamang pala ito ng kaunti. Napansin ata nito ang naging kilos niya kanina dahil tumaas ang kilay nito at umupo sa upuang orihinal na nakalaan para kay Evan.

Naalala niya ang ginawa nitong pagpili ng kaniyang maaaring isuot na damit kaya’t lumingon siya rito para makapag pasalamat ngunit nang makita niya ang ekspresyon nito, bigla siyang kinabahan at mabilis na ibinaling ang kanyang tingin sa ibang direksyon. Kinakabahan siya ng kaunti kaya ibinaling na lang niya ang kaniyang atensyon sa pakikinig na lamang sa sinasabi ng kanyang lola.

Nang matapos ang matanda sa pagmamando sa mga katulong, siya naman ang binigyang atensiyon nito. "Alagaan mo ang sarili mo Evan. Mahirap na ang magkasakit ngayon, lalo na kung ganiyan ka kapayat. Kailangan mo pa ring bigyan si Cheska ng ilang mga kapatid. Doon lang ako tuluyang magiging masaya," sabi ng matandang ginang.

Bahagyang nanginig ang labi ni Evan. Alam niya na mahal na mahal siya ng kanyang lola, ngunit ang sinabi nito ay nagdulot lang sa kaniya ng munting takot at kaba kaya hindi niya magawang magbigay ng magandang sagot.

Kung hindi lamang dahil nakaupo si Kenneth sa harap niya, na tila may masamang binabalak sa oras na may sinabi siyang hindi nito gusto, at kung wala siya sa ilalim ng kontrol nito, gusto na niyang sabihin ang totoo sa kanyang lola. Sasabihin na niya sana ang lahat kahit ano pa ang mangyari.

"Sige po, susubukan ko." Tumawa si Kenneth upang maibsan ang tensyon, sabay bigay ng matalim na tingin kay Evan bilang babala na huwag magsalita nang kung anu-ano.

Ngunit hindi ito nagustuhan ng batang si Cheska. Kitang kita ang pagsimangot nito at umalis sa kinauupuan. Pumunta ito sa kanyang ama na parang naglalambing. "Ayoko ng mga kapatid, gusto ko ako lang ang prinsesa ni Daddy." nagtatampong pagsusumamo nito sa mukha ng ama.

"Cheska, mag-behave ka. Kahit magkaroon pa kami ng ibang anak ng mommy mo, ikaw pa rin ang magiging pinakamamahal na prinsesa ni Daddy." pangungumbinsi naman ni Kenneth sa anak.

Tahimik na tumingin si Evan kay Kenneth habang nagpapanggap ito bilang mabuting asawa at ama. Sa loob-loob niya, nandidiri siya at nasusuklam sa lahat ng salitang lumalabas sa bibig nito. Sa huli, bahagya na lang siyang tumagilid upang hindi na makita ang eksena.

Napansin ng matandang ginang ang sitwasyon. Nagaalala siya sa tila hindi pagkakasundo nina Yaer at Evan. Hindi siya mapakali sa kaalamang hindi pa close ang dalawa. Ngunit sa kabila nito, alam niyang si Yaer ay laman at dugo pa rin ni Evan. Kaya sa takdang panahon ay magkakaayos din sila.

Napaisip ang matandang ginang at naalala ang bilin ni Kenneth. Agad niyang binago ang usapan.

"Evan, karamihan ng gawain sa kumpanya ay ipinapasa na kay Kevin. Sa palagay ko, magandang ideya na magbakasyon kayo ni Kenneth. Sabihin mo kung saan mo gustong pumunta, ako na ang magpapabook ng tiket." masayang paanyaya ng matanda. Halata rito ang kapanabikan para sa mga plano.

Nang marinig ni Evan na sasama siya kay Kenneth, mabilis siyang tumanggi. Kailanman ay hindi siya sasama sa isang lugar na si Kenneth lang ang kasama. Mamatay muna siya.

"Lola, gusto kong magtrabaho sa kumpanya. Hindi ko po palalampasin na matuto ng iba pang kaalaman, masiyado na pong nasayang ang oras ko sa mga taong nakalipas." mahigpit niyang tanggi sa iminumungkahi ng ginang. Naalala niya pa ang nangyari kanina, hindi pa siya nakakabawi mula sa pangyayaring iyon. Kung hindi dahil sa utos ni Kevin na hanapin si Kenneth, hindi niya alam kung ano na ang mangyayari sa kanya.

"Hm. Tama nga naman! Kapag laging nasa bahay, baka magkasakit ka. Kenneth, humanap ka ng posisyon para sa kanya—yung hindi masyadong nakakapagod pero maganda ang sahod. Siguro’y pwede siyang maging sekretarya, hindi ba Kevin?" sabi ng matandang ginang at tumingin kay Kevin.

Hindi sumagot ang kausap kaya ang maaliwalas na ekspresyon nito ay biglang naging seryoso. Parang may biglang naalala ang matanda kaya ganoon na lang ang pag-iiba nito ng emosyon.

"Kevin, kailan mo ba dadalhin ang nanay ni Ashton dito?" nagtitimping tanong ng matanda may Kevin.

Nagulat si Evan sa narinig.

Simula nang makilala niya ang matandang ginang, hindi pa niya ito nakitang naging ganito kaseryoso.

Hindi ba kasal si Kevin?

Tahimik na hinigop ni Kevin ang tsaa. Walang epekto sa kanya ang tanong ng matandang ginang.

"May plano ako. Huwag na kayong mag-alala.”

Lalong dumilim ang mukha ng matanda. "Kahit hindi mo ako gusto, ako ang iyong ina. May karapatan akong makilala ang nanay ng aking apo at ang magiging manugang ko! Napakahirap ba nito?"

Natahimik ang buong silid pagkasabi nito, binalot ng katahimikan ang buong hapag-kainan, at ang kalmadong ingay ng kutsara na lamang ang narinig. Nang makita ni Evan na galit na ang matandang ginang, ibinaba niya ang kanyang chopsticks. Alam niyang hindi siya dapat makialam sa ganitong usapan, ngunit hindi niya mapigilang mag-alala para kay Kevin.

Ang alam lang niya tungkol kay Kevin ay galing sa mga kwento. Sa ilang beses na nakita niya ito, hindi niya ito lubusang nakilala.

Kung hindi pa namatay si Mr. Huete anim na taon na ang nakararaan at nagpunta ang ama ni Kenneth sa ibang bansa para magpagaling, hindi niya marahil makikita si Kevin sa pamilya.

Alam lang niya na iniwan ni Kevin ang pamilya noong dalawampung taong gulang pa lang siya. Sa tatlong taon, gumawa siya ng pangalan sa mundo ng negosyo. At sa loob ng limang taon, naging tanyag siya.

Ngayon, labindalawang taon ang lumipas, at ang yaman niya ay kapantay na ng yaman ng pamilya Huete sa loob ng isang siglo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 230

    Kinuha ni Evan ang isa, itinupi ang manggas at tinapos ang iniksyon na kalmado ang mukha.Mahigit tatlong buwan na mula nang ma-kidnap siya, pero hindi pa rin bumabalik ang panlasa niya.Hinawakan ang nahihilo niyang noo at umupo sa gilid ng kama. Medyo nagulat siya kung gaano kalakas ang tama ng gamot ngayong beses—mas masakit sa alaala kaysa dati at mas malupit kaysa nakasanayan.Bumagsak siya sa kama, balisa, nakatitig sa pamilyar na kisame sa ibabaw niya.Sa umpisa, sobrang hirap ng gamutan. Para hindi siya magmukhang baliw, nagkulong na lang siya dito araw-araw, walang ginagawa. Sa tagal, kabisado na niya pati direksiyon ng bawat pattern sa kisame.Noon, abalang-abala si Kenneth sa pagmamahal kay Ella at walang pakialam sa kung gaano kalaki ang pinaglaban niya para mabuhay sa desperadong sitwasyon.Hindi niya alam kung ano ang pumasok kay Kenneth, pero kung ginagamit pa rin siya bilang pawn o bigla na lang nagloloko, wala na siyang balak magbago. Para kay Lolo, pipiliin na lang n

  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 229

    Gustong-gusto na talagang murahin ni Evann si Kenneth sa sobrang kapal ng mukha nito.Iniiwasan na niya ito parang salot at wala siyang balak lutuin ng almusal para sa lalaki. Sinamaan niya ito ng tingin. “’Wag kang mangarap. Baka hindi ko mapigilang lasunin ang pagkain mo. Tapos ako pa ang magbabayad ng buhay ko para sa isang kagaya mo. Hindi sulit.”“Tama ka diyan, lEvann, ang talino mo talaga.” Plano sanang itapon palabas ni Christoper si Kenneth, pero naisip niyang mas masarap panoorin kung paano maiirita si Evann sa presensya nito. “Mr. Huete, mas mabuti pang huwag kang sumobra. Huwag mo akong sisihin kung tawagan ko si Sir para sunduin ka.”Pagkarinig sa pangalan ni Kevin, bahagyang kumalma ang hambog na asta ni Kenneth, pero nakatitig pa rin ang mga mata niya kay Evann.At bigla, para bang tinamaan, tumalon siya mula sa upuan at hinawakan nang madiin ang payat na balikat ni Evann. Malamig at nakaka-intimidate ang boses niya. “Evann, ano ‘tong suot mo? Saan ka galing kagabi?”Sa

  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 228

    Pagkagising ni Evann, nagising siya sa sunod-sunod na pagring ng telepono sa studio.Pinunasan niya ang mga mata, bumangon, at kusa nang tumingin sa pinto.Tumigil din agad ang tunog, kasunod ang marahang katok. “Evann, gising ka na ba?”“Teacher…” Pinisil ni Evann ang masakit na sentido, tinanggal ang kumot, bumangon at binuksan ang pinto, tanong niya nang antok pa: “Bakit po?”“Si Ella ang tumawag. Hindi ka raw niya makontak sa cellphone mo,” bahagyang naiilang na sabi ni Christopher habang pinapasa ang mensahe. “May sasabihin daw siya tungkol sa sakit ng mama mo.”Nanlaki ang mga mata ni Evann, kaya agad niyang dinugtungan: “Pero huwag kang basta maniniwala. Gagawin ni Ella ang lahat para makuha si Kenneth. Naalala mo na nagpunta ako sa ospital ilang araw ang nakalipas. Totoong umalis ang mommy mo at nadala sa ospital, pero kung malubha ‘yon, paano agad pinalabas ng doktor?”Kahit may punto si Christopher, dahil tungkol sa ina niya ang usapan, hindi mapakali si Evann.“Teacher, ala

  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 227

    “It’s okay.”Pagkakita niya sa lalaki, biglang naglaho ang pilit niyang tapang. Naiwan na lang ang pagod at ang bigat ng loob.Ibinaling ni Evann ang tingin sa sahig at tipid na ngumiti, parang para sa kanya lang ang sinasabi, “Okay lang ako.”Lalong lumalim ang guhit sa pagitan ng kilay ni Kevin. Kahit hindi niya sinadya, iniwan pa rin niya itong mag-isa nang halos isang oras.Alam niyang may karapatan si Evann na magtampo. Naiintindihan niya sa isip, pero mahirap tanggapin sa puso.Lumapit siya at inalis ang coat niya, saka dahan-dahang isinampay sa balikat ng dalaga. Malamlam ang kanyang mga mata at maingat ang tono ng boses, parang takot siyang masaktan pa ito. “Evann, bakit ka nandito?”Hindi siya sinagot ni Evann. Hindi man lang siya tumingin dito. “Kumusta si Bambie?”“Nasaksihan mo na,” malamig pero mahinahon ang sagot ni Kevin habang nakatingin sa payat at malungkot na pigura ng dalaga. “Nang makita ko si Bambie, himatayin na siya. Para hindi ka maistorbo, nilipat ko siya sa

  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 226

    Malayo sa mabigat na atmosphere ng underground auction house, nakatanaw si Evann sa mga bituin sa labas ng bintana at unti-unting nakaramdam ng ginhawa.Saglit siyang nag-isip, saka bahagyang tumango. “Sige.”“Una kong sasagutin ang tanong mo.” Tumigil ang lalaki sa tapat ng liquor cabinet, kumuha ng bote ng rum, at bumalik na may dalang dalawang baso. “Ampon ako.”Isang sagot na parehong may sense at nakakagulat.Nakahinga nang maluwag si Evann sa pag-alam na hindi pala siya mismo. Pinanood niya itong dahan-dahang magbuhos ng alak at nagsabi, “Ikaw naman ang may tanong.”“Miss, hindi mo ba naisip na baguhin ang lifestyle mo?” Itinulak ng lalaki ang baso papunta kay Evann, saka uminom mula sa sarili niyang baso at umupo nang patagilid sa tapat niya. “Ang ibig kong sabihin, ibang buhay. Ibang landas.”“Siguro, hindi ko alam.” May halong kalituhan ang maliit na mukha. Hindi niya maintindihan kung bakit gano’n ang tanong, pero sinagot niya pa rin ng tapat: “Matagal ko na ring naisip ‘ya

  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 225

    Habang lihim na sinusukat ni Evann ang agwat ng tangkad nila ng lalaki, napagtanto niyang kahit ang pinakamadaling plano ay tila napakahirap gawin. Ang magagawa na lang niya ay subukang ibaba ang depensa ng lalaki.“Tama ka.” Tumango siya, kunwari’y sang-ayon sa baldadong lalaki, sabay kagat sa ibabang labi para magmukhang kaawa-awa — isang ekspresyon na laging gamit ni Ella. Lumapit siya sa lalaki at malumanay na sabi: “Pero mas gusto ko kasi ng mas kapanapanabik na paraan ng laro. Puwede kaya sa inyo iyon, sir?”Bihasa na sa ganitong klase ng laro ang kalbo at agad pumayag. “Sige, sabihin mo.”Unti-unti, nilapit ni Evann ang sarili, sabay inilabas mula sa kamay ang isang pisi na tila mahina at hindi matibay. Mahinhin siyang ngumiti. “Gusto ko kasi ako ang mas aktibo. Puwede ba kitang itali muna? Huwag kang mag-alala, dahan-dahan lang ako at hindi ka masasaktan.”Napakurap ang lalaki, may halong duda sa mata. Umupo ito sa gilid ng kama, tinitimbang ang posibilidad na may ibang pakay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status