MasukTahimik silang naglakad papunta sa dalampasigan. Ang buhangin ay malamig sa ilalim ng kanilang mga paa, at ang hangin ay may halong alat ng dagat at bango ng gabi. Sa gitna ng dalampasigan ay may lamesang may kandilang marahang kumikislap, tila sinadyang ilagay para lamang sa kanila. Umupo si Mirella at marahang inangat ang buhok para ayusin ang strap ng damit. Sa bawat galaw niya, sumasabay ang hangin sa manipis na tela ng suot, kaya napalunok si Cassian habang pinipilit huwag magpakita ng reaksiyon. “Stop staring,” biro ni Mirella, pero may halong hiya sa tono niya. Cassian smiled faintly, pouring wine into her glass. “Can’t help it.” Tahimik silang kumain. Paminsan-minsan, nagtatama ang kanilang mga mata, may mga sandaling parang gusto nilang magsalita pero walang lumalabas. Sa pagitan ng mga tunog ng alon at tahimik na musika mula sa malapit na bar, parang may sariling ritmo ang paligid. “So… do you like it here?” tanong ni Cassian habang nagsasalin ng wine sa sarili niy
Pagkarating pa lamang nila sa Bali, hindi na sila nagpahinga. Halos agad silang lumibot sa mga kalye ng Seminyak, na tila isang paraisong ginintuan sa ilalim ng araw. Sa magkabilang panig ng kalsada ay deretsong nakahanay ang mga mamahaling boutique, mga glass-front store na kumikislap sa mga ilaw ng gabi, naglalaman ng mga koleksiyong karaniwang nakikita lamang sa mga fashion capital ng mundo. Dumadaan sila sa tabi ng mga art gallery, perfume shops, at fine dining restaurants kung saan ang bawat bisita ay bihis na bihis, may kasamang mamahaling halakhakan at ngiti.Sa unang pagkakataon, magkasama sila bilang mag-asawa, hindi dahil sa kasunduan, kundi dahil sa katahimikang tila nagsasabing may bagong simula sa pagitan nila. Sa loob kasi ng limang taon nilang pagsasama, pinaranas ng lalake ang lahat ng pahirap, pangungutya, malamig na katahimikan, at mga salitang mas matalim pa sa kutsilyo. Ginawa niya iyon dahil sa galit. Dahil sa paniniwalang siya ang dahilan kung bakit nagdusa ang
Magkahawak-kamay silang naglalakad papunta sa airport, tila ba isang eksenang matagal nang gustong maranasan ni Mirella. Mainit at mariin ang pagkakahawak ni Cassian sa kaniyang kamay, at para bang ayaw na nitong bitiwan. Ramdam niya ang lakas ng tibok ng puso niya habang magkasabay silang naglalakad sa gitna ng malamig na hangin ng umaga. Hindi naman siya sanay sa ganito, hindi sa isang Lord Cassian Zobel na dati’y halos hindi man lang siya matingnan. Sa apat na buwan nilang pagsasama, ngayon lang niya naramdaman na parang may halaga siya sa mga mata ng asawa. Simula noong aksidente, tila may nagbago sa lalaki, parang may hinahanap itong hindi maipaliwanag, at sa tuwing tumititig ito sa kaniya, may kung anong kirot at pagkalito sa mga mata nito. Sa kabilang banda, si Cassian naman ay tahimik lang, pero sa loob-loob niya’y naguguluhan siya sa nararamdaman. Bakit ganito? Kapag nakikita niya si Mirella, parang may ibang kaluluwang bumubulong sa kaniya, isang pamilyar na presensyan
Mirella’s POV “Ma’am, pinapapili po kayo ni Sir kung ano po ang susuotin niyong damit,” sabi ng personal assistant ni Cassian habang isa-isang inilalabas ang mga mamahaling designer clothes sa malaking luggage. Halos mabingi ako sa lagaslas ng tela at mga kalansing ng mga hanger. Ang mga damit ay puro branded, may Gucci, Dior at Chanel. Puro yata pang-mayaman at pang-modelo. “And requested din po ni Sir na ito po ang isusuot ninyong swimsuit,” dagdag pa niya habang maingat na inilapag sa kama ang isang kulay itim na two-piece na halos hindi ko mawari kung damit pa ba o piraso lang ng tela. Napataas ang kilay ko. “Talaga bang siya pa ang pumili nito?” tanong ko, pilit na pinipigilan ang tawa. “Yes, ma’am. Personal choice daw po ni Sir Cassian,” sagot niya, medyo nakangiti pero halatang naiilang din. Napailing ako habang pinagmamasdan ang mga kasuotang nakalatag sa kama. Fine, aaminin ko, may taste naman siya. Maganda ang mga pinili niyang kulay at style. Classic yet bold. Per
Mirella’s POV Pagmulat ng mata ko, malamig na hangin at pamilyar na amoy ng mansion ang bumungad sa akin. Nasa kwarto na pala ako. Dahan-dahan akong bumangon, pinisil ang tiyan kong kanina pa mahapdi, ramdam ko pa rin ang kirot mula sa suntok ni Liam. Hindi pa rin ako makapaniwala sa natuklasan ko. Dati palang prostitute si Eleanora. Kaya ba sa tuwing nakikita ako ni Cassian, parang lagi siyang may tingin na parang nandidiri? Sa paningin niya, isa akong bayarang babae? Pero… hindi naman ako si Eleanora. Hindi ako ‘yung babaeng ‘yon. Ginagawa ko nga ang lahat para baguhin ang mga kinikilos ko, para hindi ako katakutan ng mga tao, para hindi nila ako kamuhian. Pero habang mas marami akong natutuklasan tungkol sa kanya, mas nararamdaman kong nanganganib ako. Napaka-misteryo ni Eleanora at kabigla bigla ang mga nakaraan niya. Ano pa kaya ang matutuklasan ko sa babaeng iyon? “You’re awake,” Napalingon ako sa pinto nang marinig ang pamilyar na boses. Si Cassian. Nakatayo siya roon
Flashback… Cassian’s POVI watched from the top of the stairs, silent, as the same scene unfolded again. My mother’s voice breaking and my father’s tone like ice.“Where are you going, Rafael?! You’re leaving again?! It’s our anniversary today!” she cried, clutching the edge of his sleeve like it could make him stay.He didn’t even flinch. “I have something important to take care of,” he said flatly, adjusting his cufflinks as if her words were nothing but noise.Mother let out a shaky laugh, the kind that hurt to hear. “So that’s it? Another important errand? Am I really that worthless to you?”Father finally turned, his eyes cold. “Stop it, Lucia. You’re only making a fool of yourself.” His voice was calm. “You’re pathetic.”The silence that followed was heavier than my mother’s sobs. I was just only twenty-one, old enough to understand that my family was about to fall apart.I followed my father that night, keeping my distance as he drove across the city. He stopped at a small apa







