LOGINTAHIMIK na natigilan si Yumi sa mismong bungad ng silid. Madilim, walang ilaw, at masyadong tahimik.Tanging ang malamlam na liwanag mula sa mga gusali sa labas ang pumapasok sa malalawak na glass windows ng villa, sapat lamang upang bahagyang luminaw ang anyo ng mga kasangkapan sa loob.Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Hindi niya inaasahang ganoon ang sasalubong sa kanya, na para bang walang tao sa loob ng kuwarto."Adrian?” pagtawag niya sa lalaki.Dahan-dahan siyang naglakad papasok. Ngunit nang makarating siya sa bandang living area ng master suite, doon niya nakita ang lalaking hinahanap.Nakahiga si Adrian sa mahabang sofa sa tabi ng bintana. Bahagyang nakatagilid ang katawan nito at may manipis na kumot na nakatakip sa kalahati ng katawan habang natutulog.Sa isang iglap, parang may mabigat na bagay na naalis sa dibdib ni Yumi."Adrian..."Agad niyang ibinaba ang handbag sa gilid at mabilis na lumapit. Lumuhod siya sa tabi ng sofa at marahan niyang hinaplos ang noo ng lalaki.
SAMANTALA, mas maaga nang dumating si Yumi sa pribadong silid ng isang upscale restaurant sa BGC na nireserba ni Uncle Victor.Bago siya umalis ng bahay, sinabi niya kay Adrian na magdi-dinner siya kasama ang kanyang tiyuhin at si Gabriel. Bagama't walang sinabi ang lalaki, malinaw niyang nakita ang bahagyang pag-aalinlangan sa mga mata nito.Kung hindi lamang dahil hindi pa ganap na nakakapagpahinga si Adrian mula sa kamakailang pagkakasakit, gusto sana niya itong isama pero pinili niyang huwag na. Kailangan lang niyang tapusin ang dinner at makauwi agad.Habang nasa biyahe, ilang beses siyang nagpadala ng message kay Adrian. Ipinapaalam niya rito kung nasaan siya at kung anong oras siya nakarating. Ngunit wala pa ring reply.Bahagyang kumunot ang noo ni Yumi. Pagkatapos ng ilang sandali, habang pansamantalang lumabas sina Uncle Victor at Gabriel upang sagutin ang isang tawag, agad niyang dinial ang numero ni Adrian.Ilang ring din ang lumipas bago ito sumagot."Hello?"Agad na lumam
KINABUKASAN ng umaga, matapos umalis si Yumi upang bisitahin sina Uncle Victor at Gabriel, isang mensahe mula sa hindi kilalang numero ang natanggap ni Adrian.Abala siya buong umaga kaya hindi niya agad iyon nabuksan. Nang magka-oras siya bandang tanghali at silipin ang cellphone, saka lamang niya nakita kung sino ang nagpadala.Si Mikaela. Matagal na niyang hindi nakikita ang pangalang iyon sa screen. Marahan niyang binuksan ang mensahe."How are you? I heard you weren't feeling well recently. Aalis ako ng bansa bukas. Can we meet tonight?"Tahimik na napatitig si Adrian sa mensahe. Hindi siya agad sumagot.Makalipas ang ilang minuto, isa pang notification ang lumitaw. Mula pa rin kay Mikaela."You once said you would never forget the help my family gave you. I just want a proper goodbye. Otherwise, there are things I could tell Yumi myself. But I don't want to do that."Bahagyang tumalim ang tingin ni Adrian, saka tahimik niyang ibinaba ang cellphone. At kasabay niyon ay unti-untin
TAHIMIK na nakatingin si Adrian sa asawa matapos marinig ang pag-amin nito. Bahagyang gumaan ang ekspresyon ng lalaki, ngunit kasabay no’n ay may lumitaw ding guilt sa mga mata nito.“I’m sorry,” mahina nitong saad.Agad namang napakunot-noo si Yumi.Mukhang may gusto pang sabihin si Adrian, ngunit bago pa ito makapagsalita ay marahan nang inilapat ni Yumi ang daliri sa labi nito upang pigilan siya.“Axel already explained everything to me,” mahinahon nitong saad. “Nando’n ka para sa trabaho. At hindi mo kontrolado kung may biglang lalapit o gagawa ng issue.” Bahagya siyang huminto bago marahang ngumiti. “Nobody can be perfect all the time, Adrian.”Tahimik lamang na nakatingin sa kaniya ang lalaki.“Stop apologizing,” dugtong ni Yumi habang diretso itong nakatitig sa mga mata nito. “Hindi ba sapat na naiintindihan kita?”Bahagyang napaangat ang kilay ni Adrian bago tuluyang natawa nang mahina.“The most understanding woman in the world…” mababa nitong saad habang marahang hinahaplos
BAHAGYANG nanginig ang balikat ni Yumi habang mahigpit pa rin ang yakap kay Adrian. Mainit ang paghinga niya laban sa balikat ng lalaki at ramdam na ramdam ni Adrian ang takot sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito.“I was really terrified…” mahina nitong bulong. “Noong nakita kitang walang malay sa hospital… pakiramdam ko mawawala ka na talaga.”Tahimik lamang na natigilan si Adrian. Unti-unting bumigat ang ekspresyon nito habang nakatingin sa babaeng nasa mga bisig niya. Sa unang pagkakataon matapos ang aksidente, malinaw niyang naramdaman kung gaano katindi ang takot na pinagdaanan ni Yumi.Dahan-dahan nitong iniangat ang kamay upang punasan sana ang luha nito, ngunit nanatiling nakayakap si Yumi at ayaw bumitaw.“When you were unconscious…” nanginginig pa rin ang boses nitong saad, “gusto ko lang manatili sa tabi mo. Hindi ko alam kung ano gagawin ko kapag iniwan mo ako.”Tahimik na napapikit si Adrian. Kahit noong mga panahong mahal na mahal ni Yumi si Clyde, bihira niya itong
MARIING napapikit si Yumi habang mahigpit ang hawak sa cellphone.“Hindi ka talaga marunong makinig,” mababa nitong saad habang pinipigilan ang inis at pag-aalala sa boses. “Nandiyan sina Lola Chandria, Mang Lito, at private nurses para bantayan ka. Hindi mo kailangang gumala.”Mahina namang natawa si Adrian mula sa kabilang linya.“They’re too noisy,” kalmado nitong sagot. “At gusto kitang makasama nang tahimik.”Bahagyang natigilan si Yumi matapos marinig iyon.“You really are…” mahina nitong bulong habang napapailing.Kanina lamang ay galit at sermon ang gusto niyang ibigay sa lalaki. Ngunit matapos marinig ang simpleng dahilan nito, unti-unting nawala ang inis niya.Ano pa bang magagawa niya kung ganoon ang sinabi ni Adrian?Tahimik siyang napabuntong-hininga bago muling nagsalita.“Anong sabi ng doctor?” diretsahan nitong tanong. “Nagpalit ba ulit ng dressing today? Uminom ka ba ng gamot?”“Yes,” maikling sagot ni Adrian. “Axel handled everything.”Bahagyang gumaan ang pakiramdam







