ISANG hapon, habang nag-aayos ng mga lumang dokumento sa drawer, napunit ni Yumi ang marriage certificate niya. Hindi naman niya iyon sinasadya, manipis na ang papel, at medyo luma na. Pero nang mabuo niya uli ang punit-punit na dokumento, may kung anong kaba ang gumapang sa dibdib niya, isang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Kaya kinabukasan, nagtungo siya sa Local Civil Registry ng Maynila para mag-request ng replacement. Pagpasok niya, tahimik ang opisina. Sa likod ng salamin, tiningnan ng clerk ang dala niyang certificate, saka nagtaas ng kilay. “Ma’am,” maingat na sabi nito habang nagta-type sa computer, “wala po kaming marriage record under your name.” Napakunot ang noo ni Yumi. “N-No. Two years na akong kasal, Miss.” Iniabot niya ang napunit na certificate at pilit ipinakita sa kaharap na babae. Paulit-ulit naman na nag-check ang clerk. Sa huli, iniikot nito ang monitor papunta sa kanya upang ipakita ang nasabing record. “Wala po talaga, Ma'am. I'm sorry po. At…” tumi
Last Updated : 2026-03-08 Read more