Share

The Fallen Billionaire Son-in-Law
The Fallen Billionaire Son-in-Law
Author: WavesofWords

Chapter 1 - News

“Ako na diyan, Sir…” 

“Hindi na, Alice. Ako na rito,” magalang niyang tanggi sa tagasilbing nais siyang palitan sa pagluluto. 

Hilaw halos ang ngiti ng katulong habang seryosong ginagawa ni Brent ang magiging tanghalian ng Shen, ang pamilya ng kanyang fiancé. 

Noon pa man, pansin niya na hindi siya tanggap ng pamilya. Kung tanggap man, pinagmamalabisan din at hindi itinuturing na fiance ng kanilang anak kundi bilang tagasilbi lamang. He was ridiculed and mocked after his parents left him to the Shen. 

Iniisip lagi ni Brent na marahil ay may rason ang kanyang pamilya kaya ginawa iyon ngunit habang tumatagal, sa pakikitungo ng Shen sa kanya, hindi niya maiwasang magtanim ng sama ng loob para sa kanyang pamilya. 

Gustong gusto niyang umalis at tanggihan ang planong iyon ngunit dahil din sa banta sa kanya ng makapangyarihang pamilya, hindi niya magawa. 

Dinala ni Brent ang kaniyang niluto sa malaking lamesa. His fiancé looked at him meaningfully, trying to weigh his reaction everytime he’s being tormented by her own mother. 

“Dito kana sa tabi ko, Brent,” his fiancé offered and patted the chair beside him. 

“Anais,” the woman called firmly. 

Ang kakadating na si Emelda Shen, ang ina ni Anais Shen, ay kapansin-pansin agad ang matalim at mapanghusgang tingin kay Brent habang may dala itong pamaypay at suot lahat ang alahas na kumikinang sa bawat sulok ng kaniyang katawan. 

“Hindi na,” Brent shook his head and stepped backwards. 

“Mama,” Anais called softly. 

The woman took her seat coldly. Tiningnan ang nakahandang pagkain at muling tiningnan si Brent na hinihintay ang pagpapasya, kung kailan ito paaalisin sa harapan nila. 

“Huwag mong kalimutan ang posisyong mo sa pamamahay na ito. Your parents abandoned you because you’re a nobody. Magpasalamat ka pa nga at tinanggap kita sa pamamahay na ito para may masilungan ka at makain,” paalala ni Mrs. Shen kay Brent na yumuko na lamang. 

Tumango si Brent, halos basain ang pang-ibabang labi kahit labis na kirot iyon sa kanyang puso. He’s always being ridiculed ngunit kahit kailan ay hindi ito lumaban, hindi nagsalita at hinayaan na maliitin siya. 

“Mama, hindi kasalanan ni Brent kung—“

“Shut up, hija. He’s nothing to our family now. Oo at pumayag ako noon na magpakasal kayo dahil may maitutulong iyon sa ating kumpanya ngunit ngayong tinanggalan siya ng mana at inabandona pa ng sariling magulang, wala na siyang silbi sa atin. Ang rason kung bakit hanggang ngayon ay pinagtitiisan ko siya rito para may tagasilbi sa’yo. Iyon lang. Ngunit hindi mo na siya fiancé hija. I won’t let him drag you down. You’re a Shen. You deserved an upper-class men. Not just a… nobody,” her disgusted expression reflected in her face when she looked at Brent. 

“Mama!” halos mairita si Anais sa narinig, nanlulumo nang nilingon si Brent na nakayuko na lamang, at pagalit na tiningnan ang ina niyang walang ka rea-reaksyon na ginalaw ang pagkain. 

Anais likes Brent. Hindi man kasing lalim sa puntong mahal niya ito, ngunit lagi siyang nakakaramdam ng awa sa tuwing malupit sa kanya ang sarili nitong ina. For her Brent doesn’t deserved to be treated like a rat. 

Kahit man kasunduan lang ang nangyari noon at ipinagpares sila dahil sa mayamang pinanggalingan ng kanilang pamilya, hindi niya kailanman inugali ang pangmamaliit sa mga taong nakapaligid sa kanya. She respects everyone who deserves to be respected. 

And that’s what Brent like about Anais. Wala man siyang nararamdaman para sa dalaga noong unang pinagpares sila, nakita niya noong nasa ibaba na siya kung gaano naiiba si Anais sa mga Shen. She’s not like their clan. Her intentions are pure like cystal waters and she never humiliated him. 

Lumabas si Brent pagkatapos ng mga pinagsasabi ni Mrs. Shen sa kanya para magpahangin at maglabas ng sama ng loob sa labas ng mansyon. Ngunit ganoon na lamang ang kanyang gulat nang may humintong magarang sasakyan sa kanyang harapan. 

The familiar housekeeper went outside. He stopped and looked at the housekeeper curiously. 

“The Lord wants to talk to you, Sir,” the housekeeper said formally. 

Kuryoso at hindi niya maintindihan ang nangyayari. Lalo na’t alam niyang may galit sa kanya ang kanyang Lolo dahil sa nangyari sa kanyang parents. Hindi siya tanggap nito. At ito rin ang sinisisi ni Brent kung bakit nawawala ang kanyang mga magulang. 

“Anong kailangan niya sa akin?” malamig niyang tanong at walang balak na kausapin ito. 

The chauffeur of the luxurious car went outside and opened the door for him. Iminuwestra ng babaeng housekeeper na nasa early twenties na pumasok si Brent sa loob. 

Umiling si Brent at pumasok. Kahit galit na galit, may parte sa kanya ang gustong marinig ang sasabihin nito. Alam niya rin naman sa sarili na kahit tanggihan niya ang usapan, makakahanap ng paraan ang kanyang Lolo na dalhin siya sa mansyon. 

Tahimik niyang tiningnan ang labas ng bintana habang iniisip kung anong klaseng pag-uusap ang mangyayari. Baka naman mamamatay na? Wala sa sariling isip niya at napangiwi. 

“May sakit ba?” malamig niyang tanong sa housekeeper na tahimik lamang sa kanyang gilid. 

“Wala, Sir…” 

Umangat ang kanyang kilay doon. That old man is a demon. Of course he’s healthy. Iyon ang tumatakbo sa kanyang isip na isinawalangbahala niya na lamang hanggang makarating sa mansyon. 

The big mansion reminded him of those big house in Europe owned by some Royalties. It was luxurious and vintage. Iginiya siya papasok. Ang mga katulong ay isa isang yumuko nang makita ang kanyang presensya. 

Tumingala siya at nakita kung gaano ka ganda ang ceiling. It was painted with angels looking down to welcome a god like him. But it was just one of his delusions because he knew to himself that the Lord will never consider him as one of the heirs. 

Umakyat sila sa enggrandeng hagdan at ang mismong housekeeper ang kumatok bago siya pinagbuksan nito ng pinto. He thanked her and proceeded in the room. 

Nakita niya agad ito sa high windows kung saan nakabukas ang mga high curtains at kitang kita ang labas. Nakapamulsa ito sa slacks suot ang mamahaling coat at ang kulay ng buhok ay makikita agad ang katandaan. 

“May kailangan ka sa’kin?” malamig niyang tanong. 

The Lord didn’t flinch. Tiningnan niya ang kulay gintong sungkod nito na hinahawakan na kahit ang parte ng kanyang mukha ay tila umuusok. He’s probably smoking some tobacco. That’s what he insinuated. 

“I have a news for you. Take a seat,” the Lord ordered. 

Tumikhim siya at naglakad sa bakanteng malaking sofa. Pumangalumbaba siya roon at tiningnan ito nang maigi. 

“Your mother died…” the Lord said nonchalantly. 

Brent’s eyes widened. Napatayo siya at gumalaw ang panga sa nalaman. The Lord glanced at him. Brent glared at the Lord intensely. Ang galit na itinanim niya para rito ay lumaki lamang at gusto niyang sisihin ito. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status