Share

Chapter 2 - Touch

Ang balitang iyon ay labis na nagpagimbal kay Brent. Hindi niya halos maisip kung ano ang sinapit ng ina para ganoon ang mangyari. 

Nanatili siyang nakaupo, halos gulat at hindi alam kung ano dapat ang gagawin. 

“Ikaw lang ang tagapagmana ko. Ngayong wala na ang ina mo, ikaw din ang magmamana ng iniwan niyang mana na mapupunta sa pangalan mo,” ang matanda na malamig ang tingin kay Brent. 

Gumalaw ang panga ni Brent. Namatayan siya ng ina ngunit hindi niya lubos maisip na ang iniisip pa rin ng matanda ay ang kanyang mana na hindi niya naman kailangan. 

His chest clutched. Yumuko siya at mariing pumikit habang hinahawakan ang kanyang buhok. Huminga siya nang malalim at naisip ang huling sulyap niya sa kanyang ina. 

Kahit galit siya sa kanyang mga magulang dahil sa pang-iiwan sa kanya, hindi siya ganoon ka sahol para hilinging mawala na lamang sana ito. Mas gugustuhin niyang iniwan siya nito kaysa iyong malaman niyang wala na nga ito. 

Wala sa sariling tumayo si Brent, ni hindi na sumulyap sa matanda at parang multong naglakad palabas ng silid na iyon. Hindi niya halos namalayan kung paano siya umalis lalo na’t noong huminto, nasa harap na siya ng fountain ng hardin sa harapan ng mansyon. 

Tumingala siya sa langit. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman ngunit nangibabaw agad ang pangungulila niya, ang panghihinayang para sa namayapang ina. 

Kinausap niya ang housekeeper at nagpahatid na lamang sa kumpanya ng mga Shen para puntahan ang kaniyang fiancé. Hindi niya alam kung para saan ang pagpunta roon ngunit wala siyang ibang mapuntahan pa habang nagluluksa. 

“Sir,” ang isa sa bodyguard ng kanyang fiancee ang pumigil sa kanya nang lapitan niya ito pagkatapos makarating sa kumpanya. 

Alam niyang wala ni isa sa kanya ang itinuturing siya nang maayos. Everyone thinks he’s a loser. Ganoon din ang tingin ng mga security ni Anais sa tuwing nakikita nila si Brent. 

“May appointment si Ma’am Anais at kabilin-bilinan ni Mrs. Shen na hindi mo siya pwedeng isturbuhin, Sir,” ang matabang na tinig ng lalakeng bodyguard. 

Tatlo ang nakabantay sa labas ng opisina ni Anais. Gusto niya mang pumasok para yayain ang fiancé na mag lunch ay hindi siya pinapagbigyan ng mga ito. 

“Lunch break na. Kakain lang kami,” si Brent sa seryosong tinig. 

“Hindi ka ba nakakaintindi? Bingi ka ba? Ang sabi namin, may importanteng appointment si Ma’am. Hindi mo siya pwedeng guluhin,” isa sa mga bodyguard ang tumulak sa kanyang balikat sa iritasyon. 

Kumuyom ang kamay ni Brent at gumalaw ang panga. Naghahari ang emosyon sa kanya lalo na’t sa nalaman, wala na siyang panahon pa para sa ganoong bagay. 

“Nandiyan na,” senyas ng isa pang bodyguard sa kanyang dalawa pang kasama. 

Naging alerto agad ang mga ito. Irita siyang hinawi ng isa sa kanila at sinenyasang umalis. Ibinulsa ni Brent ang kamay at paatras na tiningnan ang kakarating lamang. 

Mabilis na umangat ang kanyang kilay nang agaran niyang nakilala kung sino ito. Ang bagong tagapagmana ng mga Ocampo na si Samuel Ocampo ang kakarating lamang suot ang tuxedo kasama ang tatlo nitong gwardya. 

Mas bata ito sa kanya ng ilang taon. Hindi man siya kilala nito, kabisadong-kabisado niya kung sino ang kalaban niya pagdating sa business. 

Pinagbuksan agad ito ng pinto ng mga tauhan ng Shen at pinapasok. Nakita niya ang pagluluwag nito sa kanyang neck tie at nagawa pang ngumiti habang pumapasok na. 

Namaywang si Brent at halos magtagis ang bagang nang mapagtanto niya ang isang bagay. That motherfucker likes Anais… Iyon ang halos ibalibag niya sa kanyang isip kasama ng kaniyang namumuong galit. 

Hindi pa nakakagalaw si Brent sa kinatatayuan, irita pa sa naiisip nang matanaw niya ang pagbukas muli ng pinto at ang fiancee niyang lumalabas kasama si Samuel. 

“Hindi ako bakante ngayon, Samuel…” rinig niyang tanggi ni Anais sa lalake. 

Tumikhim siya at seryosong lumapit sa fiancee. Napabaling si Anais sa kanya. Kahit nakikita ni Brent ang iritasyon ng mga tauhan ng mga Shen sa kanyang paglapit kay Anais, hindi niya iyon pinansin. 

“Kanina ka pa?” tanong ni Anais kay Brent na sumulyap pa kay Samuel sa malamig na paraan. 

Lumandas ang ngisi ni Samuel at tiningnan si Brent sa nakakalokong paraan. Alam ni Brent na pinagkakalat na ni Mrs. Shen kung gaano siya ka baba ngayon. At sa tingin pa lamang ni Samuel na namulsang pinasadahan siya ng tingin at mayabang ang ngisi, alam niya na agad ang iniisip nito. 

“Ikaw siguro ‘yung tinutukoy ni Mrs. Shen na wala raw kwentang fiancee ni Anais?” halakhak niya na mabilisang ipinagsalubong ng kilay ni Anais. 

“Kaya naman pala…” patuloy nito at natatawa pa ring tiningnan si Brent. 

Parang binging walang narinig si Brent at tiningnan si Anais na namumula. Hindi niya alam kung galit ba o ikinakahiya na si Brent dahil mababa ang tingin sa kanya. 

“Kumain na tayo, Anais,” ani Brent. 

Tumango si Anais at sumulyap kay Samuel na suot pa rin ang mayabang na ngiti. 

“Anais. Mag-uusap pa tayo,” si Samuel na hinawakan ang pulso ni Anais. 

Mariing tiningnan ni Brent ang kamay nitong hawak ang kamay ng kanyang fiancee. 

“The Shen’s company needs an ally right now and I can help. Let’s talk and I’ll tell you the details about it…” 

Kitang kita ni Brent ang pagbabago ng ekspresyon ni Anais. Ramdam niya na nakumbinsi nito si Anais sa kanyang sinabi. 

“Iwanan mo na ‘yang walang kwentang ‘yan,” halakhak muli ni Samuel sabay sulyap kay Brent na nagtitimpi lang at hindi siya suntukin. 

Nilingon siya ni Anais. Mabilis na sumulyap si Brent sa kanya at lumambot ang tingin. 

“Mag-uusap lang muna kami. Umuwi kana muna, Brent,” si Anais sa seryosong tinig. 

Gustong magprotesta ni Brent. Hindi siya sang-ayon sa plano ni Anais lalo na’t kilala niya si Samuel. Madumi ito kalaban. Alam niya ang mga baho nito kaya ngayong lumalapit sa mga Shen, iba na agad ang kanyang naaamoy.

“You didn’t hear her, dude?” si Samuel sa mayabang na tinig at hinila pa ang braso ni Anais palayo kay Brent. 

Gumalaw ang panga ni Brent. 

“Don’t fucking touch her,” halos sumabog siya at gustong hilain pabalik si Anais sa kanyang gilid ngunit nagsalita agad si Anais.

“Brent,” she called seriously and shook her head for a signal. “Mag-uusap lang kami. Umuwi kana.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status