Share

Chapter 4 - Low Profile

Walang kaalam alam si Anais na seryoso si Brent sa sinasabi niyang tutulong siya sa problema ng mga Shen sa kumpanya. Kahit na malupit ang mga ito sa kaniya, ayaw ni Brent sa ideyang ang Ocampo ang tutulong sa kanila lalo na’t ang huling ginawa ni Samuel sa transaksiyon nito sa isang proyekto ay hindi maganda. 

“May balak kayong gumawa ng panibagong kumpanya, Sir?” the manager of his company asked when he decided to talk to him privately. 

Brent established his own company privately. Isa ang kaniyang kumpanya sa malaking business na palihim niyang pinapamunuan. Ang rason kung bakit kilala niya si Samuel dahil isa ito sa gustong pabagsakin at higitan ang kaniyang itinayong kumpanya ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya mahabol habol nito. 

Tago sa publiko ang kaniyang tunay na pagkakakilanlan. Tanging ang manager na namamahala ngayon sa kaniyang kumpanya ang nakakaalam na siya ang nasa likod ng maunlad na kumpanya. 

“I will. Set some meetings for the stockholders,” si Brent sa seryosong tinig, malayong malayo sa mga nakaraang araw kung paano ito makipag-usap sa mga Shen. 

He’s like one of those ruthless man in the City who’s silently watching his preys in the dark. Maingat at matalino si Brent. Kaya niyang paglaruan at paikutin sa kaniyang mga palad ang nakapaligid sa kaniya para pag-aralan ang mga ito kung paano itataob nang walang kahirap hirap. 

Ang rason kaya ni isa ay walang nakakahila sa kaniyang maunlad na kumpanya dahil sa ugaling ito. He’s sneaky. He’s dangerous. Ngunit ang kilala ng mga Shen ay taliwas sa tunay niyang pagkatao. Tila maskara na isinuot para itago ang tunay na siya bilang proteksyon na rin sa kaniyang sarili. 

He knew his life is in danger. Alam niyang hindi normal ang ikinamatay ng kaniyang ina. Bukod sa nag-iisa siyang tagapagmana, alam niyang sinadya ng kaniyang mga magulang na alisin siya sa puder ng matandang iyon para palabasing tinanggalan ito ng mana. 

Ngunit wais si Brent lalo na’t alam niyang higit pa roon ang rason. Nagpapanggap siyang walang alam ngunit matagal niya nang nahimay himay ang mga iyon. 

Ngunit hindi niya pa rin magawang hindi magalit dahil sinisisi niya ang kaniyang sarili kaya humantong ang lahat sa ganoon. 

“You’re planning to fund the Shen?” kalmadong hula ni Mr. Santiago, ang kaniyang manager. 

Sumimsim si Brent sa whiskey na nasa harapan. Ang pait ay mabilis na dumaloy sa kaniyang lalamunan. 

“The Ocampos are after them. Ayoko sa humahalili ngayon sa kanilang kumpanya. Madumi ang Samuel na ‘yon at ilegal pa ang ibang mga transaksyon niya,” si Brent na seryosong nakasandal sa swivel chair at bukas na ang iilang butones ng itim niyang shirt. 

Medyo natawa si Mr. Santiago. He’s on his thirties but Brent exceeded his expection when it comes at project planning. Matalino ang batang ‘to pero parang babae rin ang magiging kahinaan… Iyon ang naiisip niya kaya natatawa siya. 

Brent sipped on his drink again. Nangingiting nagsalin si Mr. Santiago at handa nang ibulgar ang naiisip. Kahit alam niyang baka mawalan siya ng trabaho sa maaari niyang sasabihin. 

“Ang Ocampo ba… o mismong anak noong mga Shen?” halos matamis ang ngisi ng lalakeng nasa early thirties na. 

Natigilan si Brent. Hindi halos naituloy ang pag-inom habang si Mr. Santiago ay desididong mang-asar. 

“Nakita ko ‘yon noong nakaraang linggo. Maganda. Iba talaga pag may lahing Chinese. Mapuputi. Hindi ako magtataka kung—“

“Ang Ocampo ang rason kaya ko gustong tumulong, Tiago,” depensa agad ni Brent sa seryosong tinig. 

“Ilang beses kanang hinahamon ng mga Ocampo sa business, Brent. Ni minsan hindi ka nasindak o natinag man lang sa kanila. Ni hindi mo ‘yan napaglalaanan ng oras tapos ngayon…” halos lumandas ang ngisi ni Mr. Santiago sa labi kahit pakiramdam niyang huling beses na ngiti na iyon dahil sa mariing titig ni Brent. 

“Wala akong interes ngayon sa babae,” malamig na tugon ni Brent at muling sinimsim ang inumin kahit pumapasok sa kaniyang isip ang mukha ni Anais. 

I’m not that thirsty… But come to think of it, Brent. When was the last time you touch a woman? Fuck. Nagkasalubong tuloy ang kilay ni Brent at gustong lunurin ang sarili sa alak dahil sa naiisip. Hindi pa nakakatulong ang nanunuyang ngiti ni Mr. Santiago sa kaniya kahit wala nang sinabi tungkol doon. 

Tumunog ang kaniyang cellphone. Tumayo siya at dinukot iyon sa kaniyang bulsa para sagutin ang tawag na nanggagaling sa housekeeper lalo na’t hinihintay niya rin iyon. 

“Alice,” ang seryoso niyang tinig habang naglalakad patungo sa high windows ng opisina. 

“The Lord agreed to send you a billion dollar, Sir…” 

Hindi iyon ikinagulat ni Brent. Doble ang kinikita ng kaniyang kumpanya at sanay siya sa ganoong pera. Ngunit ayaw niyang galawin ang sariling pera sa kaniyang kumpanya kaya iyon ang naisip na solusyon sa kaniyang plano. 

Pagkatapos ng tawag na iyon ay binalikan niya si Mr. Santiago sa mesa. Kinuha niya ang coat at nagpaalam nang umalis. 

“Uuwi kana sa fiancee mo?” nanunuya ang tinig ni Mr. Santiago at nagkukunwari na lamang na seryoso. 

“I’m unemployed, Mr. Santiago. Hindi dapat ako busy at naroon lang sa kanilang puder,” depensa naman ni Brent at inaayos pa ang damit na medyo nagusot. 

Ngumiti si Mr. Santiago ng palihim. 

“Baka maisip din ng fiancee mo na nambababae ka…” 

Brent glared at him. Gusto niyang umalma sa paratang ngunit ramdam niya ang pang-aasar nito sa kaniya kaya nagkunwari na lamang siyang hindi siya affected doon kahit gustong gusto niyang ipagtanggol agad ang sarili sa bintang. 

Mambababae pa ba ako eh nakatali nga ‘di ba? Biyanan pa lang no’n… Iyon ang iniisip niya habang papauwi na at nadatnan ang isang pagtitipon tipon sa mansyon ng mga Shen. 

Nakilala agad ni Brent kung sino ang mga naroroon lalo na’t kapansin pansin ang dugong Chinese ng mga bisita. Ang party ay halatang ginawa para sa Reunion ng kanilang mga kamag-anak at parang ang pagdating ni Brent ay naging dagdag lamang sa kahihiyang pinapaligo sa mga pinsan ni Anais na pinagkakaisahan ito. 

“You’re a Shen and yet you act like a low profile. I mean… kahit iyong fiance mo… hindi ganoon ka gara tingnan,” isa sa mga pinsan ni Anais iyon. 

Hilaw na ngiti ang binibigay ni Anais kahit labag sa loob niya ang pakinggan ang mga insultong binabato sa kaniya ng kaniyang mga kamag-anak. They’re highclass. Mga upper-class elite na ginagawang katatawanan ang pagkakalugmok ng kanilang kumpanya ngayon. 

“Look at yourself, Anais. Ginawa mo atang make-up ang problema niyo ngayon sa kumpanya kaya mukha kanang losyang,” biro ni Dianna, ang spoiled brat niyang pinsan na isa sa pasimuno ng pangmamaliit sa kaniya. 

“Oh… Dianna. Nandito na ang fiance ni Anais…” siko ni Michelle nang matanaw ang kakarating na si Brent at mukha na namang normal na tambay dahil sa simpleng suot.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status